Chapter 10 - Ano?

AGAD AKONG pinagtulungan kaladkarin nina Apple at Sam Sung patungo sa isang sulok ng classroom pagdating ko sa klase namin.

"Hoy! Erinna Magandanghari! Mag-explain ka nga sa `min. Sino `yung gwapong lalaking nakita namin?" nandidilat ang mga mata na tanong ni Sam.

"Oo nga. Bakit `di mo man lang na-ikwento na may hot ka na palang boylet? Kainis ka!" nakangusong segunda naman ni Apple.

"Teka nga mga `te. Arouch, ah! Babalian niyo ba ako? Bitaw-bitaw rin pag may time," angal ko sa kanila.

Nang mapansin ng dalawa na napapahigpit na'ng pagkapit nila sa magkabila kong braso na kulang na lang ay baklasin na nila, apologetic nila akong binitiwan at sabay pa silang nagpeace-sign.

"Sarreh!" duo ng dalawa.

Napairap ako sa hangin. Anyway, dahil ayaw nila akong tantanan kakatanong tungkol kay Vlad, napilitan na lang akong magkwento ng mga gawa-gawang bagay.

"O to the M to the G!" kinikilig na tili ni Sam. "Super swerte mo naman, Erin! Talagang naka-jackpot ka at ganoon ka-gwapo at ka-hot ang naging jowa mo!"

Ang kwento ko kasi sa kanila nang gabing na-heartbroken ako kay Jonathan at nagpakalasing, nakilala ko si Vlad. At dahil sa kalasingan ko, nag-offer siyang ihatid ako sa apartment ko. Syempre, katulad ng mga cliche na nangyayari sa romance-movies and novels, na-love-at first sight kami sa isa't isa. Ang dalawa, heto at naniwala naman agad. Palibhasa mga deboto pocketbooks. Kaya ayan at paniwalang-paniwala sa mga kakornihan at fairy-tales.

Ew-ew to the highest level!

"Teka! `Di mo pa kinukwento kung ano'ng nangyari sa inyo after ka niyang ihatid sa apartment mo. Doon ba nangyari ang inyong first wet kiss?"

Napataas ang kilay ko kay Sam. "Wet talaga? `Di ba pwedeng dry?"

"Vhaklang tuwoh! Shunga! Syempre wet! Pwede ka bang makipaghalikan nang hindi nababasa ang labi mo?"

Oo nga naman. WET-ever!

"Wala! Walang kiss na naganap!" Kagatan meron.

Sabay na sumimangot ang dalawa. "Ang damot nito. I-share mo na! Dali na kasi, ano after ba ng wet & wild kiss niyo? Naka-ANO mo na ba siya? `Yung ANO... alam mo na."

Nanlaki ang dalawang mata ko kay Apple. Mabilis akong umiling at namula ang magkabila kong pisngi. "H-hindi `no! Walang ganun na nangyari!"

Nag-"ayeee" pa silang dalawa at hindi tinantanan ang tagiliran ko na tinusok-tusok pa ng mga daliri nila.

"Pa-virgin ka naman masyado. Sabihin mo na kasi. ANO? Malaki ba `yung ANO niya? Mukha kasi siyang foreigner, eh. Diba `yung mga ganun malalaki `yung ANO nila? Ganun kasi `yung napapanuod ko sa mga p0rn, eh," pilit pa rin ni Apple.

Kaka-ANO nitong si Apple naalala ko na naman tuloy kung gaano katirik tumayo ang alagang "pet monster" ni Vlad. Daig pa ang matayog na bundok sa perlas ng silanganan. Jusmiyo Marimar! Nag-aalab tuloy ang puso ko. Mabilis akong pinagpawisan. Bwisit kasi ang bampira na `yun. Ang hilig pa naman matulog nang nakahubot-hubad, tapos panay singit pa sa kama ko. Kaya everytime na nagigising ako lagi na lang akong binabati ng "good-morning" ng alaga niya.

Masakit man aminin pero na-virginan na niya ang mga mata ko. Lord, tatanggapin mo ba ako sa heaven? Huhu.

"Hoy! Ano? Natulala ka na riyan!" Binunggo ni Apple ang balikat ko.

"Hindi nga sabi! Saka bakit ba ANO ka ng ANO? ANOhin kita riyan, eh! Pwede ba Apple, tigil-tigilan mo na kasi `yang kakanood mo ng youjizz at hanime.tv para hindi kung ano-anong kaberdehan ang nasa isip mo!" sermon ko sa kanya.

Ngumuso at asar talong humalukipkip lang si Apple. Itong babaeng ito, kinain na'ng sistema ng p0rn. Nagmamarathon ba naman gabi-gabi.

"So, ibig mong sabihin talagang wala pang nangyayari sa inyo? Eh, anu `yung narinig namin na sinabi ni Vlad? Lagi mo raw siyang iniiwan na mag-isa sa kwarto mo?" tanong ni Sam.

Napalunok ako ng laway sa tanong niya. Bwisit na bampira, napaka-eskandaloso!

"Ah... eh... nakikitulog lang siya sa bahay kasi ano... pinalayas na siya dun sa dati niyang tinutuluyan. Wala pa siyang nahahanap na malilipatan."

Buti na lang at bigla nang dumating ang professor namin kaya napilitan na kaming bumalik sa kanya-kanyang upuan. Mahigpit pa naman `tong si Mrs. Vasquez sa seating arrangement.

Nang hapong din `yon pagkatapos ng class, agad akong nagpunta sa supermarket para mamili ng mga grocery stock. Dahil kakabayad ko lang ng renta at kuryente noong nakaraang linggo kaya kailangan kong pagkasyahin ang one thousand five hundred pesos na budget.

Sa Cabiao, Nueva Ecija nakatira sila mama at papa. Pinapadadalan lang nila ako ng monthly allowance pambayad ng apartment, kuryente at tuition fee. Medyo may kaya naman ang pamilya namin. Sa katunayan may lupain kami sa probinsya na taniman ng palay at anihan ng mga prutas at gulay na pinagkakakitaan nila mama. Bukod doon, may-ari rin ang pamilya namin ng water stations at computer shops sa bayan kaya naman afford nilang mapag-aral ako sa Manila.

Kumpleto na lahat ng kailangan kong bilin nang mapadaan ako sa fruits-stand. Medyo mura ang presyo ng strawberries ngayon dahil siguro season ng anihan. Naalala ko tuloy `yung ugok na bampirang nakikitira sa bahay ko. Nuknukan nang patay-gutom at hindi lang sa dugo kundi pati sa strawberries. Ubusin ba naman ang stocks sa refrigerator ko noong isang araw.

Well, hindi naman ganoon ka-itim ang budhi ko kaya naisipan kong kumuha nang kaunti since may natitirang budget pa akong pambili.