"SHADY! SHADY!" HINDI MARAHIL NARIRINIG ng kapatid ang pagtawag ni Kenn. Itinulak nito ang slide door upang mas mabuksan iyon at pumasok na sa loob ng movie room. Niyugyog nito ang balikat ni Shady. "Shawn Drake!" tawag ni Kenn sa buong pangalan ng lalake.
Idinilat ni Shady ang mga mata. "Ahhhh!" aniya habang hawak ang ulo. Dahan-dahan siyang bumangon. "Kuya Kenn..." sambit niya. "G-Good morning."
Ipinagkrus ni Kenn ang mga kamay habang nakatayo sa harapan niya. "Ang buong akala ko ay wala ka rito sa bahay kagabi. Kung hindi pa sinabi ni Mayette na natutulog ka rito ay wala akong kaalam-alam."
"Ano'ng oras na ba?" naitanong niya.
"Nine in the morning."
Bigla niyang naalala si Haru. Nakalimutan niya ang oras. "W-Where's Haru?"
"Magkasabay ko silang inihatid ni Marian sa paaralan. Paano'y tulog na tulog ka."
Napakamot siya sa ulo niya. "I missed the time."
"Shady, what's going on?"
Tiningala niya si Kenn. "N-Nothing."
"May halos anim na buwan na noong huli kitang nakitang umiinom." Nakita nito ang bote ng alak sa mesa.
"Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan ko na uminom ng konti."
"Matatawag bang konti ang pag-ubos ng isang bote ng vodka? Seriously, man, what's going on?" sa pagkakataong iyon ay seryoso na ang mukha ni Kenn. May bahid ng pag-aalala ito. "Kung may problem aka, alam mo naman na nandito lang ako. You can tell me everything."
"Wala nga." Ningitian niya ito. "I swear, I'm okay."
Napabuntong hininga si Kenn. "Fix yourself at mag-agahan ka na." Lumabas na ito ng movie room.
"A'right." Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok niya.
It's not literally convincing para kay Kenn na sabihin niyang wala siyang problema. Alam na alam nito. Kaya naman palagi siyang minimonitor nito. Kung ano man ang naging achievement niya sa buhay niya ngayon, it won't change the fact that he cursed his life. Hindi siya pinapatulog ng konsensiya niya sa nangyari mahigit labing dalawang taon na nakakaraan. Ang insedenteng iyon ay patuloy siyang binabagabag maging sa pagtulog niya. Kung kaya lang niyang bagohin ang lahat. Ngunit wala siyang magagawa pa. Sinisisi siya ng lahat sa pagkamatay ng ina niya.
Tinalikuran siya ng lahat. Maging ang grandparents niya ay hindi siya muling tinanggap at patuloy na ibinabato sa kanya ang paninisi. Lumipas ang isang taon, ang ama niya na inaasahan niyang siyang magiging kakampi niya ay tinalikuran na rin siya dahil nagkaroon ito ng bagong pamilya. Pakiramdam niya'y naging ulila siya ng lubusan. But there's Kenn, ang half brother niya na hindi nagdalawang isip na kunin siya at inako ang responsibilidad sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang buong suporta at pagmamahal nito bilang nakakatandang kapatid niya. Kenn was his last hope.
"Good morning," bati niya kay Aki matapos maratnan itong nasa living room.
"Nag-away ba kayong dalawa ni Haru, Shady?" tanong nito sa kanya.
Wala siyang natatandaang may pinag-awayan sila kagabi. Hindi niya rin naman kasi matatawag nap ag-aaway 'yung nangyari. "Hindi naman. May nasabi ba siya?"
"Mukha lang kasing galit na galit siya kanina at sinabing kung maaari ay tigilan mo na ang pangungulit sa kanya."
Mabuti at iyon lang ang nasabi niya. Paano na lang kung sinabi niya ang buong pangyayari kagabi? Kapag nangyari iyon, hindi siya sigurado kung ano ang siyang gagawin sa kanya ng magkakapatid. "Para yatang ayaw niyang umaaligid ako sa kanya."
"Ano ba kasi ang ginawa mo at nagalit siya ng ganun?"
"Ha? Ah, w-wala naman." Naloko na. Isang abogado ang kaharap ko at madali lamang para rito na alamin kung nagsisinungaling ang kausap o hindi. "Hindi ko rin alam kung bakit siya galit na galit sa akin. I'm sad that it makes me want to cry."
"That must've been a very miserable sight to behold."
"Huwag naman ganun, Kuya Aki."
"Hindi ko maiintindihan ang pakiramdam ng isang lalakeng mukhang kulang na lang ay magiging isang ganap na kriminal na." Lumapit si Kenn na may hawak na mug. "Kung ako ang tatanungin, you did something stupid."
"That's kinda mean," aniya.
"What kind of relationship you want with her, Shady?"
Binalingan niya agad si Aki. "That came out from no where."
"It didn't. It's obvious that the main reason kung bakit ka bumalik agad rito dahil alam mong dito na titira si Haru. But I just want to know kung ang goal mo noon ay siya pa rin bang goal mo ngayon."
"Of course. Kaya wala kayong kailangang ikabahala." Wala namang nagbago. At walang kailangang bagohin.
Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang nagalit sa kanya si Haru kagabi na dahilan upang nag-walked out ito. Maliban doon, nabanggit pa nito si Erica kung hindi man siya nagkakamali. Kung nagising sana siya ng maaga ay natanong niya na ito at naklaro ang lahat. Later ko na lamang siya kakausapin.
Gumawa siya ng appointment sa araw na ito para sa practice shoot niya. Ipinasok siya ni Felix sa isang Freestyle Photography Contest. Bawat lalahok na photographer ay may freedom na pumili ng kanilang theme o concept of photography. Hindi niya pa napagdedesisyunan kung ano baa ng siyang pipiliin niya. Ayaw niya na agad na lamang pipili kahit hindi siya sigurado kung gugustohin niya ba o hindi. May panahon pa naman siya kaya hindi niya kailangang magmadali. Sa ngayon, susubukan niya ang lahat ng concept kasama si Erica na siyang magiging official model niya.
"Bakit pa kailangang gawin mo 'to?" naguguluhang tanong sa kanya ni Erica habang inaayusan ito ng make up artist nito. "You're good at everything."
"Hindi dahil magaling ako ay hindi na kinakailangan ng practice. Gusto ko lang makita kung saan mas babagay ka. Siyempre, nakadepende pa rin sayo lahat."
"Iyong babae na isinama mo rito the other day, isa pala siyang Saga."
"Hindi ko ba nabanggit sayo?" Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatingin rito.
"Hindi. Nalaman ko lang mula sa kanya kahapon. Nagkita kami sa isang book store."
"Kahapon?" Kaya pala bigla na lamang itong nag-alburuto kagabi. Pero hindi naman magkakaganoon si Haru kung walang dahilan. "M-May nangyari ba?"
"Wala naman. Nag-usap lang kami saglit. Nalaman ko lang rin na pareho kayong nakatira sa iisang bahay."
"Napagkasunduan ng mga magulang niya at mga kapatid na ilipat siya sa mansiyon at doon na manirahan kasama ng mga ito habang tinatapos niya ang kolehiyo niya. Nineteen years rin nalayo si Haru sa kanila. Gusto lang nila na makasama si Haru at maging malapit sila sa isa't isa."
"You like her?"
"Yes," walang pagdadalawang isip na tugon niya. "She's special to me."
"Kaya ba bumalik ka rito kahit hindi pa natatapos ang trabaho mo sa New York?"
"Who knows?"
Hindi na lamang nagsalita si Erica.
ALAM NIYANG ALAS SINGKO NG HAPON matatapos ang klase ni Haru kaya kinse minutos bago ang oras na iyon ay nag-aabang na siya sa labas ng campus. Nanatili lamang siya sa loob ng kotse niya habang inaabangan ang paglabas nito. Ang totoo niyan, kanina niya pa ito tinitext ngunit hindi man lang ito nagrereply sa kanya. Galit nga siya! Isa itong malaking problema.
Mula roon ay nakita niya ito kasama si Abegail na palabas ng gate. Sa ganoong distansiya ay hindi niya maiwasang mapatitig ng husto sa mukha ng dalaga. She's just too cute and beautiful that makes it hard for him to handle his own feelings. Nawawala siya sa sariling katinuan at parang gusto niyang kainin ito ng buhay. Gusto niyang hintayin ito hanggang tuluyang makalabas ngunit napilitan siyang bumama ng sasakyan niya dahil isang lalake ang biglang lumapit rito. "Haru!" agad niyang tawag rito.
"Oh my God!" naibulalas ni Abegail.
Nilapitan niya ang mga ito. "Let's go home," sabi niya.
"Ha? At bakit?"
"Tapos na ang klase mo, right? Then there's no need for you to stay here. Umuwi na tayo."
"Teka nga muna." Hinarap siya nito. "Bakit mo ba ako inuutusan, ha? Kung gusto mong umuwi, umuwi ka mag-isa. May kailangan pa kaming gawin." Muling kinausap nito ang lalake. "Ano ng aba iyon?"
"Baka interesado ka na tumakbo bilang freshman senator sa darating na Student Council Election. Marami kasi ang nagri-recommend sayo, eh."
"Pag-iisipan ko na muna."
"Okay sige. Kapag nakapagdesisyon kana, tell me right away." Umalis na ang lalake.
"Sino ba iyon?" tanong niya.
"Wala ka ng pakialam. Tayo na, Abegail."
Hinawakan niya ito sa kamay at kinaladkad patungo sa kotse niya. Agad niyang binuksan ang pinto sa backseat at itinulak niya ito papasok roon. Isinara niya ang pinto at hinarap si Abegail na noon ay parang statuwang nakatayo at nakatingin sa kanila. "Hihiramin ko na muna itong kaibigan mo, okay? Pwede ba?"
"S-Sure." Kumaway-kaway ito.
"Thanks." Sumakay na siya at automatic na ini-lock ang mga pinto. Pagkatapos ay pinaharurot niya ng takbo ang kotse niya palayo roon. "You're misbehaving a lot, Miss Saga," aniya at sinulyapan ito na noon ay nagmamaktol sa may likuran niya.
"Bakit mo ba ako sinundo?"
"Dahil iyon ang gusto ko at pangako ko. I told you, ako na ang siyang maghahatid at susundo sayo."
"Yeah, right." Panay ang pag-irap nito sa kanya.
"Kasama ko si Erica sa studio kanina. Nabanggit niya sa akin na nagkita kayo kahapon sa isang bookstore. Wala siyang nababanggit na kahit na ano maliban sa pagpapakilala mo sa kanya. Pero I want to know the reason why you were so angry at nasabi mo na mas mabuti pang kami na lang ni Erica ang magsama. May nasabi ba siya sayo na ikinasasama ng loob mo?"
"Hindi masama ang loob ko."
"Bakit ka nag-walked out kagabi?"
"Because you're making fun of me like I am one of your toys. Minsan ba naitanong mo sa akin kung ano ang nararamdaman ko everytime hinahalikan mo ako, ha? Minsan ba nagawa mong i-consider ang nararamdaman ko bilang biktima rito? Wala kang ibang inisip kundi sarili mo lang. Damn it!"
Natigilan siya. Marahil nga ay tama ito. Right from the start, hindi niya pinansin kung ano ba ang siyang mararamdaman ni Haru. Naka-focus siya sa sarili niyang kasiyahan at pakiramdam. He likes kissing her so much and he's enjoying every second doing it with her. Pero ganoon rin ba ito? Ang sabihin nito na pinaglalaruan lamang niya ito ay isang malaking pagkakamali. Hindi pa lamang nito marahil alam. "Haru..."
"What?"
"Mag-usap tayo ng maayos, pwede?"
"Ilang beses mo na bang sinasabi sa akin iyan pero hindi mo nagagawa ng tama dahil inuuna moa ng walangkahiyaang gawain mo!"
"I mean it this time."
Hindi na ito umimik pa. Iisang lugar ang alam niya kung saan makakapag-usap sila ng masinsinan. Dinala niya ito sa lugar na madalas niyang pagtambayan. Ganitong oras alam niyang magiging maganda roon. Hindi siya nagsalita hanggang makarating sila.
"B-Bakit tayo nandito?" agad nitong tanong sa kanya matapos niyang i-park ang sasakyan.
Bumaba na siya. Tumungo siya sa likurang bahagi ng kotse niya at binuksan iyon upang kunin ang camera niya. Pagkuwa'y pinagbuksan niya ito. Nakikita niya kay Haru ang takot na bumaba ng sasakyan. Ningitian niya ito. "Kagaya ng sinabi ko, mag-uusap lang tayo." Inilahad niya ang kamay rito. "I promise." Inabot ni Haru ang kamay ay hinayaan siyang alalayan ito sa pagbaba.
"T-Thanks," sabi nito.
Nang babawiin nito ang kamay mula sa pagkakahawak niya ay pinigilan niya ito at mas hinigpitan ang pagkakahawak. Hindi niya iyon binitawan hanggang makarating sila sa dalampasigan. Naupo siya sa buhangin. Sumunod naman ito.
"You can let go of my hand," sabi nito.
Wala na siyang nagawa dahil hinila na nito ang kamay. Habang pinagmamasdan niya ito, nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito. She's smiling, habang nakatingin sa may di kalayuan. "Do you like the ocean?" tanong niya.
"Yeah." She wrapped her arms around those tiny legs of her. Ipinikit nito ang mga mata. "Ibang-iba rito kaysa San Martin," anito. "Araw-araw, ang malawak na palayan ang nakikita ko sa paglabas ko ng bahay namin. Going to school, purong vegetation field ang nadadaanan ko. Kung gugustohin man naming pumunta sa beach, paminsan-minsan lang dahil malayo."
Itinaas niya ang camera niya at agad itong kinunan ng larawan sa ganoong pustora.
Umalma ito. Magkasalubong ang mga kilay na nilingon siya nito. "Stop it."
Natatawang inilayo niya ang camera niya rito. Pansamantalang walang nagsalita sa kanila at pareho lamang silang nakatingin sa malayo. Sinumulan niya ang pagkuha ng picture sa kung ano man ang magustohan niyang view.
"WHY PHOTOGRAPHY?"
"Because I want to collect memories and conserve them." Ibinaba niya ang camera. "There was this person who showed me the beauty of photography. She was Mom's close friend. Inimbitahan niya kami na pumunta sa Art Display niya. Pagdating namin doon, sobrang daming naglalakihan at naggagandahang paintings na nakasabit sa bawat sulok ng art room. Pero may isa doon na naiiba. Iyon ang nakaagaw pansin sa akin. Nag-iisang photograph iyon. Naisip ko na siguro baka nailagay iyon doon ng hindi sinasadya. But it was part of the show.
"Ayon sa artist, ina niya ang nasa larawang iyon. Namatay siya sa sakit na cancer at the age of seventy eight. Patay na ang ina niya nang kinuha niya ang larawang iyon. Sobrang na-amaze ako kasi kung pagmamasdang mabuti, buhay na buhay ang matanda sa larawan at tila natutulog lang. Naging curious ako kung paano'ng nabigyan niya ng buhay ang larawang iyon. I was inspired by just looking at it. Doon ko rin nalaman na iyon na ang huling beses na humawak siya ng camera. Tuluyan niya ng tinalikuran ang photography."
"Kaya mo napagdesisyunang maging photographer?"
"Siguro. Sa una, simpleng pag-appreciate lang ang alam kong gawin. 'Di nagtagal, nauwi sa obsession. Nagsimula akong magkolekta ng iba't ibang klase ng photography magazines at libro. Kahit nasa paaralan ako, halos vacant time ko nasa library ako to read books about it. My father doesn't like it. Sobrang nagalit siya matapos kong sabihin sa kanya na gusto kong maging photographer. He wanted me to be an engineer. At ayaw ko. Noong huling year ko sa junior high school, I saw this tv advertisement about photography war. It's a free public photo exhibit ng mga kilalang photographer sa bansa.
"Gustong-gusto kong pumunta. Aabsent ako sa klase para makapunta doon. Kung si Papa ang pakikiusapan ko ay hindi ako papayagan. So I asked my mother instead. She was sick pero dinala niya ako doon. That was one of the best thing that ever happened in my life. Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mga photographs na naka display. I will never forget. Sa araw rin na iyon, nagsimula ang pagbabago sa buhay ko. We met an accident on our way home. Nawalan ng control si Mama sa pagmamaneho, dahilan upang mabangga kami. Natatandaan ko pa ang paikis-ikis na takbo ng sasakyan. I was in shocked. Nakita marahil ni Mama na hindi pala ako naka-seatbelt. Tinanggal niya iyong sa kanya at isinuot ang akin. The next I know was, I was in the hospital." Napalunok siya at napayuko.
Ito ang mga bagay na ayaw niyang mapag-usapan. Ngunit nagagawa niyang maging at peace sa pagkakatong iyon na si Haru ang kinukwentohan niya. He can still feel the pain. Lossing her mother was such a burden to him. Nagulat siya ng hawakan ni Haru ang kamay niya. Tiningnan niya ito.
"Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin ang lahat ng 'to," sabi nito. "G-Gusto ko na makilala ka, p-pero hindi ko inaasahan na ganito pala. I-I'm sorry."
Hinaplos niya ang pisngi nito. "I want to know more about you, too, Haru. Pero gusto ko na simulan rito."
"W-What happened to your mom?"
"She died."
Napatitig ito sa kanya. "I-I'm sorry."
"Stop saying sorry," natatawa niyang saway rito. "She died twelve years ago, when I was sixteen. Masisisi ko rin naman ang sarili ko kasi kung hindi dahil sa akin, buhay pa sana siya. Kaya wala akong karapatang tumutol sa tuwing sisisihin ako ng grandparents ko at ama ko sa pagkawala ng ina ko."
"H-Hindi ba't sobra naman na iako sayo lahat?"
"It's okay. Ang walang kwentang tulad ko, deserve ang ganoong pagtrato sa mga taong itinuring kong pamilya. Wala akong magagawa kundi ang ipagpatuloy ang buhay ko kahit nag-iisa na lang ako."
"Hindi ka nag-iisa, Shady," sabi ni Haru. "You still have Kuya Kenn. I-I am here, too. K-kaya kung gusto mo ng makakausap, nakahanda ako na paglaanan ka ng oras." Nakikita niyang ang pamumula ng mukha nito habang sinasabi iyon.
"You're blushing."
"I am not!" Umiwas ito ng tingin sa kanya. Tumayo ito. Pinaspasan nito ang pwetang bahagi. "Umuwi na tayo."
"Later," sabi niya. "I still want you to see the best part. It's time." Itinuro niya ang unti-unting pagbaba ng araw habang sa unti-unti itong kinakain ng malawak na karagatan.
"Sunset," sambit ni Haru. "It's beautiful."
"Indeed," sabi niya habang kay Haru nakatingin. Itinaas niya ang camera niya. Mukhang wala na yatang gaganda pa sa tanawing ito na nasa harapan niya.