NAKATANGGAP SIYA NG INVITATION GALING kay Kai ng sumunod na araw. Dahil raw masyadong itong abala kaya hindi ito makakauwi sa mansiyon. Kung maaari ay gusto nito na makasama siya sa pananghalian sa mismong restaurant nito. Siyempre excited siya dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapasok siya sa kilalang restaurant na nilalakad ng kapatid.
Alas onse natapos ang last period niya sa umaga kaya agad siyang umalis ng paaralan at nagtaxi na patungo sa lugar na sinabi sa kanya ni Kai. Pagdating niya sobrang ay nakita niya sa labas pa lang mismo na abala ang buong restaurant. Napakaraming tao na rin kahit sa ganitong oras.
"Haru!"
Hinanap niya kung nasaan ang kapatid. Nasa isang mesa ito at inaasikaso ang mga costumer. Kinawayan niya lamang ito at nanatili muna sa may entrance. Nakita niyang inabot ni Kai ang order list sa isang waiter na dumaan at lumapit ito sa kanya.
"Hey." Hinagkan siya nito sa pisngi. "Maaga ka," anito.
"Hanggang eleven lang kami."
"Cool. Halika, doon ka muna sa office."
Sinundan niya si Kai. Habang papunta sila sa opisina nito ay napansin niyang nakatingin sa kanila ang mga trabahante nito. Wala siyang nagawa kundi ang ngumiti lamang. Pagpasok nila sa opisina nito ay isinara nito ang pinto.
"Mukhang busy kayo, ah," sabi niya at naupo sa sofa na nandoon.
"Oo. Kapag ganitong oras ay dagsaan ang mga costumer. Ito kasi ang pinakamalapit na restaurant sa bus terminal at isang government office." Binuksan nito ang pinto at bahagyang sumilip roon. "Two iced tea and one strawberry moist, please." Mukhang may inutusan ito at isinara ang pinto. So, ano'ng oras ang unang period mo this afternoon?" Umupo ito sa tabi niya.
"Mamayang alas dos pa, Kuya. Siya nga pala, salamat sa cake last Sunday. It was really delicious. Ang sabi sa akin ni..." Inalala niya ang pangalan ng babaeng naghatid nito.
"Cindy," banggit ni Kai.
"Yes, Cindy. Sabi niya self-made cake mo yun. Nag-abala ka pa, eh, normal na cake lang okay na sa amin ni Abegail iyon."
"I don't make normal cakes," anito. "Anyway, I'm glad you girls liked it."
Ilang sandali ay may dumating dala ang kanina lang ay hinihingi nito. Si Cindy iyon. "Here's your order, Sir," sabi nito at isa-isang inalis ang mga iyon sa tray ay inilipat sa mesang nasa gitna. Tiningan siya ni Cindy habang yakap ang tray. "Hello, Haru. It's so nice to see you again."
"Hi!" Napangiti siya. "Tinutulungan mo si Kuya rito?" naitanong niya.
"Parang ganoon na nga. Kasi kapag walang nagbabantay rito ay bigla na lamang nawawala sa oras ng trabaho. Minsan naabutan ko na nandito lang at humihilik." Sinulyapan nito si Kai na nananahimik lang. "What do you guys want for lunch. Nang mapahanda ko ng maaga."
"Ikaw na ang bahala," sabi ni Kai.
"Alright." Lumabas na ito.
"Malapit kayo talaga, no?"
"We're childhood friends. Simula pa noon, kasa-kasama na namin siya ni Kei."
Inabot niya ang baso ng iced tea at sinimulang sipsipin ang straw.
"Hanggang ngayon ba ay natatakot ka pa rin kay Kuya Ryu? Sa simula lamang iyan. Kapag nasanay kana sa kanya, mawawala na rin ang takot na iyan at mapapalitan ng paghanga."
"I know. Kaya lang kung minsan natatakot akong magsalita lalo na at hindi ako sigurado sa kung ano ang sasabihin ko. Kabaliktaran naman kay Kuya Aki. Kahit abogado ang kausap ko ay okay lang kahit magkamali ako." Bigla niyang naalala si Aki at ang Christian na ipinakilala nito sa kanya. "Kuya Kai, may itatanong ako tungkol kay Kuya Aki."
"Ano iyon?"
"B-Bakla ba siya?"
Napatawa si Kai ng malakas. Siya rin naman minsan kapag naiisip niya iyon ay hindi niya maiwasang matawa. "No," maya-maya ay sabi ni Kai. "Siguro ay nakilala mo na si Christian kaya mo naitanong iyan."
"Hindi ko lang siya nakilala. May nakita lang talaga ako na hindi ko makakalimutan hanggang ngayon."
Mas lumakas ang tawa nito. "Well, that's how they are. I mean, nowadays, marami ng case na katulad nila. Being in the same sex relationship is becoming normal now. Matagal na rin naming tanggap iyon. Wala naman kasi silang tinatapakan na kahit na sino sa relasyon nila."
"Okay lang ba si Papa rito?"
"It's his fault, in the first place. Kung hindi lang niya noon ipinagkalat sa kung saan-saan ang mga BL manga niya ay hindi magiging curious itong si Kuya Aki sa bagay na iyon. Ang sabi ni Kuya Ryu, madalas niyang nakikitang nagbabasa itong si Kuya Aki ng BL manga noong kabataan nito. Nagkaroon naman daw ito ng girlfriends pero iyon nga hindi nagtatagal. Christian was his very first. Magkaklase ang mga ito mula high school hanggang college. Doon nagsimula ang love story nila."
Marahil alam ni Ryu ang lahat dahil kapatid nitong buo si Aki. What's surprising is that parang nakasuporta talaga si Ryu kay Aki sa kabila ng lahat. Hindi lamang si Ryu kundi ang iba pa nilang mga kapatid. Kung ibang tao ang mga 'to, hindi siya sigurado kung matatanggap ng mga ito ang pagkatao ni Aki.
Pagsapit ng tanghalian ay sabay nilang kumain si Cindy. Marami silang napagkwentohan. Kung siya lang ang masusunod, gusto niyang magtagal na kasama ang dalawa. Kaso may trabaho pa ang mga ito at kailangan niya na ring bumalik sa paaralan. She had a great time. Malaki ang pasasalamat niya kay Kai dahil naisipan nitong yayain siyang mananghalian na kasama ito at matikman ang masasarap na luto ng kapatid.
Bago siya bumalik sa paaralan ay dumaan siyang National Bookstore malapit sa restaurant. Naalala niyang may libro siyang kailangang bilhin. Habang naghahanap ay hindi niya inaasahang makikita niya roon si Erica, ang modelo na nakita niya sa studio noong isama siya roon ni Shady. Kung babatiin ko siya iisipin niyang napaka-feeling close ko naman. Minabuti niyang huwag na lamang itong pansinin at nagpatuloy sa paghahanap ng libro.
Pero hindi niya inasahan na makikita at mamumukhaan siya nito. "Ikaw iyong kasama ni Shady sa studio last time, right?"
Nilingon niya ito at ningitian. "Ako nga,"aniya.
"Student?"
"Yes, sa Santa Lucia State University." Tumitingin siya sa mga libro. Ang totoo niyan, naiinis siya dahil kinakausap siya nito.
"Ano ba ang meron kayo ni Shady?"
"Wala."
"You seemed close."
Hindi na siya magtataka kung bakit kaibigan ito ni Shady. Pareho kasi ng karakter ang mga ito. Purong annoying. "Not really," aniya. Hindi niya ito tinitingnan. "Nakatira kami sa iisang bahay ngunit hindi kami ganoon kalapit kagaya ng inaakala mo."
"Wait, what? Pareho ang bahay na tinitirahan ninyo?" Gulat na gulat ito.
Nilingon niya ito. Kung marami siyang hindi nalalaman tungkol sa pagkatao ni Shady iyon ay dahil nabibilang pa lamang ang araw magmula ng makilala niya ito. Kung ikukumpara sa babaeng ito na hindi niya alam kung ilang dekada na ba nitong kakilala. "Hindi mo alam?"
"Hindi ako magtatanong kung alam ko."
Napabuntong hininga siya. "Kapatid niya sa ina ang kapatid ko sa ama. Nakatira siya sa bahay kung saan naroroon ang kapatid namin at ganoon rin ako."
Ilang sandaling nanahimik ito habang nakatitig sa kanya. "Who are you again?" tanong nito pagkatapos.
"Haruhi Saga," aniya. "Excuse me at may kailangan akong hanapin." Tinalikuran niya na ito at lumipat na lamang sa kabilang shelf. Damn you, Shady and your women!
HINDI NA NAMALAYAN NI HARU na nakatulog siya. Naalala niyang pagkatapos niyang makapaligo ay nagbabasa siya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama niya at binitawan ang librong kanina niya pa hawak. Inihilamos niya ang mga palad sa mukha niya. Sinilip niya ang orasan. Pasado alas onse na pala ng gabi.
Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya lumabas siya sa kwarto niya at bumaba. Mukhang tulog na si Aki dahil hindi niya na ito nakita sa living room kung saan madalas itong namamalagi kapag ganitong oras. Sina Ryu at Kenn naman ay hindi niya alam kung nakauwi na ba. At si Shady? Hindi niya ito nakita kanina sa labas ng campus pagkatapos ng klase niya. Malamang ay abala ito kaya hindi ito nagkaroon ng oras na sunduin siya. Naiinis siyang isipin na baka kasama nito si Erica. Hindi niya maintindihan kung bakit gayong wala naman siyang pakialam sa kung ano mang relasyon meron ang dalawa.
Bago siya makapasok ng kusina ay napansin niyang nakabukas pa rin ang ilaw at tv sa movie room. "Nakalimutan bang patayin ni Kuya Kenn?" Si Kenn ang madalas gumagamit ng movie room. Siguro nga ay nakauwi na ito at nakatulog na. Minabuti niyang saglitin ang kwarto. Ngunit laking gulat niya dahil si Shady ang naratnan niyang nandoon. Nanlalake ang mga matang napatitig siya sa lalake. Sa dinami-rami ba naman ng pwede kong makita sa ganitong oras ay ang lalakeng ito pa! Nataranta ang utak niya.
Nakaupo ito sa sofa na nakaharap sa malaking tv screen habang may hawak na baso sa kaliwang kamay nito. May bote rin ng vodka sa mesang nasa gitna.
"Do you need something?" tanong nito. Sa hetsura nito ay mukhang hindi pa naman ito lasing. Inilapag nito ang baso sa ibabaw ng mesa. Tiningnan siya nito.
Nanatili lamang siyang nakatayo sa glass door. "Kukuha sana ako ng maiinom nang makita kong nakabukas pa ang ilaw rito at naka-on ang tv. Akala ko ay nakalimutang patayin ni Kuya Kenn bago siya natulog."
"Hindi uuwi si Kuya. Nasa bahay siya ng kaibigan niya."
"Bakit ka naglalasing?" derektang tanong niya.
"Hindi ako naglalasing. Umiinom lang ng konti para makatulog."
"Kung gusto mong makatulog sleeping pills ang inumin mo, huwag alak." Tinalikuran niya ito. Ngunit bago pa man siya nakaalis ay tinawag siya nito.
"Haru!"
Nilingon niya ito. "Bakit?"
"Hinintay mo ba ako kanina? May importante akong nilakad. I was too confident na may sapat akong oras at masusundo kita. Hindi kita nagawang tawagan dahil naiwan ko ang cellphone ko rito sa bahay. Nang makauwi ako, gusto kitang kausapin para magpaliwanag. But you were sleeping."
Kung ganun ay pumasok ito ng kwarto niya habang natutulog siya? Nanlalake ang mga mata at nayakap niya ang sarili. Hindi mapagkakatiwalaan ang lalakeng 'to! Ginagawan nga ako ng kapangahasan na gising ako, pa'no pa kaya habang tulog ako at walang kamalay-malay?
Tumayo ito at humakbang palapit sa kanya. "I'm sorry," sa halip ay sabi nito.
Iyon ang unang beses na narinig niyang nag-sorry ito. Dahil lang ba sa hindi nito pagsundo sa kanya. Tiningnan niya ito. Shady's face is quite different than the usual. Hindi niya alam kung bakit ngunit may nakikita siyang kakaiba rito. He seems... lonely. May problema ba ito kaya ito umiinom? "M-May nangyari ba?" naitanong niya.
"Wala naman. Bakit?"
"P-Para kasing malungkot ka."
Natigilan ito ng ilang sandali.
"May problema ka ba?"
"Meron." Hinawakan nito ang magkabilang braso niya. Isinandal siya nito sa glass door. "I miss you," anas nito.
"L-Let go." Nanlaban siya. Ngunit buong lakas siya nitong pinipigilan. Ibinaba nito ang mga kamay sa mga kamay niya. Itinaas nito ang isang kamay niya habang ang isa naman ay pinulupot sa likuran niya. "A-Ano ba ang ginagawa mo? B-Bitawan mo ako. Kapag may nakakita sa atin____"
"Oh, so okay lang na ituloy natin 'to sa lugar kung saan walang makakakita? Iyong tayo lang?"
"H-Ha? Nasisiraan ka na talaga. Let go of me!" At iyon na ang kahuli-hulihang salitang lumabas sa bibig niya. Tuluyan na nitong sinusian ng halik ang mga labi niya. Napapikit siya. Something's not right. Parang ibang-iba si Shady ngayon at hindi niya alam kung bakit. The way his kissing her right now is far way too different. Pakiramdam niya ay masusugatan ang mga labi niya sa kapusukan nito. Mas hinigpitan nito ang paghawak sa mga kamay niya. "S-Shady..." anas niya nang pansamantalang pakawalan nito ang mga labi niya. "S-Stop..."
Bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Binitawan nito ang kamay niyang nasa likuran niya at agad na hinapit siya sa bewang. Ang isang kamay niya naman ang sunod na pinakawalan nito at inilipat ang kamay nito sa batok niya. He looked at her. She can see his burning desire through his eyes. Mas lalo siyang kinabahan. Kung hindi siya gagawa ng paraan ay kakainin siya ng buhay ng lalakeng ito. "Haru..." bigkas nito sa pangalan niya at muling sinakop ang mga labi niya ng mapupusok nitong halik. Naituko niya ang mga kamay sa dibdib nito nang buhatin siya nito papasok sa movie room. Inihiga siya nito sa sofa at agad idinagan ang buong bigat nito sa kanya.
"S-Shady, wait!" Gusto niyang itulak ito ngunit kulang na kulang ang lakas niya. "P-Please, stop..."
Ngunit hindi nakinig si Shady sa pakiusap niya. This man shows no mercy. Ang mga labi nito na walang humpay ang paghalik sa leeg niya. Napakagat labi siya ng maramdaman ang kamay nitong pumasok sa damit niya at naglalakbay sa likuran niya. Dahan-dahan, bumaba ang mga labi nito sa bandang dibdib niya. Sa pagkilos muli ng isang kamay nito, doon niya na ito tuluyang napigilan.
"Enough," aniya.
Inihinto nito ang ginagawa at tiningnan siya. "Haru..."
"You're drunk," aniya.
"Tsk!"Tinapik nito ang noo. "I'm not." Umalis ito mula sa pagkakadagan sa kanya at naupo.
Dali-dali siyang tumayo at pumuntang pintuan. "Mas mabuti pa sigurong tapusin na natin ang kalokohang 'to," aniya. "I don't even know why we're doing this. Kung bakit hinahayaan kita na gawin 'to. For heaven's sake this is stupid."
"What's stupid, Haru?" Bahagyang kumunot ang noo nito. "Hindi ako naglalaro rito."
"At gusto mo na maniwala ako? This is what you do, right? Ang paglaruan ang kahit na sino'ng babaeng mapag-tripan mo. Ba't hindi ka na lang doon sa Erica na iyon? It seems like she's going to give so much fun."
"Wait, what? Who?"
"Huwag na huwag mo akong tatratuhin na parang isa sa mga babae mo, Shady." Iniwanan niya na ito. Hindi niya lubos akalaing nagawa niyang bumigay sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ba ang nasa isip ni Shady. Pero nasasaktan siya. Hindi man lang ba nito nako-consider ang nararamdaman niya? Ayaw ko ng ganitong laro.