Chereads / Personal Life of an IDOL / Chapter 15 - Chapter 13: Elizabeth Gray

Chapter 15 - Chapter 13: Elizabeth Gray

Ainsleigh point of view

Papalabas na sana kami ng restaurant pero nagulat kami na madami ng reporters ang pasugot papasok ng restaurant. Nagulat ako ng biglang hinubad ni Dong min ang jacket na suot niya at inilagay sa aking ulo.

"Sumunod kayo sakin" sabi ni Dong Min biglang tumalikod kami at pumunta sa isang pinto nakalagay AUTHORIZED PERSON ONLY.

Hawak ni Louie, ang ulo ko at si Dong Min naman ay kinausap agad ang Manager ng restaurant. Nakita ko na ang bow ang manager sakanya at agad kaming pinatuloy sa loob para dumaan sa back door.

Paglabas namin nakita naming unti unting lumalabas ang mga reporters at nakita nila kami, kaya lakad takbo ang aming ginawa. Bigla namang may humarang na mga guard sakanila.

Iniisip ko kung saan nanggaling ang mga ito, pero kaligtasan muna namin ang dapat kong unahin.

Dali-dali kaming umakyat sa sasakyan at pinatakbo ni Louie ang sasakyan.

"Waaaaaaaaa, grabe kinabahan ako doon! " sigaw na malakas ni Liz.

Nakita ko rin ang pawisang mukha ni Mari.

"Okay ka lang ba? " napatingin ako sa taong nakahawak sa braso ko at si Dongmin iyon. Napatango nalang ako at nanahimik.

"Saan galing yung mga guards? " tanong ko kay Dongmin.

"Yung restaurant na kinainan natin, isa iyon sa mga branch namin" pagpapaliwanag ni Dongmin.

"Thank you, saka sorry din dahil sakin naranasan ninyo yung ganitong scenario" nakayuko kong sabi.

Nakita ko naman silang lahat na nakatingin sakin sabay ngiti.

"Wala iyon, Lei. Isa nga ito sa magandang naranasan ko" nakangiting sabi ni Mari.

"Ang astig kaya! " nakita kong nakangisi si Louie sa harap.

"Ahh, basta next time mas lalo tayong mag ingat" sabay kindat ni Liz.

Bigla naman kaming nagtawanan at isa isang naka tulog dahil sa pagod.

Makalipas ang ilang oras naramdaman kong may tumatapik sa akin at nakita ko ang mukha ni Dongmin "We're here" naka ngiting sabi nito.

Agad naman akong bumaba para makita ang lugar. Napakatagal na ng huling punta ko dito mga bata pa kami kaya naman excited na excited ako.

"Ang ganda ng dagat! " sigaw ni Liz at para siyang bata na agad tumakbo papunta sa dagat.

"Liz, tulungan mo muna kami dito" tawag ni Mari sakanya.

"Kahit kailan talaga para siyang bata" natatawang sabi ni Louie at agad na binuhad ang mga bag nila. Ako naman ay kinuha ang luggage ko, nagulat ako ng biglang agawin ni Dongmin ang gamit na bitbit ko "Wag kang mag bitbit baka mabinat ka" tumingin naman ako sakanya like ano ang gagawin kong tingin "Accompany our visitors" at ngumit si Dongmin.

So, ganoon na nga ang ginawa ko, binuksan ko ang pinto para sa kanila at agad silang pinapasok, manlinis na ang lugar dahil tinawagan namin si Aling Flora para linisin ito, siya ang naging care taker ng bahay dahil malapit siya dito at matagal narin siya nag silbi sa pamilya nila Dongmin.

May 3 kwarto rito ang Master's Bedroom at 2 Guestroom, napag desisyunan namin na kaming 3 sa Master's at yung 2 lalaki sa guest room. Pinabili rin namin namin si Aling Flora ng groceries, gusto sana namin ay kami ang mamimili pero baka makita nanaman ako sa labas at pagkaguluhan mahirap ng maulit iyon.

"Uy! kayo ito ni Dongmin hindi ba?" tanong ni Louie, hawak niya ang picture namin ni Dongmin na naka pang kasal. Agad na namula ang aking pisngi.

"Kami nga yan" at inagaw ni Dongmin ang picture.

"Umattend kami as little bride and groom that time kaya ganyan suot namin" pagpapaliwanag ni Dongmin.

"Bakit ka nag eexplain, tinatanong ko lang naman kung kayo yung nasa picture" mapanuksong sabi ni Louie.

Napatingin ako sa paligid, masarap magbakasyon dito kasi sobrang presko kahit nasa second floor or first floor ka makikita mo ang dagat dahil ginawa naming made of glass ang likod na part nito pagkatapos ay may infinity pool din na tanaw ang karagatan, hindi ito masyadong malaki hindi rin sobrang liit. Ito narin ang tumayong memory house namin ni Dongmin kasi tuwing bakasyon dito kami lagi at karamihan ng pictures namin nandito rin.

Ngayon, ito ang ginagawa nila nagbubukas lang naman sila ng mga photo book namin at kami ni Mari ay nag aasikaso na ng makakain balak naman ni Louie, Liz at Min na mag barbeque sa gabi malapit sa dagat.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang number ni Manager kaya agad ko siyang sinagot.

"Hello?" bati ko.

"Hi, Lei kamusta ka?" Sabi ni Manager Lim

"Ok naman ako bakit ka po napatawag? " impossibleng kakamustahin lang niya ko panigurado ay may inportante siyang sasabihin sakin.

"I have a good news, magkakaroon ng remake ang Your Smile at ikaw ang napili nilang bida" masayang sabi ni Manager.

"Manager Lim, alam mo namang nag aaral na ko hindi ba? Bakit kailangan na ako pa? " sign ng pagtanggi ko.

"Ikaw lang ang suitable person for this at naka oo na ako kaya gagawin mo na to, no buts" ayun nalang ang narinig ko sakanya at binaba na ang kabilang linya.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga narinig at nagulat na nasa likod ko na si Min, "What's that? " tanong niya agad ko namang sinabi sakanila ang lahat.

"Wow, Your smile ang bigat ng novela na yun ah bagay na bagay ka dun Lei" pag kumbinsi ni Liz.

"Pero paano yun exam na next next week?" tanong naman ni Mari.

"Pag balik natin kakausapin ko nalang si Manager Lim na after na ng exam ang script reading" wala naman kasi akong choice once naka oo na siya wala ng bawian.

"Alam mo na ba kung sino sino ang cast?" tanong naman ni Louie.

"Hindi, balak ata nilang gawin na surprise" sabay palumbaba ko at tingin kay Dongmin

"Ikaw, Min. Wala ka bang tanong? " bigla naman siyang ngumiti at tinaas ang dalawang kamay senyales na wala na. "Tinanong na nila, ano pang tatanungin ko? " at nagtawanan kaming lahat.

Tumingin pa sila ng ibang photo book at napatingin sa isang pinaka kakaiba sa lahat. "Sino itong batamg babae? " sabay turo niya sa isang short haired girl na naka blue dress sa picture. "Si Elizabeth yan, isa siya sa pinaka kaclose ko aside kay Dongmin".

Si Elizabeth, we have the same age pero different personality kasi she has a strong one at ako yung laging damsel in distress nila, sila lagi ang nag poprotekta sakin lalo na pag mang bubully siya rin ang iniidolo ko pagdating sa personality.

"Min, wala ka bang balita kay Eli? " napansin kong umiwas n tingin si Dongmin at saka sumagot ng "Wala" at naglakad papunta ng kusina para tumulong sa pagluluto.