Chereads / Bite Me (Sexy Monster Series #1) / Chapter 15 - Basketball game

Chapter 15 - Basketball game

MABILIS na lumipas ang isang linggo na hindi kami nagpapansinan ni Jonathan sa campus. Ramdam ko ang pag-iwas niya. Somehow, I felt relieved. Hindi ko pa ata siya kayang kausapin pagkatapos nang nangyari sa apartment ko noong isang araw. Naiinis ako sa kanya. Ang hirap niyang i-spell-engin. Akala ko pa naman kilalang-kilala ko na ang pagkatao at ugali niya since magkababata kami. But I forgot the reality that people change.

Malayo na ang naging gap namin ni Jonathan sa paglipas ng mga panahon. We are not the two young kids who used to play in the rain until we get sick. Hindi na kami `yung mga paslit na mahilig maglaro ng hide and seek. We used to be so close before. As in. Tipong pinagdikit kami gamit ang migthy bond. At dahil siya lang ang palagi kong kasama mula pagkabata hanggang sa pagdadalaga hindi naiwasan na ma-developed ako sa kanya at magkaroon ng mas malalim na feelings.

Sadly, this lovey-dovey feeling between us was one sided.

When we entered highschool mas lumawak ang peers na kinabibilangan ni Jonathan. Nasama siya sa varsity ng basketball team. Sumikat siya, nagkaroon ng madaming friends and admirers. Napabilang sa jocks. Slowly, nawawalan na kami ng oras para makapagbonding. Ako naman, ang dakilang martyr na kaibigan. Tahimik lang na tumitingin sa kanya mula sa malayo. Always there to cheer him up. Always there for him kahit madalas na ini-indian na niya ako sa mga lakad namin para lang sumama sa birthdays and parties ng mga "cool" niyang friends. Slowly, our closeness became unsticky. It was sad yes, but I'd endured all of it because I love him.

Nagkaroon siya ng mga ex na kung hindi beauty queen sa school, cheerleader o kaya topnotcher. `Yung tipong mga sikat na katulad niya. Ako naman, si bestfriend slash little sister suporta lang palagi sa kanya sa gedli. Madalas nga ako pa ang ginagamit niya para mapalapit sa mga girl na type niya since may talent daw ako sa PR. Tanginalungs!

Hanggang sa mag-college kami. Until now, ganoon pa rin. Magkaibigan nga kami pero ang layo-layo na niya. Kaya nga ako nag-enroll sa school na `to dahil dito siya pumasok. Kaya ako nag-take ng course na architecture kahit wala naman akong hilig sa pagdo-drawing dahil ayoko tuluyan siyang mapalayo sa `kin.

I did everything because of him. But he never saw my efforts and feelings. He never saw my existence. Kaya naman nang naglakas loob akong magtapat sa kanya. It was the most f*cking mistake that I have ever made. Dahil doon, nagbago nang husto ang lahat.

Pakshet na malagkit! Cut na nga `tong drama! Comedy `to diba? Bakit nagiging masyadong seryoso?

"Erin!"

Masayang sumalubong sa `kin sina Apple at Sam Sung pagpasok ko sa campus.

"Oh, bakit ang saya niyo?"

"Wala tayong morning classes ngayon. Excempted daw lahat para makapanood," excited na sabi ni Sam. Halos magtatalon pa ito na parang bata.

"Makapanood ng?" tanong ko.

"Ay `te! Sabaw ka na naman! Nakalimutan mo na ba? Ngayon ang sportfest. Maglalaban ang college natin vs college of Dentistry," sagot ni Sam. Sabay pang nagtitili ang dalawa halos mabasag na ang eardrums ko. Napatakip ako ng tenga.

Oo nga pala! Nakalimutan ko na`ng tungkol doon sa dami ng iniisip ko. Pero nang maalala ko na kasama si Jonathan sa players ng college namin na lalaban sa basketball game ngayong araw ay bigla akong kinabahan. It's been a while since nang huli ko siyang nakitang maglaro.

"Anu pa'ng tinutungganga natin. Tara, manuod na tayo!" saad ni Apple sabay hatak sa `min ni Erin patungong gymnasium.

Dumadagundong ang tilian at hiyawan sa buong gymnasium. Punong-puno ang magkabilaang bleachers. Nagsisitaasan ang mga banner at color coded balloons ng bawat college. Red sa college of Architecture at Purple naman sa Dentistry. Buti na lang at nakahanap kami ng pwestong mauupuan. Nagsimula na ang first quarter. Agad tumalon ang puso ko nang matanaw si Jonathan na agresibong nagdi-dribol ng bola.

Ang lakas ng sigawan ng lahat nang ma-i-shoot niya ng three points ang bola sa ring. Panay ang hiyawan ng mga fangirl sa pangalan niya.

"Jonathan Buenavista I love you!"

"Ang gwapo mo, Jonathan!"

"Akin ka na lang please!"

"Jonathan sumasabog ang ovaries ko sa `yo! Anakan mo na ako!"

Sungalngalin ko kaya ng three-inches deep throat gamit ang ballpen ang mga haliparot na `to? Makalandi wagas? Sinisigaw pa talaga? Kung nakakamatay lang ang pag-irap, malamanag nasa kabao na sila ngayon at pinaglalamayan.

"Grabe, dami talagang fans ni Jonathan," komento ni Sam.

"Oo nga," segunda ni Apple. Biglang nanlaki ang mga mata nito. "Teka, diba si Gretel Kalingay `yun?"

Sabay kaming napatingin ni Sam sa tinuturo ni Apple sa kabilang side ng bleacher. Tapos na pala ang first quarter at nagwa-water break muna ang mga player. Huling-huli ng mga mata ko na patalon-talon pang lumapit ang may kalakihang pwet at petite na babae kay Jonathan. Inabutan pa nito si Jonathan ng water jug na ininuman naman ng huli. Sabay pinunasan nito ang pawis si Jonathan gamit ang pink na towel.

Pwedeng mag-mura?

"Uy `te, ang ilong mo parang tambutso ng jeep sa sobrang pag-uusok." Siniko ako ni Apple.

"Ang mata mo naglalabas na ng laser beam," natatawang dagdag ni Sam.

Matalim ang mata na binalingan ko ang dalawa. Medyo na-late ako sa balita. Hindi ko alam na si Gretel Kalingay na pala ang bagong flavor of the month ni Jonathan. President siya ng Theater Group. Maganda at galing sa pamilya ng mga artista. Medyo sikat din sa Facebook at Tiktok. Pinagmamalaki niya `yung twenty-five thousand followers niya at mga daily vlog na puro:

"Hi, guys! It's me, Gretel and today we're gonna eat at Angel's Burger!"

"Hi, guys! Today I'm gonna show you how to pluck the hair inside your nose!"

"Hi, guys! Welcome to my Youtube channel. And for today's episode. I'm gonna teach you how to eat a banana without opening your mouth!"

Aminado akong maganda siya. Mestiza, petite, very slim at bagay sa kanya ang kantang,"My anaconda don't want none unless you got bunns hunn." At `yung "Big big booty what you got a big booty!"

Nakakakita ako ng pula. Gusto kong manapak ng ilong. Mabilis kong inagaw `yung hawak na red balloons ng mga babae sa ibabang bleacher.

"Ano ba, Miss, hindi naman sa `yo `yan!" singhal ng isa sa mga babae.

Inis na dumukot ako ng bente pesos sa bulsa ko. "`Yan! Tapal mo sa mukha mong butas-butas!" Tse, umaapela ka pa riyan, eh, para ka namang tigyawat na tinubuan ng mukha!

Pinagkukuha ko rin `yung mga hawak ng mga kaibigan niya. Wala silang nagawa kundi ang umangal pero nang pinandilatan ko na sila ng mata, bigla silang natahimik.

Losers with a lot of pimples! Inirapan ko sila.

Tinanong ako nila Apple kung ano'ng gagawin ko sa mga lobo. Hindi ako sumagot at kumuha lang ng ballpen sa bag. Agad kong pinagpuputok ang mga lobo. Nakagawa ako nang sunud-sunud na ingay kaya lahat ng students sa bleachers ay napatingin sa `kin. Pero wala akong pakielam. Gusto kong maglabas ng inis dahil baka makasunog ako ng maliit na babaeng blondie ang buhok!

Lalong nanggalaiti ang kalooban ko nang magsimula na ulit ang second quarter at bago pa makabalik ng court sila Jonathan nahuli ko pang humalik sa lips niya si Gretel.

Shutangina! Ang sakit-sakit na. Ano bastusan?

"Madapa ka sanang mais ka."

Ang lakas ko lang kay Lord dahil paghakbang ni Gretel pabalik sa bleacher, natapilok siya sa isang pakalat-kalat na bag sa sahig at nasubsob ang mukha niya flat sa sahig.

"BWAHAHAHA! AY, TANGA! BWAHAHAHA!"

Matalim na sumulyap si Gretel sa gawi ko. I smirked, making sure to irritate her.

Masama rin ang tingin sa `kin ni Jonathan kaya napatigil agad ako sa pagtawa. Umiling siya bago bumalik sa pwesto sa court. Hanggang sa matapos ang game ay nagmumukmok lang ako sa kinauupuan at nagpapaputok ng lobo.