(Julian's POV)
Monday ngayon at inaayos namin 'tong mga banderitas na ikakabit mamaya para maging design ng court namin. Naisipan kasi naming mga officers sa SC na ganapin na lang sa court 'tong English month para mas malaki at maluwag. Medyo marami kasi 'tong activities na naisip ng President namin eh.
"Kyle at Seb, pakikabit na nga 'tong banderitas para mamaya wala na kayong gagawin. Mag-cocollect na lang tayo ng pera para sa mga prizes" Ani ng President namin na si Jonathan.
Tinuon ko na lang yung sarili ko sa ginagawa ko. Nag-gugupit kasi ako para sa mga banderitas.
"Julian, napansin ko na kanina ka pa binabantayan ng jowa doon sa gilid oh?" Ani Kristen, kaya napatingin naman ako doon sa nginunguso niyang lugar.
"Teka lang Kristen, puntahan ko lang siya saglit." Ani ko at pumunta ako sa pwesto ni terrence. "Kanina ka pa daw diyan? Sabi ni Kristen sakin." Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko yung kamay niya.
"1 hour and 54 minutes ko nang hindi nahawakan yung kamay mo Mahal. Oo kanina pa ako dito. Dinalhan nga pala kita ng pag-kain baka gutom kana?"
"Ay, oo Mahal, kanina pa ako gutom. Salamat." Kinain ko yung egg sandwich at ininum ko yung Choco drink na dala niya.
"Welcome Mahal, mukhang marami pa kayong gagawin ha?"
"Oo nga Mahal, eh. Ngayon pa nga lang din kami mag-kakabit ng mga banderitas." Ani ko at kumagat ng egg sandwich. "Natuwa sila Mommy, at Daddy sa balita ko sa kanila nung Sabado ng gabi."
"Talaga? Pati si Mom, natuwa eh, tinatanong niya ako kung kelan daw yung kasal." Medyo natatawang sabi ni Terrence.
"Trabaho muna, tapos ipon, tsaka na yung kasal." Ani ko kay Terrence, napatingin siya sakin ng seryoso.
"Mahal, anong gusto mong klase ng kasal. Sa Simbahan? Beach wedding?" Tanong sakin ni Terrence, kaya napatingin din ako sa kanya. Seryoso nga siya.
"Ahm. Siguro yung sa Simbahan Mahal, para naman kahit papaano sa harap parin tayo ng Diyos mag-susumpaan."Sagot ko sa kanya.
"Pag-iipunan ko yan Mahal, kahit ilang beses pa tayong ikasal basta para sayo, lahat ibibigay ko."
"Anong pag-iipunan mo lang mag-isa yung dream wedding natin? Gusto ko tayong dalawa. Kasal natin yun hindi lang ako." Ani ko at hinalikan niya ako sa noo.
"Ah? Julian, kailangan na sana namin nang tulong mo para sa mga banderitas. Pero mukhang busy ka ata." Ani Pres.
"Ay. Hindi Pres, hinatiran lang ako nang meryenda ni Terrence, sige susunod na ako doon."
"Ah, sige salamat." Ani Pres, at bumalik na siya sa ginagawa niya.
"Mahal, mauna na ako ha? Salamat sa pag-bili ng pagkain ko. Balikan mo na lang ako mamaya dito."
"Ahm. Mahal, may maitutulong ba ako wala naman ngayon si Prof. Gina, eh?" Ani Terrence.
"Ahm. Sige Mahal, tulungan mo na lang sila Kyle at Seb sa pagkabit ng banderitas para mas madaling matapos. Para maka-exam pa ako kay Prof. Damus." Ani ko at ngumiti naman si Terrence sa naisip kong ideya.
------
Busy na kaming lahat sa mga kanya-kanya naming gawain. Mga ilang gupit na lang ay matatapos na ako dito. Pwede ko na silang tulungang mag-kabit ng banderitas.
"Julian, anong height ng jowa mo? Ang tangkad niya pala no?" Ani Kristen kaya napatignin ako kay Terrence habang nag-kakabit ng banderitas sa gilid ng court.
"6'1'' Kristen." Ani ko at nginitian niya na lang ako. Agad ko naman binalikan 'tong ginagawa ko.
------
Tapos na namin gawin lahat ng mga design para sa court namin para sa darating na English month. Naka pag-exam na rin ako kay Prof. Damus, kaya 'to pauwi na kami ngayon ni Terrence.
"Mahal, paki-pasuot naman sakin 'tong singsing ko. Para match na talaga tayo."Ani niya kaya ginawa ko yun at ninakawan niya ako ng halik. Malapit sa labi. "I will always love you Mahal."
"I love you too. Maniyak." Ani ko at ngumiti kaming dalawa.