Chereads / The Baklush Has Fallen / Chapter 27 - Chapter 26 : Alonzo's Matriarch

Chapter 27 - Chapter 26 : Alonzo's Matriarch

Tapos na ang masasayang araw at hello trabaho na naman kaming lahat, haaay! Kailangan ko ng round 2, pero dapat puro masasayang memory lang ang mangyayari, 'di 'yong puno ng kadramahan.

"Good Morning," bati sa'kin ni Chal Raed na late na dumating sa trabaho, dapat kaltas na rin 'yan sa perang natatanggap niya, 'no? Charot!

"Good Morning, Boss Gorgeous," nakangiting bati ko pabalik. "Ah, Boss," binigay ko naman sa kanya ang ginawang cake ni Jazz, pang peace offering daw, ang sweet ng mga Baklush, sarap tirisin, "bigay ni Jazz, sorry na raw," sabi ko. Napangiti naman siya at agad 'yong tinanggap. "Oy! Sila na ulit—ay, 'di pa pala kayo."

"Stop saying nonsense at magtrabaho ka na nang maaga kang matapos, mapagalitan ka na naman ng mga hot mong Kuya," aniya.

"Sige po," sagot ko at binigyan niya muna ako ng isang ngiti saka siya tuluyang pumasok sa opisina niya. Haharap na sana ako sa laptop ko nang nakalimutan kong ibigay 'yong dalawang red roses na pinapabigay rin ni Jazz. Kinuha ko 'yon at akmang pupunta na sa opisina niya nang makita ko siyang nakadungaw pa pala sa may pintuan at nang mapagtanto niyang nakita ko siya ay agad niyang isinara 'yong pinto, weird. "Boss Gorgeous," tawag ko sa kanya. "May ipinapabigay pa pala si Jazz sa'yo, nakalimutan kong ibigay," dagdag ko.

"S-Sandali," aniya at hindi ko na lang pinansin ang pagkabalisa sa boses niya na talagang nautal pa. "Ano 'yon?" tanong niya nang buksan niya ang pinto.

"A-anong nangyari sa'yo?" takang tanong ko. "Ba't ang pula mo, lalo na 'yong tenga mo?"

"H-huh? Ah, kasi...kinagat ng lamok."

"May lamok?"

"O-oo."

"Paanong may lamok?"

"Kasi may lamok."

"Paano nga nakapasok 'yong lamok?"

"Pumasok sa bintana."

"At kinagat ang tenga mo?"

"Kinagat ang tenga ko."

"Mighad!" napahawak pa ako sa bibig ko, "baka mamaya aedes aegypti mosquito 'yon, baka may dengue ka na! Magpa-ospital ka na, ho, Boss Gorgeous, just a friendly advice, ay hindi pala friendly, secretary advice, 'yon."

"Aedes aegypti mosquito? Dengue?" tanong pa niya at limang beses akong tumango. "Hindi ako kagaya mong walang resistensya at walang bitamina sa katawan para makagat lang ng lamok isang beses, eh magkakadengue na," nakangising sabi niya.

Asar ko kunyaring ibinigay sa kaniya ang bulaklak, "ayan, galing sa soon to be jowa mo! Saksak mo sa tenga mo nang mawala ang pamumula, Bully!" sigaw ko saka ako dire-diretsong lumabas at ang bruhang Bakla tawang-tawa lang?! Huta!

Ilang sandali lang may kumatok at pumasok ang isang tukmol—charot! Syempre isang gwapong nilalang 'yong pumasok. "Good morning," aniya.

"Kuya mo, nasa loob," sabi ko agad na hindi man lang sinagot ang pagbati niya.

"I know, I can clearly see him through his window," aniya at naupo sa harap ko. "But, I'm here to talk to you," dagdag niya. At anong samaligno naman ang sumapi sa kaniya at gusto niya akong makausap, aber?

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Do me a favor, please," aniya.

"Anong gusto mo mango, strawberry, grapes, orange, apple o kamias?"

Iwness, ba't nasali ang kamias, Maundy?!

"Favor, not flavor."

"Favor na pala 'yon? Bago na?"

"Loviedoves—"

"Huta! Tigil-tigilan mo nga ako, Third, diretsuhin mo na ako," inis kong sabi. Loviedoves? Iw, ibaon na natin sa nakaraan 'yan, hutang 'yan!

"Okay, okay," natatawa pang sabi niya, wala namang nakakatawa! "Hindi na ba kita pwedeng tawagin sa gano'n?"

"Sabi nang tigilan mo na 'yan, eh, papalayasin kita ora mismo, kahit tatay mo pa may-ari nitong kompanya, papalayasin kita," pananakot ko pa, pero mas lalo lang siyang ngumisi. Kaloka! Kay aga-agang manggulo nito! Kung ang Kuya bully, ito naman annoying, kung wala lang kaming past nito, sinapak ko na 'to! Charot lang, mamaya magsumbong 'to sa tatay niya at mawalan pa ako ng trabaho, 'no.

"Okay, I'll be serious now, Mon," aniya at umayos pa sa kaniyang pagkakaupo. ""Please help me," muling usal niya. "Ikaw lang kasi 'yong matatakbuhan ko. I know you have this personality that can change someone's decision. Mon, tomorrow's night will be the last engagement party and after that tuluyan na akong matatali. Actually, gusto ko na talagang matuloy 'yong kasal namin kahit hindi ko naman talaga mahal 'yong soon to be asawa ko, but now, Mon, I had changed my decision, ayokong matuloy."

Huta? Tama ba 'yong mga narinig ko? Ibig sabihin susuwayin niya 'yong Mommy niya? Mighad!

"Oh, eh, anong maitutulong ko?"

"Help me to change my Mom's decision, please."

"P-Paano kong gagawin 'yon?" nakakaloka, ni-hindi ko nga kilala 'yong Mommy niya tapos bigla-bigla akong lilitaw para sabihin sa kanyang hindi niya maaaring ikasal ang anak niya sa taong hindi niya mahal? W-Wow! Super pabibo ko naman yata. "Sandali...gusto mo ba akong mag pretend as girlfriend mo? Huta! Ang cliche mo, Third," dagdag ko pa.

"No, hindi 'yan ang plano ko, Mon."

"Wow, so nag plano ka nang hindi mo man lang ako isinama? Tapos sa operation ako ang gagawa? Loko-loko ka rin, Third, ha."

"Okay, calm down. I'm gonna tell you my plan," at sinabi nga niya sa'kin ang plano niya. Sabi niya barilin ko raw 'yong soon to be wife niya. Charot! HAHAHA, kung pwede lang, eh.

"Alam mo, Third, hindi ko alam kung gagana 'yong plano mo, pero I'll do my best," sabi ko.

"Thanks, Maundy, thank you so much," sincere talaga siya pagsabi no'n.

"Matanong ko nga kung ano ang dahilan kung ba't nagbago ang isip mo," tsismosa mode muna tayo ngayon mga Loviedoves—pwe!! Mga Pips, pala!

"I...I like Clarice," aniya na talagang ikinagulat ko kahit hindi naman dapat. Halata namang gusto niya si Clarice, eh, charot-charot lang talaga na na shock ako para madrama.

"So, gano'n? Noong tayo 'di mo 'ko ipinaglaban, ngayong si Clarice todo effort ka para ipaglaban 'yong nararamdaman mo para sa kanya? Saang banda ba lumamang si Clarice sa'kin? Dahil mahahaba kuko niya? Edi sana sinabi mo sa'kin noon nang pati kuko sa paa ko papahabain ko, mas mahaba pa sa blondeng buhok ng Kuya mo tuwing nag a-anyong babae siya maipaglaban mo lang ako," seryoso ko talagang sabi dahilan para napapahiya siyang napayuko. "Charot! Drama-drama lang, Third, past is past. Okay na nga tayo, 'di ba?" natatawang tanong ko pa at para naman siyang nakahinga nang sobrang luwag.

"My tears were about to fall, Loviedoves," aniya at inis ko talaga siyang inismiran.

"Mamaya papatuluin ko na talaga 'yang luha mo kapag nasapak kita, Third," asar ko talagang sabi. Napakakorni ng Loviedoves! Ewan ko ba ba't 'yan endearment namin noon, eh, maiihi ka talaga sa sobrang kakornihan nito.

"Oh, I'm just joking, Mon, alam mo namang wala akong kalaban-laban sa isang black belter sa taekwondo, boxer, at napakaraming alam sa Martial arts na katulad mo, 'di ba?"

"Oo nga, kaya matakot ka sa'kin."

"Always and forever, Loviedoves."

"LAYAS! Umalis ka ora mismo, Third, at baka magbago ang isip ko at 'di kita matulungan!!" inis ko na talagang sigaw at ang Loko natatawang lumabas. Madapa sana siya!!

Loviedoves?! IWNESS!

***

Pauwi na ako at solo flight ako ngayon na papalabas ng kompanya. Hindi ko kasama ang dalawa dahil si Chal Raed may meeting, si Jazz naman 'di nagpakita ng buong araw. Ano kayang nangyayari sa kanya? Haaay!

Nasa labas na ako at naghihintay na ng taxi nang bigla na lamang may humintong sasakyan sa harap ko at bumaba ang isang babae na ubod ng ganda! Wow! Kahit halatang may edad na 'to ay ang ganda niya pa rin!

"MY GEEEE!" bigla na lamang sigaw nito nang may isang lalaki ang sumikwat ng bag niya.

OMG? OMG! Help her, Mon!

"Pakihawak," sabi ko rito sa magandang babaeng 'to—kahit may edad na—at agad niya naman 'yong tinaggap saka ko hinabol 'yong lesheng magnanakaw na 'yon. "HOY!!" sigaw ko sa kanya at sandali naman siyang napalingon sa'kin saka muling tumakbo. "KAPAG NAHULI KITA, MAGDASAL KA NA! DASALAN MO LAHAT NG DIYOS NA KILALA MO DAHIL LULUMPUHIN KITA!!" muli kong sigaw at ang Loko kumaway lang sa'kin.

Lagot ka sa'kin ngayon, sorry ka na lang dahil alam na alam ko ang lugar na 'to dahil dakilang lakwatsera ako rito kasama ang tatlong bruha, kaya syempre knows na knows ko ang mga shortcut here! Konting takbo na lang, Maundy, magiging reyna ka rin.

Nakatayo na ako sa gitna ng daan at hinihintay na lang ang kawatang 'yon.

Ang bagal naman tumakbo, 3 minutes na akong naghihintay. Nakakainip!

"Tabi!" aniya at akmang lalampasan niya na ako nang hilahin ko agad ang long hair niya. Swerte ko nga naman talaga. "Bitawan mo 'ko!" sigaw niya pa.

"Nagdasal ka na ba?" tanong ko sa kanya at gulat naman siyang napatingin sa'kin, ngayon niya lang siguro napagtanto kung sino ako. "Ilang Diyos ang pinagdasalan mo?" nakangiting tanong ko.

"Bitawan mo 'ko! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag napuno ako sa'yo," pananakot pa niya. Sus! Kahit height niya nga 'di nakakatakot, hanggang balikat ko lang naman siya. Hello? Baka nga 'di niya abot 'tong colored purple kong buhok. Charot! Abot niya 'no, pero 'di ko hahayaang mahawakan niyang makasalanan niyang kamay ang precious hair ko.

"May ituturo ako sa'yo, ha," sabi ko at ang tanga nakinig naman. Inilabas ko muna 'yong tensyon ko habang kinukuyom ko na 'yong kamao ko at inilagay ro'n ang buo kong lakas, saka ko pinukpok 'yong kamao ko nang dalawang beses sa may bandang ilong niya kaya agad 'yong dumugo. "Sorry napalakas ko yata," sabi ko sa lalaking 'to na talagang ang talas ng tingin sa'kin. "Iyon ang tinatawag na hammer fist," sabi ko sa kanya. "At ito naman ang..." itinaas ko 'yong paa ko, inikot ko 'yong katawan ko 90 degrees at inextend ko 'yong legs ko saka ko siya sinipa nang malakas. Well, nasubsob lang naman ang mukha niya sa lupa, "...side kick, 'yon ang tinatawag na side kick. Gusto mo pa bang matuto ng ilang taekwondo moves? Don't worry free 'to," nakangising sabi ko.

"H-Hindi na, Miss," tumayo na siya at nasa may bandang mukha niya pa 'yong isang kamay niya animoy sinishield niya 'yong ewan niyang mukha, "ayan na ang bag," aniya at ibinigay nga sa'kin ang bag ng magandang babaeng 'yon na talagang hindi niya binitawan kahit sinapak at sinipa ko na siya.

"Ayaw mo nang matuto?" malungkot ko kunyaring tanong. Itinaas ko 'yong kamao ko at ang loko tatakbo na sana, mabuti na lang talaga at mahaba ang buhok niya. "Naririnig mo ba 'yan?" tanong ko sa kanya nang marinig ko ang sirena ng sasakyan ng mga pulis.

"B-bitawan mo 'ko!" sigaw niya na agad kong inilingan.

"Sasama ka sa kanila sa gusto at sa gusto mo," nakangiting sabi ko. Nang akmang duduraan niya ako ay agad ko siyang itinulak, napasubsob tuloy ulit ang mukha niya sa lupa. Ops! Wrong move, eh. Tinapakan ko na rin 'yong likuran niya nang 'di na makatayo hanggang sa dumating ang pulis.

Hoooh! From humor to action, real quick!

"MY GEEE! Thank you so much, Hija, thank you!" sabi no'ng babaeng maganda kahit may edad na na talagang napayakap pa sa'kin. "How can I repay you?" tanong niya.

"Huwag na, ho, okay na 'yong pasasalamat niyo," nakangiting sabi ko. "Salamat din po sa paghawak ng bag ko,"dagdag ko pa at kinuha ko na rin 'yong bag.

"Wait, Hija, you look familiar, what's your name?"

Super common ba 'yong mukha ko kasi familiar sa kanya? Aw, sad!

"Maundy ho---ay, Maundy pala walang ho. Full name, Maundy Diana Marice."

"M-Maundy Marice?"

"Opo."

"I-Ikaw 'yong ex gilfriend ni Third?"

Nagulat naman ako agad sa tanong niya. Hindi ko naman inaakalang na broadcast na pala sa entire world na naging kami ni Third at ngayon ay mag ex-jowa na.

"M-Maundy, I'm Thea Spy Alonzo, Third's mother," muling usal pa niya na mas lalo kong ikinagulat, pero ilang sandali lang ay napangiti ako.

Mapapaaga ang plano natin, Third.