Chereads / I hate that I love you. / Chapter 2 - Chapter Two

Chapter 2 - Chapter Two

"MAGANDANG UMAGA, MISS HARU," ito ang siyang agad naging bati sa kanya ng katulong nila na si Mayette pagkakababa niya ng living room. Naglilinis ito roon.

"Magandang umaga, Mayette." Napansin niyang tahimik ang buong bahay. "Ang mga utol ko?" naitanong niya.

"Si Sir Ryu ay maagang umalis dahil nagka-emergency sa ospital. Si Sir Aki naman ay hindi pa bumaba. Malamang natutulog pa iyon. Si Sir Kenn naman ay nasa work room niya. Sina Sir Kai at Sir Kei ay nasa kani-kanilang mga trabaho na rin."

"Ah." Kahit Sabado ay may kanya-kanyang errand na nilalakad ang mga kapatid niya.

"Ipaghahanda ko na kayo ng agahan ninyo."

"Hindi na kailangan, Mayette," sabi niya. "Ako na ang maghahanda ng pagkain ko. Ayaw ko na maabala ka diyan sa trabaho mo."

"Okay lang naman, Miss Haru. Walang problema sa akin."

"Ako na, Mayette," pagpipilit niya at pumasok na siyang kusina. Noong dumating siya ay siyang unang beses na nagkakasabay-sabay silang magkakapatid sa pagkain. Dahil nga abala ang mga ito, paminsa-minsan lamang nakakasama niya sa bahay. Tuwing Sabado ay kanya-kanya silang naghahanda ng agahan nila.

Napasilip siya sa orasan. Alas nuebe na pala ng umaga. Mukhang napahaba ang tulog niya. Naalala niyang may pakay pa pala siya kay Ryu. Hindi niya na tuloy naabutan ito. Kapag nakauwi siya saka ko na lang siya kakausapin. Kagabi ay hindi rin siya nakahanap ng pagkakataon. Nakatulog na siya nang makauwi si Ryu.

Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng isang maliit na box ng fresh milk. Tinanggal niya ang straw na nakdikit sa likuran ng karton at itinusok iyon. Nagsimula siya sa pag-inom.

"Excuse me."

Agad siyang umalis sa pagkakaharang sa ref nang marinig ang boses na iyon. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat niya dahil hindi niya kilala itong lalakeng katabi niya, na nakatingin sa laman ng refrigerator. Hindi agad siya nakakilos. Pakiramdam niya ay nakapako ang mga paa niya sa kinatatayuan niya habang nakatitig lamang rito. Sino ang mapangahas na taong 'to at ano ang ginagawa nito rito sa kusina nila?

Kumuha ito ng isang pakete ng sliced bread. Binuksan nito iyon ay kumuha ng isang piraso at kinagat. Napalingon ito sa kanya habang panay ang pagnguya ng pagkain. Hindi niya talaga ito kilala! Kahit bali-baliktarin ang mundo hindi niya kilala ang lalakeng 'to!

"Oh!" Napatitig ito sa mukha niya. Dahan-dahang inilapit nito ang mukha sa kanya. Pagkuwa'y dinampian nito ng halik ang mga labi niya.

Gimbal na naitulak niya ito at lumayo siya ng ilang hakbang rito. Nandidiring pinunasan niya ang mga labi gamit ang kamay niya. Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ito. "What the hell?!" bulyaw niya.

"May gatas ka sa labi," anito at nagpatuloy lamang sa pagkain ng tinapay. Para bang wala itong ginawa sa kanya dahil sobrang nakapa-relax nito.

"Sino ka ba, ha?" nangigigil niyang tanong.

"Name's Shady," sabi naman nito.

"W-Wala ako'ng pakialam sa kung ano man ang pangalan mo. Sagutin mo ang tanong ko sayo. Ano ang ginagawa mo rito?"

"Hindi iyan ang itinanong mo sa akin kanina."

Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo niya sa ulo niya. How can this guy acts to normal na para bang tagapagmay-ari ito ng bahay nila? "Paano kang nakapasok rito? Siguro magnanakaw ka, 'no? Tama! Isa ka ngang magnanakaw!"

"Unang-una, dito ako nakatira. Pangalawa, hindi ako magnanakaw." Sumandal ito sa pinto ng refrigerator habang nakatingin sa kanya.

"S-Sinungaling. At ako pa ang gagagohin mo? Wala akong namumukhaang mukha mo na nakatira sa pamamahay na ito. Mayette!" malakas ang boses na tawag niya sa katulong. "Mayette!"

Nagtatatakbong dumating si Mayette. "Bakit, Miss Haru?"

"Tumawag ka ng pulis ngayon din. Sabihin mo na napasokan tayo. Bilisan mo at baka makatakas pa ang lalakeng 'to!"

"P-Pero, Miss Haru___"

"Tumawag ka na, ano ba?"

"S-Sandali lang po, Miss Haru. May hindi po pagkakaunawaan na nangyayari rito. Hindi po kasi magnanakaw si Sir Shady."

Sir Shady? Naguguluhang napatingin siya kay Mayette. "K-Kilala mo ang taong 'to?" Itinuro niya ang lalakeng halos maubos na ang isang supot ng sliced bread sa kakakain.

"Opo," sabi ni Mayette. "Kapatid po siya ni Sir Kenn at dito siya nakatira sa mansiyon."

Nakaawang ang mga labing nagpalipat-lipat siya ng tingin kay Mayette at sa lalake. Kapatid ng kapatid niyang si Kenn ang lalakeng ito at dito ito nakatira sa mansiyon kasama nila? Teka! May hindi ba ako alam na nangyayari rito? Walang nabanggit ang mga kapatid tungkol sa bagay na ito.

"I told you," sabi nito.

"Hindi po ba nasabi sa inyo nina Sir Kenn ang tungkol dito? Matagal na kasing naninirahan rito si Sir Shady."

"Eleven years to be exact," singit nito.

"Katulad nina Sir Kai at Sir Kei, madalas siyang hindi nakikita rito sa mansiyon dahil sa trabaho niya. Kagabi lang siya dumating galing New York," paliwanag ni Mayette sa kanya.

"So, you're Haru."

Naiinis na inirapan niya ito. "Walang nasasabi ang mga kapatid ko tungkol sa bagay na 'to." Isang masamang tingin ang itinapon niya sa lalake saka nagmamadaling lumabas ng kusina. Kailangan niyang makausap si Kenn.

Habang papunta siya sa work room nito na siya ring kwarto nito ay hindi maalis sa isipan niya ang paghalik na ginawa ng Shady na iyon sa kanya kanina. Damn it! How could he? Hindi niya pinangarap na maging ganoon ang first kiss niya. Sa taong estranghero pa!

Nang makarating siya sa kwarto ni Kenn ay hindi na siya kumatok pa at deretso na lamang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. "Kuya Kenn, kailangan nating mag-usap tungkol sa____" Napahinto siya sa pagpasok ng tuluyan sa loob ng sa may entrance ng silid nito ay isang mapangahas na eksena ang nasaksihan niya. Hindi niya alam kung kailangan niya bang lumabas at magpanggap na wala siyang nakita. Pero huli na para gawin niya iyon.

"Haru..." ani Kenn habang nakatingin sa kanya. Nakatuko ang isang kamay nito sa dingding kung saan nakasandal roon ang katulong at nakababatang kapatid ni Mayette na si Marian habang nakatingin sa kanya. Ang isang kamay ni Kenn ay nakapulupot sa bewang ng babae. Ang mga kamay naman ni Marian ay nakakapit sa leeg ng kapatid.

Nangyari bang napakalamig lang talaga ng silid na ito o siya itong nanlalamig sa nakita niya. "I-I'm sorry," sa wakas ay sabi niya. Pakiramdam niya siya itong nahihiya kaysa sa dalawang ito na nanatili pa rin sa ganoong posisyon. "B-babalik na lang ako." Agad siyang tumalikod.

"No, Haru, what do you want?"

"E-Excuse me," sabi ni Marian. Nasundan niya ito ng tingin hanggang makalabas ito ng kwarto.

"Haru?" untag sa kanya ni Kenn.

Hinarap niya si Kenn at tinapunan ng isang makahulugang tingin. Bahagya itong natawa. May namamagitan ba rito at kay Marian? Whatever, I don't care! May isa siyang importanteng pakay kaya siya nandirito. "Kuya Kenn, may isang lalake akong nakilala kanina lang sa kusina at ang sabi niya sa akin ay dito siya nakatira. Hindi ako naniwala pero sabi ni Mayette totoong dito siya sa mansiyon nakatira at kapatid mo siya. Totoo ba?"

"Ahhhhh." Napakamot sa batok niya si Kenn. "Nagkakilala na pala kayo ni Shady." Tumungo si Kenn sa bahagi ng kwarto kung saan may mga malalaking tv screen na magkakadikit-dikit. Naupo ito sa swivel chair na nadoon. "He's my brother," sabi nito.

Napatitig siya sa mga flat screens na nandoon. Ito ang kauna-unahang beses na nakapasok siya rito. Hindi niya alam kung ano ba itong pinagkakaabalahan ng kapatid. Nayakap niya ang sarili dahil lumalamig ng husto. "K-Kung magkapatid kayo, ibig sabihin ba ay...?" Hindi niya itinuloy ang itatanong.

Pinaikot ni Kenn ang upuan paharap sa kanya. "No, hindi ninyo siya blood related. Kapatid ko siya sa ina," sabi nito.

Napahinga siya ng maluwag. Kapag nagkataon na kapatid nga niya rin ito sa ama, baka babaliktad lamang ang sikmura niya kapag naalala ang paghalik nito sa kanya. Somehow, she's relieved. Eh, bakit ba naiisip ko pa 'to?

"Hindi ko nabanggit sayo kasi buong akala ko ay nasabi na sayo nina Kuya Ryu at Kuya Aki. Kaya kung sakaling magkita kayong dalawa ni Shady ay magiging maayos lang ang lahat. I'm sorry. Ako dapat ang maging responsable sa pagsabi sayo."

"O-Okay lang. N-Nabigla lang talaga ako."

"Sana ay okay lang sayo na makasama siya rito. He's a good guy. Wala kang kailangang problemahin."

Wala? Paano'ng hindi ako mamroroblema gayong unang kita pa nga lang namin ay nagawa niya na akong harass-in! Hindi niya maiwasang magalit. Napabuntong hininga siya. "W-Wala namang problema sa akin, Kuya. Isa pa, nauna siya ritong tumira kaysa sa akin."

"May gusto ka pa bang malaman?"

"Oo. Ano bang meron kayo ni Marian?" Hindi siya nagdalawang isip na itanong iyon rito.

Ilang sandaling natigilan si Kenn. "Kung ano man ang nasa isip mo, iyon na iyon," sabi nito at ngumiti.

Hindi siya makapaniwala. Kung ganoon ay may relasyon nga ang dalawa. Marami pa sana siyang gustong itanong rito ngunit hindi na niya kayang tagalan ang lamig. Isa pa, wala na siyang balak panghimasokan ang personal na buhay nito. Lumabas na siya sa kwarto nito.

KINAHAPONAN, NAISIPAN NIYANG MAGPALIPAS ng oras sa green house. Nang una siyang napadpad sa lugar na ito ay agad na nahulog ang loob niya. Nakapatahimik at talagang magkakaroon siya ng panahong makapag-relax. Maliban sa pagkakaroon ng tea area, may picnic area rin kung saan maari siyang magpalipas ng oras na nakaupo sa trimmed bermuda. Dala ang picnic mat at pocketbook, puno ng kagalakang tumungo siya roon.

Habang nakahiga sa mat, napatingin siya sa bubong kung saan naaaninag niya ang kagandahan ng kalangitan. Itinaas niya ang isang kamay at animo ay may inaabot roon. Hindi rin pala masama ang tumira rito. Ang buong akala niya ay malulungkot lamang siya. Ngunit nagkamali siya.

Ibinuklat niya ang pocketbook na dala at agad na itinakip iyon sa mukha niya. Inaantok siya. Hahayaan niya na muna ang sarili na umidlip saglit. Ngunit wala pa lamang isang minuto magmula nang ipikit niya ang mga mata ay isang malakas na buntong hininga na nagmumula sa tabi niya ang siyang muling pumukaw sa kanya.

"This is so relaxing!"

Napabalikwas siya ng bangon matapos makita si Shady na nakahiga sa picnic mat niya at katabi niya. "A-Ano ang ginagawa mo rito?"

"Nag-rerelax rin katulad mo," sabi nito.

"Really? Napakalawak nitong lugar at kailangan pang dito? Get up! Lumipat pa. Ako ang nauna rito kaya umalis ka."

"Ayaw ko. This place is my favorite."

Galit na tumayo niya. "Then stay here!" Hinablot niya ang dulo ng mat. "Aalis ako at dadalhin ko 'tong mat ko!" Hinila-hila niya iyon ngunit nanatili lamang nakahiga roon si Shady. "Ano ba?" Talaga yatang ginagalit siya ng lalakeng ito.

"Bakit ba galit na galit ka?" naitanong nito habang nakatingin sa kanya.

"Bakit nga ba? Because I don't like you. Simple as that."

"Ano ba ang ginawa ko?"

"Tigilan mo ang kakatanong at umalis ka sa mat ko!" Panay pa rin kakahablot niya sa mat.

"Fine. Fine." Bumangon ito. "Pero..."

Napatili siya ng bigla siya nitong hilahin. Napahiga siya at bago pa man siya nakakilos ay pumaibabaw na ito sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya at inilagay iyon sa may ulo niya. Nahihintatakutang napatitig siya rito. "L-Let me go."

"Don't worry. Papakawalan kita sa isang kondisyon," nakangiting sabi nito

Napalunok siya. Ano ba ang iniisip ng lalakeng ito. "A-Ano iyon?"

"I want to get to know you."

"Tsk! Kung gusto mo lang pala akong makilala, kailangan ba talagang idaan sa ganitong paraan? Pakawalan mo ako."

"Promise me."

"Alright, I promise. Just get off of me!"

Binitawan ni Shady ang mga kamay niya at umalis ito mula sa pagkakapatong sa kanya. Dali-daling bumangon siya ay nagpakalayo rito. Para kung saka-sakaling maisipan na naman nitong gumawa ng hindi kanais-nais, may tsansa siyang makatakas bago pa siya nito malapitan. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa sobrang bilis ng pagtibok nito. This guy is simply not normal! Ilang sandali siyang nakatingin rito habang nakaupo ito sa mat niya. Natatakot na siyang lapitan ito. Naisipan niyang umupo derekta sa bermuda ngunit agad ring napatayo. Pakiramdam niya pinagtutusok ang puwit niya.

"Pupwede ka namang tumabi sa 'kin," anito. "Magbe-behave na ako."

"Hindi na!" Inirapan niya ito.

"I promise," sabi pa nito habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya.

Napalunok siya. Mukha namang seryoso ito at wala ng gagawin pa. Humakbang siya palapit rito at naupo ng ilang pulgada malayo rito. "H-Haruhi," sambit niya. "M-My name's Haruhi."

"I'm Shady."

Alam niya, hindi niya nakakalimutan. Pangalan pa lang nito ay kasing-shady na ng pagkatao nito.

"I'm sorry about what happened this morning."

"D-Dapat lang."

"Hindi ako nagso-sorry dahil hinalikan kita. Nagso-sorry ako dahil binigla kita."

Ramdam niya ang pag-init ng magkabilang pisngi niya. Ano bang klaseng tao 'to? Para yatang may kakilala siyang tulad rin nito na hindi man lang marunong mahiya. No wonder magkapatid sila.

"Nasabi na ba ni Kuya Kenn sayo ang tungkol sa akin?" Sa pagkakatong ito ay naging seryoso ito.

"O-Oo. Pasensiya na rin sa inasal ko kanina. Hindi ko lang talaga alam."

"Okay lang. Gusto ko yata na sa ganoong paraan tayo nagkakilala." Nakaguhit sa mga labi nito ang isang makahulugang ngiti. "Siya nga pala, sa Santa Lucia State University ka nag-aaral right?"

"Ano naman ngayon?"

"Simula sa Lunes, ako na ang siyang maghahatid at susundo sayo sa university."

"Huh?!" naibulalas niya sabay tayo.

"Naisip ko, that way, may chance na magkausap tayo ng tayo lang. Like I said earlier, gusto ko na makilala ka ng mabuti at gusto ko rin na maging maayos ang relasyon nating dalawa."

"Alam mo ba kung ano ang mga sinasabi mo?"

"Oo. Kaya nga sinasabi ko, 'di ba?" Tumayo ito.

"No! No way! I'm not gonna let you do that. Hindi nga ako nagpapahatid sa family driver, sayo pa kaya? Salamat na lang pero kaya kong dalhin ang sarili ko sa paaralan."

"I insist. Kakausapin ko ang mga kapatid mo tungkol sa bagay na ito." Tinalikuran na siya nito at naglakad na palayo sa kanya.

Naiwan siyang tulala habang nasundan ito ng tingin. He's getting into her nerves!