"MAY BALAK KA BANG GAWING seryoso ang lahat ng 'to, Shady?" Sa hetsura ni Kenn, alam niyang gusto nito na mabigyan niya ito ng satisfying answer.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-e-edit ng mga larawan nang pumasok ito sa kwarto niya ng gabi ring iyon. "Ano pa ba sa tingin mo?"
"You know how precious she is to us."
"Alam ko, Kenn. Kaya___"
Sinapak siya nito. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na nakakatandang kapatid mo ako." Pabagsak na naupo si Kenn sa paanan ng kama. "Inaasahan kong hindi mo paglalaruan ang damdamin niya."
"I'm not like you."
"I'm serious here, Shady."
"I am, too. Ang saktan siya ang pinakahuling bagay na magagawa ko, Kuya. I wanted her from the start. Never will I let go of that dream. I can't be with any other girl because I am already consumed by her."
"What about Claudette?"
Panandalian siyang natahimik. Humarap siyang muli sa monitor at nagpatuloy sa ginagawa. "What about her?"
"Wala na ba kayong contact sa isa't isa?"
"Wala na." Hindi niya inaasahan na magkikita sila ng kapatid ng ex-girlfriend niya. Ibinigay nito ang calling card nito sa kanya ngunit hindi niya nagawang tawagan ang numero na nakasulat roon.
"I see. Sana lang ay nagawa niya'ng makamove on matapos ang break up ninyo."
"It was her decision. She broke up with me dahil ang sabi niya may mahal siyang iba. Noong panahong iyon I was having a really messed up life and I forgot to do the right things. Kaya napasok ako sa relasyong 'yun. Matagal na iyon, Kuya. Wala na akong planong balikan ang bagay na tapos na."
"Naiintindihan ko. Gusto ko lang naman na makasiguro. Lalo na ngayong pumasok ka na sa buhay ni Haru. Bilang nakakatandang kapatid ninyong dalawa, ang gusto ko ____" Napatingin si Kenn sa cellphone niyang nagriring. Kinuha nito iyon sa unan at inabot sa kanya.
Napakunot noo siya dahil numero ang siyang nakarehestro. "Hello?"
"S-Shady, this is Lindsay."
Hindi niya alam kung paano nito nakuha ang cellphone number niya. "Napatawag ka? May problema ba?"
"Tulungan mo si Ate. Pakiusap. Ikaw lang ang siyang alam ko na pupwede niyang pakinggan ngayon. Please."
Sa tuno nito halatang may nangyayaring hindi maganda. Napatayo siya. "Nasaan kayo ngayon?" Matapos ibigay nito ang address ay dali-dali siyang umalis. Hindi na siya nagsabi kay Kenn kung saan siya pupunta. Hindi niya alam ang totoong nangyayari kay Claudette ngunit hindi maalis sa kanya ang kabahan. Knowing her, she can do anything unhanded.
Pagdating niya sa apartment ng magkapatid ay naabutan niya si Lindsay sa labas ng building. Umiiyak ito at hindi mapakali. "Shady! Pasensiya na kung tinawagan kita ng ganitong oras. Wala na kasi akong maisip na pupwedeng tumulong sa akin."
"It's okay. Ano ba ang nangyari?"
"Si Ate kasi, pagbalik ko galing grocery ay hindi na ako pinagbubuksan ng pinto."
"Gaano na katagal?"
"Thirty minutes."
"What? Ganoon katagal?" Pumasok sila sa building at umakyat sa second floor kung saan naroroon ang unit ng magkapatid. "Hindi ka man lang ba tumawag ng tulong sa kapitbahay?"
"Wala ang caretaker nitong building. Nasa kanya ang spare key nitong apartment."
Kinatok niya ang pinto. "Claudette! Buksan mo ang pinto. Ako 'to, si Shady!" Lumipas ang halos limang minuto ay hindi pa rin nito binubuksan ang pinto.
"Baka may nangyari na sa kanya." Napaiyak na si Lindsay.
"Claudette! Claudette!"
Maya-maya ay may dumating. "Lindsay! Pinasok ko na ang bahay ng caretaker. Heto na ang susi!"
Binuksan nila ang pinto. Pagpasok ay agad nilang hinanap si Claudette sa lahat ng sulok ng bahay. Lumabas siya sa terasa. Doon niya ito nakitang nakapatong sa ledge. "Claudette..." Dahan-dahan, humakbang siya palapit roon. "H-Huwag mong gagawin 'to." Lalapit sana ang dalawang kasama ngunit pinigilan niya ang mga ito.
"Shady..."
"Oo, nandito ako. Bumaba kana, pakiusap. Kung may problema ka man, nandito ako para makinig."
"I'm tired," anang babae. "I'm tired of everything."
"I know. Kung ano man iyang pinagdaraanan mo, naiintindihan ko. Ngunit hindi ito ang solusyon. Kaya sige na, bumaba ka na at mag-usap tayo ng maayos."
"Pare-pareho lang silang lahat. Iiwanan lang ako. Kayo rin, ganun rin. Kaya ayoko na. Pagod na ako."
"Claudette, don't!" He dashed towards Claudette. Napikit siya habang hinihiling na sana ay naabutan niya ito. Dahan-dahan iminulat niya ang mga mata niya. She was there, hanging while his holding her hand. "C-Claudette!"
Tumakbo sa kanya sina Lindsay at ang lalakeng kasama nito at hinawakan siya.
"G-Grab my hand!" sigaw niya sa babae.
"Let me go, Shady," anito habang nakatingin sa kanya.
"No! No! Hinding-hindi kita bibitawan. I promise. Please, grab my hand. I'm gonna pull you up." Desperado na siya. Pakiramdam niya ay matatanggal na ang braso niya. Hinihila na rin siya dala ng kabigatan nito. Buong lakas na itinuko niya ang isang kamay sa ledge. Ang dalawang kasama niya ay nanatiling nakahawak sa katawan niya.
"Shady..." Hinawakan nito ang kamay niya. Ngunit hindi para hayaan siyang tulungan itong makaalis sa sitwasyong iyon. Pilit nitong inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak rito.
"Goddamn it! Don't do this!" God, please! Help me! Sa pagkakataong ito gustong kong bigyan niyo ako ng lakas! Ipinapangako ko, gagawin ko ng tama ang lahat. He can't afford to see someone die in front of him. Inilabas niya ang natitirang lakas. Bumitaw ang isang kamay niya upang mahawakan ang isang kamay nito. "P-Pull!" sigaw niya kina Lindsay. Buong lakas na hinila siya ng dalawa. Ininda niya ang sakit ng dalawang braso niya at nanatiling nakahawak sa mga kamay ni Claudette. Nang maabot ng lalake si Claudette at sinuportahan siya nito sa paghila sa babae.
Sabay-sabay silang bumagsak sa sahig. Nayakap niya ng mahigpit si Claudette na noon ay humahagulhol ng iyak. Habol ang hiningang hinagod-hagod niya ang likuran nito. Naramdaman niya ang pananakit ng likurang bahagi ng ulo niya. Unti-unting dumilim ang paningin niya.
"S-Shady?" tawag ni Lindsay sa kanya.
Itinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang ulo niya. May naramdaman siyang malapot na likidong dumadaloy. Tiningnan niya ang kamay niya at nakita niya na nagkakulay pula na iyon. Ahhhh. Mom, I bet you're angry with me now. I'm a total mess. Kaya ba nagawa mo akong iwanan dahil hindi mo na kayang tagalan ang isang tulad ko? But you know, Mom, I'm happy. He held his hand up, as if he is trying to reach that vision of his mother watching him from above. Napapikit siya. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nawalan ng malay.
MAY ISANG LINGGO NG NASA HOSPITAL si Shady. Magmula ng dalhin ito roon ay hindi pa ito nagigising. Walang ibang magawa si Haru kundi ang manatili sa tabi ng lalake, hinihintay ang araw na magising ito. Gusto niya na siya ang una nitong makita. Ngunit hindi niya alam kung kailan.
"Haru, umuwi ka na muna para naman makapagpahinga ka ng maayos," ani Kenn sa kanya.
"I'm okay," sabi niya. Masakit makita ito sa ganitong sitwasyon. Gusto niyang umiyak ngunit hindi niya magawa. Wala namang dahilan para iyakan niya ito. Buhay pa ito, natutulog lamang.
"May pasok ka pa bukas."
"I'm okay."
Napabuntong hininga na lamang si Kenn.
Hindi niya lubos maisip kung bakit nagawa nitong ilagay sa panganib ang buhay para lang maisalba ang buhay ng taong hindi pinapahalagahan ang buhay. Hindi sana si Shady ang nagdurusa sa mga sandaling ito. Ni minsan hindi niya nakita ang taong siyang dahilan kung bakit ito nakaratay sa kama ngayon.
Tumayo siya. "May pupuntahan lang ako," sabi niya at lumabas na ng silid. Tahimik na nilisan niya ang ospital. May gusto siyang makita at makausap. Kapag hindi niya gagawin ito ay hindi mapapanatag ang loob niya.
Sakay sa taxi nagpahatid siya sa address kung saan nakatira ang ex girlfriend nitong si Claudette. Nang isinugod sa hospital ang mga ito ay doon siya naging curious. Sinabi sa kanya ni Kenn ang pagkakarron nito ng relasyon kay Shady noon. Nitong mga nagdaang taon lang ay dumaranas ito sa matinding depresiyon. Nandito siya hindi para gumawa ng gulo kundi para bigyan ito ng wake up call. Tahimik na pumasok siya sa gusali at hinanap ang apartment unit nito. Pinindot niya ang doorbell at makalipas ang ilang sandali ay bumukas ang pinto.
"H-Haru..." Agad siyang nakilala ng babae na sa pagkakatanda niya ay ang estudyante na lumapit kay Shady noon. "Ano ang ginagawa mo rito?"
"Nandiyan ba ang kapatid mo?"
"Oo." Pinapasok siya nito sa loob at sinamahan kung saan naroroon si Claudette.
Nasa sala ito at nanonood ng telebisyon. Pinagmasdan niya ang hetsura ng babae. Matamlay ito at nangangayayat. Nakabenda ang kaliwang braso nito. Tumayo ito nang makita siya at nilapitan. Bago pa man ito nakapagsalita ay dumapo na sa pisngi nito ang palad niya.
"H-Haru!" Agad na hinila ni Lindsay ang kapatid at inilayo sa kanya.
Tiningnan niya si Claudette na noon ay napaluha habang sapo ang nasaktang mukha. "Kung tutuusin kulang pa iyan. Pero hanggang dito lang ang kaya kong gawin. Wala akong alam sa kung ano man ang nakaraan ninyo ni Shady. Hindi ko alam kung ano ba ang siyang pinagdaraan mo ngayon. Pero hindi sapat na dahilan iyon upang kitilin mo ang buhay mo at mandamay pa ng ibang tao. Nandito ka, nakakakilos ng maayos, nagigising araw-araw at buhay na buhay. Samantalang si Shady, hindi namin alam kung hanggang kailan siya magiging ganun. Walang nakakaalam kung magigising pa ba siya!" Napaiyak na siya. "Hindi sana siya ang naroroon, eh!"
Nagtaas ng ulo ang babae at tiningnan siya. Nilapitan siya nito at walang sabing lumuhod sa harapan niya at niyakap ang mga paa niya. "P-Patawad," sabi nito habang humagulhol ng iyak. "Patawad."
Nakuyom niya ang palad. Nakakaawa si Claudette. Hindi niya maipagkakailang nararamdaman niya iyon para rito. "Claudette, parte na sa buhay natin ang madapa. Ngunit hindi nangangahulugan na doon magtatapos ang lahat. Kung ibang tao si Shady, hindi niya ilalagay sa kapahamakan ang buhay niya para iligtas ka. Pero dahil si Shady ay si Shady, na alam ang pakiramdam na mawalan ng taong mahalaga sa buhay, hindi niya iisipin ang sarili niya at mas pipiliing gawin ang tama." Yumuko siya at hinawakan ang kamay nito. Inalalayan niya ito sa pagtayo. Walang may alam sa kung ano man ang nararamdaman niya ngayon. Natatakot siya sa mga posibleng mangyari. Kung sakaling hindi na nga magigising muli si Shady, hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Ayon kay Lindsay, baka dalhin sa isang rehab institution ang kapatid nito. Walang nakakaalam sa kung ano ba ang kondisyon nito. Ngunit dahil silang dalawa lamang ang magkasama, hindi makakayanan ni Lindsay na pangalagaan ang kapatid lalo na sa kondisyon nito. Natatakot ito dahil baka maulit muli ang pangyayaring ito at magtagumpay ito sa binabalak.
"HARU, SAAN KA GALING?" nababahalang tanong ni Kenn nang makabalik siya ng ospital. "Kanina pa kita tinatawagn. Hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ko sayo."
"May pinuntahan lang ako, Kuya," aniya.
"Sino?"
Hindi iyon tanong ng isang taong walang alam. "S-Si Claudette."
"Sinabihan na kita 'di ba? Hindi mo kailangang gumawa ng bagay na hindi na kinakailangan. Claudette made a mistake at humingi na siya ng tawad. Pinagsisisihan niya na ang nangyari."
"Still," aniya na nakayuko, kuyom ang mga palad. "Walang magbabago kahit magsisi siya kung hindi niya alam ang pinakadahilan ng pinagsisisihan niya. Nandoon siya samantalang si Shady nandirito at hindi natin alam kung kailan siya magigising. Ayaw ko na isipin ninyong wala akong pakialam. Ayaw ko na ipakita ang totoo kong nararamdaman dahil ayaw ko na isipin ninyong lahat na mahina ako. Pero, Kuya, ang totoo takot ako." Naisubsob niya ang mukha sa mga palad. She's trying to hold back her tears. Ngunit bago niya pa nagawa iyon ay nag-uunahan na ang mga ito sa pag-agos.
Niyakap siya ni Kenn.
"I still have so many things to tell him. We still have a lot of things to talk about. Pero paano kung hindi na mangyayari iyon?"
Hinagud-hagod ni Kenn ang likuran niya. Alam niyang pupwede niyang ilabas ang lahat kay Kenn dahil maiintindihan siya nito. Inakay siya ni Kenn sa upuang nakahira sa labas ng silid na kinaroroonan ni Shady at pinaupo. "Everything will be okay," sabi nito. Gusto siyang pakalmahin nito sa paraang alam nito. "Matapang si Shady. Hindi siya bastang bibigay sa kahit na anumang pagsubok na darating sa buhay niya."
Pinunasan niya ang mga luha. Oo nga pala, matagal ng nagmistulang ulila si Shady. Naikwento nito ang naging karanasan nito noong kabataan nito. Subalit may ilang mga bagay-bagay pa rin na tungkol rito na pakiramdam niya ay hindi niya alam.
"May isang tao siyang hindi kayang iwan na lamang ng basta-basta," sabi pa nito.
"S-Sino?" Kenn smiled at her and gently put his palm over her head. Doon nakuha niya kung sino ba ang tinutukoy nito. "A-Ako?"
"Matagal ng nakasubaybay sayo si Shady, Haru. Bata ka pa ay alam na nito ang tungkol sayo."
"H-Huh?"
"It's my fault. Dahil sa akin ay nagkaroon siya ng mataas at matibay na interes na kilalanin ka. Noong sinabi ko sa kanya na magkakaroon ako ng kapatid na babae, hindi lang ako ang natuwa. Magmula noong ipakita ko sa kanya ang larawan mo, hindi na niya tinigilan ang kakatitig sa baby picture mo. Bawat taon na lang humihingi siya ng larawan mo para daw mapagmasdan ka niya."
Unbelievable! sigaw ng isip niya. Matagal na pala talagang perv ang lalakeng yun!
"When he was fourteen years old, dinala ko siya sa mansiyon para ipakilala sa lahat. Hinanap ka niya thinking doon ka nakatira kasama namin. Nagulat ang lahat sa sinabi niya..."
"Gusto kong makita si Haru, Kenn," anang batang si Shady sa nakakatandang kapatid nitong si Kenn.
Sinapak ni Kenn ito. "Kuya Kenn. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na nakakatandang kapatid mo ako kaya kailangang may 'Kuya' bago ang pangalan ko."
"Bakit mo kilala si Haru?" naitanong ni Ryu sa bata.
"Naikwento ko kasi sa kanya na meron tayong kapatid na babae. Ayaw na akong tigilan. Panay pangungulit na gusto niyang makita si Haru."
"Kuya Ryu, Kuya Aki, bilang mga nakakatandang kapatid ni Haru, may gusto akong malaman ninyo."
"Hoy, nakakatandang kapatid na rin ako ni Haru!" singit ni Kenn.
"A-Ano naman iyon?"Tuwang-tuwa itong si Aki habang tinitingnan si Shady.
"Okay lang ba sa inyo na ligawan ko siya sa tamang panahon?"
Parehong natamimi ang magkakapatid at titig na titig sa batang si Shady na noon ay hindi rin inaalis ang tingin sa kanila.
"Well, kung ipapangako mong hindi mo siya lolokohin, walang problema iyon sa amin," sabi ni Ryu.
"At kung ipapangako mo na hindi mo siya paiiyakin," dagdag pa ni Aki.
"Pangako ko. Siya lang ang babaeng mamahalin ko ng totoo."
"Hoy! Hoy! At naniniwala naman kayo sa kalokohan ng batang 'to?" si Kenn ay hindi napaghandaan ang pangyayaring 'to.
"I'm serious, Kenn," baling ni Shady rito.
"Sabing 'Kuya Kenn'. Bakit madali lang sayo na tawagin itong dalawang 'to ng Kuya, at ako hindi?" Pinamaywangan ni Kenn ang kapatid. "Kapag hindi mo ako tatawaging Kuya, hindi na kita bibigyan ng pictures ni Haru. At hindi kita hahayaang ligawan siya."
"Maliwanag, Kuya Kenn..."
Hindi siya makapaniwalang ipinagkanulo siya ng mga kapatid niya noong wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo.
"Sinakyan lang naman namin ang sinabi niyang iyon," ani Kenn. "Hindi naming lubos akalain na seryoso siya sa sinasabi niya sa murang edad niya. At magmula noon, hindi nawawala ang Kuya sa tuwing tinatawag niya ako."
"Ligawan, huh?" Hindi nangyari iyon. Kung alam lang ng mga ito na hindi na dumaan sa ganoong proseso, ewan niya lang kung ano ang gagawin ng mga ito kay Shady. Napansandal siya.
"Magmula noong mamatay ang Mama at tinalikuran siya ng mga taong inaakala niyang magiging sandalan niya, muntikan na siyang maligaw ng landas. It so painful to see someone at a very young age na maexperience ang ganoong bagay. I took him with me and had him lived with me. Unti-unti, bumabangon siya at dahan-dahang hinarap ang panibagong buhay niya. Nagbago man ang lahat sa buhay niya ngunit hindi ang pagtingin niya sayo. Sabi niya, he'll be someone na maaaring itapat sayo. He wants you to see him someone na maipagmamalaki mo. That's why he's working really hard hanggang sa mga sandaling 'to." Ginanap ni Kenn ang kamay niya. "He'll walk up when he feels like it."
Kung anu-ano na lang ang assumptions na naiisip niya. Hindi niya napansin na matagal na palang naging sa kanya si Shady. Dahil sa kakulangan niya ng kaalam tungkol sa mga bagay na tulad nito, hindi niya alam kung totoo ba ang mga ipinapakita nito sa kanya o pawang kasinungalingan lamang. Marahil ay hindi pa kaya ni Shady na sabihin sa kanya ang lahat dahil iniisip rin nito ang posibleng mararamdaman niya. Pero hindi ko pa naririnig mula sa kanya na sinabi niyang mahal niya ako. Whatever it takes, she'll make him say it straight to her face. Kaya pakiusap, gumising ka na!