Chereads / Personal Life of an IDOL / Chapter 16 - Chapter 14: Feelings

Chapter 16 - Chapter 14: Feelings

Dongmin's Point of view

Ayoko munang pagusapan ang tungkol kay Elizabeth. She's a big awkward for me. Her attitude sucks she's a total opposite of Ai, si Ai kasi yung tipong aalagaan mo at madaling basahin unlike her she's superior and her superiority give me hell.

"Dongmin, okay ka lang? " biglang sabi ni Mari. "Yeah, I'm fine" iyon lang nasabi ko at tumulong na sa pagluluto. Pagkatapos namin magluto ay tinawag na namin sila para kumain.

"Waaaaa, ang sarap naman nito! The best ka talaga Mari" with matching thumbs up ni Liz. "Pwede ka ng magasawa! " sabi ni Ai, na nagpasamid sakin. "Hey, ok ka lang bro? " tanong ni Louie. Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng sabihin pag aasawa pa talaga, bakit ganyan ang mga tao pag magaling magluto asawa agad hindi ba pwedeng mag tayo nalang ng restaurant then pag successful na saka magasawa.

"Eh, bakit ka nasamid Min min siguro may gusto ka kay Mari no, ayiee? " sabi ni Ai, at kailan pa siya natuto ng ganitong salita? Napatingin ako kay Mari na namumula na ngayon. "Wala pa sa isip ko ang pag aasawa I want to be successful first" mahinahon kong sabi at least maayos ang composure ko.

"Manhid ka ba Lei?! Obvious naman na gusto ka ni Dongmin! " sigaw ni Liz na lalong nagpasamid sakin kailangan kong kumalma kundi mahahalata ako.

"Huh?! impossible yun kasi mag best friend kami ni Dongmin, hindi ba Min? " sagot ni Ai na may pagtataka sa kanyang mga mata.

Sa sobrang manhid niya gusto ko siyang bigyan ng isang slap sa head pero that hit me hard parang nagkaroon bigla samin ng line.

"#Friendzone! " sigaw ni Louie hindi na ko nakapag salita pero natahimik silang lahat si Ai nandoon parin ang pagtatanong sa mata niya. Pagkatapos namin kumain wala ni isa ang gustong umimik, dumiretso si Louie at Liz sa kusina para maghugas ng pinagkainan si Mari at Ai naman ay nagpaalam para magpahinga sa kwarto, ako nandito sa veranda naka upo habang binabasa ang mga emails sa office.

Louie's Point of View

"Hoy Aso" napatingin ako kay Liz na mahinang nagsalita. "Bakit Pusa? " sabay tingin ko sakanya ng masama, "Wala ba talagang feelings si Lei kay Dongmin? " tanong niya, agad ko naman siyang pinukpok ng sandok na hawak ko. "Para san yon! " pasigaw pero pabulong nitong sabi, tinuro ko bigla si Dongmin na nasa veranda "Kita mo yang mukhang yan? " tumango naman siya "Nasaktan yan" nagets naman niya at tumango.

"Si Ainsleigh, hindi ko alam kung ano ba talaga nararamdaman niya kay Dongmin, pwedeng kaibigan lang talaga, pwedeng akala niya kaibigan lang pero higit na pala doon or baka tinatago niya kasi halata namang may gusto si Mari kay Dongmin" nakita kong lumungkot ang mukha ni Liz, hindi mo aakalain sa babaeng ito na may sense naman pala siyang kausap. "Ikaw ba paano kung nalaman mo na may gusto ang kaibigan mo sa taong gusto mo? Anong gagawin mo? " seryoso niyang tanong.

"Dahil competitive person ako syempre lalaban ako, ARAY! " bigla ba naman akong pinukpok ng kaldero. "Seryoso kasi! " natahimik naman ako at saka sumagot " Kung si Dongmin ang makakalaban ko siyempre susuko ako, ipapaubaya ko na siya kay Dongmin kasi alam ko namang mabuting tao siya at aalagaan siya" nakita ko naman siyang tumango na at biglang ginulo ang buhok at umalis.

Hindi ko rin alam kung anong nasa isip ni Liz, ang kumplekado talaga ng mga babae. Tinapos ko na ang natitirang mga plato at saka pumunta sa veranda para samahan si Dongmin.

"Hey, bro! " bati ko, tumaas naman ang kilay niya at tumingin ulit sa laptop. Cold as ice nanaman ang tema nito, "Nasaktan?" pagkasabi ko ng salitang yun bigla niyang sinara ang laptop niya at sumilip kung may tao sa paligid.

"Ano bang gusto mo?" iyon ang una niyang sinabi, "Ikaw papa Dongmin, ikaw ang gusto ko" saka ako umarte na parang bakla nakita ko naman na kahit papano ay may ngiti sa gilid ng mga labi niya "I know right because I'm cool" sabay ayos niya sa buhok niya at smirk. "Pero na friendzone" banat ko, bigla naman niya akong binigyan ng matalim na tingin saka balak buksan ang laptop pero agad ko itong kinuha at sinara ng tuluyan.

"Alam mo bro, don't take it seriously mukha namang may feelings sayo si Ainsleigh is just that parang may alam siya na hindi niya masabi kaya ganoon ang sinabi niya" pagpapaliwanag ko kay Dongmin para naman kumalma siya. "You don't know her, kung ano ang sinabi niya iyon na yun" at nakita kong lumungkot ang mga mata ni Dongmin.

"Bro, paano kung di palang niya alam ang feelings niya like akala niya best friend lang ang turing niya sayo pero iyon pala more than that" positive vibes iyon ang kailangan ko ngayon para kay Dongmin, Lord help me bigyan ang cold na tao na ito kundi katapusan na ng mundo.

"You know what? Mas okay narin iyong ganito she see me as her best friend not more than that kasi for sure sa huli masasaktan lang siya, alam mo namang hindi na kami pwede" sa sinabi ni Dongmin parang imbes na ako ang maka hawa ng positive vibes siya ang nanghawa ng negative vibes.

Napuno kami ng katahimikan at naisip ang realidad na kahit mahal niya ang isang tao malabong maging sila, epal talaga ang tadhana kung sino ang gusto mo iyon ang ayaw sayo at kung sino ang ayaw mo iyon ang may gusto sayo, hindi ba pwedeng pag tagpuin o pagsamahin nalang yung mga nakatadhana sa isa't isa tapos mabubuo yung mahal ka ng mahal mo.

Pero sa buhay ng tao walang thrill kung pagtatagpuin agad sila ng tadhana hindi ba? Paano nila matututunan ang mga bagay kung isusubo agad sakanila ang sagot. Tinignan kong muli si Dongmin na nakatingin sa laptop gaano na nga ba kami katagal na magkaibigan? Pero hanggang ngayon hindi ko parin talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya minsan nababasa ko ang mga face expression niya pero hindi sapat iyon, matuturing ba ko na best friend kung hindi ko man lamang matulungan ang matalik kong kaibigan?