Chereads / I hate that I love you. / Chapter 7 - Chapter Seven

Chapter 7 - Chapter Seven

NAGISING ISANG ARAW SI HARU na masama ang pakiramdam. Para yatang lalagnatin siya. Marahil ay dala ito ng sobrang pagod. May mga pagkakaton na kasi na napupuyat siya dahil sa kakaaral. Uminom lamang siya ng gamot at pumasok pa rin sa klase niya. Hindi pupwedeng lumiban siya sa klase niya dahil lamang rito.

Ngunit habang tumatagal ay mas sumasama ang pakiramdam niya. Bumibigat ang katawan niya at parang pinupukpok ng malakas ang ulo niya.

"Haru, are you okay?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Abegail sa kalagitnaan ng klase nila. "Namumutla ka."

"I-I'm..." Umiikot ang paningin niya.

"Haru! Haru!"

Ang pagtawag sa kanya ni Abegail ay unti-unting hindi na naging klaro sa pandinig niya. '1Hanggang sa tuluyan nang naging madilim ang pananaw niya. Kung ano man ang mga sumunod na nangyari pagkatapos nun ay hindi niya na alam. Nang magising siya, ganoon na lamang ang pagkagulat niya dahil nasa pamilyar na lugar na siya.

"H-Ha?" Nasa sariling silid siya. "A-Ano ang ginagawa ko rito?" Sa pagkakatanda niya ay nasa kalagitnaan sila ng klase niya kanina.

Bumukas ang pinto at pumasok si Shady na may dalang tubig at gamot. "Gising ka na pala." Inilapag nito ang tray sa bedside table at naupo sa gilid ng kama. Dinama nito ang noo niya. Pagkatapos ay ang leeg. "Mukhang bumaba na ang lagnat mo," anito. Kinuha nito ang thermometer. "Open your mouth."

"H-Ha___" Isinubo nito iyon sa bibig niya.

Tiningnan nito ang wrest watch. Pagkalipas ng ilang sandali ay kinuha na nito ang thermometer at tiningnan ang marka. "Tsk!" anito. Napabuntong hininga na kinuha nito ang isang basong tubig at gamot. "Take this."

Dahan-dahan ay bumangon siya. Sumandal siya sa head board. Kinuha ang gamot at ang baso. Ininom niya ito.

"Good girl." Kinuha nito ang baso mula sa kanya.

"A-Ano ang nangyari?"

"Hindi mo alam?" gulat na napatingin ito sa kanya.

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Wala nga akong matandaan."

"Bigla ka na lang nag-collapse sa gitna ng klase ninyo. Dinala ka ng mga kaklase mo sa school clinic. Mataas na mataas raw ang lagnat mo. Tumawag sila rito sa bahay. Nagkataong nandito ako kaya sumugod na ako doon sa school niyo para sunduin ka. Umuwi si Kuya Ryu at tiningnan ka. Kapag nagising ka na raw na medyo mataas pa ang temperature, papainumim kita ng gamot na ibinigay niya."

"N-Nasaan na si Kuya?"

"Bumalik siya ng ospital. Ibinilin ka niya sa akin. Kapag nagkaproblema, tatawagan ko lang daw siya."

Naihilamos niya ang mga palad sa mukha niya. Bumigay na pala ang katawan niya. "I-Ilang oras na ba ang dumaan?"

"Mahigit tatlong oras na. Kung may dinaramdam ka magsabi ka. Hindi mo kailangang pwersahin ang sarili mong pumasok sa eskwelahan kahit hindi mo naman pala kaya. Madali lang naman sabihin sa instructors mo ang dahilan."

"Kung alam ko lang rin na hihimatayin ako ay umuwi na ako."

"Pinag-alala mo ako ng husto." Itinaas nito ang kamay at hinaplos ang pisngi niya. Umusod si Shady upang iklian ng husto ang pagitan sa kanilang dalawa. Yumuko ito, ibinaba ang kamay at iniliko sa batok niya. Dinampian nito ng halik ang mga labi niya. "How are you feeling right now?" pabulong nitong tanong sa kanya.

Napapikit siya. Ang mabagong hininga nito at ang pinaghalong amoy ng after shave cologne at pabango ay naghatid sa kanya ng kakaibang sensasyon. Never in her wildest dream na makakakilala siya ng isang lalakeng nanunuot sa pagkatao ang kalinisan at kabangohan.

"Nilalamig ka ba?" tanong pa nito habang pinapaliguan ng halik ang mukha niya.

Bahagya siyang tumango at mariing kinagat ang kanyang pang-ibabang labi. This guy's driving me super crazy! Ang pagkakaroon niya ng mataas na temperatura ay parang umakyat pa ng husto ng siniil nito ng halik ang mga labi niyang kanina pa uhaw-uhaw. Dati rati ay gusto niyang malayo ng ilang kilometro rito dahil natatakot siya sa mga maari nitong gawin sa kanya. Ngunit sa pagkakataong ito, wala siyang ibang gusto kundi ang manatili sila ng ganito kalapit.

His every touch makes her heart pound. Hindi niya man masyadong mabigyan ng iba pang diskripsiyon itong mga nangyayari sa kanila ngayon, ang alam niya, ayaw niyang matapos ang sandaling ito. Sinasanay na siya nito. Binibigyan siya nito ng dahilan upang mas pananabikan ang mga halik nito. Kay sarap isipin na sa ganitong pagkakataon ay matatawag niyang sa kanya si Shady. Kung pwede lang sanang sabihin rito na huwag ng ibaling pa ang paningin sa iba, gagawin niya.

"Haru..."

Idinilat niya ang mga mata at natingnan ito.

"Believe me, I want you now so badly."

Sa isang iglap ay bumilis ang tibok ng puso niya. Nanlalake ang mga matang napatitig siya rito.

"But I can't take you yet."

Pinamulahan siya ng mukha. "C-Crazy!" Itinulak niya ito. "I-Ikaw lang ang nag-iisip niyan. Umiiral na naman iyang pagiging manyak mo!"

Natawa si Shady sa sinabi niya. Dinampian siya nito ng halik sa noo at humiga sa tabi niya. Hinila siya nito at pinahiga sa braso nito. Nagtama ang mga mata nila. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na matitigan niya ito ng ganito kalapit. He has a beautiful seductive face. His eyes are like stars at night, they are sparkling so bright. Ang ilong nitong may katangusan at may mga mapupulang labi itong hindi niya marahil pagsasawaan.

"Did I pass?"

Napakurap siya. "H-Ha?"

Ngumiti ito. "Kanina mo pa ang tinititigan."

"H-Hindi ah!" Pumihit siya ng higa upang matalikuran ito. Iniyakap nito ang isang kamay sa bewang niya.

"Kung hindi ka komportable, sabihin mo lang."

Hindi siya nagsalita. Hinawakan niya ang kamay nito. Nagpapahiwatig na ayaw niyang bitawan siya nito. This feeling being held by him... how comforting.

"I can smell you," anas nito.

"G-Galing ako'ng school at malamang pinagpawisan ako kanina habang natutulog. I-I don't want you to think that I stink or something."

"No, you don't." Hinalikan nito ang ulo niya. "You smell very nice."

Napangiti na lamang siya.

"MISS PRESIDENT!" ITO NA ANG SIYANG itinatawag sa kanya ni Abegail magmula noong maging opisyal siyang presidente ng Student Council. Mahigit isang taon na ang nakalipas na naging estudyante siya rito sa Santa Lucia State University. Ngayon ay nasa ikalawang taon na siya sa kolehiyo. Isang taon na rin siyang naninirahan sa mansiyon na kasama si Shady Montalban.

"Tigilan mo na nga ang katatawag sa akin ng ganyan." Ilang beses niya ng sinasaway ito ngunit ayaw nitong makinig. "Baka isipin pa nila na gusto-gusto ko talaga na tinatawag ng ganyan."

"Para naman maging aware ang iba na ikaw ang SC President."

Pinaikot niya ang mga mata. Not to mention, parang hindi naman aware itong si Abegail sa kung ano ang posisyon nito sa SC. 'Di yata't ito ang siyang naging Vice President sa taong ito, sa unang takbo pa lamang nito. Silang dalawa lamang ni Abegail ang nasa lower year na naging officers. At ito ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari ito SLSU.

"Nakatanggap ako ng request letter galing sa coordinator natin sa council para sa darating na university orientation program next week. May kailangan daw tayong idagdag sa program," anito.

"Ano naman?"

"May mga importanteng panauhin na kailangan embitahin."

"Iyon lang ba? Walang problema. Next week pa naman ang orientation. May oras pa tayo para i-notify sila. Makaka-attend man sila o hindi, ang mahalaga ay napadalhan natin sila ng invitation. Sinu-sino daw?"

Inabot ni Abegail sa kanya ang papel kung saan nakalista ang pangalan ng guests.

Engr. Rhys Saga, CEO/President SAGA Business Ventures

Engr. Arianne Saga, Founder, Children Fund Foundation

Dr. Ryu Saga, Founder/President, SAGA Scholastic Foundation

Atty. Aki Saga, Vice-President, SAGA Scholastic Foundation

Arct. Kenn Saga, President, Scholarship Program in Architecture&Engineering

Chef Kai Saga, President, Children Fund Foundation

Kei Saga, Vice-President, Scholarship Program in Architecture&Engineering

Halos malaglag siya sa kinauupuan niya matapos mabasa ang mga pangalang iyon. Nakakagulat na mabasa ang mga pangalan ng mga ito ngunit mas nagulat siya sa designations ng mga ito. Ngayon niya lang nalaman pagkakaroon ng malalaking responsibilidad ng mga kapatid. Bakit ang buong pamilya nila ang nakalista? "Hoy! Hoy! Daig pa nito ang family reunion, ah! Kulang na lang isama pa rito ang grandparents ko sa father side ko."

Natawa si Abegail. "Alam mo naman na halos kalahati ng funds rito sa university ay galing sa pamilya mo. Isama pa ang mga scholarship grants na siyang tumutulong sa pagpapatawid ng mga mag-aaral sa graduation na walang pinoproblema sa mga babayarin rito. Malaki ang naging contribution nila kaya importante na maging bahagi sila sa kahit na anumang activity meron tayo rito. They didn't make it last year. Sana lang this time around, makikita sila at makikilala ng mga bagong estudyante at faculty."

Sa ngayon ay hindi niya matanto kung magkakapanahon ang mga magulang niya para sa bagay na ito. Hindi rin siya sigurado kung ganoon rin ang mga kapatid. Pero magpaganoon pa man, nababahala siya kapag naipaglantaran sa buong university ang tungkol sa relasyon niya sa mga ito. Hanggang ngayon ay itinatago niya pa rin ang tungkol sa pagkatao niya. Alam niyang marami na ang nagdududa ngunit patuloy siya sa pagkukunwari.

Sa pagdating ng araw na iyon, hindi niya lubos akalain na maliban sa mga magulang na nasa ibang bansa ay darating na kumpleto ang mga kapatid niya. Sa pagpasok pa lamang ng mga ito sa school campus ay nakadikit na ang atensiyon ng lahat. Ang buong akala niya ay si Kei ang siyang kilalang idol sa pamilya nila. Maging ang apat rin ay may kakayahan ring magbigay ng fan service sa mga kababaehan.

"This is a total fan service package," nasambit na lamang ni Abegail habang nakatingin sa mga ito. Hinihintay nila ito sa entrance ng gym kung saan gaganapin ang orientation. "Kung strippers itong mga 'to, magkaka-blood loss ang mga babae rito, bess!"

Napakibit balikat na lamang siya.

"Haru! Haru!" Malayo pa lang ay panay na ang pagkaway sa kanya ni Kai.

Napatingin sa kanya ang mga estudyante. Nakikita niya ang pagtataka ng ilan. Nakaguhit rin sa mga mukha ng iba ang pagkainis sa kanya. Alam niya naman na darating sap unto na marami ang siyang maiinis sa kanya. Naging agaw pansin na sila ni Shady. At ito na naman ngayon. Kung alam lang nila, magagawa pa kaya nila akong tingnan ng ganyan? Idinaan niya na lamang sa pagtawa iyon.

"Everyone, thank you for coming." Sinuotan nila ni Abegail ang mga ito ng garland.

"May Hawaiin party ba?" biro ni Kei at talagang sumayaw pa ito ng parang Pearly Shells na dance steps.

Hindi napigilan ni Abegail ang matawa. "I-I'm sorry," maluha-luhang sabi nito.

"And you are?" tanong ni Kei sa babae.

"A-Abegail, Sir. I am Haru's friend and the SC Vice-President."

Agad nag-abot ng kamay ni Kei rito. "It's a pleasure to meet you, Miss Abegail. I am Kei Saga, at your service. 'Di yata't ngayon lamang ako nakakita_____" Hindi na naituloy pa ni Kei ang mga sasabihin dahil tinakpan na ng kakambal nito ang bibig at kinaladkad papasok sa gym.

"Shall we go now?" untag sa kanya ni Ryu.

"S-Sure." Nauna silang pumasok ni Abegail at sumunod naman ang mga ito. Kinakabahan siya dahil bilang SC President, kailangang niyang mag-speech sa harapan ng lahat kung saan makikinig ang mga kapatid niya. Oh God! Huwag niyo sana akong hayaang mapahiya sa harapan nila. Hinihiling niya na sana magiging maayos ang takbo ng assembly na ito.