HINDI LUBOS AKALAIN NI HARU na pumayag ang mga kapatid niya na ihahatid at susunduin siya ni Shady sa paaralan magmula sa araw na ito. Pakiramdam niya, she was betrayed by them. She doesn't know about this guy's real deal. Ang alam niya ay wala itong ibang kayang gawin kundi ang harass-in siya kapag magkasama sila. Kaya hangga't maaari sana ayaw niyang magtagpo ang mga landas nilang dalawa.
Hanggang nakarating sila sa main gate ng university ay hindi niya ito kinausap. Dali-daling tinanggal niya ang seat belt niya. Bababa na siya ng sasakyan ngunit hindi niya mabuksan ang pinto. Nilingon niya ito. "Unlock the door," aniya.
Sinilip ni Shady ang relos. "May oras pa para maningil ako."
Tumaas ang kilay niya. "Ano'ng singil ang pinagsasasabi mo? Wala akong natatandaang nagkautang ako sayo."
"Hindi ko nakuha ang good morning kiss ko this morning. Kailangan kong singilin iyon sayo. At siyempre, may goodbye kiss pa ako. Starting today, you have to kiss me four times a day. Sa umaga, sa pag-alis mo ng bahay, sa pag-uwi mo, at bago ka matulog. Siyempre, hindi na kabilang sa mga iyan ang extra kisses na hindi natin alam kung saan at kailan mangyayari."
Gusto niyang kumbensihin ang sarili niya na mentally ill itong si Shady. Mukha yatang naparami ang hangin na pumapasok sa ulo nito kaya kung anu-ano na lamang ang naiisip. "That's stupid," aniya. "Open the door. Malilate na ako."
"If you're not gonna do it, then I'll do it." Pinaikot nito ang katawan upang maharap siya nito ng maayos. "I won't mind doing it outside kahit marami ang makakakita."
Nagtagis ang bagang niya. This is stupid! Napatingin siya sa labas ng sasakyan. Maraming estudyante ang dumadaan at marami ang siyang nakatambay malapit sa main entrance. Tinatakot lamang ba siya nito upang magawa niya ang gusto nito? Paano nga kung totohanin nito? Sa oras na bumaba siya ng sasakyan ay baka agad siya nitong sundan at halikan kahit marami ang makakakita. Damn it! I'm gonna kill him! Mukha wala na siyang choice. Hindi rin naman siya nito pabababain kung hindi niya gagawin.
"Haru..."
Naniningkit ang mga matang nilingon niya ito. "S-Shady," aniya habang kuyom ang mga palad.
"Hmmm?"
"K-Kailangan ko ng umalis ngayon." Nanginginig man ay wala siyang nagawa kundi dampian ito ng halik sa mga labi.
"Alright," anas nito. "One more."
Muli ay dinampian niya ng halik ang mga labi nito.
"Good girl," at mukhang tuwang-tuwa pa ito. He unlocked the door. "I'll pick you up later this afternoon," sabi pa nito.
Pinamumulahang binuksan niya ang pinto at bumaba ng sasakyan. Pagsara niya ng pinto ay umalis na ito. That monster! Bakit niya ba hinahayaang mangyari 'to? Bakit nga ba?
"SIYA NGA PALA, HARU, BAKIT Fine Arts ang kinuha mo?" Ito ang siyang naitanong sa kanya ni Abegail habang nililigpit nila ang mga kagamitan nila pagkatapos ng huling class period nila sa hapon.
"Dahil gusto ko," aniya.
Naglaglagan ang mga balikat ni Abegail. "Marami namang magagandang kurso rito."
"Maganda ang Fine Arts."
Napabuntong hininga ito habang papalabas sila ng classroom. "Ayaw mo bang panghawakan ang negosyo ng pamilya ninyo?"
"Wala." Hindi pumasok sa isip niya ang tungkol sa bagay na iyan. Ayaw niyang magpatali sa responsibilidad na meron sila ng pamilya nila. Hindi rin binuksan ng ama niya ang tungkol sa bagay na ito. Sa tingin niya ay ganoon rin sa mga kapatid niya. Isa sa mga ito ay hindi sinundan ang yapak ng ama ngunit naging successful sa kani-kanilang ginustong career.
"Kunsabagay, kahit mga kapatid mo nga ay hindi naisipang pumasok sa isa sa mga kompanya ninyo."
"Si Kuya Ryu ay sa hospital ng pamilya namin nagtatrabaho. Ngunit hindi dahil sa iyon ay kagustohan niya kundi dahil doon siya na-assign."
"I see. Ang gagara ng career ng mga kapatid mo. Bakit ba hindi na lang architecture ang kinuha mo?"
"Meron ng architect sa amin. Si Kuya Kenn."
"Akala ko ay isa siyang graphic designer?"
"Side line niya lang iyon." Gusto niya rin na magkaroon ng magandang career baling araw. Hindi niya alam kung bakit Fine Arts ang siyang napili niya. Simula pa noong bata siya ay nakakitaan na siya ng talent sa arts. Gusto niyang bigyang halaga ito. Si Ryu na isang doktor, si Aki na isang abogado, si Kenn na isang Architect, si Kai na isang Chef at si Kei na isang showbiz idol, nagsilbing inspirasyon ang mga ito sa kanya. Gusto niya na balang araw, maging proud rin ang mga ito sa kanya.
Paglabas nila ni Abegail ng gate ay nakita niya ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa harapan ng campus. Idagdag pa roon ang isang pamilyar na imahe ng lalake na nakasandal sa kotse nito. Ang mga estudyanteng papalabas ng gate ay hindi maiwasang mapatingin kay Shady na noon ay abala sa kakapindot ng cellphone nito.
"Ano ang ginagawa ni Shady Montalban rito?" Si Abegail ay tila nabuhay mula sa ilang taong pagkahimlay matapos makita ang lalaki.
Mabibilis ang mga hakbang na nilapitan niya si Shady. "Ano ba ang ginagawa mo rito?" naiirita niyang tanong rito.
Tiningnan siya nito. "Sabi ko naman na susunduin kita."
"Hindi mo na kailangang maghintay rito sa labas ng campus. You stand out too much. Ano na lang ang iisipin ng mga estudyante? Tiyak magiging usap-usapan 'to." Lumingon sa sa bandang likuran niya. Nakikita niya pa rin ang mga estudyanteng nakatingin sa kanila. "Just leave."
"No. A promise is a promise. Isa pa, gusto ko na makita ka agad."
Napatingin siya rito. This guy is unbelievable. Nilingon niya si Abegail na noon ay nakatayo sa likuran niya. "Abby, mauna na ako. Magkikita na lang tayo bukas, okay?"
"Okay. Take care."
Naiinis na binuksan niya ang pinto ng sasakyan sa tapat niya at agad na sumakay. Wala ng ibang ginawa ang lalakeng ito kundi ang bigyan siya ng sakit ng ulo. Nasundan niya ng tingin si Shady na umikot sa harapan ng sasakyan nito hanggang sa makaupo sa driver's seat.
Pinaandar na nito ang makina ng kotse at pinatakbo na paalis. "How was your day?"
"Okay sana kung hindi kita nakita. Alam mo, hindi mo na kailangang maghintay sa mismong harapan ng campus kung saan nakikita ka ng lahat ng estudyante. I know you're popular kaya hindi mo kailangang ipaglantaran iyang pagkatao mo sa harapan ng maraming tagahanga mo."
"I am not popular," anito na nakatingin sa daan.
"You are a well known photographer, right?" Nagpakawala siya ng isang malakas na buntong hininga at napatingin na lamang sa labas ng bintana ng sasakyan. "Ay ewan!" biglang sigaw niya. She never felt this pissed before. "Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin? Maglalakad ako ng walang ulo araw-araw nito."
"Bakit ka ba nababahala? Wala naman sigurong dahilan para pag-usapan ka. Isa kang Saga at normal lamang sa pamilya ninyo ang magkaroon ng iba't ibang koneksiyon. I mean, people won't actually mind if they see us going out."
Nanahimik siya.
"Wait, itinatago mo ba ang tungkol sa pagkatao mo sa university?" Gulat na napasulyap sa kanya si Shady. "But why?"
"Dahil gusto kong ituring na isang normal na estudyante. Gusto kong magkaroon ng kaibigan na hindi binibigyang halaga kung sino man ako. Ayaw ko na pinapakisamahan ako dahil isa akong anak ni Engr. Rhys Saga. We're living in a world full of lies, full of fakes. Hindi natin alam kung ang gtaong kinakausap natin ay totoo ba sa atin o nagpapanggap lang."
"Tama ka," sabi nito. "Pero sinisuguro ko sayo, Haru, I'm not one of them."
She dislike the fact that she is a Saga. Para sa kanya, ang apelyidong iyon ay isang napakalaking burden para sa kanya bilang anak. Having such name means you have power. When she started going to school, hindi siya nagkaroon ng maraming kaibigan. She's a lone wolf, wondering around her lone little world. Ngunit noong nalaman ng lahat ang tungkol sa tunay niyang pagkatao, dumagsa ang mga gustong maging kaibigan siya. Kahit nga magulang ng mga kaklase niya ay pinipilit ang mga anak na kaibiganin siya dahil isa siyang Saga. It made her happy kasi magkakarron na siya ng matatawag niyang mga kaibigan. Pero ang totoo, ginagamit lamang siya ng mga ito.
When she started to understand all that, napilitan siyang talikuran ang lahat. Bumuo siya ng sariling mundo niya at sinigurong magkaroon ng matibay na kandado sa gate nito. Para sa kanya mas mainam na maging malungkot na nag-iisa, kaysa makaramdam ng lungkot kahit may kasama ka. Hindi niya na nagawang magtiwala ng ganoon kadali. Nagtagal ang pananatili niya sa sariling mundo niya hanggang second year junior high school student siya. Nakilala niya ang isang taong humila sa kanya palabas. Pinatunayan nito na sa labas ng mundo niya, ay may mundo kung saan may taong pupwede niya pa ring pagkatiwalaan. She had that person, she had her family, she had few but all of them were real.
Napatingin siya kay Shady. He maybe has a shady name, but trusting him is worth trying.
"Okay lang ba sayo na may daanan tayo?" tanong nito.
"S-Sure." Wala siyang ideya kung saan ang pupuntahan nila. Hindi na skiya nagreklamo pa. Hinayaan niya lamang ito.
WALA SIYANG KAALAM-ALAM SA LUGAR na pinagdalhan nito sa kanya. Ngunit sigurado siyang matao at lahat mukhang may pinagkakaabalahan.
"I work here," ani Shady habang nilalakad nila ang kahabaan ng hallway ng studio.
Nailibot niya ang paningin. Mula sa glass windows ng bawat silid na nadadaanan nila ay nakikita niyang hanggang sa mga oras na ito ay may nagtatrabaho pa rin.
"We're here." Binuksan nito ang pinto at pumasok sila sa loob.
Napanganga siya habang nakatingin sa gitnang bahagi ng silid kung saan merong nagpo-photo shoot. Ito ang kauna-unahang beses na nakakita siya ng live photo shoot.
"Shady!" Isang lalake ang lumapit sa kanila. "Nakabalik ka na pala." Nakipagkamay ito rito.
"Two days ago. Tinawagan ako ni Boss, may importante siyang sasabihin." Tiningnan nito ang photographer.
"Kevin, ikaw na muna rito sandali!"
"Okay!" Nagtatatakbo ang lalake papunta roon at kinuha ang camera mula sa may edad na photographer.
"Boss!" Agad na nilapitan ni Shady ito. "Seems like you've been working really hard."
"Kailangang, especially when we're aiming this high." Ipinwesto nito ang kamay sa ibabaw na bahagi ng ulo nito. Napatingin ang lalake sa kanya. "You must be Rhys's daughter."
Nabigla siya. Bakit alam nito? "Ah, y-yes. I'm Haruhi."
"Felix," pakilala nito. "Your father's a good friend of mine." Binalingan nito ang katabi niya. "May kailangan tayong pag-usapan, Shady. Hintayin niyo ako sa opisina. I'll be there in fifteen minutes."
"Okay."
Umalis sila ni Shady roon. Sa silid na katapat sila pumasok. Sumalubong sa kanya ang napakaraming photographs na nasa frame na nakasabit sa dingding. Napakaganda ng mga iyon. Habang tinitingnan niya ang detalye na nakasulat sa maliit na font na nasa pinaka-babang bahagi ng larawan, isa sa mga iyon ay kay Shady. "Wow!" Itinuro niya iyon. "This is yours?"
"Yeah. That's my winning entry sa isang nature photography contest three months ago."
"It's beautiful." Napatitig siya ng husto sa larawang iyon. Pakiramdam niya ay nandoon siya mismo sa lugar na iyon kung saan nito ito nakuha. "It's so calming and peaceful." Wala siyang alam tungkol sa photography, subalit nararamdaman niyang kinakauusap siya ng larawang ito.
"You want me to take you there?"
Nagsitindigan ang balahibo niya sa katawan nang maramdaman ang mainit na hininga nitong nasa punong tenga niya na. Agad siyang lumayo rito. Nang tingnan niya ito ay nakangiti lamang ito.
"You always have this cute expressions."
"Mr. Montalban, hangga't maaari ay huwag kang gagawa ng hindi kanais-nais saan mang lugar mo gugustohin."
"Then, it's okay if I'll do it some place specific?"
Pinamulahan siya ng mukha. Hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin.
"Hindi ko pa natatanggap ang welcome home kiss ko."
Naiinis na iniwasan niya ito ng tingin. Ang buong akala niya ay hindi na nito maaalala pa ang tungkol sa bagay na iyon.
Maya-maya ay dumating ang lalakeng kausap nila kanina sa kabila. May kasama itong magandang babae. Isa ito sa mga modelo na nakita niya kanina.
"Shady!" Parang kidlat na agad nitong narrating ang kinatatayuan ni Shady at agad niyakap. "Kay tagal nating hindi nagkita."
"Erica, it's nice to see you."
"So, ano? Aalis ka na naman?" Hindi pa rin maalis-alis ang pagkakayakap nito kay Shady.
"I'll be staying for good."
"Really? Wow, magkikita tayo araw-araw nito."
She's really pretty and sexy. She's someone every man would dream to have. Somehow, naramdaman niya ang insecurity. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon. Bigla na lamang niyang naramdaman ang pag-usbong ng isang kakaibang pakiramdam.
"Tigilan niyo na ang paglalandian." Binuksan ni Felix ang pinto na nasa kanang bahagi nito. Pumasok na ito roon. Sumunod naman ang babae.
"Wait here," sabi ni Shady sa kanya at sumunod na ito sa dalawa.
Malamang ang babaeng iyon ay matagal ng kilala ni Shady. Sa trabaho ba naman kasi nito, hindi malayong maging malapit ito sa mga modelong nakakatrabaho nito. It's obvious that hes has a lot of female admirers. He is handsome.
It makes her wonder why she has this so many troubling feelings right now.