Chereads / The Miracle of Love / Chapter 3 - Chapter 3: First flashback and a date

Chapter 3 - Chapter 3: First flashback and a date

(Terrence POV)

Ala-una ng madaling araw nagising na ako. Ewan ko ba kung bakit? Excited ata. Well lagi naman eh. Namiss ko tuloy yung Mahal ko.

Umupo ako sa gilid ng kama ko kasi hindi na ako makatulog. Kinuha ko yung phone ko at chineck saglit yung facebook ko. Wala namang bago, pumunta ako sa gallery ko at tinignang ko yung mga pictures namin ni Julian, mag-ffour years narin pala kami pagkatapos namin gumadruate.

"Paano ba nag-simula yung feelings ko sa'yo?"

(Flashback)

"Hi! Everyone my name is Julian Sanchez, 13 years of old, transferee student from Baguio National High School. Nalipat lang naman ako because of my Daddy, masiyado siyang busy sa work niya kaya yun naisipan ko na lang na sumama sa Mommy ko dito sa Manila. To try something new." Sabi ng bagong transferee.

"So Julian, hobbies mo? Or something unique about you?" Tanong ni Mrs. Chavez kay Julian.

"Hobbies? Ahm I love playing online games, and I am a composer, I also love pets. I do have a dog kaso nasa Baguio po siya his name is Lettuce. Ang unique naman sakin is siguro yung kapag nagagalit ako or nagtatampo sayo. Bigyan mo lang ako ng chocolate na drink, ay okay na tayo. Well that is how I defined my uniqueness. So if ever na mag-kaparehas tayo still that's unique for me." Magaling sumagot 'tong trnsferee student ha? Let's see.

"Yes Mr. Martinez, Anything you want?" Ani Mrs. Chavez

"No. Nothing Mrs. Chavez, I only want to ask our transferee student about my curiousity. If he would mind?" Sabi ko sabay tingin sa kanya.

"I don't mind. What is it?" Nakangiti niyang sagot. Napatitig ako saglit sa kanya. There is something on that smile. Heart beat… napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito kabilis tumibok yung puso ko?

"Ahm. Mr. Martinez, ano yung itatanong mo kay Mr. Sanchez?"

"Mrs. Chavez, pardon me I just need to go in the comfort room for a moment." Ani ko at diretsiyo palabas ng room namin nang hindi ko pa inaantay yung sasabihin ni Mrs. Chavez.

(End of Flashback)

Nakatayo na ako dito sa tapat ng simbahan at inaantay ko na lang na dumating si Julain, para sa date namin ngayon.

"Mahal I'm so sorry na-late ako traffic kasi tsaka medyo gabi na rin kasi akong umuwi sa meeting namin. Naku Mahal, pasensiya na ha? Ang haggard ko na tuloy. Nakakahiya naman sayo." Ani Julian kaya medyo napapangiti na lang ako dahil sa sobrang bilis niyang mag-salita.

"No it's okay. Maganda't gwapo ka pa din Mahal." Ani ko sabay hawak sa kamay niya. Namiss ko 'to eh. Napangiti na lang siya at nag-lakad na kami.

-------

Katatapos lang namin mag-laro sa arcade kaya naisipan na naming kumain muna sa isang fast food chain.

"Nga pala Mahal, maaga akong uuwi ngayon. Pinag-pplanuhan kasi namin yung mga activities para sa English month natin. Pasensiya na ha?" Ani niya.

"Shhh. Mahal, date natin 'to kaya huwag mo munang isipin yan. Papayagan naman kita kahit ano pang gusto mo. Pero ako muna ang isipin mo at ikaw lang ang iisipin ko."

"Sige na nga Mahal, Oh? Happy 44th monthsarry. Akala mo siguro nakalimutan ko na. December 4 ngayon 21 days na lang pasko na kaya medyo may pagka Chritmas yung balot niyan. Sana magustuhan mo." Ani Julian, napangiti ako. Akala ko kasi talaga na nakalimutan niya na. Busy rin kasi siya this past weeks kaya mag-eexpect na sana akong wala siyang ibibigay.

"Red na jacket! Wow ang ganda niya Mahal, thank you! I love you!" Sabi ko at ki-niss siya sa noo niya. Napangiti naman siya dahil nagustuhan ko talaga yung bigay niya.

"Ito naman yung pang 44th Monthsarry gift ko sayo Mahal. Sana magustuhan mo rin yan."

"Singsing?" Medyo na-shock niyang tanong.

"Will you Marry me?" mahina pero sapat na para marinig niya lumuhod ako at kihuna yung singsing na hawak niya. "Alam kong masiyadong maaga per---"

"Yes. I will Marry you." Ani niya at hinalikan niya ako sa pisngi. Promise kasi namin na yung kiss sa labi sa kasal na dapat gawin.