BUONG byahe kong minumura at paulit-ulit na sinusumpa si Vladimir. Inis na inis talaga ako dahil sa kanya kaya na late ako ng gising at ngayon hindi ko tuloy napasukan ang first subject ko. May quiz pa naman kami ngayon at `yung kupal kong professor, fifty items lang naman kung magpa-quiz. At `pag absent ka walang special quiz. Tapos dadagdagan niya ng another ten items `yung points na hahabulin mo. So, total of sixty points na tuloy ang nawala sa `kin at dapat kong habulin.
Hay... Bwisit! Bakit ba may mga professor na sadyang pahirap sa `ming mga estudyante? Kung may contest ng pakupalan ang professor ko sa Architectural Design ang mananalo. Nag-masteral ata ng Business in Kupal Administration. Iyang mga professor na ganyan ang ugali, dapat hinahatulan ng death penalty! O kaya naman, electric chair tapos `yung wire nakapulupot sa *toot* nila. Pakyu sila sa Earth!
"Huy! Erinna Magandanghari!"
Nahinto ang pagmu-murder ko sa kawawang professor sa isipan ko nang marinig ang buong pangalan ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway. Paglingon ko sa likuran, nakita ko na papalapit ang dalawang kong block-mate at mga beshies na sina Apple at Sam Sung. Seryoso 'yun talaga pangalan nila.
Si Apple, medyo nerdy siya tignan outside pero ubod ng green-minded naman inside. Pareho kaming NBSB! (No bebe's since birth). Ang isa naman ay si Sam Sung, half-Pinay at half-Koreana na lapitin ng maraming suitors. Ang ganda kasi at ang kinis. Iyon nga lang, walang tumatagal sa ugali niya. May multiple personality kasi siya. Isang dozena ang katauhan.
"Oh, bakit absent ka kanina sa Arch Design? Hindi ka siguro nagising `no? Sabi ko kasi sa `yo palitan mo na `yung alarm-clock mo at sira na!" agad bungad sa `kin ni Apple habang ina-adjust niya ang salamin sa mata na medyo maluwag na.
Every minute siguro niyang ginagawa `yon, unconsciously. Palibhasa napakakuripot at ayaw pang magpagawa ng bagong salamin. Kaya lumabo nang ganyan ang mata niyan si Apple dahil sa kaka-nood ng p0rn gabi-gabi.
"Oo, bibili na `ko. Nawawala lang kasi sa isip ko," sagot ko.
"Teka, ano ba `yang nasa leeg mo?" Biglang hinawi ni Sam ang buhok na tumatakip sa leeg ko.
Agad akong lumayo sa kanya. Parehong nagkunot ang noo ng dalawa. "A-ah... w-wala, ano, nakagat lang ng ano... ng... ano... bubuyog!"
Napasinghap si Sam. "Oh, no! Diba may sting ang bubuyog? Nagpacheck-up ka na ba?" Kahit Koreana ay fluent mag-tagalog `yan.
Agad kong tinakpan ng isang palad ang leeg ko. "Ah... oo, mamaya magpapacheck-up ako sa clinic."
"Sasamahan ka na namin mamayang break!" prisinta ni Apple.
"Ah! Naku! `Wag na! Ako na lang," agad kong tanggi.
Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa totoong rason ng mga kagat na `to. Against sa contract na pinirmahan ko ang ma-expose sa ibang tao ang tungkol sa mga bampira. Dapat simula ngayon ay mag-suot na ako ng scarf o kaya ng mga turle neck na damit para matakpan ang marka ng kagat ni Vlad. Kakamadali ko kanina, hindi ko na naisipan lagyan ng concealer ang sugat.
May sasabihin pa sana si Apple pero naiwan sa hangin ang dila niya nang tila may natanaw siya likuran ko. Sabay pa silang natulala ni Sam habang tumitingin sa iisang direksyon.
"Huy! Ano nangyari sa inyo?" Pinihit ko ang leeg patalikod nang sumigaw si Sam.
"Erin! Mabuti pa pumunta na tayo sa next subject!" Biglang kinuha ni Sam ang braso ko.
"Ah, teka, maaga pa diba? Meron pa tayong thirty minutes."
"Mas maganda na'ng maaga kesa ma-late." Nakihatak na rin si Apple. Sabay nila akong kinalakadkad.
Weird talaga ang dalawang `to. Nagpahatak na lang ako sa kanila. Paalis na sana kami nang may tumawag sa `kin. "Erin!"
Mabilis akong nanigas sa kinatatayuan. Daig ko pa ang tinamaan ng kidlat ni Thor. Pakiramdam ko nanlamig lahat ng parte ng katawan ko nang marinig ulit ang boses niya. May isang linggo na rin simula nang huli kaming nagkausap. Bumalik uli lahat ng mga salitang binitiwan niya sa akin.
"I'm sorry, Erinna,. But I don't love you romantically. I only love you as a sister."
Paulit-ulit na parang sirang plaka. Nakaramdam ako ng matinding kirot sa dibdib. Tumitig sa `kin sina Apple at Sam, bagsak ang pareho nilang mukha na animo sinasabing nandito lang sila para sa `kin.
Huminga ako nang malalim at dahan-dahang pumihit paharap sa kanya. Paulit-ulit kong ni-remind ang sarili na maging matatag at magpanggap na okay lang ang lahat. Na naka-move-on na ako sa pambabasted na ginawa niya.
"Hey." Tipid siyang ngumiti.
Ayan na naman `yong mga boyish niyang ngiti at dalawang malalim na dimples. Mga simpleng bagay na sobrang nagpahulog sa puso ko sa malalim na bangin.
"Hi... Jonathan." Pinilit kong ngumiti pabalik kahit parang may glue na nanigas sa labi ko.
Hindi makatitig sa `kin ng diretso si Jonathan. Panay ang paglikot ng mga mata niya. Na tila ba tinatanya niya kung ano ang dapat niyang sabihin. Bakit ganito? Ang dami ko ng iniyak gabi-gabi. Naubos ko na nga `yong isang dozenang rolls ng tissue sa bahay sa kakangawa pero ang dami pa rin palang nakareserba.
Malumanay na tumingin sa `kin ang mga mata niya. "I've been trying to call you, Erin, but you never answer your phone. Sinubukan kitang puntahan sa apartment mo pero parang palagi kang wala. Are you... galit ka pa rin ba sa `kin?"
Gago! Malamang!
Pero pinilit ko pa ring ngumiti at magpanggap na hindi na ako nasasaktan kahit ang totoo parang pulbos na `tong dibdib ko sa sobrang pagkakadikdik ng martilyo niyang mga ngiti.
"Ano ka ba okay lang ako. Ano... kase, busy lang talaga ako nung mga nakaraan."
Nasa mata ni Jonathan na hindi siya naniniwala. Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat. Para akong nakuryente at napaso nang sabay. Ito ang mga haplos na palaging nagpapalambot ng tuhod ko. Simula mamaya kakain na talaga ako ng balot.
"Look, Erin. You're one of the closest person in my life and I don't want this gap between us."
Napalunok ako nang madiin at pilit na pinipigilan ang mga nagbabadyang luha sa mata ko. Bigyan ko kaya `to ng kambal na sampal? Ang hirap-hirap naman ng hinihiling niya. So ganun na lang `yon? Matapos niya akong saktan at matapos niyang warakin ang virgin kong puso, eh, mag-eexpect pa siya na magiging katulad pa rin kami nang dati?
Hindi ka lang pala heart-wrecker. Manhid din hinayupak ka!
"Jonathan..."
"Erin, please. I'm sorry, I really am. Nabigla lang din kasi ako sa mga sinabi mo. Hindi ko naman inexpect na... na... may feelings ka na pala sa `kin. Ayokong mawala ka sa `kin, Erin. You're very precious to me. I hope we could still fix this."
Taimtim na tumingin sa `kin ang malalim niyang mga mata. Nangungusap. Nagmamakaawa. Nangungunsensya.
Tell me, sino ba kasi ang nagpauso ng salitang marupok? Langya! Gusto ko siyang itapon sa Planet Pluto!