Chereads / I hate that I love you. / Chapter 10 - Chapter Ten

Chapter 10 - Chapter Ten

MATAPOS MAKATANGGAP NG TAWAG mula sa kapatid niyang si Kenn na nagsabing nagising na si Shady sa mahimbing nitong pagkakatulog, hindi nagdalawang isip si Haru na lumisan sa klase niya at tumungong hospital kung saan ito naroroon. Pagpasok niya ng kwarto ay naratnan niya si Ryu na sinusuri ang pasyente, habang si Kenn ay nandoon nakatayo at nakamasid lamang. Humihingal na lumapit siya.

"Akala ko ba ay may klase ka," ani Kenn.

"I-It's okay," aniya.

"A'right, you're all good." Bahagyang hinampas ni Ryu si Shady sa likuran nito. "Pinag-alala mo kami ng husto, bata ka."

Napakamot sa ulo niya si Shady. "I'm sorry, everyone."

"Stop doing things recklessly, Shady," galit si Kenn ngunit nanatiling mababa ang boses nito. "Paano kung natuluyan ka?"

"Ginawa ko lang naman ang kailangang gawin. Hindi ko pinagsisisihan iyon," sabi nito. Tiningnan siya nito. "Hey! Huwag kang iiyak, buhay pa ako."

Tsk! Taong 'to! Kay sarap bugbogin. Tinaasan niya lamang ito ng kilay.

"Well, maiwan na muna namin kayo para naman makapag-usap," sabi ni Kenn. Tumungo na ito ng pintuan. "Haru, please, be gentle for now. Alam ko na marami ka'ng gustong gawin sa lalakeng iyan, pero hindi pa masyadong nakakabawi ang katawan niyan. Dahan-dahanin mo lang."

"Oh, I will." Ngunit isang nakakatakot na tingin ang itinapon niya kay Shady. Hinintay niyang tuluyang makalabas ng silid sina Ryu at Kenn. Hindi na niya nagawang pigilan ang sarili at agad na niyakap si Shady. Kasunod ay ang hindi mapigilang pag-iyak niya. No use, hindi niya magawang magalit rito.

"Shhh..." Parang batang hinagud-hagod nito ang likuran niya. "It's okay now," narinig niyang sabi nito. "I'm back."

Lumuluhang tiningnan niya ito.

"Did you miss me that much?"

Nasampal niya ito.

"Ouch! What was that for?"

"Dahil pinag-alala mo ako ng husto. Alam mo bang halos masiraan na ako ng ulo dahil hindi ko alam kung magigising ka pa ba? Sa mga araw na nadirito ka, wala akong ibang ginawa kundi ang abangan ang pagdilat ng mga mata mo. Ang buong akala ko, t-tulayan ka ng mawawala sa akin." Naisubsob niya ang mukha sa dibdib nito.

"I'm sorry," sabi na lang nito. "Wala akong ibang masabi kundi ito."

"B-Bakit mo ginawa iyon?" Kumalas siya pagkakayakap rito at naupo sa gilid ng kama.

"Dahil kailangan. I know it was a stupid act pero kahit sino ang malalagay sa posisyon ko ay gagawin rin iyon. Hindi ko maatim na manood lamang kahit alam ko na may magagawa pa ako. Next thing I knew, I was holding her hand and tried pulling her. Nasa paganib ang buhay ni Claudette at alam ko na ganoon rin ako. But I can't let her go. I had to help her no matter what."

Napalunok siya. Hindi sa sinisisi niya ito kung bakit humantong ito sa ganitong sitwasyon. Hindi lang mawala sa kanila ang mag-alala rito ng husto dahil sa nangyari.

"H-How is she? A-Alam ko na naligtas namin siya. Pero gusto kong malaman kung ano baa ng kalagayan niya sa ngayon."

"Nasabi ng kapatid niya na dinala siya sa isang institution for further observation. G-Gusto ko nga siyang puntahan dahil gusto ko siyang makausap. Pero ayon sa mga doktor nito, hindi na muna sila tatanggap ng kahit na sinong bisita rito. She has this mood disorder. H-Hindi ko alam na pupwede palang maging serious illness ang depresyon."

"H-Hindi ko alam na nasa ganitong stage na pala siya. She was fine before, noong kami pa." Napabuntong hininga si Shady. "I pity her. She fought so hard. Kagaya ko, nagkaroon rin siya ng seryosong problema sa pamilya niya. Hindi na siguro niya nakayanan lahat."

Napayuko siya. Nakikita niyang may pag-aalala pa rin ito sa babae. Hindi niya maiwasang magselos pero sa ngayon, wala siyang karapatang awayin ito dahil lang sa isang mababaw na dahilan.

"Haru..."

"Yes?"

"Can I kiss you?"

"No." Pinagkrus niya ang mga kamay. "Dahil napakarami mong hindi sinasabi sa akin."

"Like what?"

"About Claudette. Kung hindi pa kayo sabay na isinugod rito sa hospital ay hindi ko malalaman ang tungkol sa relasyon ninyong dalawa."

"I'm sorry. Bahagi na lamang siya ng nakaraan ko. Wala na akong balak ungkatin ang mga bagay na tapos na. What else?"

"Tungkol doon sa napagkasunduan ninyo ng mga kapatid ko."

"Ha? Ano'ng kasunduan?"

"Sinabi mo sa kanila na liligawan mo ako kapag dumating na iyong tamang panahon."

Natahimik ito. Umiwas ito ng tingin sa kanya. Doon niya lang nakitang pinamumulahan ito ng mukha. "A-Alam mo na pala ang tungkol diyan. Bata pa ako nun. Hindi ko pa alam kung ano ang mga sinasabi ko."

"So, you were lying about taking me seriously?"

"No, not that." Tiningnan siya nito muli. "Noong sinabi ko sa kanila na may gusto ako sayo, totoo iyon."

Nag-init ang mukha niya.

"It's Kuya Kenn's fault. He kept telling me stories about you and showed me your baby pictures. Hindi niya na alam na unti-unting nabubuo ang pagnanais kong makita ka. Buong akala ko sa photography lang ako may obsession. Maging sayo rin pala. Kaya noong nalaman ko na titira ka na sa mansiyon, sobrang na-excite ako. Kaya hindi pa man lang natatapos ang kontrata ko sa New York, iniwan ko para makauwi agad rito sa kagustohan ko na makita ka. When I did, I couldn't help myself. I had to kiss you. Alibi ko lang ang pagkakaroon mo ng gatas sa labi."

"I knew it! Mula pa pagkabata ay may ganyang hobby ka na. You are a certified hentai."

"What? Hindi ah! Hindi pa pupwedeng gusto kong ako lang ang gagawa sayo nun kasi gusto ko na akin ka lang?" Hinila siya nito. Naituko niya ang mga kamay sa magkabilang gilid nito. Ikinulong nito sa mga kamay ang mukha niya. "I missed you, my love."

"I-I missed you, too."

"Kapag nakalabas ako rito, I want you to come with me."

"Where?"

"Somewhere. I would like you to meet someone. Okay lang ba?"

"Hindi mo babae?"

Natawa ito. "Well, masasabi ko na isa siyang importanteng babae sa buhay ko. Pero nasisiguro ko na siya rin ang babae na hindi ko kailangang pagselosan." The best thing about Shady is that he looks at her in her eyes while talking to her.

"Okay." Dinala niya ang sarili rito at dinampian ito ng halik sa noo nito. Niyakap siya ni Shady ng mahigpit.

ONE WEEK AFTER.

"ARE YOU READY?"

"Kagabi pa. Saan ba kasi tayo pupunta?"

"You'll know when we get there." Kinuha ni Shady ang bag niya at ipinasok iyon sa likurang abahagi ng kotse nito.

"Mag-iingat kayo sa daan," paalala ni Kenn kay Shady. "Huwag masyadong mabilis ang pagpapatakbo. Alam mo naman na hindi maganda ang daan papunta roon."

"Saan ba kasi ang lugar na 'yan?" Hindi lang siya mapakali dahil parang siya lamang itong walang kaalam-alam sa pupuntahan nila.

"Huwag niyong kalimutang tumawag kapag nagkaproblema."

"Kuya, chill." Hinarap ni Shady ang kapatid. "We'll be fine."

"Okay."

"We have to go now."

Sa dereksiyon ng pupuntahan nila ay alam niyang mukhang matatagalan sila sa daan. Kung saan baa ng pagdadalhan nito sa kanya ay hindi na siya makapaghintay na makita iyon. Makalipas ang halos apat na oras ay narating nila ang isang private resort.

"Ano'ng lugar 'to?" tanong niya.

"My grandparents own this private lot." Kinuha ni Shady ang mga bag nila. Inabot nito ang sa kanya. "Mukhang nakikisama sa atin ang panahon ngayon. We're going to be fine. Let's go." Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Naglakad silang magkahawak kamay. Habang papasok sila ay isang matandang lalake ang sumalubong sa kanila. May dala itong isang bouquet ng pulang rosas. "Senyorito, maligayang pagdating. Matagal na noong huling nakita ko kayo," napapaluhang sabi nito.

Emosyonal na niyakap ni Shady ang lalake. Siguro ay matagal na nitong kakilala si Shady. "Maraming salamat, Mang Arthur."

Inabot nito ang bouquet kay Shady. "Matutuwa siya nito dahil sa wakas ay bibisita ka."

"Sana nga po. Baka kasi batukan pa'ko nun' mamaya!"

Iniwanan na nila ito. Dumaan sila sa animo'y mini forest. Naririnig niya pa ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan. Nang nasa kalagitnaan na sila ng lugar ay naririnig niya ang mga huni ng ibon at ang magandang tunog na likha ng mga dahon at sanga ng mga kakahoyan sa pag-ihip ng hangin. Such a wonderful place to live in.

"Are you okay?" naitanong nito.

"Oo naman. Siya nga pala, Shady, ang sabi mo sa akin ay hindi na naging maganda ang relasyon mo sa grand parents mo. Alam ba nila na nandirito ka?"

"Oo. Tinawagan sila ni Kuya Kenn para sabihing darating ako today."

Kung ganoon, ang mga bulaklak na ito ay marahil para sa Lola nito. Sa itinagal-tagal na panahon, haharapin nito muli ang mga 'to.

"We're here."

Titig na titig siya kay Shady. Hindi ito ang inaasahan niyang bibisitahin nila.

Inilagay nito ang dalang bouquet sa ibabaw ng nitsong nasa harapan nito. They're visiting his mother's grave.

"It took me years to accept what happened," sabi nito. "Wala akong ibang ginawa kundi ang pagluksaan ang pagkawala niya at sisihin ko ang sarili ko. Kaya pagkatapos maihatid si Mama sa hantungan niya, hindi na ako muling nakadalaw sa pagsapit ng death anniversary niya. It's thirteen years today." Tiningnan siya nito at ningitian.

Despite everything that happened, he can smile easily. Hindi niya maintindihan kung bakit parang palagi itong masaya. Ito ang bagay na hindi madaling kopyahin ng kahit na sino. "You don't need to force yourself to smile, Shady," aniya. "Hindi ba mas mainam kung ipakita mo ang tunay mong nararamdaman? Kung nasasaktan ka, hindi mo kailangang itago iyon."

Napatayo si Shady. Niyakap siya nito bigla.

"What's wrong?"

"Wala pang nakapagsabi sa aking ngumiti. Maging ikaw, ni minsan hindi mo nagawang sabihin sa akin yun."

"Because I know. Forcing yourself to smile is painful."

Hinawakan siya nito sa magkabilang braso niya at tiningnan ng deretso sa mga mata. "Haru..."

"Just be yourself."

"I was so arrogant. Ang buong akala ko ako itong palaging nagpapakita ng affection. You caught me off-guard." Hinarap nito ang puntod ng ina. "Mom, there's someone here that I would like you to meet. Sana lang hindi ka magagalit dahil siya ang bunsong anak ng dating asawa mo."

Sa pagiging seryoso nito ay gusto niya itong sapakin. Pero hinayaan niyang kausapin nito ang ina.

"Marami akong mga pagkakamaling nagawa sa buhay ko. Ang buong akala ko, ang pagtalikod sa problema ang mainam na paraan. Nagkamali ako. I was sorry. Kung hindi dahil sa akin, hindi mangyayari iyon. Pero alam ko kaya mo nagawa iyon kasi mahal mo ako. Palagi mong sinasabi sa akin noon na kailangang sundin ko kung ano man ang sinasabi ng puso ko dahil doon ako magiging masaya. Na huwag akong tumulad sayo na huli na para marealize na hindi pala ang paghahanap ng lalakeng makakasama mo habambuhay ang ultimate happiness mo in life kundi ang pagdating namin ni Kuya Kenn. You were such a good mother to us. Hindi ka nagkulang dun. I am thankful kasi dinala mo ako sa mundong ito. And I am sorry for being such a coward. Ngayon lang ako hihingi ng kapatawaran for not facing you magmula noong lumisan ka."

Hearing this from Shady, pakiramdam niya ay mababasag ang puso niya. Hindi niya alam na ganito pala kalalim ang siyang pinagdadaanan nito. Ngunit nakaya nitong harapan mag-isa ang lahat ng iyon.

"Sinabi ko sa sarili ko, saka lamang ako haharap sayo kapag may maipagmamalaki na ako," sabi pa nito. Hinawakan nito ang kamay niya at itinaas.

"S-Shady!"

"Mom, I love her."

Nanlalake ang mga matang napatitig siya rito.

"Ipinagmamalaki ko sa'yo ang babaeng 'to. Noong una ko siyang nakita, alam ko na siya na ang babaeng nakalaan para sa akin." Binitawan nito ang kamay niya. "She's loud, and troublesome, and on top of that she's a brat. But I love her so much that I can't even understand my feelings when I am with her. I can't help being crazy about her. And you know, I'm glad I've waited and that my efforts will never be wasted."

"Shady..." Hindi na niya napigilan ang maiyak. Ito ang mga salitang gusto niyang marinig mula rito sa itingal-tagal na panahon. Walang mapaglalagyan ang kasiyahan niya habang nakatingin sa lalake.

Hinarap siya ni Shady. "I have loved you from the start. I've had share my relationships ngunit iba pa rin kapag totoong mahal mo ang kasalo mo roon. Hinintay ko ang araw na makilala kita, ikaw na ka red string ko."

"R-Red string?"

"Soul mate kung baga." Natawa ito. "Marahil inisip mo na pinaglalaruan lamang kita. Pero, Haru, hindi mo marahil napapansin na matagal mo ng pagmamay-ari ang puso ko. Kaya naman noong araw na nagkaharap tayo, nasabi ko sa sarili ko na hindi kita papakawalan pa, na gagawin ko ang lahat mapanatili ka lang sa tabi ko. I want you all for me and me alone."

"Since meeting you, I always have this emotions I haven't found. Palagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit kailangan bumilis ang tibok ng puso ko kapag hinahawakan mo ako, kapag hinahalikan mo ako, kapag tinitingnan mo ako. I wasn't sure about those abnormalities but I realized that I am already inlove with you."

Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya. "Naging problema ba iyon sayo?"

"Medyo. Coz I don't know how to deal with it yet."

"Are you telling me ito ang unang pagkakataong nagmahal ka?"

Inalis niya ang mga kamay nito at umiwas ng tingin. "A-Ano naman ngayon?" Totoo iyon. Buong buhay niya wala siyang ibang intaupag kundi ang pag-aaral niya. Hindi niya na nagawang bigyang pansin ang ibang bagay. But then, everything changed nang magtagpo ang mga landas nila ni Shady. He's so persistent, and annoying but she loves him more than she could ever imagine. Doon niya lang rin nalaman, the moment you engage yourself in the kingdom of love, there's no way escaping it.

"I'm happy," nakangiting sabi ni Shady. Hinawakan nito ang mga kamay niya.

"Do you really love me?"

"Y-You have to ask that after all this?" Hindi ito makapaniwala.

"All this or not, gusto kong malaman." Pinamaywangan niya ito.

"I said it."

"Mama mo ang sinabihan mo at hindi ako."

Napabuntong hininga ito. "Hindi ko na sasabihin kung ano man ang nasabi ko na."

Napangiwi siya. "Ganoon ba?" Bahagyang lumungkot ang mukha niya.

Hinila siya ni Shady at hinapit ang bewang niya. "Don't give me that face. I love you," sabi nito at siniil ng halik ang mga labi niya.

Ang mahalin si Shady ang pinakamagandang bagay na nagawa niya sa buhay niya. Ngunit wala ng mas igaganda pa na mahalin siya pabalik ng lalakeng pinakamamahal niya.

WAKAS