Chereads / The Baklush Has Fallen / Chapter 31 - Chapter 30 : Confusion

Chapter 31 - Chapter 30 : Confusion

Maundy's POV

Super duper kulang ang tulog ko ngayon, halos buong gabi ay paulit-ulit ko lang inisip 'yong mga nangyari kahapon. Hindi na rin kasi kami muling nag-usap ni Third nang biglaang mag walk out si Chal Raed. Hindi nga namin naubos 'yong pagkain, eh, sayang! Mabebenta pa 'yon.

"Ate Love?" rinig kong tawag sa'kin ni Miracle saka siya kumatok.

"Yes, Miracle?" tanong ko naman.

"Aren't you going to eat? Late ka na, ah," aniya. Umalis na 'ko sa kama ko at binuksan 'yong pinto. "You're not yet ready? Hindi ka ba papasok sa trabaho?" tanong niya nang makitang nakapangtulog pa rin ako.

"Papasok," tipid kong sagot. At dahil papasok ako, siguradong magkikita kami at medyo kinakabahan ako na ewan.

"Then, why aren't you properly dress up, Love?" tanong naman ni Kuya Messle na kakagising lang din.

"Ito na po, maliligo na ako nang makapagbihis na ako ng pormal na damit at nang makapasok na ako sa trabaho," sabi ko at akmang isasarado ko na 'yong pinto nang magsalita ulit si Kuya Messle.

"Ihahatid na kita at baka mahirapan kang maghanap ng jeep. 10 AM na, madalas puno na 'yong jeep kapag gan'tong oras" aniya at napangiti naman ako nang sobra. Hindi ako makakagastos ng pamasahe! Great! "But, you still need to pay for the fare," dagdag niya at 'di man lang ako hinayaang magbigay ng reaction paper! Dire-diretso na siyang umalis habang hila-hila si Miracle. Hype na 'yan, kapatid niya ako, pero magbabayad pa rin ako ng pamasahe? Great, Kuya, great! Isa kang huwarang kapatid!

***

"Oy, Miss Maundy, ang gwapo no'n, ha, boyfriend mo ba 'yon?" tanong pa ni Herriah. Nakita niya kasing pinagbuksan ako ng pinto ni Kuya Messle. Ito namang babaeng 'to ay sinapian ng pagiging tsismosa ni Rosas kaya ayan agad ang tanong.

"Oo," sagot ko para mas lalong mainggit ang bruha. HAHAHAHA!

"Grabe ang gwapo! May kapatid ba 'yong boyfriend mo?" tanong na naman niya.

"Oo, kaso Grade 12 pa, eh, okay lang ba sa'yo na matawag kang child abuse?" tanong ko sa kanya.

"Grabe ka naman. Hindi na, 'yong boyfriend mo na lang ang pagpapantasyan ko."

Loka-lokang 'to! Hindi na talaga ako magpapahatid kay Kuya Messle, lakas maka chick magnet, eh. Iwness!

"Sinong may boyfriend?"

Sabay kaming muntik nang mapatalon sa gulat nang sumulpot na lang bigla-bigla si Chal Raed. Buti 'di ko siya nilingon at baka magkatitigan kami. Maiilang talaga ako kahit 'di ko alam kung bakit.

"Si Miss Maundy, Sir Alonzo, may boyfriend, super gwapo at gentleman!" sagot naman ni Herriah.

Hindi sumagot si Chal Read kaya napilitan akong lingunin siya na tama nga ako, nakatingin siya sa'kin, "may boyfriend ka?" tanong niya. "Mas gwapo at mas gentleman sa'kin?" nagulat talaga ako sa tanong niyang 'yan. Mighad!! Mas GWAPO at mas GENTLEMAN pa sa kanya? Like, Mighad, Mother Earth! Lalaki na siya? Enlighten me, please!

"Sir Alonzo, bumaliktad na po ba ang mundo?" takang tanong ni Herriah.

"Talong na ba ang tahong?" wala sa sarili kong tanong kaya ayon nakatanggap ako ng pitik sa noo. Ang chakit!

"Let's go, I still have meeting to attend," aniya at nauna na ngang maglakad.

Napatingin naman ako kay Herriah na takang-taka pa rin, "palagay ko parehas tayo ng iniisip, tama kaya tayo?" tanong ko sa kanya.

"Siguro? Kasi, first time kong narinig sa kanya 'yon."

"Ako hindi naman, pero napapadalas na siyang ganyan, eh, 'yon bang unti-unti nang nawawala ang Baklang Chal Raed."

"Anong gagawin natin?"

"Itigil ang tsimisan."

"Huh?"

"Itigil na natin 'tong tsismisan at magtrabaho na tayo! Nakakaloka ka, Herriah, hinawaan mo 'ko ng dugong pagiging tsismosa mo," pagbibiro ko pa at ang Bruha hinila 'yong buhok ko, pero marahan lang naman.

"Malay natin, ikaw dahilan kaya nagpapakalalaki ang baklang Chal Raed," pahabol pa niya kaya siya naman ang sinabunutan ko—charot! Marahan ko lang hinila 'yong buhok niya.

"Loka ka! Magtrabaho ka riyan, puro ka daldal."

"Send my regards to your boyfriend."

"Mukha mo," tuluyan ko nang nilayasan si Herriah at dumiretso sa opisina ko.

Nadatnan ko naman si Jazz na papalabas ng opisina ni Chal Raed, "good morning," bati niya sa'kin.

"Good morning, Sir Gorgeous," bati ko pabalik.

"Nagkausap na ba kayo ni Chal Raed?" tanong niya. Haaay! Lahat yata ng tao nasapian na ng pagiging tsismosa ni Rosas—charot! Para nagtatanong lang, Maundy, eh. Judger!

"Nang seryoso? Hindi pa," sagot ko naman.

"I see," tatango-tangong sabi niya. "Let's have lunch later, kumain ka na siguro ng breakfast, right?" tumango naman ako agad, "anyway, here," ibinigay niya sa'kin ang hawak-hawak niyang papel, "I wrote everything that happened yesterday in the meeting."

"Thank you, Jazz," nakangiting sabi ko.

"Don't mention it," ngumuti siya, "so, see you then later," aniya at saka siya umalis na.

Humarap na rin ako sa laptop ko at inasikaso ang minutes sa nangyaring abrupt meeting kahapon. Mabuti na lang talaga at nag ala-secretary si Jazz kahapon kaya hindi na ako mapapagod sa pakikinig nitong audio record tungkol sa nasabing meeting.

"Wow! Grabe si Jazz kung magsulat, detalyado talaga," hangang-hanga ko pang sabi. Pakiramdam ko wala siyang na miss out na nangyari sa meeting, eh. Kahit 'yong mga 'Ahhh', 'Okay, I agree', 'Ohhh, that's nice' at kung anu-ano pang hindi naman kailangang isulat sa minutes ay inilagay niya! Ikaw na ang pangalawang reyna, Jazz!

"You're done?"

"Ay kalabaw!" gulat ko talagang sabi. Kasi naman, eh, hindi ba pwedeng kalabitin niya muna ako? Agad-agad na nagsasalita, eh busy ako rito kakatype! Kaloka!

"I-I'm sorry, nagulat ba kita?" tanong niya.

"Sobra!" pagsabi ko ng katotohanan.

"I'm sorry again," bahagya siyang yumuko, "hindi ko naman inaasahang nerbyosa ka pala kaya huwag ka ng mag kape. Wala ka pang resistensya, wala pang bitamina, nerbyosa pa. Grabe! Ikaw na, ikaw na ang sobrang lusog," natatawang aniya.

Huta! Kailan ba matitigil sa pangbubully sa'kin ang baklang—lalaki? Ewan! Basta, 'tong taong 'to! Napakabully talaga, humanda talaga siya kapag nagkakilala kami ni gym at exercise, 'yang brusko niyang katawan mahihiya sa'kin. Char!

"Huwag mo na akong kausapin kung ibubully mo lang ako," asar ko kunyaring sabi at muling humarap sa laptop ko.

"Iyan eh kung...kaya ko."

"Na ano?! Hindi mo kayang tigilan 'yong pangbubully mo?!"

"Nope, 'yong hindi ka kausapin...hindi ko kaya," seryoso talagang sabi niya. Sinuklian ko naman agad 'yon ng pagtitig sa kaniya at naghihintay na bawiin niya 'yon, pero 'di nangyari. "Finish your work quickly, sasama ka sa'kin sa meeting ko," aniya at umalis na sa pagkakaupo sa harapan ko.

"Sandali, anong oras ba 'yong meeting?" tanong ko.

"At exactly 11:30, doon na rin tayo kakain," sagot niya.

Patay! Paano 'yong lunch namin ni Jazz? Hindi pwede, kasi 'pag hindi ako sumipot ako ang makakalibre nito...at Mighad! Kailan ba natutong mang libre ang isang Maundy Marice? Kaloka!

"Boss Gorgeous, kasi...may lunch kami ni Jazz, eh, kailangan ba talaga ako sa meeting?" tanong ko, nagbabakasaling maaari akong 'di sumama sa meeting.

"You're my secretary, right? So, you need to be there. Ano ba 'yong pipiliin mo, 'yong trabaho mo o 'yang lunch niyo ni Jazz?"

Mighad! Ang seryoso naman ng boses! Natatakot tuloy akong piliin 'yong libreng lunch ni Jazz. Haaay!

"Iyong trabaho ko po," sagot ko kahit labag talaga sa kalooban ko, charot!

"Good. You should always choose me over anyone else," aniya at dire-diretsong pumasok sa opisina niya.

Like, Mighad again! Kailan pa siya naging trabaho ko? Hindi ba 'yong trabaho ko 'yong pinili ko at wala naman siya sa choices? Kaya paanong siya ang pinili ko? Hala! Naloka na, Day!

***

After an hour ay natapos na rin ako, sakto namang malapit nang mag 11:30 kaya niready ko na lang 'yong sarili ko at ang mga dadalhin ko sa meeting.

Pero, huhuhu! First time kong manglilibre, hindi pwede! Wala akong kilalang Maundy Marice na nanglilibre!

"Let's go," sabi pa ni Chal Raed at nauna nang lumabas. Sumunod naman ako agad kahit ang bigat-bigat ng pwet ko dahil ayoko talagang sumama, gusto kong sumipot sa lunch namin ni Jazz para hindi ako manglilibre sa kanya bukas! "Give me your recorder," biglang sabi ni Chal Raed nang nasa harap na kami ng meeting hall.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Don't bother yourself asking, just give it to me," aniya. Sa huli ay wala na akong nagawa pa at ibinigay ko 'yon sa kanya, "I'll ask someone else to write down what will happen for today's meeting," dagdag pa niya at akmang papasok na sa loob, pero agad akong humarang.

"Akala ko ba kasama ako?"

"Hindi ba't may lunch kayo ni Jazz? At kapag 'di ka sumipot ay ikaw 'yong manglilibre. I know you, sobrang labag sa kalooban mo ang manglibre, kaya gumura ka na sa lunch niyo."

"Mighad! Thank you, Chal Raed!" at napayakap pa ako, huta! Sorry na, nadala lang.

"Y-You can go now," aniya at kumaway pa ako sa kanya sako ako aalis na sana, pero muli niya akng tinawag. "Be ready..." tumigil siya sa pagsasalita at ito na naman ako, nalilito na naman sa be ready-be ready na 'yan, "Maundy kasi..." tumigil na naman siya at may palunok-lunok pang nalalaman, "...liligawan kita," matapos sabihin 'yon ay tuluyan na siyang pumasok sa loob.

Tama ba 'yong narinig ko? Liligawan? LILIGAWAN?! O, baka lulugawan? Tama, lulugawan niya ako dahil aniya, kulang ako sa resistensya, walang bitamina, at nerbyosa kaya lulugawan niya ako, hindi liligawan, okay? Okay!

Pero, huta!! Liligawan yata talaga, eh! Mighad! Bakit? Hindi ba liligawan lang ng isang lalaki ang babae kapag may gusto ito sa kanya, o baka naman pinagpupustahan nila ako?

Mighad! I-deads niyo na lang 'yong character ko kaysa pagpustahan ako, huta! Ang sakit kaya sa feelings no'n.

Pero, liligawan niya ba talaga ako? Leshe! Ewaaaan! I'm so confused!