Chereads / Personal Life of an IDOL / Chapter 12 - Chapter 11: I'll Protect her

Chapter 12 - Chapter 11: I'll Protect her

******* Dong Min's Point of View******

"Wala kang karapatan, tandaan mo ako ang boyfriend ni Ai!" para akong nabato sa kinatatayuan ko ng sabihin iyon ni JK.

Tama siya, wala nga akong karapatan kay Ai kasi isa lang akong parte ng nakaraan niya. Naririnig kong sumisigaw si Ai pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Ano ba ang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon dapat ba akong makialam o dapat hayaan nalang sila.

Biglang naalala ko ang mukha ni Ai "Dong Min, help me!" she looks helpless bumalik ang mga alaala naming dalawa habang nasa loob ng bahay ko. We looked really happy with no problems and no hesitations in our moves.

Agad akong napatakbo papunta sa Condo ni Ai, nakita ko itong half open at nanlaki ang mata ko, nakita ko si Ai na nakahandusay sa sahig at may pasa sa magkabilang braso agad ko siyang inapuhap at binuhat.

"Ai, Please wake up! Please!" sinisigawan ko na siya para lang magising siya habang yinuyugyog. Mabuti at agad na nakasaklolo ang staff ng building at agad na tumawag ng ambulance para dalhin sa ospital si Ai.

Agad naman siyang inasikaso sa ospital, right now I can't think of anything I am just thinking about Ai's safeness.

"Dong Min, anong nangyare kay Ai?!" nang marinig ko ang boses niya nandilim ang paningin ko at agad siyang sinuntok gusto ko siyang lumpuhin sa sobrang galit ko pero agad akong inawat ng mga tao sa paligid.

"WHAT'S WRONG WITH YOU!!!" sigaw ni JK.

"WHAT'S WRONG WITH ME?! YOU SHOULD ASK YOUR SELF!! PAG MAY NANGYARI KAY AI I PROMISE YOU'LL BE DEAD!" ngayong nakikita ko ang mukha ni JK gusto ko na siyang patayin.

Kumawala ako sa hawak ng mga tao at agad na kinuwelyuhan si JK at bumulong "I already make up my mind, I'll protect Ai no matter what happened" saka ko siya binitawan at agad na umalis papunta sa doctor na kalalabas lang ng emergency room.

"Sino ang kamag anak ng patient?" tanong ng doctor, agad naman akong nag taas ng kamay.

"Kaano ano ka niya?" agad na tanong nito.

"I'm her childhood best friend we also leave at the same place" paliwanag ko.

"Okay, as for now she needs a good rest may lagnat pa kasi siya ang she seemed stress and over fatigue, by the way bakit may pasa siya sa magkabilang braso?" pagkasabi ng doctor ay agad akong tumingin ng masama kay JK.

"It seems to be very personal but please take care of her" at agad na umalis ang doctor at tinapik ang aking balikat, dumiretso naman ako sa emergency room para tignan si Ai.

******JK's Point Of view*****

Natulala ako ng sabihin ng doctor na may pasa si Ai sa magkabilang braso, did I really do that?

Pag kakaalala ko ay uminom ako pagkatapos kong marinig sa kabilang linya ang boses ng isang lalaki at pumunta ko sa bahay ni Dong Min para ibalik si Ai sa bahay niya pero nagaway kami ni Ai kaya lumabas na ako para umuwi, pero ng nasa labas ako ng hotel may mga media kaya balak kong bumalik kay Ai pero nakita kong bitbit siya ni Dong Min at isinakay sa ambulansya.

I didn't know that I was too hard. Is it because I'm jealous and I know I'll never be Dong Min.

Naalala ko pa kung paano kami nagsimula ni Ai...

"Dong Min, nasaan ka na? Waaaaa!!!" iyak ng isang batang babae sa nakaupo sa swing ng park.

Nilapitan ko ito at binigyan ng candy, pero tinignan niya lang kaya kinuha ko ang kamay niya at inilagay ang candy.

"Thank you" mahinang sabi nito at sabay ngiti kahit na may mga luha pa ang kanyang mata.

"Ako si James Kang, ikaw?" umupo ako sa swing na katabi niya.

"Ainsleigh Kim" matipid niyang sagot habang pinaglalaruan yung wrapper ng candy.

"Bakit ka umiiyak? Saka sino si Dong Min?" pag banggit ko ng pangalan na yon ay agad na pumatak ang mga luha nito pero pilit niyang pinupunasan kaya inabutan ko siya ng panyo.

"Siya ang nag iisang best friend ko, pero umalis na siya, iniwan na niya ako" at umiyak ito ng napaka lakas.

"Ako nalang ang best friend po for now on, para hindi ka na malungkot" sabay ngiti ko sakanya.

"Hindi pwede, siya lang ang nagiisang best friend ko since birth" naka pout na sabi nito, agad ko namang pinisil ang kanyang ilong at tumakbo.

Naging araw araw ang pagkikita namin sa mismong park at araw araw naglalaro dito.

"Gusto mong sumama na mag audition?" tanong ko sakanya.

"Audition saan?" nagtatakang tanong nito habang naglalaro sa buhangin.

"Balak kong mag artista, kaya sasali ako sa talent portion" pag mamalaki ko sakanya.

"Hindi ako pwede, magagalit sakin si Dong Min" paliwanag ni Ai.

"Ayaw mo nun, pag nagalit siya panigurado babalik siya then you can quit" parang nag ningning ang mga mata ng bata sa aking harapan at sumabak kami sa audition.

For the good times and bad times we are always together, sa puyatan sa training sa bawat maling tono at sa bawat patak ng luha sa pag arte ay inaalalayan namin ang isa't isa.

Ako ang laging nagsasabi sakanya that I will protrct her but how can I protect her if I'm the one that caused her pain.

Naiyak nalang ako sa labas ng emergency room dahil sa nagawa ko kay Ai. How can I even face her?

*******Ainsleigh's Point of view*******

Pagkadilat ng aking mata nakita ko ang puting kisame, napatingin din ako sa lalaking nakahawak sa aking kamay.

"Miss Ainsleigh..." Hindi na natuloy ni Mang Randi ang kanyang sasabihin dahil agad ko siyang sinenyasan na huwag maingay at tumingin kay Dong Min.

Napangiti naman agad ito at lumapit sa akin " Kagabi pa gising yan, kababantay sayo" at kumindat si Mang Randi. I am really touched by his action I thought papabayaan na niya ako kagabi pagkalabas ko ng condo niya because we are always like that, okay kami sa loob but when it comes to public its like we are strangers. Hindi ko napigilan ang aking sarili na haplusin ang kanyang buhok, napansin kong gumalaw ang kanyang mata at kamay kaya agad akong nagkunwaring tulog.

"Manong, hindi parin siya nagigising?" rinig kong tanong ni Dong Min kay Mang Randi.

"Sir, hindi parin simula kagabi" si Mang Randi pwede na ring best actor to ang galing niyang umarte pang FAMAS.

"Ai, please wake up promise pag nagising ka na I'll be with you and I'll protect you no matter what tapos babalik na tayo sa dati" naramdaman kong hawak ng dalawang kamay niya ng kamay ko at mahigpit na hagkan ito.

"Promise yan ha?" sabi ko at idinilat ang isang mata ko.

"Ai, akala ko tulog ka pa" naka kunot ang noo ng best friend ko ngayon.

"Hahaha, kakagising lang niya kanina sir bago ka magising" halakhak na malakas ni Mang Randi.

"You are fooling me, maka alis na nga" napabangon ako ng sabihin ni Dong Min iyon at agad na hinawakan ang laylayan ng kanyang damit.

"Min min, nag promise ka na wala ng bawian yun" sabay pout ko, nakita ko naman siyang ngumiti at agad na umupo sa tabi ko.

"Yeah, that's a promise" sabay pinky swear nito.

Kahit si Dong Min lang kasama ko the whole time sa ospital masaya ako he always accompany me at hindi siya umalis sa tabi ko, siya ang nagsusubo ng pagkain ko sa umaga, tanghali at gabi kahit sa gabi ay kasabay ko siyang natutulog.

"Min, hindi pa ba tayo pwedeng umuwi ayoko na dito" nakadapa ako ngayon sa hospital bed siya naman ay nakaharap sa laptop niya.

"Hindi ba, sabi ng doctor you need to take a rest for at least 2 weeks" sinabi niya iyon habang nakatingin sa laptop at panay ang tipa sa laptop niya, umikot naman ako sa kama sa sobrang bored.

"Leigh!!!" nagulat ako sa biglang dumating si Liz, Mari at Louie.

"Miss ka na namin, kailan ka babalik sa school?" tanong ni Louie.

"2 weeks pa daw sabi ni Dong Min" sabay nguso ko sa naka upong si Dong Min.

"I see you, wag kang ngumuso jan" pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niyang sinarado ang laptop at umupo sa tabi ko.

"Ai, makinig ka sa doctor huwag matigas ang ulo mo" para namang akong tuta habang sinasabi niya iyon dahil hinihimas niya ang aking ulo.

"Mr. Lee, pwede ba doon ka na ikaw nalang palagi ang kasama ni Leigh so ibigay mo muna siya samin" agaw sakin ni Liz.

"Nagdala pala kami ng flowers at fruits para sayo, saan ko ba ito pwedeng ilagay" tanong ni Mari, kinuha naman ni Dong Min ang dala nito at inayos sa upuan.

"Kung ako ang nasa sitwasyon mo matagal na kong umalis sa ospital na ito, parang mas magkakasakit ako dito" sabi ni Liz at umunan sa lap ko.

"Why don't we take a vacation? sa weekend para naman wala kaming pasok" suggest ni Louie.

Naalala ko mayroon kaming rest house na malapit sa beach that rest house is for me and Dong Min, naging gift sa amin iyon ng parents namin.

"Min min, yung rest house ba natin okay pa?" tanong ko sakanya.

"I'll ask them to clean it then we can go on saturday" sabi ni Dong Min then he smiled at me sa sobrang tuwa ko napatalon ako sa kama at niyakap siya.

"Oops, ang showy naman nila" biro ni Louie, napaalis naman ako sa yakap kay Dong Min at bumalik sa pwesto ko.

"We are like this when we are still kids" sabi ko sakanilang lahat.

"Pero bakit nag bago? Noong unang kita niyo parang hindi niyo talaga kilala ang isa't isa" tanong ni Liz.

"Best friends have its own circumstances, so we will leave it there, the good thing is we are back" paliwanag ni Dong Min, nakita ko namang masaya ang lahat kaya nag kulitan pa ulit kami, halos 6:00 pm na rin ng umalis silang tatlo at kami ni Dong Min ang naiwan sa loob.

"Ai, lalabas lang ako just stay here at wag kang lalabas" paalala sakin ni Dong Min at tuluyan ng lumabas.