"ERIN, CAN WE PLEASE TALK?"
Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang text message ni Jonathan sa `kin kagabi. I ignored it and tried my best to fall asleep. Unluckily, hindi ko nagawa. Buti na lang Sunday ngayon at walang pasok dahil mukha akong The Walking Dead sa itim ng eyebags ko. Pinihit ko ang handle ng shower at pinatay iyon. Inabala ko ang sarili sa pag-mamassage ng shampoo sa buhok ko.
Mabigat akong nagbuntong hininga. Naiinis ako kay Jonathan. Hindi niya pala kayang mawala ako sa kanya pero ano? As a friend? Sinaktan niya ako. Sinabing hanggang sister lang ang tingin niya sa `kin. Ganun ba talaga ka-insensitive ang mga lalaki at hindi nila alam ang salitang: "I need time to heal?"
Ang mga lalaki parang si Kris Aquino! Sariling point of view lang nila ang alam isipin!
Hindi ko rin ata kaya ang gusto niyang,"We stay as friends like we used to be." Mahirap `yon. As of now, sobrang sakit pa ng pambabasted na ginawa niya. Parang pinukpok niya lang naman ng martilyo ang puso ko at hinagis sa gilingan. Napakanta tuloy ako habang naliligo.
♪ Sinaktan mo ang puso ko
Sinaksak mo ng kutsilyo
Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo
Sinaktan mo ang puso ko,
Ngayon ako'y naghihingalo
Mauubusan na 'ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso ko… oohhhh ♪
Ang ending? Giniling na puso ni Erinna Magandanghari.
Umalingawngaw ang sunud-sunud na tunog ng doorbell. At dahil nasa banyo pa ako, kaya hindi ako makakalabas para buksan ang pinto. Siguro `yung delivery boy na weekly mag-hatid ng tubig.
"Vlad! Paki buksan naman `yung pinto at baka `yung delivery boy na `yan!"
Narinig kong nag-okay si Vlad. May mga sumunod na ingay akong narinig sa labas. Nagmadali na akong mag-shower at agad nagbanlaw. Kinuha ko ang twalya pangtapis sa katawan ko at maliit na bimpo pangbalot naman sa basa kong buhok. Pagtapos mag-toothbrush ay agad na `kong lumabas ng banyo.
"Nakuha mo na ba `yung deliver na tubig?" Nahinto ako sa paglalakad nang makitang nakatayo pa rin si Vlad sa harap ng pinto. At halos mawala lahat ng kulay sa mukha ko nang makita kung sino'ng bisitang dumating. "Jonathan!"
Obvious na hindi maganda ang timpla ng mukha niya. Naninigas ang bagang niya habang tila bola ng ping pong na nagpabalik-balik tingin niya sa `kin at kay Vlad.
Alanganin akong ngumiti. "A-anung ginagawa mo rito?"
Medyo nailang sa sitwasyon. Lalo na sa itsura namin dalawa ni Vlad. Kakatapos ko lang maligo at si Vlad naman, tanging neon-pink kong short ang suot. Ugh. Pinakielamanan na naman niya ang gamit ko.
Tumikhim si Jonathan. Namumutla siya. "Pinagdalhan kita ng pagkain, here." Inangat niya ang box na dala. Ngumiti siya pero hindi `yun umabot hanggang mata.
"Ah... t-thanks, pakipasok na lang sa kusina. Magbibihis lang ako."
Tumungo siya at tuluyang tumuloy sa loob ng apartment. Agad akong nagmadaling pumasok ng kwarto at napasandal sa likod ng pinto.
Oh no! Ano ba `tong bumungad sa umaga ko?