Tinignan ko siya ng matalim. Makalimutan mo sanang huminga.
Binasa ko nang malakas ang nakasulat doon.
"This agreement made on the ___ day of ___ in the year ____.
By and between Prince Vladimir Youngblood of the Kingdom of Transylvania.
Hereinafter called the "Master"
And ______________________
Hereinafter called the "Donator"
Witnesseth: that the Master and Donator undertake and agree as follows:
The Donator's Role:
(a) The Donator shall provide enough blood supply to the Master three times a day; seven days a week."
Napatigil ako sa pagbabasa. Kunot-noong nag-angat ako ng tingin. Taimtim na nakatitig sa `kin ang green niyang mga mata. For some reason, may kung anung dulot na kiliti ang mga titig ni Vlad na para bang may invicible fingers ang gumagapang sa balat ko. Napalunok ako at nagpatuloy sa binabasa.
"(b) The Donator agrees to submit completely to the Master in all ways. All of the Donator's body, mind, heart, soul, time, talents, knowledge, and skills are at the Master's disposal. There are no boundaries of place, time, or situation in which the slave may willfully refuse to obey the directive of the Masters without risking punishment, except in situations where the Donator's veto applies."
Tuluyan kong tinigal ang pagbabasa, pasimple ko lang kinamot ang ilong ko para i-check kasi baka dumugo na. Bumuntong hininga ako at masama ang titig kay Vlad. Hayop `to! Pinahihirapan pa ako! Bakit naman kasi English pwede naman Tagalog or kahit Taglish!
"What? You don't understand the things written in this contract? Should I translate it for you?" anito na nakataas pa ang isang kilay.
Mas napataas din ang sa akin. "Naiintindihan ko `di ako inutil!" Tinapal ko sa dibdib niya ang kontrata.
"You must sign this with your blood." Kinuha niya ang braso ko pero mabilis ko itong binawi.
"Bitawan mo nga ako! At bakit naman sa tingin mo na papayag ako sa kontratang `yan? Anung tingin mo sa `kin? Nanay mo na padededehin ka ng dugo ko? No way! Baka mamaya ikamatay ko pa `yan!"
Nagbuntong hininga si Vlad at ginulo ang buhok niya. "Look human—"
"Erin! May pangalan ako. Erinna Jewel Magandanghari!"
Nagtaas siya ng isang kilay nang marinig ang buong pangalan ko. Bakit? `Di ba bagay naman sa `kin ang apelido kong Magandanghari? Ang ganda-ganda ko kaya! Sabi ata `yan ng nanay ko!
"Okay, whatever your name is. Look, Erinna Jewel Beautiful King. My powers aren't working in their full capacity and I still don't know what the hell's happening to me. So, as long as I can't go back to our home, I need to eat or else I'd die. Siguro naman, aware ka roon?" Sabay niyang sinandal ang dalawang palad niya sa magkabilang gilid ko at dumantay sa lamesa.
Napaatras ako. Ayan na naman ang mga pasaway kong alagang bulate sa tiyan. Nagsisimula na naman silang mag-welga sa loob.
IPAGLABAN! `WAG MATAKOT!
Alin ang ipaglalaban, ang kalandian ko? Char!
Napalunok ako nang madiin at nagsimula na namang mag-init ang pakiramdam ko sa sobrang pagkalalapit ng mukha namin sa isa't isa. "Pero... baka ikamatay ko naman ang gusto mong mangyari, Vlad. Jusmiyo! Bente-anyos pa lang ako at never pa `kong nagkaboyfriend `no! Gusto ko man lang magka-jowa muna bago ako mamatay!"
"You won't die, okay? Of course I won't drain all your blood. If I'm a bad guy then you're supposed to be dead since last night."
Natahimik ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Considering na two times na niya akong sinipsipan ng dugo pero ito ako, very alive at kicking pa rin hanggang ngayon. Although, lagi akong nahihimatay marahil sa biglang pagkabawas ng dugo ko sa katawan.
Ikaw ba naman sipsipan ng dugo ng ganitong ka-gwapong bampira, hindi ka mahihimatay?
"Besides, there are certain rules written in this agreement." Muli niyang tinuro ang kontrata. "Rule number one, the donator shall keep herself healthy at all times to have enough blood supply for her master. You see... as long as you eat right and exercise daily, you'd be fine and you wouldn't get sick. You can still feed me with your blood without getting yourself killed. Unless, you really want to commit suicide, then don't eat and let me drain you."
Inismiran ko siya. Sa dinami-dami ba naman ng tao sa mundo ako pa talaga ang napagtripan niyang gawing pagkain. Kaya naman pala may nalalaman pa siyang: "I want you... to be mine." eme-eme niya. Sus! Akala ko pa naman romantic na. `Yon pala gusto lang akong gawing pagkain at taga supply ng dugo. Balasubas talaga ang bampira na `to, eh.
Pa-fall, amputa!
"Eh, bakit kasi ako pa? Ang dami-dami namang ibang pwedeng maging donator mo bakit ako pa?" angal ko pa rin.
Nagbuntong hininga si Vlad at ginulo ang buhay niya. Lalo siyang dumantay sa lamesa. "Listen, our existence is a secret, Erin. People should never know about us. That's why we have contract like this to protect us from being expose. Our number one rule in the Vampire Law is to not kill any human being. We must possess them as a voluntary donator. And since you already know this secret, then you're the best candidate I have now."
"So, you mean matagal niyo nang ginagawa ang ganito? May kinokontrata kayong mga tao na pwede niyong maging blood donator?"
Tumungo-tungo siya. "Yah! Every vampire has a maximum of twelve blood donators each year; to control our race. But in my case since I'm a royal and a pure blooded vampire, I can have donators as many as I want, as long as I want."
"So... hanggang kailan naman ang itatagal ng kontrata?"
"The contract of the commoner vampires usually last a month on every donator. Well, sometimes longer, it depends on their agreement."
"Eh, ano naman ang mapapala ko riyan?"
Napangisi nang malaki si Vlad. Saka ko lang napansin na may isa siyang hindi kalaliman na dimple sa kanang pisngi. Hindi masyadong mapapansin unless na ganito kayo kalapit sa isat-isa. Ang cute lang. Naalala ko tuloy si Jonathan. Dalawang malalalim na dimples ang mayroon siya. Kaya sobrang inlove na inlove ako sa kumag na `yon, eh.
Bigla tuloy sumakit uli ang dibdib ko. Hindi pa rin talaga ako maka-move on sa lalaking `yon at kahit ano ata ang gawin ko, siya pa rin ang tinitibok nitong puso ko.
Mula pagkabata namin hanggang ngayon, kahit mahabang taon na'ng lumipas. Kahit na madalas mukha akong tanga kakathird-wheel sa mga dini-date niyang babae noon. Kahit na palagi akong uto-uto sa tuwing nagpapatulong siyang pumorma sa mga nagiging crushes niya. Na kahit paulit-ulit niyang sinasaksak itong puso ko. Siya pa rin ang sinisigaw nito.
Sa kakaisip kay Jonathan hindi ko namalayan na sobrang lapit na pala ng mukha ni Vlad sa akin. Halos nagdidikit na'ng tungki ng mga ilong namin. Naaamoy ko ang mabango niyang hininga. How ironic. Dugo ang iniinum ni Vlad pero hindi amoy malansa ang kanyang hininga.
"In exchange, I could give you anything you want. Money, fame, power, anything. Name your price."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Talaga? Kahit na ano? Kahit na ilan?"
Tumungo-tungo si Vlad. Mas nabawasan ang distansya sa pagitan naming dalawa. Naduduling na nga ako sa katititig sa mata niyang color green. Para palang Genie ang mga bampira. Unlimited nga lang ang wish mo unlike sa Genie na tatlo lang.
Ano nga ba ang gustong-gusto kong makuha? Na handa akong maging alipin at pagkain ng bampirang ito. Na handa kong itaya ang buhay ko sa panganib makuha lang ang kaisa-isang bagay na gusto ko. Ano nga ba? Mali. Ang tamang tanong ay sino nga ba?
"O, sige. Papayag na `ko. Ang gusto kong makuha in exchange..."
Lalo siyang dumikit sa `kin. Sinakop na niya ang natitirang space sa pagitan namin at konting-konti na lang ay magdidikit na'ng labi naming dalawa. "Anything you want, sweetie," bulong nito.
Huminga ako nang malalim. Wala ng atrasan `to. Nasa akin na ang alas na kailangan ko. Hindi ko na `to dapat pakawalan pa. Desperada na kung desperada! Wala na `kong pakielam. Last chance ko na `to at ibubuhos ko na lahat ng lakas ko para rito. Sinalubong ko ang mga mata ni Vlad at sinabi ang mga salita ng buong determinasyon.
"Gusto kong maging sa akin si Jonathan!"