Chereads / The Baklush Has Fallen / Chapter 46 - Chapter 45 : Failed

Chapter 46 - Chapter 45 : Failed

Breathe in...breathe out...breathe in...breathe—

"You okay?" tanong pa ni Chal Raed na kasaluluyang katabi ko ngayon dito sa napakalaki nilang dining table.

"Hindi naman ito ang unang araw ng pagkikita namin ng Tatay mo dahil boss ko naman siya, pero kinakabahan ako, Chal Raed, kaya ibig sabihin hindi ako okay," sagot ko at ipinagpatuloy ang paghinga ng sobrang lalim.

"Calm down, he'll be glad if he finally meets you," nakangiting aniya.

Ngumiti na lang ako, isang pekeng ngiti. Matapos kasi ng masasaya naming araw sa Jovial Island ay ito kami't haharap na sa hukuman—charot! Bigla kasing tumawag si Chal Raed at sinabing iniimbatahan ako ng Tatay niya, na Boss ko, na makisalo sa FAMILY dinner nila. Si Tita TS kasi ay chinika si Boss at kinuwentong nililigawan ako ng anak niya. Hindi ko naman kasi inaakalang isang dakilang storyteller si Tita TS. Huhuhu, kinakabahan talaga ako!! Paano kung biglang sabihin ni Boss na...

'Isa kang over sa gandang babae na maharot, Maundy! Paano mong inakit ang Baklush kong anak? Paano mo siya hinarot? Hindi ako natutuwa! Ang ipinunta niyo sa kompanya ay trabaho, hindi ang harutan!'

Waaaah!! Siguro maiiyak na lang ako bigla!

"Mon?"

Naiangat ko 'yong ulo ko nang marinig ang boses na 'yon, "Jazz? JAZZ!" napatayo ako at napayakap sa kanya. Miss na miss ko na ang Lokang 'to, lalo na ang libre niyang lunch, buti na lang may Chal Raed pa.

"Jazz!" maririnig mo talaga sa boses ni Chal Raed ang kasiyahan, "I miss you!" dugtong pa niya. Napangiti tuloy ako.

"I miss you, too, Raed. Anyways, I have lots of limited girl's garments here, want some?" mapang-asar pa niyang tanong.

"Will you please leave, Jazz?" kunot-noong sabi pa ni Chal Raed dahilan para tawanan lang siya ng kaniyang best friend.

"I can't. Hindi ikaw ang nag invite sa'kin, so it means, hindi mo 'ko pwedeng paalisin."

"Fine! Dami mong dama."

"Ow? Where did you get that line?"

Tinuro naman ako ni Chal Raed, "fom my gorgeous Maundy," nakangiting sagot niya. Huta! Nahiya ako ng slight!

"My, ha, makaangkin akala mo pagmamay-ari na," nakangisi pang sagot ni Jazz na agad sininghalan ni Chal Raed. "Hey, Mon, how are you?"

"Okay lang, pero kinakabahan ako ngayon," sagot ko naman.

"You don't have to feel nervous, Mon, just relax," nakangiting sabi niya.

"HELLO, EVERYONE!"

Pakiramdam ko lumabas ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Boss, parang gusto ko nang tumakbo at maki-Kdrama session na lang kina Kuya!

"Hi, Hija," nakangiting bati sa'kin ni Tita TS. Ngumiti na lang ako dahil kapag nagsalita ako ay talagang mauutal na ako dahil sa kaba!

"Sit down, Gentlemen," sabi ni Boss kay Spade at Third na kanina pang nasa likuran nito, akala ko kanina bagong Bodyguard ni Boss, eh.

Matapos ang panalangin ay nag-umpisa na rin kaming kumain. Tahimik lang ang lahat, mabibigyan lang ng pagkakataong magsalita kapag dessert na 'yong kinakain namin. Ewan ko ba sa mga mayayaman, ba't ganyan sila.

"Eat more," bulong sa'kin ni Chal Raed at nilagyan muli ng pagkain ang plato ko. Napatingin tuloy ako kay Boss nang maramdaman kong nilingon niya kami. Wala namang reaksyon sa mukha niya, super duper seryoso lang naman! "Sasabak ka sa korte mamaya," bulong na naman niya.

"A-Ano?" bulong ko pabalik. Mas lalo tuloy akong kinabahan!

"Kumain ka, ayokong tuluyan kang maging buto't balat," natatawang sabi niya.

"Kahit kailan ay isa kang dakilang bully!" pilit ko pa rin hinihinaan ang boses ko kahit gusto ko na siyang bulyawan dahil sa pangbubully niya.

"Binunubully ba kita? I'm stating fact here, Miss Marice."

"Fact? Pangbubully 'yon, bully, Mister Alonzo!"

"Nah, gusto ko lang na magkalaman ka."

"Kontento na ako sa katawan ko!"

"Well, I'm not, it's too slim, guys easily get attracted with that kind of body figure, so eat!"

"Gusto mo ba akong tumaba?"

"If that's the only way para 'di ka maagaw ng iba sa'kin, then go."

"Eh ang tanong, magpapaagaw ba ako?"

"Then, that means, you're all mine? That's good. I'm all yours after all."

H-HAROOOOT!!

"Excuse me? You can just continue your lovey-dovey later," nakangising sabi ni Spade kaya sabay kaming napayuko ni Chal Raed. Sorry naman akala namin nagbubulungan lang kami 'yon pala rinig na ng lahat. Hehe!

"So, how was your love story started?" seryosong tanong ni Boss! Huhuhu, nawa'y patnubayan ako ng Diyos ngayon.

"Love, kinuwento ko na sa'yo, 'di ba?" tanong naman ni Tita TS na talagang ang lapad ng ngiti.

"I want to hear it from them. So, can you please answer it, Miss Marice."

"A-Ah...Sa A Mall po," super halata talaga sa boses ko na 'di ako sigurado sa isinagot ko. Hindi ko naman kasi talaga alam kung kailan at saan, eh.

"Sa Jovial Island talaga, Paps," singit naman ni Chal Raed kaya nag-umpisa nang kumunot ang noo ni Boss.

"Hind ba sa A Mall?" tanong ko sa kanya.

"Sa Jovial Island kasi."

"Akala ko ba sa A Mall?"

"Ako lang 'yong na fall sa'yo sa A Mall, ikaw sa Jovial Island kana umamin, so basically doon na nag-umpisa 'yong LOVE story natin dahil sigurado nang sure na gusto natin ang isa't isa," pagpapaliwanag pa niya at napatango naman ako. Sorry naman, maganda lang tayo, pero medyo mahina sa analyzing.

"So, okay na? Nagkakaintindihan na kayo?" tanong na naman ni Boss at sabay kaming napatango. "So, when are you planning to say yes to my son, Miss Marice?"

Patay! Anong isasagot ko riyan?

"Paps, it's okay kung hindi pa niya ako masasagot sa ngayon, let's wait for the right time," nakangiting usal ni Chal Raed.

"I thought you love each other?"

Love each other? Love niya ako, love ko siya? Kaya each other? Sinabi ko bang love ko si Chal Raed? La?

"You're getting older, dapat nga by now kasal ka na, Chal Raed," sabi na naman ni Boss. Huhuhu! Biglang usapang kasalan.

"Paps, eh kasi, gusto niya lang ako," sagot naman ni Chal Raed.

"Is that true, Miss Marice? You don't love my Son, you just like him?" dahan-dahan akong napatango, "so, he can still date other girls?"

"Paps," angal pa ni Chal Raed.

"Dad, what does it mean?" biglang singit naman ni Third. Halos lahat pala kami ay napatingin kay Boss nang sabihin niya 'yon.

Ako, ito, natahimik. Hindi ko alam kung ano ba dapat 'yong sasabihin ko, pero kinakabahan ako!

"Marami akong gustong ipakilala sa anak ko, Miss Marice, but after knowing that he's courting you, I decided to forget them. But, now that you say you just like my son, then there's a possibility na hindi pa magiging kayo. So, Chal Raed since you don't have any girlfriend at all, you can date other girls and you must follow me."

Gusto kong maiyak sa lahat ng sinasabi ng Tatay niya! Paano kung gagawin nga ni Chal Raed? Paano kung magbago na lang bigla 'yong nararamdaman niya para sa'kin? Bakit gan'to? Ayaw ba niya ako para sa anak niya? Kaya ba ako kinakabahan ng sobra?

"Paps, you're teaching me not to be loyal and faithful, ayokong gawin 'yan," seryosong sabi ni Chal Raed.

"Kuya, you can't say no to our Father's order," sabi pa ni Third.

"I SAID, I DON'T WANT TO!" napasigaw na talaga si Chal Raed.

"YOU NEED TO!" sigaw naman ng Tatay niya. "Paano kung hindi ka sagutin ni Miss Marice at bumalik ka sa pagiging bakla? I don't want that to happen, Chal Raed! Kaya habang mas maaga pa, mold your sexuality! Tuluyan ka nang magpakalalaki!" dagdag pa niya.

"Love, please calm down!" balisang usal ni Tita TS.

"S-Sir..." lahat sila napatingin sa'kin. Hindi pwedeng manahimik na lang ako rito, kailangan marinig din nila ang point of view ng over sa gandang si Mundy, "I may not be certain of my feelings for your son, I may presently do not love him, but please, don't let him date other girls just because you want him to. Kung ako 'yong mag didesisyon, sige, ipakilala mo siya sa kung sinu-sino riyan, diyan masusukat ang loyalty at faithfulness ng isang tao, but if he doesn't want to, can we just respect his decision?" dagdag ko pa.

"S-She's right, Paps, at kahit ano pa ang gawin mo, I am really opposing with your order. I'm sorry for being disrespectful, but I promised to myself, I promised to her, I promised to God that I won't ever date someone unless her name is Maundy Marice," hindi ko naiwasang lingunin si Chal Raed na siyang nakatingin din pala sa'kin, "ipakilala mo man ako sa kani-kaninong babae, Paps, my love will always be for her."

Nagulat kami nang pumalakpak bigla 'yong Tatay niya, "okay! Tama na 'yon," nakangiting usal niya.

"Dad!" / "Love!" / "Tito!" sabay-sabay pa na sabi ng apat. Ano na naman bang trip 'to?

"Hindi natin napaamin si, Maundy, you're too excited!" parang bata na pagrereklamo pa ni Tita TS.

"What I heard is more than enough," nakangiti pa rin niyang sabi.

"What the hell is going on?" takang tanong ni Chal Raed.

"Everything was already planned! We need to hear Maundy says I love you to you, but Dad just ruined it! Iyon na 'yon, eh, malapit na, just a few more words and boom! Maundy might gonna say she loves you, too!" pagrereklamo naman ni Spade.

"This is a total mess. I haven't said my line yet, but it's already ended," natatawa namang sabi ni Jazz. "I went here just for this, but the plan is failed," dagdag pa niya.

"SANDALI NGA!" napatayo pa talaga ako, "una sa Jovial Island, gumawa kayo ng act para mapaamin ako, at napaamin nga akong gusto ko siya, ngayon ito na naman? Hindi ba pwedeng hintayin natin 'yong tamang panahon? Ba't ba kayo nagmamadali? May lakad ba kayo? End of the world na ba? Huwag nga kayong excited! Baka bukas naman nito proposal naman ni Chal Raed ang pagpaplanuhan niyo, nako! Titirisin ko talaga kayo ng sabay-sabay," paglilitanya ko pa. Huta talaga, eh! Sobrang kinakabahan na ako, tapos scripted lang pala ang lahat? Ay, hutaena talagang 'yan!!

"Calm down, Miss Marice. We're very sorry for our actions, but we can't just wait for Chal Raed to have his first ever girlfriend! Mas excited pa kami sa excited, it's because we aren't expecting for this, that Chal Raed will end up falling in love to a Lady. So, can you please, say yes to him now?"

"Nako, Boss, tigil-tigil mo 'yan ha, huwag nating pangunahan 'yong tadhanana. Kung intinakdang sasagutin ko si Chal Raed, mangyayari at mangyayari 'yan. So chill, guys, ang mahalaga malaki ang pag-asa niya sa'kin at ang pinaka mahalaga ay..."

"Ay?" tanong nilang lahat.

"...maganda ako," dugtong ko.

"Sinasabi ko na nga ba Chal Raed, hindi mo siya dapat niligawan," nakangiwi pang sabi ni Boss.

"Raed, you're courting the wrong girl," sabi naman ni Jazz na sinang-ayonan pa nila Tita TS, Spade at Third! Nyeta!

"akung alam ko lang na sinungaling pala 'to, hindi ko na dapat siya niligawan," sabi pa ni Chal Raed.

"HINDI AKO NAGSISINUNGLING! MAGANDA NAMAN TALAGA AKO!" inis ko talagang sigaw na halos maiyak na ako.

"I know, I know, so calm down, we're just teasing you," sabi ni Chal Raed na akmang yayakapin ako, pero itinaboy ko siya agad at kumain nang kumain. Nyeta, naistress ako bigla! Wala naman silng ibang ginawa kun'di ang pagtawanan ako. Hindi lang pala si Chal Raed ang bully, silang lahat! Huhuhu, ihanap mo akong kakampi, Mother Earth!

Haaay! Bahala na, basta ang importante, hindi totoo 'yong mga sinabi ni Boss na maaaring makipag date si Chal Raed, dahil 'pag nagkataon sabay ko silang tutuliin ulit! Makikita nila ang bagsik ng isang tunay na Maundy Marice!

Charot!