Chereads / Personal Life of an IDOL / Chapter 9 - Chapter 8: Go with the Flow

Chapter 9 - Chapter 8: Go with the Flow

Pagkauwi ko sa condo agad akong pumunta sa telepono at pinakinggan isa isa ang voice mail at isang tawag ang nakapukaw ng aking pansin.

"Miss Ainsleigh, please go to the office once you hear this" boses yun mula kay Jaja na assistant ko.

Agad akong naligo at nag ayos papunta sa opisina, sana maayos na ang lahat ng ito pagkarating ko sa opisina nakita kong maraming media sa harap agad akong nagtago at pumunta sa back door. Nagtitinginan ang bawat taong nakakasalubong ko panigurado ako nanaman ang pinag uusapan nila.

"Sa wakas dumating ka rin! Alam mo bang isang linggo kaming tumatawag sayo pero patay ang cellphone mo ?!" sigaw ng Manager ko.

Umupo ako sa sofa "Bakit kayo pa ang galit? Hindi ba dapat ako ang magalit dahil sa ginawa niyo?" mahinahon kong sabi na nagpatahimik sa kanilang lahat.

"Ainsleigh, hindi mo naiintindihan ginagawa namin ito para sayo hindi para sa amin" sabi ng Direktor ng company.

"Mr. Xiu, sana manlang nagbigay kayo ng abiso sakin at saka hindi ko naman kailangang sumikat dahil aalis na rin ako" sa totoo lang gusto kong malaman ang totoong pakay nila dahil hindi sila gagawa ng hakbang na ikakapahamak nila.

Ang Xiu Entertainment ay maalaga sa mga artist nila hindi nila ito pinapabayaan at hindi nila hinahayaang hindi ito sumikat kaya nga tumagal ako sakanila ng halos dekada na at hindi rin biro ang pinagdaanan nila sakin.

"Ainsleigh, sa atin lang sana ito dahil ayokong sisihin ni JK ang sarili niya pero nawawala na ang kasikatan niya at kailangan ka niya para umangat ulit" nagulat ako sa rebelasyong nalaman ko na hindi na ganoong kasikat si JK pero alam kong madami pa siyang photoshoot.

Pinakita sakin ng direktor ang graph chart ni JK, "Kung makikita mo ito ang benta ng album niya noong nag uumpisa siya pero ngayon 40% nalang" kung si JK ang makakakita nito paniguradong malulungkot siya "Tignan mo ang nangyari nang lumabas ang issue tungkol sainyo napansin ulit siya ng madla at madaming na curious sakanya at binalikan ang talento niya".

Ngayon hindi ko na alam ang gagawin dahil si JK na ang usapan, "Anong gusto niyong gawin namin ngayon?" biglang labas ng salita sa bibig ko, kung noon si JK ang kailangan ko ngayon naman ay ako na ang kailangan niya.

"Kung maaari sana bago ka umalis lumabas na kunwari ay in a relationship kayo tapos gagawa kayo ng album, photoshoot or movie kung ano man ang maging line up" napaisip ako sa mga mang yayari pero paano ang pag aaral ko at higit sa lahat kung kailan maayos na kami ni Dong Min saka naman lalabas ang ganitong pangyayari.

Natapos kaming magusap ng management at agad rin akong umalis at bumalik sa condo, hindi pa kasi ako pwedeng magpa gala gala dahil mainit pa ang mata ng mga tao sakin pero para sa ikabubuti at ikakasikat ni JK gagawin ko ang lahat ibabalik ko sakanya ang pabor na ginawa niya sakin noon.

Kinabukasan ay sinundo ako ni Mang Randi kasama ang 4 na body guard na magbabantay sakin para daw sa aking proteksyon, alam kong madami ang media pero over whelming sila ngayon dahil hindi sila mahulugan ng karayom at lahat sila ay nasa gate ng school namin. Pagbaba ko ng sasakyan ay agad na sumugod papalit si Liz at Mari.

"Lei!! waaaa akala ko hindi ka na papasok sa school alalang alala kami sayo ni hindi ka namin matawagan kasi patay ang cellphone mo tapos hindi naman namin alam kung saan ka nakatira!" sinabi ni Liz yun habang nakayakap sakin at umiiyak.

"Welcome back, Lei nag take kami ng notes para sayo" at inabot ni Mari ang mga notebook na kinopya nila hindi ko na sila matanggihan kasi alangan namang sabihin ko na "Wag na tinuruan na ko ni Dong Min sa bahay niya at one week ako dun" hindi ba panigurado magiging tampuhan kami ng tukso.

"Ang daming media sa labas, tignan mo yung ginawa mo sa school ko" ayun lang sinabi niya at bigla akong pinitik sa noo sabay talikod. Lihim akong napa ngiti sa ginawa niya.

Nagkwentuhan pa kami ni Lei at Mari habang walang guro, kinuwento nila ang mga nangyari sa school noong mga panahong wala ko, maya pa'y dumating na ang Home room teacher namin.

"Good Morning students and welcome back, Ainsleigh" pagkasabi ni Ma'am Riza ay nagpalakpakan ang aking mga kaklase at umupo na kaming lahat.

"Kamusta ang pagpasok niyo? Para tayong nakipag bakbakan hindi ba?" pagbibiro ni Ma'am Riza at nagtawanan naman kaming lahat.

"Pero okay lang yan dahil paniguradong matutuwa kayo at mayroon kayong bagong kaklase" pagkasabi ng aming guro ay sabay sabay kaming napatingin sa pintuan ng buksan niya ang pinto.

Halos malaglag ang aking panga at lumuwa ang aking mata sa aking nakita "JK?!" sigaw ko lahat naman ay humiyaw na parang mga kinikilig.

Wala akong alam na magaaral siya dito at hindi ako handa.

"Good morning classmates, I'm James Kang, JK for short I'm here to follow her" at sumenyas pa siya na parang binaril ako sabay sabay na nag ayiee ang mga kaklase ko pero hindi ko makuhang kiligin dahil nakatingin sakin si Dong Min at masama ang tingin niya para akong babae na nahuling may kabet pero bakit ganoon ang pakiramdam ko hindi ba dapat normal lang ito dahil nagpapanggap kami bakit parang guilty ako.

Pinaupo na si JK at umupo siya sa likod ni Dong Min na kahilera ng upuan ko para tuloy kaming magkatabi at nakatitig lang siya sakin sa buong klase habang nakangiti ng malaki, parang wala siyang problema na kinakaharap.

Nang matapos ang klase agad kong kinuha ang braso niya at pumunta kami sa likod ng school kung saan walang masyadong tao.

"Explain?" sabi ko sabay upo sa bench.

"Gusto kong pumasok sa school?" sinabi niya iyon ng pabiro at nakahawak pa sa kanyang baba.

"Babalik na ko sa klase kung hindi kita makakausap ng matino" sabay buntong hininga ko at aktong tatayo na ng bigla siyang umupo.

"Kinausap ko ang management sabi ko gusto kitang bantayan at pumayag naman sila kaya ito mag aaral na rin ako, I'm sorry for dragging you" nakita ko naman ang lungkot sa kanyang mga mata kaya naman agad kong hinawakan ang mukha niya.

"It's fine, pinoprotektahan mo lang naman ako and thank you for that" sabay ngiti ko ng matamis, nagningning naman ang kanyang mga mata at agad akong niyakap pagkatapos pa naming magkwentuhan ay agad kaming bumalik sa classroom.

Pag balik namin ay nagtinginan lahat ng kaklase ko at agad umakbay si JK, mukhang nakausap na siya ng management at umaarte na siya ngayon. Biglang umupo sa harap namin si Louie at tinuturo ako at si JK "We are officially dating hindi mo ba nakita sa news?" pagmamaang maangan ni JK . "Wag niyo kaming pinaglololoko" sarcastic na tono ni Louie, ito na baka mag away sila. "Mamaya nalang ako ang mag explain" sabi ko bigla naman sumingit si JK "Bakit mo kailangang....Aw!" bigla kong kinurot ang hita niya sobra na kasi yung acting niya.

Nag text ako sakanilang lahat na magkita kita kami sa likod ng school sa may bench after lunch isa isa naman silang sumenyas na OK.

Pagkatapos ng klase ay agad kaming pumunta ng cafeteria para kumain at tahimik ang lahat "Anong gusto niyong kainin?" masiglang sabi ko para basagin ang katahimikan "Omellet sakin!" taas ng kamay ni Liz at yakap sakin "Pork cutlet sakin" sabi ni Mari "Omellet din sakin!" sabay akbay ni Louie "Gaya gaya ka! Wala kang originality!" sigaw ni Liz at nagsabong na sila ni Louie agad na bumalik ang paligid sa dati "Curry" iyon lang ang narinig ko sa dumaang tao at iyon ay si Dong Min, "Ako hindi mo tatanungin?" sabi ni JK "Alam ko naman kung ano ang gusto mo, hindi ba Pork Cutlet?" panghuhula ko bigla namang sumimangot ang mukha niya at bumulong ng "Curry" para akong nanliit ang lakas pa naman ng loob ko pero mali ang hula ko.

Si JK, ang nagbayad ng lahat pati desserts namin para celebration na rin daw ng relationship namin mabuti nalang at sumakay silang lahat sa sinabi niya.

Natapos kaming kumain at sumenyas akong mauuna ako "JK, bibili lang ako ng green tea mauna ka na sa classroom" paalam ko sakanya "Sama na ko" pagmamatigas niya "Ako nalang malapit lang naman iyon saka dadaan pa ko sa faculty" please umoo ka na James Kang "Ok" nagwave na ako sakanila at umalis.

Pagkadating ko sa Vending machine ay agad akong bumili ng green tea, maganda kadi itong inumin pagkatapos o bago kumain at saka ako umupo sa puwang ng mga ito "You dag your own hole" nagulat ako sa biglang nagsalita, si Dong Min " Dong Min, kailangan kong gawin ito to return him the favor" nakayuko kong sabi, nagulat ako ng bigla siyang nag squat sa harap ko "Alam kong matalino ka pero sana wag kang magsisi sa desisyon mo" at bigla siyang umalis at umupo sa bench, sumunod ako at umupo sa tabi niya.

"Pwede ba kong sumandal sayo?" nakita ko naman siyang tumango at dahan dahan akong sumandal "Min min, mag bakasyon tayo" sinabi ko iyon habang naka pikit "You are asking too much" ng sabihin niya iyon ay biglang bumalik sakin ang mga sinabi niya noon na wala na akong babalikan napa alis naman ang ulo ko sa balikat niya nagiging spoiled nanaman ako.

Biglang dumating si Liz at Louie, "Explain!" sigaw ni Louie "Wag mong sigawan si Lei!" pagtatanggol sakin ni Liz hinintay muna namin si Mari at pagdating niya saka ako nag kwento "Kailangan naming mag kunwari na kami para tumaas ulit ang popularity ni JK dahil palaos na siya" nagulat naman ako dahil napamura si Louie si Liz naman ay kumuyom ang mga kamay "Hindi alam ni JK ang nangyayari kung bakit ako pumayag kaya naman sa atin lang ito" dagdag ko pa sakanila "Pero hindi ba unfair iyon saiyo?" sabi ni Mari "Unfair pero kailangan kong gawin ito para sakanya tumatanaw lang ako ng utang na loob sakanya para sa mga panahong nandoon siya nung kailangan ko siya" napa pikit ako ng mata ng makita kong kinuyom din ni Dong Min ang mga palad niya.

Hindi ko siya sinisisi, pero iyon ang totoo noong panahon na wala si Dong Min, si JK ang laging nandiyan para sa akin in happiness and in sadness "Dahil ba yan sa pesteng best friend mo?!" sigaw ni Liz nagulat ako sa sinabi niya, agad naman akong umiling " Wala siyang kasalanan dahil alam kong may dahilan bakit siya nawala at kasalanan ko dahil nag rely ako sa iba" naiiyak ako kasi pati image ni Dong Min nadadamay nanaman, biglang may yumakap sa akin at iyon ay si Mari "Basta kung iyan ang desisyon mo hindi ka namin sisisihin at kapag hindi mo na kaya sabihan mo lang kami, Okay" niyakap ko pabalik si Mari at yumakap na silang lahat sa akin.

Isa isa naman kaming bumalik sa classroom kami ni Dong Min ang pinaka huli "After class wag ka munang uuwi dumiretso ka sa club room may paguusapan daw" iyon lang ang sinabi niya at lumiko na sa isang hallway.

Pag dating ko sa classroom nakita kong nakalingon si JK sa bintana at naka palumbaba, "Anong iniisip mo?" tanong ko sakanya "Iniisip ko kung paano ka pumayag sa ganitong set up, sabihin mo nga sakin bakit ka pumayag?" sabi ko na itatanong niya sakin ito kaya naman napag handaan ko na "Wala namang masama hindi ba tutal ganoon naman ang tingin nila satin so let it be" walang gana kong sagot "Ok sige sabi mo" alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko pero iniisip ko paano pag nalaman niya ang totoong dahilan magpapasalamat ba siya sakin o magagalit?

"JK hindi muna ko sasabay umuwi kailangan ko kasing pumunta sa club room ngayon" paalam ko sakanya, " Osige basta magiingat ka ha tawagan mo ako agad kung sakaling kailangan mo ko" sabay himas niya sa ulo ko at niyakap ako at mukhang nagdududa na siya sa akin.

Hindi ko nalang pinansin ang kanyang pinakita at agad akong pumunta sa club room iniisip ko rin kasi kung bakit kami pinatawag.