"KUYA KENN, SANDALI!" Nagtatatakbong bumaba siya ng hagdanan patungo kay Kenn na nasa may pintuan. Mukhang may lalakarin ito.
"May kailangan ka?" tanong nito sa kanya.
"May ideya ka ba kung makakauwi si Kuya Kai tonight?"
"Hindi ko alam. Tatawagan ko siya mamaya at tatanungin ko siya tungkol diyan. Why?"
"Bukas kasi, baka may available cake siya sa shop niya. Bibili ako para siyang merienda namin ng kaibigan ko."
"Haru, if you want we can order somewhere else."
Umiling-iling siya. "I want Abby to try Kuya Kai's cake."
Ngumiti ito. Pagkuwa'y parang batang ginulo ang buhok niyang nakalugay. "I'll call him."
"Thank you."
"Aalis na ako. Hindi ko alam kung nakabalik na si Kuya Aki. Kung sakaling makita mo siya pakisabing umalis ako." Binuksan nito ang pinto at muling isinara paglabas.
"Haru!"
Napaintad siya sa pagkabigla matapos marinig ang pagtawag sa kanya ni Shady. Napalingon siya rito. Nakaayos ito at mukhang may lalakarin rin.
Nilapitan siya nito. "Si Kuya Kenn ba 'yun?"
"Oo."
"Lalabas muna ako," sabi nito.
Hindi siya nagsalita. Tiningnan niya lang ito. Wala naman siyang pakialam kahit saang lupalop ng mundo ito mapunta. Pakiramdam niya ay matatahimik siya kapag hindi niya ito nakikita. Kunot noong tiningala niya ito nang maramdamang nakatitig ito sa kanya. "What?" Nagsimula na naman siya sa pagtataray.
"Are you going to see me off?"
"Ilusyunado ka rin 'no? Umalis ka na at nang mai-lock ko 'tong pinto."
"Then, can I get my kiss?"
"W-What? Hoy, magtigil ka diyan sa pinagkakagawa mo____" Natahimik siya ng bigla nitong dampian ng halik ang mga labi niya. Namumula ang mukhang natingnan niya si Shady.
"See you." Binuksan nito ang pinto at lumabas na.
Damn it! Naiinis na naisara niya ang pinto ng pabagsak. It's no longer normal when it's on the lips! May pakiramdam siya na kapag nagkataon ito ay gagawin at gagawin nito ang paghalik sa kanya. Napasandal siya sa pintuan at nakagat ang pang-ibabang labi. Tila yata't napakabilis ng tibok ng puso niya.
Habang nasa living room siya at nanonood ng pelikula ay bigla niyang naramdaman ang pananakit ng ulo. Kagabi pa nagsimula ito. Paggising niya hanggang kanina lang ay naging maayos naman siya. Pinatay niya ang telibisyon at dumeretsong kusina upang humanap ng gamut sa medicine kit.
"May hinahanap ka, Miss Haru?" tanong ni Mayette at agad siyang nilapitan.
"Naghahanap ako ng pain reliever," sabi niya.
"Naku, mukhang naubusan yata tayo rito sa kit. Nakalimutan ko ring humingi kay Sir Aki."
"Nakabalik na ba si Kuya?"
"Hindi ko napansin."
Napabuntong hininga siya. "Hahanap ako ng gamut sa kwarto niya." Kung sakaling wala ito roon at malamang pumasok siya sa silid nito, magpapaliwanag na lamang siya. Mukhang hindi na rin kasi makakapaghintay itong nararamdaman niya. Pagtapat niya sa pinto ng silid nito ay kumatok siya ng tatlong beses. Pinihit niya ang doorknob. Hindi nakasara iyon kaya malamang nasa loob nga si Aki. "Kuya? Nandito ka na ba?" Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob. "Hihingi lang sana ako ng___"
"Hey, Haru." ani Aki habang nakatingin sa kanya.
Nitong umaga lang ay nasaksihan niya ang hindi inaasahang pangyayari sa kwarto ni Kenn. Ngayon, sa ikalawang pagkakataon ay may bago na naman siyang nasaksihan.
"Who is she?" tanong ng lalakeng nakasandal sa dingding habang nakayakap sa shirtless na si Aki.
"Haru, this is Christian," pakilala ni Aki rito sa kanya. "Christian, meet Haru, my sister."
"Oh, the youngest and the only girl," anito at ipinilig ang ulo sa dibdib ni Aki.
"You want something, princess?" tanong sa kanya ni Aki.
Mukhang balewala lamang sa mga ito kahit nandirito siya na nakamasid. "I-Itatanong ko lang k-kung..." Napalunok siya. "K-Kung may pain reliever ka. N-Naubusan kasi tayo sa kit."
"I have. Wait." Kumalas ito sa pagkakayakap sa lalake.
"N-No! I mean, h-hindi naman ako nagmamadali. W-When you have time, Kuya. E-Excuse me." Natatarantang tinalikuran niya ang mga ito at namumulang lumabas sa silid ni Aki. Matapos niyang isara ang pinto ay panandalian siyang nanatili roon na nakatayo at naguguluhan sa mga pangyayari.
Kaninang umaga nagsimula ang twist na ito sa buhay niya. Hindi niya alam kung makakaya niya pa itong i-handle. Oh my God! Maloloka ako sa pamamahay na ito! The doors to unknown are welcoming her, one at a time.
Nanatili siya sa kwarto niya habang pinag-iisipan ang siyang opinyon niya sa nasaksihan niyang iyon. Alam niya na naging parte na ng society ang LGBT. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay may ganoon pala sa pamilya nila.
"Haru, may I come in?"
Napabalikwas siya ng bangon matapos marinig si Aki na nasa labas. Bumaba siya ng kama at pinagbuksan ito ng pinto. Nabuo ang awkward feeling sa sarili na dahilan upang hindi niya matingnan ng deretso ang kapatid.
"Here." Inabot nito ang gamut na nasa zip lock bag. "May dinaramdam ka ba?"
"Headache," aniya at kinuha iyon. "T-Thank you."
Napatingin sa kanya si Aki. "I'm sorry kung nasaksihan mo iyon kanina."
"N-No! I'm sorry kasi bigla akong pumasok. H-Hindi ko rin alam na may kasama ka pala sa kwarto mo." Kinakabahan pa rin siya.
"Are you okay with that?"
Napatingala siya upang matingnan ang kapatid. "O-Okay with what?"
"With me being with someone of the same sex."
Ah, so nabahala siya sa magiging pananaw ko sa kanya. "Kuya, sa panahon ngayon, nagiging normal na ang ganyang relasyon. May mga hindi tumatanggap pero ako, wala namang problema sa akin ang ganyang bagay. This is a free world and we can do whatever we want. Sa pagdedesisyon, tayo lang naman ang mas nakakaalam kung ano ang makakabuti at magpapasaya sa atin." Napakamot siya. "N-Nabigla lang talaga ako kanina. Hindi ko inaasahan."
Napangiti si Aki. "We've been in this relationship for like six years now."
Napanganga siya.
"Hindi naging problema kina Kuya Ryu at sa iba ang tungkol doon. Nabahala ako sayo kanina. I actually didn't know how to get out of that situation. Nakita mo na kami."
"It's okay, Kuya Aki. Napapadalas rin kasi ang panonood ko ng BL anime at kakabasa ng BL manga out of curiosity, so it is no longer new to me."
Natawa ito. "Ganoon ba?"
Marahan siyang tumango.
"Okay, then, sasabihin ko sa kanya na okay ka sa amin. Nabahala rin kasi si Christian. At siya nga pala, bago ko makalimutan. Ipinapatanong ni Kai kung anong oras mo kakailanganin ang cake tomorrow. Hindi siya makakauwi tonight pero sisiguradohin niya na darating ang cake ninyo ng friend mo rito bukas."
Abot tenga ang siyang ngiti niya. Mukhang alam na ni Aki ang pagkakaroon niya ng bisita bukas. "I'll call him. Thank you, Kuya."
"Sinabi ko na rin kay Kuya Ryu. Mukha kasing natatakot kang ipagbigay alam sa kanya." Iniwanan na siya ni Aki.
She pouted. "Nakakatakot naman kasi siya," sabi niya na lamang sa sarili.
HAPON DUMATING SI ABEGAIL SA mansiyon dahil may ginawa ito sa umaga. Sa ngayon, dadalawa lamang sila nagkikikilos dahil ang ilan sa mga kapatid ay natutulog, ang ilan ay may nilakad. Ang dalawang kasambahay nila ay nasa day-off ganoon rin ang driver.
"Kay laki nitong bahay ninyo dadalawa lamang ang katulong. Hindi ba sila nabibigatan sa trabaho nila rito?" Naging concern tuloy si Abegail matapos niyang mailibot ito sa ilang bahagi ng bahay.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Siya rin ay nagtataka kung bakit nga ba sina Mayette at Marian lamang ang katiwala nila. Sa nakikita niya, nagagawa naman ng mga ito ng tama ang trabaho ay napapanatili ng mga ito na malinis at nasa ayos ang bahay.
Nasa may movie room sila ni Abegail nang marinig niya ang pagtunog ng doorbell. Nagtatatakbong lumabas siya ng silid at dumeretsong main door. Isang magandang babae ang nakatayo sa harapan ng bahay. Ang buong akala niya ay ang delivery boy ito dala ang cake na hinihintay niya. "Yes?"
"Miss Haru Saga?"
"Ako nga."
"May delivery ako para sayo." Inabot nito sa kanya ang isang cake box.
"Thanks." Napatingin siya rito. "Kasamahan ka ba ni Kuya Kai sa shop?"
"Yes. I'm Cindy, by the way. Childhood friends ko ang kambal. Ang totoo niyan, pinakiusapan lang ako ni Kai na idaan ito rito."
"Nasaan ang Kuya?"
"Nasa apartment niya, tulog na tulog sa ngayon. He wanted to make you something special kaya pinagpuyatan niyang buuin ang recipe niyang 'to."
"Really?" Napatingin siya sa box.
"Paano, aalis na ako. It's nice meeting you, Haru."
"Nice meeting you, too." Wala naman talaga siyang planong abalahin ang kapatid. Simpleng cake lang naman ang gusto niya. Pero napakasaya niya dahil ginawan siya nito ng espesyal. Nasasabik siyang matikman ito at ipagmalaki ang gawa nito kay Abegail. Dinaanan niya ito sa movie room para sabihing maghahanda siya ng merienda nila bago siya tumungo sa kusina.
Nagtempla siya ng juice. Pagkatapos ay naghanda ng dalawang baso at dalawang dessert plates. Inilagay niya ang mga iyon sa tray kasama ang juice na nasa glass pitcher. She was too busy slicing the cake at dahil na rin nakatalikod siya sa pinto, hindi niya na namalayan ang pagpasok ni Shady sa kusina. Napaintad siya ng bigla na lamang nitong hapitin siya sa bewang. Nalaglag ang kutsilyo sa sahig at naglikha iyon ng ingay. Agad niyang inilayo ang sarili rito.
"Good morning," anito. Binuksan nito ang refrigerator at kumuha roon ng apple juice.
Natingnan niya ito. Alam ba nitong muntik na siyang atakihin sa puso sa ginawa nito? "Don't do that again," aniya. Pinulot niya ang kutsilyo at inilagay iyon sa sink. Kumuha siya ng malinis na kutsilyo at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Where's my good morning kiss?" anito.
Kunot noong binalingan niya ito. "Kiss-kiss-in mo mukha mo." Matapos malagyan ang mga dessert plates ay ibinalik niya sa box ang cake. Kinuha niya iyon at dinala sa refrigerator kung saan nakaharang si Shady. "Excuse me," aniya. Umalis ito roon. Binuksan niya ang ref. Nagkunwari siyang naghahanap ng mapaglalagyan ng box. Hanggang kailan ba mananatili rito ang lalakeng 'to? Ang gusto niya ay umalis na ito. Habang kasama niya ito ay hindi maiwasang kabahan siya ng husto.
Ngunit mukhang walang plano si Shady na umalis. Naiinis na ipinasok niya na lamang ang box sa loob at isinara na ang ref. Dali-daling hinugasan niya ang mga kutsilyong nagamit.
"I want my good morning kiss," giit nito.
"No way!" Puro kalokohan ang naiisip ng lalakeng 'to. Kinuha niya na ang tray.
Pinigilan siya agad ni Shady. Hinawakan nito ang kamay niya. Hinila siya nito at agad na isinandal sa pinto ng refrigerator. Itinuko nito ang dalawang kamay kung saan napagitnaan siya. "Do you hate kissing me that much?" tanong nito habang ang mga mata ay parang loko-lokong nakatingin sa kanya.
"I-I never get to hate it." Duh! Ano bang klaseng sagot yun! Parang gusto niyang sampalin ang sarili. Wala sa isip ang pagsagot niyang iyon.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. "Really?" Dahan-dahan, ibinaba ni Shady ang mukha at ginawaran ng halik ang mga labi niya.
Napapikit siya. Hindi magandang ideya ito na hinahayaan niyang malunod ang sarili sa mga halik nito. But she never thought that this could feel so good. Para bang sinasanay siya nitong maging adik sa sarap ng halik nito sa kanya. Nagpakawala siya ng ungol when Shady's lips started moving. Para bang nilalasap nito ang mga labi niya.
"Haru, natagalan ka kaya baka kailangan mo ng ___" Karugtong 'nun ay ang pagtili ni Abegail. Natakpan nito ng mga mata at agad na tumalikod sa kanila. "Oh my God! I'm so sorry! I'm so, so sorry!"
Abegail! Parang gusto niya ng maiyak. Itinulak niya si Shady na hindi man lang natataranta kahit may nakakita sa kanila. Samantalang siya, hindi niya alam kung ano ang mukhang ihaharap sa kaibigan.
Kumuha ng mansanas si Shady na nasa fruits basket sa gitna ng mesa. Humakbang ito patungo kay Abegail na noon ay nakatalikod pa rin. "I didn't know you have visitor," sabi nito habang nakatingin kay Abegail. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
"Umalis ka na lang, pwede?" naiinis na sabi niya rito.
Dahan-dahan, inalis ni Abegail ang mga kamay na nakatakip sa mga mata. Namumutlang napatingin ito kay Shady. "H-Hi!" nauutal na sabi ng dalaga. "I-I'm Abegail and I am Haru's friend."
"Shady." Inilahad nito ang kamay rito.
"I-I know." Nanginginig na nakipagkamay rito si Abegail. "N-Nice to meet you."
"Maiwan ko na kayong dalawa." Tiningnan muna siya nito bago tuluyang lumabas ng kusina.
Napabuntong hininga siya ng malakas. Pinagpapawisan siya ng napakalamig.
"Haru! Haru!" Nilapitan siya ni Abegail. "What was that? Oh my God! Bakit nandito si Shady Montalban? At bakit kayo naghahalikan?"
"J-Just forget what you just saw," may himig pakiusap niya. Hindi niya nga rin alam kung paanong nakikipaghalikan siya rito. "Bakit mo ba siya kilala?"
"Ano'ng bakit? Hindi mo ba alam na kilalang-kilala siya?"
"H-Hindi. Bakit ba?"
"Shawn Drake "Shady" Montalban is a famous photographer. Kung saan-saan na siya umaabot dahil napaka-in demand ng skill niya sa photography. Isa lang naman ang FHM sa sikat na tinatrabaho niya."
Isa itong malaking balita para sa kanya. Wala siyang alam na kahit ano tungkol sa buhay ni Shady. Hindi niya maiwasang humanga sa profession nito. Siguro ang dahilan kung bakit ito nasa New York ay ang trabaho nito.
"Bakit siya nandirito sa inyo?" tanong pa nito.
"Magkapatid sila ni Kuya Kenn sa ina," pagkukwento niya. "Kahapon ko lang rin nalaman na matagal na pala siyang naninirahan rito sa mansiyon."
"Boyfriend mo ba?"
Pinanlakihan niya ng mga mata si Abegail. "Hindi. Hindi ko nga gusto iyon."
"Eh, ba't kayo naghahalikan kani-kanina lang?"
"Huwag na nating pag-usapan ang tungkol rito." Kinuha niya na ang tray at nauna ng lumabas ng kusina.