Chereads / The Baklush Has Fallen / Chapter 21 - Chapter 20 : He Has Fallen

Chapter 21 - Chapter 20 : He Has Fallen

Time fly so fast at ito na 'yong araw ng birthday no'ng kaibigan nila and at the same time reunion din ng CoolEight, 'yong kanilang grupo.

At oo nga pala, 'yong bonding namin ay ngayon din at tuloy na tuloy rin dahil itong si Third ay inimbitahan na pala 'yong tatlo kaya magsasama-sama pa rin kami ngayon.

At ito pa, nagkausap na si Spade, Joy, at Clarice, at mukhang postpone na ang panliligaw ni Spade, siguro si Joy pa rin ang nasa puso niya. Pero, itong si Joy balak mag-alsa na matuloy dapat 'yong panliligaw ni Spade dahil gusto nga nitong si Clarice si Spade at palagay niya'y gusto rin ni Spade si Clarice!

Oh, huta ang gulo nilang tatlo, bahala sila riyan!

Si Rosas naman ay hindi pa rin tumitigil kakaharot kay Jazz na parang 'Sis' lang din ang tingin sa kanya, kawawa naman, pero at least ha, nakahingi ng number ang bruha!

"Good Morning," bati sa'kin ni Chal Raed. Kinuha na rin niya 'yong mga gamit naming tatlo at inilagay 'yon sa compartment ng sasakyan niya. Ako, si Joy, at Clarice sa kanya kami sasabay, si Rosas kasi ay sobrang kapal ng noo at nagpresentang kay Jazz siya sasabay. "Sakay na," muli niya pang sabi.

Hindi ko kasi talaga maintindihan 'yong sarili ko at nag-aalangan akong sumakay sa harapan, gusto ko na lang sanang makisiksik sa likuran dahil ayoko siyang makatabi.

Ang weird ko na talaga nang dahil kasi ito sa nangyari noong gabing binigyan nila ako ng welcome back party at dahil do'n sa mga tanong ni Chal Raed na para kay Jazz daw, pero kasi never na naming napag-usapan 'yon kaya hindi pa rin ako nalilinawan, tsaka mukhang nakalimutan niya na at nasabi lang niya 'yon dala ng kalasingan.

Kaya lang ito ako, hindi malimot-limot ang mga tanong niya at naiinis na talaga ako! Buti na lang at sa beach 'yong venue na pinili nila kaya paniguradong marerefresh na ang utak ko.

***

Buong byahe ay tahimik lang kami kasi nga tulog kaming lahat, pwera na lang kay Chal Raed, 'no, mamaya hindi na sa beach ang punta namin sa ospital na.

"Woah!" nakangiting usal ko nang makababa ako ng sasakyan. Ang sarap-sarap ng hangin! Sarap tumira rito ng isang dekada lang naman.

"Ano, Sis? Tatayo ka na lang diyan?" rinig ko pang sabi ni Chal Raed.

Alam niyo 'yon? Oo na kasi, hindi pa! Basta, feel ko na a-awkwardan ako sa kanya kahit hindi naman dapat. Naaaning na talaga ako! Haaay!

"Halika na, Sis, at hinahanap ka na nila," dagdag pa niya.

"Sige, iihi muna ako," sabi ko. Kasalanan 'to ng malamig na hangin, eh, naiihi tuloy ako.

"Gusto mo samahan na kita?" biglang tanong niya.

"Anong gagawin mo ro'n?" takang tanong ko naman.

"Baka ako maghuhubad ng panty mo para makaihi ka, Sis."

HUTA?! ANO RAW?!

"Nakakaloka ka, Baklush!" nandidiri ko pang singhal. "Napakamanyak mo!" dugtong ko. Nakakadiri siya! Iwness!

"Hala siya, gusto ko lang makita kung bulaklak ba o Princess ang design ng panty mo, Sis, baka kasi pareho tayo. Mamaya kapag mag si-swim-swim na pareho pala tayong may bulaklak ang panty, ayoko ng gano'n, 'no, na may kaparehang design sa panty," aniya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, maiinis, maloloka, o ewan! Ano bang kabaliwan ang pinagsasabi nito?! "Charot lang, Sis, keme-keme! Naiihi rin kasi ako at alam mo na, parehas tayo ng pupuntahang banyo," muling usal niya.

"Ewan ko sa'yo, Baklush! Diyan ka na nga, mamaya maihi ako bigla rito sa mga pinagsasabi mo," sabi ko at agad na siyang nilayasan na humahagalpak sa tawa, mabilaukan sana 'yon, char lang!

"Oh, I'm glad you came," rinig ko pang sabi ng isang babae. Hindi ko na lang 'yon pinansin at papasok na sana sa isang cubicle nang muli na naman siyang nagsalita at tinawag niya ang pangalan ko. "Who invited you? Is it Chal Raed my Honey or si Spade?" tanong pa niya.

Sino ba kasi ito?

Ahh, 'yong chick na mukhang tuko sa wagas niyang makakapit kay Chal Raed. "Si Spade," sagot ko at papasok na ulit sana ako nang magsalita na naman siya.

Huta! Ihing-ihi na ako, Day! Don't be too insensitive! Be considerate! Mamaya maihi ako sa panty ko! Yuck!

"M-Miss, sandali ha, mag-uusap tayo mamaya, 15 seconds lang, paihiin mo muna ako," sabi ko at hindi na siya hinintay pang magsalita, pumasok na ako agad sa isang cubicle.

"15, 14, 13," mighad! Talagang nagbilang siya!! Chick sana, eh, loka-loka lang, "5, 4, 3, 2, 1, come out now," aniya. Jusko! Aning-aning din 'to.

"Ano ba kasi 'yon? Nagbilang ka pa talaga, ha," sabi ko sa kanya nang makalabas ako. Nagpunta na rin ako sa lababo para maghugas ng kamay at agad naman siyang sumunod.

"You don't care," aniya. Sungit! Kala mo talaga walang sayad sa utak. "What's so special in you that every time I'm with Chal Raed my Honey, Spade, and Third, they always talk about you," dagdag pa niya.

"Child," sagot ko naman na agad niyang ipinagtaka. Slow amp! "Kasi gan'to 'yan, hindi ko alam kung ba't nila ako pinag-uusapan, baka nalahian din sila ni Rosas ng dugong pagiging tsismoso."

Kumunot ang noo niya at kitang-kita ko 'yon mula sa repleksyon niya sa salamin. Tsk, may mali yata sa sinabi ko. "What the hell are you talking about?" inis niya talagang tanong. See? May mali nga. "You know what, I don't get it, seems like they really know you para pag-usapan ka and take note, most of their topic is how kind, funny, lovely, and amazing you are," aniya.

"Ahhh," tatango-tango kong sabi. Now I understand what she's trying to pinpoint. Naks, engrish! "Kilala talaga nila ako. Si Spade, schoolmate ko noong elementary and at the same time admirer din. Si Third, ex ko at si Chal Raed, boss ko. Secretary kasi ako ni Sir Chal Raed Alonzo Sr. o mas kilala sa tawag na Chairman Chan, siya talaga 'yong boss ko, pero may business trip siya at si Chal Raed Alonzo Jr. 'yong pumalit sa kanya. Mahigit isang buwan  na rin kaming magkasama ni Chal Raed at marami na rin kaming napag-usapan. And that answer your question why does it seems like they really know me well, okay na tayo?" naway na gets na nitong babaeng 'to ang mga sinabi ko, para naman makaalis na kami rito sa banyo at ibang view naman ang makita ko.

"Ohh, now I get it," aniya. Thanks Mother Earth at naintindihan niya ang mga sinabi ko. "Actually, curious talaga ako, gusto ko sanang sa kanila mag tanong, pero 'di ba mas bongga kapag dumiretso ako sa'yo?" tumango na lang ako kahit 'di ko siya gets. "Alam mo ba, nag send ako ng friend request sa'yo sa facebook, finollow kita sa twitter at instagram at nag direct message na rin ako, pati na rin gmail para lang sabihin sa'yo na gusto kitang makausap pero mukhang 'di ka active sa social media. Share ko lang," nakangiting sabi niya. Mighad! Aning-aning nga talaga ito, no doubt. "Sa totoo lang, gusto kitang maging kaibigan," aniya.

Kinuha ko 'yong cellphone ko, "anong name mo sa facebook? Anong username mo sa twitter at instagram, pati gmail nang mafollow back na kita," sabi ko habang binubuksan nga ang mga social media accounts ko.

"Talaga? Sige-sige!" masaya niya talaga sabi. Babaw ng kaligayahan, man! "Sa facebook, Klarina Vasco, 'yan, ako 'yan,' sabi pa niya, hindi ko man lang namalayang lumapit pala siya sa'kin at nakatingin na siya sa cellphone ko.

Inaccept ko na lang 'yong request niya at may message nga siya sa'kin. "Re-replyan ko ba 'to?" tanong ko sa kanya.

"Hmm, ikaw bahala," aniya kaya nag reply ako ng 'Sige, kita tayo, saan ba?' "Magrereply na lang ako later. Sa instagram naman tayo, then twitter at gmail afterward," dagdag pa niya. Finollow back ko na siya at nag reply rin ako sa mga DM niya. "Oo nga pala, let's have a proper introduction," muling usal nito.

"At, banyo talaga 'yong venue natin?" pagbibiro ko pa at ang aning-aning hinila ako palabas.

"Ito, okay na? Demanding ka rin, eh," pagrereklamo niya. Bigwasan ko 'to, eh, charot lang! Friend-friend tayo here. "Okay, I'm Klarina Vasco," aniya sabay lahad ng kanyang kamay.

"Maundy Marice, ang babaeng over sa ganda," sabi ko at tinanggap ang kamay niya.

"So, mana ka sa'kin?" tanong niya.

"Hindi, nakasalo ka lang ng konting kagandahan no'ng namigay ako," sagot ko naman at sabay kaming natawa. Sa totoo lang hindi talaga ako natatarayan sa babaeng 'to kun'di magaan 'yong loob ko sa kanya. Siguro dahil pareho kaming aning-aning? Joke! Kasi pareho kaming maganda, tuldok.

Habang naglalakad kami ay hindi rin matapos-tapos sa pagsasalita itong si Klarina. "Best friend ko si Chal Raed at pinsan ko naman si Jazz," pagkikwento na naman niya. "Gustong-gusto ko talaga si Chal Raed kahit bakla siya at kung minsan ay mas babae pa siya sa'kin, kaya lang nag give way na ako because he likes Jazz and Jazz likes him, too, anong laban ko, 'di ba?" parang malungkot niya talagang sabi.

"Nako, grabe nga sila magharutan sa harap ko, eh," sabi ko naman. "Kaya tama lang na hindi ka na lumaban, kasi para saan pa ang ipinaglalaban mo kung umpisa pa lang talo ka na."

"True ka riyan, Maundy," pagsang-ayon pa niya. "But these past few days, both of them were acting so weird. They still do lambing towards each other, but there's something wrong. Tsaka ito pa, they started to get rid of their girl's stuff and refuses to do shopping with me to buy make ups and dresses. It seems like they wanted to create a new life and they want to become a real men now, or I just misunderstood their changes?" aniya.

Pansin ko rin na hindi na sila nagsu-suot ng pangbabaeng damit, wala na ring ka achiburiching kagamitan na for girls only, pero hindi naman siguro ibig sabihin niyan na babalik na sila sa pagiging lalaki, kasi wala naman akong nakikitang dahilan para bumalik sila, baka naman trip lang talaga nilang huwag muna magpa-girl.

"But, if ever I'm right, then they wanted to change and go back from being a man because of a girl!" muli na naman niyang usal. "Baka may nagugustuhan silang girl!" dagdag pa niya.

"Loka! Eh, halos maghalikan na nga sila sa harap ko tapos may iba na silang magugustuhan at babae pa? Nako! Parang sinabi mo na ring black na ang pink, Klarina, napaka imposible," sagot ko naman at nag-aalangan pa siyang napatango.

"Oh, you're here—wait, you guys know each other?" tanong ni Spade na siyang sumalubong sa amin ni Klarina.

"We're friends," taas-noong sagot naman niya.

"Oh, that's great," masayang sabi ni Spade. "So, let's go? The party is about to start."

"Let's goooo!" sigaw pa ni Klarina habang patakbong nagtungo sa kinaroroonan ng lahat.

"Monang?" tawag sa'kin ni Spade. Yeah, he's calling me Monang since umamin siyang siya si 'Dear Monang, my love so cute'. "Inaway ka ba ni Klarina saka kayo naging magkabigan?" natawa naman ako agad. Nakakatawa talaga 'yong accent niya, kaya ayan todo simangot tuloy si Spade.

"Hindi, 'no, ang bait nga niya, eh," sagot ko naman.

"Really?" gulat niyang tanong at tumango naman ako. "D-Did she tell you he likes Kuya Chal Raed?" tanong niya at tumango ulit ako. "Weird, she didn't get mad, where in fact she knows a lot," bulong pa niya na medyo 'di ko narinig kasi nga binulong lang niya sa sarili niya, masyadong selfish!

Nang tuluyan naming marating ang kasukdulan, charot! Ang kinaroroonan pala nila at kung saan gaganapin ang party ay medyo maingay-ingay na rin, todo chika na nga ang tatlo sa mga miyebro ng coolEight, eh, feeling close ang mga Bruha!

"Masyado bang mahaba ang pag-ihi mo para ngayon ka lang makabalik, Sis?" tanong agad ni Chal Raed matapos akong tabihan at inismiran ko lang siya.

Nakakainis naman 'to! Inaatake ako ng pagiging tsismosa ko! Mother Earth, send help! Ayokong magtanong, pero gustong-gusto ko. Gulo 'no?

"Chal Raed," tawag ko sa kanya. Huhuhu, hindi ko talaga mapigilan!!

"Ano 'yon, Sis?" tanong niya.

"M-May nagugustuhan ka na bang...babae?" at naitanong ko rin sa wakas! Fudge, awkward!

Ilang sandali siyang nanahimik saka huminga nang sobrang lalim. "Oo," seryosong sabi niya at napatakip pa ako sa bibig ko.

Let's sing rewrite the stars.

🎶 I thought it is impossible, but it is possible. How can we re—🎶

Tama na! Hanggang sa impossible-possible chuchu lang dapat 'yong kakantahin natin.

Pero seryoso na, may babaeng nakapagpa-straight ng nabaling meter stick nitong si Chal Raed! Ibig sabihin, he has fallen...to a lady?!

Mighad, Mother Earth, Mighad! Akalain mo 'yon, posible pala? Nakakaloka! Pink na nga ang Black.