Chereads / The Baklush Has Fallen / Chapter 42 - Chapter 41 : Unforeseeable Confession

Chapter 42 - Chapter 41 : Unforeseeable Confession

Maundy's POV

Hindi ko pa rin malimot-limot 'yong sinabi ni Kuya Ion kaninang balakid. Ano naman kaya 'yon, 'no? Bakit kaya bigla akong kinabahan nang sabihin niya 'yon? Nako! Baka ini-echos lang kami ni Kuya Ion.

Pero, ha, hindi ko inaasahan na pinsan ko pala siya, kaya nga nang itanong ko kung ano ang apelyido niya ay nagulat talaga ako nang sabihin niyang Marice siya, kaya pala ubod siya ng gwapo, nasa lahi na siguro talaga namin ang magaganda at gwapo, 'no?

Pero, teka nga, asan na ba ang Chal Raed na 'yon? Kanina pa 'yon umalis, eh, bibili daw siyang chichirya, pero sampung minuto na yata ang lumipas, eh, wala pa rin si Baklush.

"Excuse me, Miss," sabi ng isang babae na biglang lumapit sa'kin.

"Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ba kasama mo 'yong gwapo at hot na lalaki? 'Yong nakasando lang? Yayamanin ang itsura at—"

Pinutol ko na siya sa sasabihin niya dahil huta parang kinakabahan ako! "Ano bang nangyari sa kanya?!" tanong ko, nyeta kinakabahan talaga ako na ewan. Iyong itsura niya kasi, eh, parang 'di maiguhit!

"Sinusulot siya sa'yo ng iba," sagot niya. Napataas tuloy ang kilay ko. Akala ko ano na, eh—pero ano raw? Sinusulot? Aba! Nyeta, sinong sumusulot?!

"Saan siya?"

"N-Nasa may tindahan, puntahan mo na at mas chickabebs pa sa'yo 'yong sumusulot sa boyfriend mo."

"Hoy! Wala ng mas gaganda sa'kin, huwag kang pafake news diyan, tsaka hindi ko pa siya boyfriend. T-Teka, sabi ko ba hindi pa?" tumango naman siya habang todo ngiti, "mali 'yong nasabi ko, hindi ko siya boyfriend, 'yan dapat."

"Aysus! Oo na, puntahan mo na, huwag kang dada nang dada at baka kinama na 'yong MAGIGING BOYFRIEND MO," matapos sabihin 'yon ay maarte siyang tumakbo. Buti na lang at 'di mahaba 'yong buhok niya kaya 'di ko 'yon nahila agad. Hmm, swerte mo, Te.

Nang mahanap ko si Chal Raed ay nakita ko nga siyang inaabangan ng isang Chikabeb, "ey, Honey, why are you here alone? Do you want to play with me?" tanong pa niya. Harot-harot! Huta!

"Excuse me, but I don't have any time to play with you. Kanina pa ako hinaharang ng mga babae, eh, and you're the fourth one, medyo naaasar na ako," hoy, nyeta! Ano 'to nagpatentero sila? Isa laban sa apat? Wow, so fair amp, "kaya please move and let me pass," pakiusap pa niya. 

"Oh, I guess they were my friends. Kanina ka pa kasi namin napapansin. 'You're so handsome and so hot!" super harot niyang sabi.

Haay! Sinasabi ko na, eh, hindi dapat nagsasando at nagbibrief lang 'tong lalaking 'to, eh, chares! Naka short pala siya.

"I know," wow, humble! "but, this handsome looks and hot figure is meants for someone already. So, just please move."

Meant for someone?! S-Sa akin? Ayiiee—pwe!

"Oh, Honey, we don't care! Let's play, just one night," huta! Keharot ng Chikabeb na 'to!

"Darling, please, play with us first before you leave," sabi no'ng panibagong maharot na Chikabeb na bigla na lang sumulpot. Pero, us? So kampi-kampi sila?! Huta, ang daming sumusulot kay Chal Raed, ha.

"Come on, Darling, don't say no to gorgeous girls like us," sabi naman ng isa pang Chikabeb na bigla ring sumulpot kasama 'yong isa pa.

"Disgusting," maarteng sabi pa ni Chal Raed. Gusto ko tuloy matawa. But wait, ano bang trip ko at nagtatago ako? Hay, loka-loka, buti na lang talaga, Maundy, over ka sa ganda, bawing-bawi!

"Just one night with four gorgeous girls, game?" maharot na tanong ni Chikabeb 1. Duh, makipaglaro siya sa bilbil niyang sampung kilo!!

Umalis na ako sa pagkakatago ko nang mag-umpisa silang hawakan ang perkpektong biceps ni Chal Raed! Huta kasi, lahat talaga ng sando niya ay susunugin ko at bibigyan ko siya ng puro long sleeves na damit!

"Hoy, alis-alis!" pagtataboy ko pa sa kanila. "Sinong nagbigay ng permiso sa inyong hawakan siya?" mataray kong tanong.

"Who are you?" mataray rin na tanong ni Chikabeb 4 na isang ihip na lang tumba na 'to. Bigyan naman sana siya ni Chikabeb 3 ng konting karne nang magkalaman 'to.

"Maundy Diana Marice, full name na 'yan, ha, huwag mong kakalimutan at ikiquiz niyo 'yan bukas," nakangiting sabi ko. "Tara na, Chal Raed, daming mahaharot dito baka mahawa ka," akmang hihilahin ko na siya, pero agad siyang hinawakan ni Chikabeb 2, "shoo," sinapol ko pa 'yong kamay niya kaya sandali siyang napa 'aww' ng sobrang arte. Nyeta, saka na siya mag inarte kapag 'di na siya puro buto.

"Girls, could you please stop this. I don't wanna play with you, hindi ko nga kayo kilala, eh. If you badly want to play, then kayo na lang ang maglaro," hinila na ako ni Chal Raed, pero huta lang talaga at napakulit ng mga Chikabebs na 'to, humarang na naman kasi sila.

"Ano bang trip niyo, ha? Ba't 'di niyo laruin 'yang mga sarili niyo! Naghahanap pa kayo ng iba, eh ayaw ngang sumali sa inyo! Nyeta, kapag kami 'di niyo pinadaan ilulunod ko kayo sa dagat!" inis ko na talagang sabi. Tsaka kasi gutom na ako, eh ayaw pa kaming paalisin.  Kapag 'tong tiyan ko kumulo talagang totohanin kong ilulunod sila sa dagat at nang pag-ahon nila isa na silang hipon. Charap! Pero, tapon na natin 'tong mukhang bangkay, wala akong makakain sa kanya.

"Ayaw namin ng away, Maundy, just go and left him with us," maharot talagang sabi ni Chikabeb 3. Ito naman maganda talaga, pero talagang maharot may pa dila-dila ang Bruha. Huta! Hilahin ko 'yang dila niya at ibuhol sa katawan niya.

"Ayaw ko rin ng away, Miss Maharot, kaya kung ako sa'yo umalis ka riyan sa harap ko at ang sakit mo sa mata," mataray kong sabi. Duh! Akala ba nila aatrasan ko sila? Mighad! Isapak ko sila sa bilbil ng kaibigan nila, eh.

"Mon, let's go baka magkasakitan pa kayo," bulong sa'kin ni Chal Raed, pero paano naman namin malulusutan ang apat na 'to, eh mukhang pursigidong harangan kami.

"Alis!" inis kong sabi sabay hawi kay mukhang bangkay na Chikabeb, at nyeta muntik nang matumba. Sayang! "Paaalisin niyo kami o magsasampalan tayo?" kalmadong tanong ko.

"H-Hey! Don't do that, baka magaya mo sila sa lalaking pinatumba mo sa mall," bulong ulit ni Chal Raed. Baklang 'to, ba't 'di niya na lang sunggaban 'tong mga mahaharot na 'to gaya no'ng ginawa niya sa bar dati para makaalis na kami at ang mga baby ko sa tiyan ay umiiyak na!

"Magagaya ko talaga kapag 'to 'di nagsialisan," seryoso ko talagang sabi.

"Could you please just give him to us, we don't need you," sabi naman ni Chikabeb 4.

"Sagutin niyo muna 'yong tanong ko," nakangisi kong sabi. "Aalis kayo o magsasampalan tayo?" muli kong tanong.

"Mon—"

"Shh! Ayokong malapa ka nila. Relax ka lang diyan, 'di nila 'yan malalaro," nakangiting sabi ko.

"What the hell are you talking about?" takang tanong niya. Slow amp!

"Alam mo na! 'Yong ibang-iba ang kulit ng ulong maliit," sagot ko na kinanta pa 'yong patalastas sa TV, pero huta, 'di niya talaga gets!

"Maundy, just give him to us," usal na naman ni Chhikaeb 3.

"Sabi nang ayoko, eh, tigas ng noo," nagtaka ako nang matawa si Chal Raed, pero 'di ko na lang pinahalata, wala na akong time para riyan, "tara na nga, nauumay ako sa mukha ng mga babaeng 'to."

"OOPS!" at talagang humarang na naman silang apat, ha. Nyeta! Nakakapagod na ha!

"What are you guys really up to?" medyo asar na talagang tanong ni Chal Raed.

"We just want to play with you," maharot na sabi ni Chikabeb 1. Psh, sampal ko sa kanya 'yang boobs niyang puputok na, eh.

"Sabing ayaw niya, eh, kehaharot talaga!!" inis kong sabi. Konti na lang talaga at makakasapak na ako!

"Shut up, we don't want you, we want him," tinuro pa ni Chikabeb 2 si Chal Raed, kagatin ko 'yang hintuturo niya, eh!

"Sorry, but he wants me," taas-noong sabi ko at alam kong lahat sila ay nagulat, pero duh, totoo naman, 'di ba?

"Do I really want you?" tamong naman ni Chal Raed.

"Do you really want me?" ano ka ngayon, sabihin mong hindi at hahayaan kung hawak-hawakan ka ng mga Chikabebs na 'to!

"God knows how I badly want you," nakangiting sabi niya.

"Oh, ha, ano kayo ngayon?" nakangisi kong tanong, pero nyeta mukhang kinikilig ang mga Chikabebs! Langhiya! HAHAHA!

"WE DON'T CARE!" aba, in a chorus talaga, ha. 

"He just wants you, but you don't own him naman," sabi ni Chikabeb 2. Dami nila, 'no? Pero, isang sampal ko lang sa mga 'to, eh talagang magsusumbong 'to sa mga Nanay nila, no joke!

"Pake mo ba? Magiging akin din siya," taas-noong sabi ko. Duh!

"R-Really?" gulat talagang tanong ni Chal Raed.

"Joke 'yon, joke! Sa tingin mo makakapagjoke pa ako sa sitwasyon ngayon? Gutom na gutom na ako," parang bata kong sabi.

"So, you like him?" biglang tanong ni Chikabeb 3 na ikinatahimik ko. "I guess no, so girls get him—"

"Magsasampalan muna tayo saka niyo siya makukuha!! Nyeta kayo! Oo, gusto ko siya!" at sa wakas, sumabog din ako. Nakakahiya!!

Nagulat ako nang hapitin ako ni Chal Raed papalapit sa kanya, "really?" tanong na naman niya. Tsk, kailangan ko pa bang ulitin? Hiyang-hiya na nga ako, eh.

"Oo nga!" ayan, inulit ko na, tsk, happy?

"Sabihin mo ulit," huta, demanding!

"Oo, gusto na kita!" sabi ko. Nakakainis talaga! Napaamin ako ng wala sa oras. Kasi naman, eh, akala ko crush-crush lang 'to, pero over na ako mag react, eh, crush pa rin ba? Mighad, 23 na ako—mukha lang 8 years young—para 'di ko malaman kung ano na nga ba ang nararamdaman ko, 'no.

Tsaka alam niyo ba kung ba't ko sinabi sa kanya 'yong bet na 'yon? Kasi gusto kong malaman kung ii-entertain niya ba si Kuyang naka-topless. Medyo nalungkot ako nang pumayag siyang laruin namin 'yon, gusto ko kasing pilitin niya akong huwag naming gawin, pero ginawa niya, eh, kaya naisip ko na attracted pa rin siya sa lalaki, pero nang lapitan niya ako at sinabi niyang naghahoneymoon kami at halatang may selos sa boses niya ay, nyeta, kinilig ako nang slight at sobrang natuwa kaya nga nautal pa ako no'n habang nag-iisip ng palusot, eh.

"YEHEEEEY!"

Huta! Anong ginagawa ng mga 'to rito?! Biglang sulpot, may lahing aswang mga 'to, este kabute pala. Tsaka todo ngisi pa silang lima! Mighad!