Chereads / Personal Life of an IDOL / Chapter 7 - Chapter 6: Scandal

Chapter 7 - Chapter 6: Scandal

Binuksan ni Louie yung TV dahil gusto daw niya manuod ng balita ako naman ay nag aayos na ng lamesa para sa kakainin namin ngayong gabi niluto ko kasi ang paboritong putahe ni Dong Min ito ay Japanese Curry. Matagal ko ring pinag aralan ang tamang timpla nito kaya naman ngayon malakas ang aking loob na masarap talaga ito.

"Showbiz time! Isang sikat na actor at actress confirm na sila na talaga!" ito talaga ang pinaka ayaw kong parte ng balita tungkol saming mga actress kulang nalang pati pag utot namin ibalita nila kaya naman hindi na ko humarap at kinuha na ang ulam.

"Ayon sa parehas na company ni Ainsleigh Kim at JK isang taon na daw silang in a relationship! may roon pang mga picture kung saan makikita ang sweet na sweet na lovely couple" ng marinig ko ang aking pangalan ay bigla akong napa pitlag at nabitawan ang mangkok ng ulam na hawak ko.

Ito na yung pinaka ayaw ko, yung pati ang buhay ko sila na ang may hawak. Ipapalabas nanaman nila na kami ang masakit pa kompanya pa namin ang naglabas. Pag sa ganitong pag kakataon kasi pag ang kompanya ang naglabas ng balita 100% totoo iyon sa mata ng tao.

Ano ng gagawin ko ngayon? Matutulad nanaman ba ito sa nangyari kay Nana?

Nang maalala ko si Nana ay agad nag unahan ang aking luha kaya naman tumalikod agad ako sa kanila.

" Lei, okay ka lang? " tanong ni Mari.

Ngumiti naman ako at sinabing " Tara, kain na tayo " agad naman silang lumapit at nag sipag kain na ng tahimik.

Si Louie naman ang nag hugas ng pinggan dahil wala daw siyang natulong. Biglang tumunog ang aking telepono at nakita ang pamilyar na pangalan kaya naman sumenyas akong lalayo muna para sagutin ang tawag. Pumunta ako sa bandang bintana ni Dong Min na kita ang labas ng building.

"Ai" malungkot niyang tawag, dahil sa boses niya parang gusto ko ng tumakbo at umiyak sakanya.

"JK" iyon lang ang nasabi ko at hindi na ako nakapag salita dahil pinipigilan kong umiyak.

"Ai, wag kang mag alala aayusin natin to ha ako na ang bahala I'll protect you" malambing niyang sabi. Dahil sa sinabi niyang iyon lalong kumirot ang aking puso pero pilit kong tinatatagan.

"May tiwala ako sayo, hihintayin kita" iyon lang ang nasabi ko dahil wala na talagang gumagana sa isipan ko ngayon parang gusto ko nalang magmukmok.

"Ai, be strong hindi ko hahayaang mangyari ulit yung nangyari kay Nana okay" pagpapalakas niya pa ng loob sa akin.

"Hm" napatango naman ako na akalang nakikita niya ko at natapos na ang aming usapan. Huminga muna ako ng malalim at saka bumalik kila Liz.

"Lei, anong laman ng luggage mo parang madami" dahil sa sinabi ni Liz agad naman akong nakaisip ng paraan para iwaglit sa aking isipan ang nangyayari.

"Teka kukunin ko, jan lang kayo" at saka ako umakyat ng hagdan at binuksan ang unang kwarto.

"Hala, mali" tatalikod na sana ako ng makita ko ang isang litrato sa side table ni Dong Min.

"Hindi ka parin nagbabago" bulong ko habang hinihimas ang litrato. Ito ay litrato naming dalawa noong mga bata pa kami para kaming kinasal dahil ako ang gumanap na Little Bride siya naman ang Little Groom.

"Bitawan mo yan" nang marinig ko ang boses niya ay agad kong binalik ang litrato sa side table.

"Sorry, namali kasi ako ng pasok tapos natanaw ko.." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong niyakap.

"Iiyak mo na habang hindi nagbabago isip ko" pagka sabi niya yun ay agad na nag unahan ang aking luha.

"Min, natatakot ako" pautal utal kong sabi.

"Bakit?"

"Natatakot akong mangyari ulit yung kay Nana" sagot ko.

"Anong nanyari kay Nana?"

Si Nana, siya ang butihing asawa ni Mang Randi na tumayong pangalawang ina ko,siya ang kasama ko sa shooting, photoshoot, events at kung saan saan pa pero isang araw napabalitang in a relationship kami ni JK at hindi namin sukat akalain na may isang tagahanga si JK na patay na patay sakanya.

Isang araw, habang nasa shooting kami may taga labas daw na nakapasok hindi naman kami natakot dahil baka paparazzo lang pero habang magisa ako sa tent lumabas ang isang babae at may dalang kutsilyo.

"Kayo ni JK?! AKIN SI JK!! HINDI SAYO! AKIN LANG SIYA!!" iyon ang mga salitang sinabi niya at agad akong sinugod, dahil sa takot ko ay napa pikit nalang ako pero pagka mulat ng aking mata nakita ko si Nana na tadtad ng saksak at walang awang sinasaksak parin ng babaeng iyon wala akong nagawa kundi umiyak at sumigaw, dumating naman ang mga body guard sa shooting at sinugod agad si Nana sa ospital, pero huli na ang lahat namatay si Nana dahil sa dami ng saksak nito at nakulong naman ang babaeng baliw na baliw kay JK sabi nila ay baliw na daw ito kaya diniretso ito sa rehab.

Tuwing naaalala ko ang mga nangyari na iyon ay wala na kong ibang ginawa kundi ang umiyak dahil I feel hopeless wala akong ginawa ng saksakin niya si Nana at pinanood ko lang siyang gawin yun.

"Wala akong kwenta, Min" hagulgol kong sabi, naramdaman ko namang humigpit ang yakap ni Dong Min sakin dahil malapit rin sakanya si Nana. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa napagod rin ako si Dong Min naman ay hindi ako binitawan hanggang sa huminahaon na ang aking kalooban kaya naman bumitaw na ko sa yakap niya.

"Since nandito ka sa bahay ko for the meantime aalagaan muna kita at yung kwarto niyo, nasa kabila" sabi niya sabay labas ng kwarto, humabol naman ako at nagpasalamat.

Ngayon ko lang ulit nakita ang maliit niyang ngiti pero masaya na ako. Pumunta ako sa kabilang kwarto at kinuha ang mga gamit na kailangan ko at habang pababa ng hagdanan ay sumigaw ako "Pamper Time!" bumaba ako ng hagdanan habang iniwawagayway ang aking hawak.

Binigyan ko sila ng head bands siyempre kasama si Dong Min at Louie.

"Waaa, gagawin ba namin yung routine mo?" nagniningning ang mata ni Liz habang sinasabi iyon.

"Yup" at inabot ko ang Cleanser sakanila sabay sabay kaming naghilamos pagkatapos noon ay nag exfoliate ng mukha.

"Pila kayo, girls first" una kong nilagyan si Liz habang nakaunan sa aking hita sumunod naman si Mari at Louie at pang huli si Dong Min.

"Tara na wag ka na mahiya" sabay kampay ng aking kamay senyas na lumapit siya at ilagay ang ulo sa aking hita.

Habang nilalagyan ko ang mukha ni Dong Min isa lang ang naisip ko, madami na talagang nagbago sa amin kung titignan ko ngayon hubog na ang kanyang mukha makapal din kahit papaano ang kilay, maninipis ang labi at singkit na singkit na ang kanyang mata ang balat niya sobrang puti daig pa ang sakin.

"Hoy, baka matunaw yan" nagulat ako sa biglang bumulong sakin at si Louie yun kaya naman tinapos ko na agad at naglagay sa sarili ko ng face pack.

"Tara picture tayo" at agad kong inilabas ang aking cellphone at kumuha ng litrato namin inilagay ko naman agad iyon sa aking instagram para narin sa mga fans ko.

Natapos ang aming pamper time at saka kami pumunta sa kanya kanyang kwarto para magpahinga. "Lei, sabihin mo yung totoo kayo ba talaga ni Jk?" tanong ni Liz. "Hindi kami, pero gustong palabasin ng company na kami para mag viral tapos para mas kumita pa sila" pagpapaliwanag ko habang inaayos ang mga gamit sa maleta. "Wag kang mag alala Lei at least kaming malalapit sayo alam namin ang totoo" sabay ngiting matamis ni Mari ngumiti nalang din ako bilang ganti at natulog na kami.

Alam kong tulog na si Mari at Liz ,pinipilit ko ring matulog pero hindi ko talaga kaya dahil iniisip ko kung ano na mangyayari bukas, dapat ko bang itanggi na kami o dapat sumabay nalang ako sa agos. Lumabas ako ng kwarto at balak magpalamig sa balkonahe, nagtimpla ako ng gatas at dumiretso doon. "Sana laging ganito katahimik" bigla kong nailabas sa aking bibig sabay buntong hiniga.

"Tahimik naman sana kung hindi ka nag artista" si Dong Min ang taong biglang nagsalita. "Pwede wag mo muna ko sisihin kahit ngayon lang" sabay yuko ko kasi kaysa palakasin ang loob ko parang lalo niya pa akong ibinababa.

"Hindi naman sa ganoon sinasabi ko lang so anong balak mo ngayon?" nagulat ako na concern siya sakin. " Hindi ko alam titignan ko pa bukas tapos bahala na basta iiwas ako sa media" sabay inom ko ng mainit na gatas.

"Wag ka munang pumasok sa school ako na bahala kay Mommy magpahinga ka muna tapos bibigyan nalang kita ng kopya ng notes" dirediretso niyang sabi.

"Hindi mo naman alam kung saan ako nakatira" pag walang bahala ko sa sinabi niya.

"Kapitbahay kita wag mo ng itago" sa sinabi niyang iyon agad akong nanigas sa aking kinatatayuan. "Hindi ko alam, nalaman ko lang ng isend sakin ni Mari yung address saka hindi ako yung naghanap ng bahay yung assistant ko tapos.." bigla niya pinigil ang pagsasalita ko at ngumiti ng nakakaloko. "Alam ko " lalong lumaki ang mata ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman?" "Sabihin na nating nung lumipat ka jan nakita kita at narinig ko ang paguusap niyo ng assistant mo" para naman akong nabunutan ng tinik, kung ano ano pang dahilan ang naisip ko tapos alam naman pala niya.

"Matulog ka na 3am na" sabay talikod niya at umalis na. Napatitig ako sa baso ng gatas sa aking kamay sabay ngumiti. Alam kong nag aalala parin siya sakin at hindi ako baliwala sakanya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at pumunta sa kusina, nakita kong nagluluto si Dong Min ng almusal yung iba naman ay tulog pa.

"Good morning" bati ko na may napaka tamis na ngiti.

"Good morning, how's your sleep?" bakit ang masculine niyang tignan habang nakasuot ng apron. "Ok naman, tulungan na kita" agad ko naman siyang tinulungan na mag bati ng itlog.

"Wow ang sweet naman parang nanay at tatay lang" napatingin naman kami bigla kay Louie na nag iinat pa. "Wag kang kumain" sabay alis ni Dong Min sa plato ni Louie. "Ito naman hindi mabiro" inagaw pabalik ni Louie ang plato.

"Good morning!" masiglang sabi ni Liz at Mari. Maya maya pa'y nag limpyesa na kami para umalis.

"Basta kakabisaduhin ko yung parte ko" napatigil si Liz sa pagsasalita ng biglang madaming camera na nag flash hindi naman ako naka kilos dahil agad akong itinago ni Dong Min.

"Ay akala namin si Ainsleigh, sorry po" nanlaki ang mata ni Dong Min at sumenyas na mag stay ako.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa labas basta nakikita ko lang sa intercom na kinakausap ni Dong Min yung mga reporter madami sila hindi ko mabilang dahil halos mapuno ang floor sa dami ng tao.

Napa upo nalang ako sa sahig dahil sa nakikita ko walang nagproseso sa utak at katawan ko.

"Paano ako makakauwi" iyon lang ang aking nasabi at nagulat ako ng may humawak sa ulo ko.

"Mag stay ka na muna dito pag wala na sila saka ka umuwi" hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako papunta sa sala ng kanyang bahay.

"Dong Min" nagunahan naman ang luha ko.

Nakita ko siyang nag dial sa cellphone niya at inabot sakin "Hello?" boses ni Mang Randi " Mang Randi!!" para akong batang iniwan ng ama ng marinig ko siya "Ma'am Ainsleigh wag kang matakot ha nasa tabi mo si Min hindi ka niya papabayaan nangako siya sakin basta wag ka munang lalabas hanggat may mga media sa labas gagawa kami ng paraan para makauwi ka" tango lang ako ng tango na parang nakikita niya ko kinuha naman na ni Dong Min ang cellphone at kinausap si Mang Randi lumayo na siya kaya hindi ko marinig ang pinag uusapan nila.

Sunod sunod ang tunog sa cellphone ko kaya naman naisip ko na patayin nakang ito, alam ko na puro media ang tumatawag tatanungin ako tungkol samin ni JK o kaya yung company at manager ko tatawag sasabihin nila ang mga gagawin ko. Ayoko nang diktahan nila ako.

"Bakit alam mo yung number ni Mang Randi?" unang tanong na nasa isip ko.

"Tinignan ko yung cellphone mo kagabi kasi tumawag si Mang Randi kaya kinausap ko na sinabi niya na expected niya bukas madami ng media sa bahay mo kaya hindi ka makakauwi at naki usap siya na dumito ka muna for the meantime".