Chereads / The Baklush Has Fallen / Chapter 47 - Chapter 46 : Engagement Party

Chapter 47 - Chapter 46 : Engagement Party

Nasa bahay pa rin ako imbis na nasa trabaho, kasi naman, anong oras na akong nakauwi kagabi, wala naman silang ibang ginawa kun'di pilitin akong mag I love you kay Chal Raed, nakakaasar 'di makapag-intay! Tsk.

Ilang sandali lang ay tumunog ang cell phone ko. Himala at tumawag ang Alien na si Joy, hindi yata nagpaparamdam ang kaluluwa ng bruha nitong mga nagdaang araw. "OH?" sabi ko agad.

"Galit? Galit? Ikalma mo nga muna 'yang paminta mo, kay aga-aga, high blood!" pagrereklamo pa niya.

"Ano ba kasing trip mo at nagparamdam ka? Babalik ka na ba sa planeta mo?"

"Che! Porket botong-boto sa'yo ang pamilya niya ginaganyan mo na ako."

"Well, maganda ang best friend mo, eh."

"Sus, ginayuma mo lang talaga sila."

"Oo, ginayuma ko. Tsaka update lang kita may lahi rin akong mangkukulam, mamaya kukulamin kita."

"Hoy! Para biro lang, siniseryoso mo naman," natatawang aniya. Mamaya kukulamin ko talaga 'to, eh!

"Ano ba kasing sasabihin mo? Ang dami mong advertisement, ha, direct to the show ka nga," inis ko kunyaring sabi.

"Ito na, pupunta riyan si Clarice at may big news ang Bruha!" excited pang sabi niya.

Big news, ha.

"Wow, ang bilis! May nag doorbell na, si Clarice na yata 'to," sabi ko at agad na lumabas. Tama nga ako, ang Bruhang Clarice nga andito at ang laki ng ngiti.

"Ibababa ko na, mag-usap muna kayo," at wala ng extra-extra pa, agad ngang binaba ni Joy ang cell phone niya, wala man lang bye.wala talagang GMRC ang mga Alien.

"Oh, anong atin, Ineng? Wala kaming tira-tira rito," pagbibiro ko pa kaya agad nawala ang ngiti sa labi niya. Pikon, hahaha! "Ano 'to?" tanong ko matapos niyang iabot ang isang pink na envelope.

"Bulag? Bulag? 'Di makita ang envelope?" pangbabara pa niya. Nyeta, best friend ko nga 'to!

Hindi ko na lang 'yon pinansin at agad na binuksan ang envelope. 'Yong nasa loob ay parang invitation.

Nang mabasa ko 'yong nakasulat sa invitation ay nag-init talaga ang ulo ko lalo na ang mga mata ko, parang gusto kong umiyak? Huta! "Samahan mo 'ko!" utos ko kay Clarice.

"T-Teka, sandali, bakit? Anong nangyayari sa'yo?" takang tanong niya.

"Huwag kang tanong nang tanong, samahan mo 'ko!"

"I-Ito na nga."

"TAXI!" agad akong sumakay at sumunod naman si Clarice, "lagot ka talaga sa'kin ngayon!"

"Mon, kasi—"

"Shut up! Wala ako sa mood makipag-usap!"

"Kailangan mo kasing—"

"Manahimik ka muna, ihuhulog kita riyan, eh."

"Oo na, oo na!"

Mabuti na lang at 'di na siya muli pang nagsalita. Hinawakan ko nang maigi 'yong papel at iniisip ko na kung paano kong gugulpihin si Chal Raed!

Bumaba na ako agad sa sasakyan at akmang tatakbo na ng tawagin ako ni Clarice, "ano?" asar kong tanong.

"Bayad mo!" sigaw ni Clarice.

Huta! Wala pala akong bitbit na pera! Nakapajama pa ako! Wala pa akong ligo! Nyeta! "Bayaran mo muna!" hindi ko na hinintay pang magsalita siya at agad na akong pumunta sa meeting hall. Buti naalala kong may meeting siya ngayon kaya 'di na ako mahihirapang hanapin siya.

Nang makarating ako sa meeting hall ay agad kong binuksan ang pinto, "so, I am so glad to know that we're still one of the best company when it comes to—Mon?" takang tanong niya nang pagharap niya sa mga ka-meeting niya ay lahat sila nakatingin sa'kin.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya habang itinaas ko ang bitbit na envelope.

Kumunot agad ang noo niya, "e-envelope, why?" takang tanong niya. Tss, kadramahan, ha!

"At bakit mo 'ko pinadalhan nito?" mataray ko pang tanong.

"Pinadalhan? Pinadalhan kita ng envelope? For what?"

"Iyon na nga, eh! Para saan? Para makita kong niloloko mo lang ako? Nang malamang kong nagpapakatanga ako?!" my tears are about to fall, damn, tapos siya parang gulong-gulo lang? Wow ha, nice acting, man!

"CHAL RAED! MINAHAL MO BA TALAGA AKO? O, PINAGLALARUAN MO LANG AKO? WELL, THEN, YOU WIN!" tumulo na talaga 'yong luha ko, nasasaktan ako. Basta pakiramdam ko pinupunit ang puso ko, "MAHAL KITA!" sigaw kong muli, pero nananatili siyang kunot-noo. "Mahal kita,  pero huli na! Mahal kita, pero ako lang pala ang nagmamahal! Mahal kita, pero ikakasal ka na! I HATE YOU!" habang sinasabi ko 'yon ay 'di ko mapigilang mapalo-palo siya, todo iwas siya, pero huta, malakas pa 'to sa strong! Kaya ko siyang gulpihin ngayon na mismo!

"Mon, calm down," aniya habang patuloy na iniiwasan 'yong kamao ko hanggang sa tuluyan niya 'yong nahakawan. "I don't know kung kikiligin ba ako dahil sa sinabi mong mahal mo ko, pero bakit sa ganitong paraan? What do you mean by that huli na, ikakasal ka na? Mon, I am not yet proposing to you, paanong ikakasal ako?" pwe, maang-maangan pa 'to, kahit huling-huli na!

"Read this!" pabagsak ko 'yong inilagay sa kamay niya.

Kinuha niya 'yong papel sa enevelope at agad na binasa, "Mon," seryosong tawag niya sa'kin, "hindi ako ang magkakaroon ng engagement party," dagdag niya.

"Huh?" ako naman 'yong nagtaka.

"Binasa mo ba talaga 'yong letter?"

"Oo! Sabi, you are invited to the engagement party of Mister Chal Raed Alonzo! Anong akala mo sa'kin, hindi marunong magbasa?" ginagawa pa 'kong bobo, loko 'to

"Yes, it says Chal Raed Alonzo, but Mon, I am not the only Chal Raed in the family. The letter says CHAL RAED ALONZO III, not CHAL RAED ALONZO JR, so hindi ako ang may engagement party, and didn't you read this," may itinuro siyang linya roon sa letter at ang sabi, "engagement party of Mister Chal Raed Alonzo III and Miss Clarice Mendoza. It's Third and Clarice's engagement party, not mine," dagdag pa niya at pakiramdam ko parang gusto ko nang maiyak!

Kinuha ko 'yong letter at muling binasa—engagement party nga ni Third at Clarice!

WAAAAAH!! NAKAKAHIYAAA! HUTAAAA!

Napatingin ako sa mga tao sa paligid at lahat sila ay nakatingin pala sa'min, nakita ko rin si Clarice na 'di ma-explain 'yong ekspresyon sa mukha.

"A-Alis na ako," nakayuko kong sabi, pero nagulat ako nang hilahin ako ni Chal Raed at bigla na lamang yumakap. "Aalis na sabi ako," muling usal ko.

"Stay," maotoridad niyang saad. "Tell me that you love me once more before you leave," bulong niya.

Nyeta!! Bakit nga ba kasi 'di ko binabasa 'yong letter ng buo? Bakita ba kasi masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko? At bakit bigla na lamang akong nag I love you sa kanya? Huta!!

"H-Hindi kita mahal," sabi ko at akmang kakalas na sa pagkakayap niya, pero mas lalo lang niyang hinigpitan.

"You just said it a while ago, Mon."

"S-Sinabi ko ba?" sige, baliw-baliwan lang!

"Yes. May CCTV rito, Mon. I'm sure nakuhanan talaga 'yong mga nangyari ngayon at rinig na rinig talaga 'yong boses mo. Imagine, sumigaw ka lang naman kasi. At, kung ayaw mong maniwala, tara tingnan natin."

Huta! May CCTV nga pala rito! Damn, I'm doomed!

Kumalas ako sa pagkakayap sa kanya at huminga ng mas malalim pa sa deep, "NAKAKAINIS!" sigaw ko. "Akala ko kasi ikakasal ka na! Akala ko ikaw 'yon! Natakot ako, Chal Raed, sobra. Nang oras na nalaman kong gusto kita, ayoko nang mawala ka pa, ayoko nang mapunta ka sa iba, dapat akin ka lang, kay Maundy Marice ka lang," dagdag ko.

Pinunasan niya 'yong luha ko. Hindi ko man lang namalayan na naging emotional na pala ako. Tsk. "Maundy, I want you to be my first and last, kaya bakit ako magpapakasal sa iba? Hinintay kita ng mahigit anim na buwan tapos ibibigay ko lang 'yong sarili ko sa iba? Nah, that won't ever happen," napayakap na lang ako bigla sa kanya, "I love you, Mon," bulong niya.

"I love you, too," bulong ko pabalik. This time, sigurado na talaga ako. This time, magpapakatotoo na ako. This time, susundin ko na 'yong sinisigaw ng puso ko at hindi lang puro utak. This time, susugal na ako. This time, mamahalin ko siya ng walang limitasyon.

"Tayo na ha," biglang sabi niya.

"Ano? Agad-agad? Kapag ba nagpalitan na ng I love you mag jowa na agad?" tanong ko.

"Maundy, hindi naman kasi dapat na pinapatagal ang panliligaw, ang pinapatagal ay 'yong relasyon."

"Daming alam, oo na, jowa na kita."

"Then I can now do this," nagulat ako nang halikan niya ako bigla, though it was just a smack, still, ramdam na ramdam ko kung ga'no kalambot ang labi ng isang Chal Raed Alonzo Jr.

"B-Ba't mo ginawa 'yon? Alam mo bang nireserve ko 'yon sa kasal—" tumahimik ako bigla, mahirap nang mabuking.

"Kasal nino?" mapilyong tanong niya. "Come on, I'm waiting for your answer, Maundy Marice."

Leshe!!

"Kasal ko," sagot ko na hindi man lang nakatingin sa mga mata niya.

"Kasal mo at nino?"

Huta!!

"K-Kailangan mo ba talagang malaman 'yan?"

"Of course! So, give me your answer now."

"Oo na! K-Kasal natin."

Huta! Hiyang-hiya na talaga ako! Lalo na ng biglang sumibol ang nakakaloko niyang ngiti, "I already reserved a very unforgettable kiss for our wedding, Mon, don't worry," aniya.

"At dahil nagkaaminan na kayo sa isa't isa, pwede na bang matapos 'yong meeting nang mapag-usapan niyo ng dalawa ang kasal niyo?" biglang tanong ng isa sa mga ka-meeting niya! Nakalimutan kong marami palang tao rito! Lahat pa sila nakangiti, pati rin si Clarice ay todo ang ngisi.

"Alright. Wait me at my office...girlfriend," nakangising aniya! Hindi na lang ako sumagot at dire-diretso nang lumabas.

Isang napakalaking kahihiyan, but it serves as an opportunity para umamin ako, para magpakatotoo ako sa sarili ko. Mahal ko siya, hindi ko alam kung kailan nag-umpisa basta mahal ko siya. Wala akong pake kung sobrang bilis basta mahal ko siya.

"Tayo na ha."

"...oo na, jowa na kita."

I am now in a relationship for the second time with another Alonzo, but I hope this will be the last—my last relationship and my last Alonzo until lifetime.