Chereads / The Miracle of Love / Chapter 8 - Chapter 8: Mom and Tita

Chapter 8 - Chapter 8: Mom and Tita

(Terrence POV)

Araw ngayong ng lunes at nagsimula na namang bumalik ang lahat sa nakagisnan naming paggising sa umaga upang maghanda at pumasok sa school, buhay ng estudyante. Lalo na kapag college ka na at graduating pa. Gumising ako ng maaga para ipagluto si Julian ng almusal. Siyempre hotdog at itlog lang ang kaya kong lutuin alam niyo na mga lagay mantika lang at lagay agad ng ulam antayin maluto at tenen. Ulam na. Tsaka hindi pwedeng mawala ang paborito niyang chocolate drink. Na halos naka dalawang balot kami ng plastik nung nag-groceries kami dahil lang dito. Itong chocolate drink atang 'to ni Julian ang magiging dahilan ng pagkaubos ng ipon eh.

Mga ilang minuto rin ang nakalilipas ng hindi pa nagising si Julian kaya naisipan kong akyatin siya sa kwarto at gisingin na para makapag-almusal na kaming dalawa. "Mahal, gising na. Kain na tayo. Monday ngayon at may pasok na tayo. Diba Masungit prof mo ngayon?"

"Mamaya na unti Mommy. Maaga pa." Ani niya na ikinangiti ko dahil may biglang pumasok na kalokohan na naman sa isip ko kaya naisipan kong kunin kaagad ang cellphone ko at irecord ko siya habang natutulog na nag-sasalita.

"Lunes ngayon wala ka bang pasok?" Ani ko na nagpanggap na si Tita Glo.

"Meron po. Pero 10:00am pa Mommy." Sagot naman niya na ikinabingisngis ko. Laugh trip talaga 'to mamaya kapag papanuodin niya. Panigurado akong magagalit sakin 'to.

"Si Terrence nasa labas ng bahay inaantay ka niya pasok na raw kayo. Kakain ka pa. Maliligo ka pa. Ang tagal mo pa naman sa lagi sa banyo." Ani ko habang pinipigilan ko na talagang tumawa.

"Hayaan mo yung Maniyak na 'yun Mommy. Huwag mong papapasukin ha? Kukulitin niya lang ako rito eh. Tsaka ang sarap-sarap ng tulog ko eh." Ani niya kaya inilagay ko sa tabi yung cellphone ko at tinignan ko muna kung kita kaming dalawa at dahan-dahan kunyareng binuksan yung pinto at humiga sa kama kasama si Julian tsaka siya niyakap.

"Anong sabi mo Mahal? Maniyak ako." Ani ko at bigla ko siyang kiniliti sa tagiliran niya at ikinatawa niya at ikinagising niya naman.

"Ano ba Terrence. Hahahaha. Sabi ko gwapo kahahaha gwaphahaha. Terrence! TAMA NAHAHAHA." Ani niya habang nagising na lang bigla at tsaka gumanti rin ng kiliti sakin.

"Hahahah Mahal, huwag huy. Hahaha Mahahahaha. HUY MAHAL HAHAHAHA SIGE NA TITIGIL NA RiN AKO." Ani ko at hinawakan yung dalawa niya kamay.

"Oh sige. Tama na ha? Ayoko na." Ani niya at tinanggal niya yung kamay kong nakahawak sa kanya at agad niya naming itinaas yung kamay niya. Kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Good morning Mahal, Kain na tayo Mahal, o kainin na kita?" Ani ko at ilang sandali pa lang ay nakatikim na ako ng sampal mula sa kanya.

"Maniyak ka talagang lalaki." Ani niya at nagpupumiglas sa yakap naming.

"Joke lang Mahal."

-------

Nandito kami ngayon at kumakain na dahil medyo sa malilate na kami dahil magbabiyahe pa kami papasok ay binibilisan na naming ang pagkain.

"Mahal, hindi talaga tayo aabot kapag magpupumilit kang maligo tayo ng hiwalay. Magsabay na tayo. Alam mo namang sira pa yung gripo doon sa taas diba? Tsaka ikaw nagsira 'nun eh. Kung hindi mo sinira edi sana pwede tayong hindi mag-sabay maligo. Pero wala tayong choice kundi gawin 'yun." Ani ko na parang kinokonsensiya siya. Maging effective ka naman oh? Please. Kahit ngayon lang. Oo nayayakap ko siya at nahahalikan hanggang pisngi at noo lang. Kahit magsabay lang kaming maligo. Promise wala akong gagawin masama.

"Oo na." Ani niya na nagpapilantik sa tenga ko. "Pero, may underwear tayong maliligo ha?" Dagdag niya pa na ikinanganga ko at pero umabot pa rin yung lihim kong ngiti hanggang tenga. Ikaw lang ang saplot, ako, walang-wala. HAHAHA. "Bakit parang may pinaplano ka ha? Huwag na kaya akong maligong pumasok sa school? Baka mamaya marape pa ako ng Maniyak eh."

"Bakit ba kasi hindi ka pa pumayag na mag-ano tayo ha?" Ani ko at napatayo sa kinauupuan ko na ikinagulat naman niya.

"Eh ayaw ko eh. Maniyak ka kasi. Tsaka anong mag-ano?" Ani nia at tumayo rin sa pagkakaupo niya.

"Dali na Mahal, gawin na natin. Mag-ano na tayo. Tsaka mag-fofour na tayo eh. Dapat nagawa na natin yung ganong bagay. Tsaka promise gentle lang ako. Pero kung gusto mo ng hard kaya ko rin Mahal." Ani ko at nakatameme siyang nakatingin sakin. "Oh? Bakit? may problema ba Mahal? Anong bang gusto? Ikaw masusunod kung anong klaseng gagawin natin. Basta mag-aano tayo." Ani ko at napansin kong hindi siya nakatingin sakin kundi sa gawing likod ko kaya napatingin ako at nakita ko si Mom at si Tita Glo na nakangiti. "M-MOM? T-TITA? A-ANONG GINAGAWA NIYO R-RITO?" Ani ko at natataranta kaya agad akong lumapit kay Julian at hinawakan yung kamay niya.

"Ikaw Rence, honey ha? Masiyado mong pinipilit si Julain pwede ka niyang kasuhan ng rape. Titistigo ako kapag nagkataon. Di'ba balae?" Ani Mom at tumingin kay Tita. Tsaka ano raw? Balae?

"Mabuti na lang at napalaki ko ng maayos ang anak ko. Matagalang pilitan niyan Terernce bago ibigay ni Julian ang perlas niya." Ani ni Tita na ikinatawa naman ni Mom.

"Mommy, ano ba?" Ani Julian na namumula na sa kahihiyan. "Mommy ba't po kaya nandito?" Dagdag pa nito.

"Naisipan namin ni Balae na dalawin ako. Mukhang wrong timing ata kami dalawa. Gagawin niyo na ba?" Ani Tita. Naikinangiti ko.

"MOMMY! SIGE NA PO. ALIS NA KAYO MAY PASOK PA KAMI." Ani Julian at tinutulak si Tita Glo pati si Mommy.

"Anong pasok? Hay nako. Napuyat ata 'tong dalawang 'to? Ano bang ginagawa niyo kagabi? Wala pa kayong pasok. Na-move." Ani Mom.

"Huh?" Nakatameme kong ani.

"Oo nga Mahal, wala tayong pasok ngayon hindi mo ba narecieve yung message sa school?" Ani bigla ni Julian habang nakatingin sa phone niya. Kaya agad akong lumapit sa kanya at tinignan koi to at binasa ng malakas.

"Start of classes will be next week. Enjoy!" Napahinto ako saglit at napatingin kila Mom.

"Bakit sunog-sunog tong hotdog? Don't tell me si Rence nagluto nito Julian ha?"

"Yes oi Tita si Rence po nag-luto niya. Gumising po siya ng maaga para mahandaan lang po ako ng pagkain. Kahit sunog 'yan Tita okay lang. Importante is nag-effort po si Terrence para sakin." Ani Julian na ikinangiti ko kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"I love you Mahal."

"I love you too Maniyak."