Nanatili akong nakatitig sa kanya at hindi ko talaga alam kung paano ba akong magrereact.
Haaay, huta! Lagi na lang bang ganito, Maundy?
Barahin mo kaya, tutal diyan ka naman magaling, pero ba't ba hindi ko magawa-gawa?!
Natinag na lamang ako nang guluhin niya 'yong buhok ko. "Alam mo ba na kapag nagkasakit ka ulit at dinala ka na naman sa ospital marami na kaming mababaliw?" aniya at dahan-dahang naglakad, sumunod naman ako. Wala lang, feel ko lang. Charot! "Lalo na siguro si Klarina na walang ibang ginawa kun'di ang pa ulit-ulit ikwento sa'kin na magkaibigan na kayo at ang pa ulit-ulit niyang pagpapaalam na dadalasan niya ang pagpunta sa opisina ko para lang makita at makausap ka," dagdag pa niya na agad kong ikinatuwa. Mas lalo sigurong iingay ang opisina namin at mas bet ko 'yon.
"Nakakatuwa talaga si Klarina, ang sarap niyang maging Ate," sabi ko. Magka-edad lang kasi sila nina Jazz at Chal Raed, pare-pareho silang 26 years old, pero tingnan niyo si Klarina kung umasta mukhang 10 years old. Mighad!
Pero, pansin niyo parang biglang balik kami sa dati, para bang hindi kung anu-ano 'yong sinabi niya at 'di ako na awkward kanina. Pero, ito talaga 'yong gusto ko na parang ayaw ko rin. Gusto ko kasi parang wala lang sam'in 'yon, but deep inside of me has been wanting to know what's really going on, I mean, ano ba talaga? May gusto ba siyang iparating sa'kin or I'm just over thinking? Hay!
Tumigil siya sa paglalakad at biglang humarap sa'kin. "Si Klarina gusto mo kahit sobra siyang baliw?" tanong niya at tumango naman ako. "Sabagay pareho kasi kayo, magkakaintindihan kayo," dagdag pa niya tapos biglang natawa. Parang baliw!
"Pero, mas maganda ako," taas noong sabi ko, and this time ako naman 'yong nauunang maglakad.
"Wala akong kontra," aniya dahilan para mapangiti ako sa kaloob-looban ko. Ikaw na talaga, Maundy, ikaw na ang, maganda! "Pero, ako 'yong dyosa ng kagandahan," napatingin ako sa kanya agad na parang diring-diri at kontrang-kontra ako ro'n sa sinabi niya, pero ang Bruha, tawang-tawa lang. Batukan ko 'to, eh, "anyway, Sis, I'm really curious about this matter..." huminto siya sa pagsasalita kaya hinarap ko siya, "...bukas ba 'yong puso mo?" dugtong niya.
Napaawang naman agad ang bibig ko matapos niya 'yong itanong. Alam niyo bang isa 'yan sa mga nakakatangang tanong?!
"Kung bukas 'yong puso ko, edi sana tsugi na ako," sagot ko naman. "Aray!" pagrereklamo ko pa nang kurutin niya 'yong braso ko, masakit ha, ang haba kaya ng kuko niya!
"Napakaliteral mong babae ka," asar niyang buntong sa'kin. "What I meant was, does your heart open to love someone? Are you ready to fall in love?" tanong pa niya.
Kahit na wi-wirdohan ako sa topic ay naki go with the flow na lang ako, para naman hindi boring 'yong pag tambay-tambay namin ngayon dito, 'no. Nakaupo na pala kami sa mga buhangin habang feel na feel ang pahangin-hangin effect dito sa seaside. "Oo naman," sagot ko.
"Then, why you're still single?"
"May problema ka ba ro'n?"
"Wala naman. I'm just asking, may problema ba ro'n?"
Ay, huta! Nabalik agad sa'kin 'yong tanong ko, ha. "I'm ready to fall in love, it's just I'm afraid of whom I am falling in love with. Alam mo na minsan na kung umibig, pero nasaktan lang din," sagot ko. Yiiie, pang perfect score na 'yon sa essay ang sagot ko, ha.
Tumango-tango siya. "Paano kung ma-in love ka unexpectedly, aamin ka ba?" tanong na naman niya.
Usapang pag-ibig naman pala to, eh. Naks!
"Depende," sagot ko naman. "It takes a lot of confidence, strength, and perseverance for someone to confess, Chal Raed, it's not easy and will never be lalo na kapag hindi ka sure na magugustuhan ka rin ng taong gusto mo," dugtong ko pa. Huta! Saan ko ba nahuhugot 'yong mga sagot ko? HAHAHA!
"You got me."
"Ha?"
Nakuha ko siya? Weird.
Wait! Baka—
"May gusto ka bang tao pero 'di ka umaamin dahil natatakot ka?" tanong ko na lang bigla. Baka naman kasi tama ako, 'no, pero paano na si Jazz? Hala! Cheater 'tong si Chal Raed. Tsk, tsk!
"Sinabi ko ba 'yan?" inosenteng tanong pa niya.
Hay, mali yata ako. Hehe, sorry naman.
"Kayo ba ni Third, how happy you were before?" biglang tanong niya at promise, nagulat talaga ako. Why bring back the past? Huhuhu!
Tumingin ako sa kung saan at inalala 'yong nakaraan namin ni Third. Hay! "We're so happy before, 'yong tipong mahihiya ang salitang happy kung gaano kami kasaya ni Third kahit na tinatago lang namin 'yong relasyon namin," pagkikwento ko pa. "Being entitled as Third Alonzo's first secret girl friend is such an honor for me," dugtong ko pa. Huhuhu! Ba't ba gan'to kami kadrama? Naiiyak tuloy ako!
"And it's his Mom who destroyed your happiness," usal naman niya.
"But I believe that everything happens for a reason," sagot ko. Tumingin ako sa kanya at 'di ko inaasahan na magkakatitigan kami. "Third may be my first love, Chal Raed, but I know he's not my true love, kaya siguro umeksena 'yong Mommy niya para putulin na 'yong love story namin 'cause it wasn't fated to be last forever," dagdag ka pa at sabay kaming napangiti.
Ewan ko, hindi naman ako na-awkward na titig na titig siya sa'kin habang sinasabi 'yon. Nakasanayan ko na siguro na minsan ganyan talaga siya tumitig o baliw lang ako ngayon dahil masyado kaming madrama. Hay.
"Pero teka, his Mom? Hindi ba, Mommy mo rin 'yong Mommy ni Third?" takang tanong ko nang maalala ko 'yon bigla.
"No, iba 'yong nagluwal sa'kin at hindi 'yong Mommy nila," mapaklang sagot niya.
"Asan ba 'yong Mama mo?"
"I don't know."
"Huh? Pwede ba 'yon?"
"She disappeared and until now we don't know where she is. I'd looked for her before, but it's no use, she's so hard to find. And, we don't even know if she's still alive, but I'm praying that she still does."
"Think positive. Buhay pa 'yong Mama mo at mahahanap mo rin siya, pero baka malay mo bigla na lamang siyang lumitaw sa 'di inaasahang pagkakataon. Alam mo na kapag hinahanap hindi nakikita, kapag 'di hinahanap nagpapakita, baka ganyan lang din ang mangyayari sa Mama mo," nakangiting sabi ko sa kanya. Pero, seryoso, isasali ko na 'yan sa panalangin ko. I never knew that this bully and super duper energetic na si Chal Raed ay may dinadala rin palang kalungkutan sa puso niya.
"Sana nga," aniya matapos magpakawala ng isang malalim na paghinga. "Maundy," nakangiti siya nang tumingin ako sa kanya.
"Ano 'yon?" tanong ko, pero 'di niya ako sinagot. Tumitig na lang siya bigla sa'kin. See, sinong 'di masasanay niyan? Bigla-bigla na lang siyang napapatitig.
Pero kaloka, Mother Earth! Hindi mo na naman ako ininform na magtititigan challenge na naman kami ni Chal Raed!
Mighad!
15 seconds na, 16, 17, 18, wala pa rin siyang planong kumurap! Pero ako, ang hapdi na ng mga mata ko!!
"H-hey," nagulat ako nang pahiran niya 'yong pisngi ko, hindi ko pala namalayang tumulo na 'yong luha ko, "why are you crying?" nag-aalalang tanong niya.
"Eh, kasi ikaw, eh! Makikipagtitigan challenge ka pala, 'di mo man lang sinabi, ang hapdi tuloy ng mga mata ko," pagrereklamo ko pa at natawa lang siya.
Hoy! Nakakatawa ba 'yon? Huhuhu!
"Maundy," ayan na naman siya sa seryosong patawag-tawag niya sa pangalan ko. Tsk, "I hope you that won't get surprise if the happenings for the next days are somehow so unexpected," hindi ko maintindihan 'yong sinasabi niya. Huhuhu! Mas lalo akong naiiyak, "ba't ka na naman umiiyak, Sis?" tanong na naman niya.
"Hindi kasi kita maintindhan!" inis kong sabi.
"You'll understand me soon," nakangiting sabi niya at tinulungan na rin ako sa pagpahid ng mga luha ko. "Stop! don't rub it," maotoridad niya pang sabi nang ikinuskos ko 'yong kamay ko sa mga mata ko. "Just gently wipe your tears—wait, are you sick?"
"Huh?" inilagay ko agad 'yong kamay ko sa noo ko at huta, ang init ko nga! "Baka saglit lang 'to, mawawala rin 'to maya-maya," sabi ko.
Nakasanayan ko na 'to, eh, bigla-bigla akong nilalagnat tapos nawawala naman agd-agad. Wala nga siguro tala akong resistensya, mukhang tama ka, Bakla.
"You need to take a rest. Ihahatid na kita sa kwarto mo," aniya at tinulungan nga akong makatayo.
Grabe talaga, ba't nnga kaya ako biglang nilalagnat, no? Haay! Ngayon lang ako natamaan ng kyuryosidad.
Habang naglalakad kami ay naghihina na talaga ako at hindi ko na lang 'yon pinaalam sa kanya, buti na lang talaga at hawak-hawak niya ako dahil kung hindi baka napaupo na ako sa lupa.
"Just lay there and wait for me," sabi niya.
Ba't kailangan ko pa siyang hintayin? Dito ba siya matutulog? Mighad! Nakakashookt 'to, Day!
"I'll buy you some meds," dugtong pa niya saka ito tuluyang umalis.
Pahiya na naman ang Lola niyo! Napatulala tuloy ako sa nilabasan niyang pintuan. "Anong klaseng special ba ako sa kanya bukod sa special child ako?" bigla ko na lamang naitanong at saka ako humiga na sa kama.
Hinawakan ko 'yong noo ko at medyo hindi na siya gano'n ka init. See? Mawawala rin siya agad. Parang 'yong conversation niyo, Charot!
Napahawak naman ako sa dibdib ko at—Huta! Wala pala ako no'n! Charot, syempre meron. At MAIPAGMAMALAKI ko talaga 'yon.
Humawak ako ulit at...hindi na ako humihinga! Chareng! Seryoso na, sobrang lakas ng pagtibok nito, 'yong tipong mahihiya ang salitang fast sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko!
Huhuhu, ba't 'to gan'to? Ganito ba kapag maganda—este, kapag nilalagnat? O, baka in love 'yong puso ko nang 'di ko alam?
OMG!