Chereads / The Miracle of Love / Chapter 9 - Chapter 9: Student life

Chapter 9 - Chapter 9: Student life

Terrence POV

Boring ang lunes ko ngayon dahil wala kaming klase na magkasama kami ni Julian. Halos every Mondays, at Wednesdays ganito yung magiging takbo ng schedule namin. Pero susunduin ko parin siya tuwing uwian. Boring din dahil hindi ko rin trip yung mga prof. namin lalo na 'tong sa minor namin ngayon. Mabuti nga't kamo na absent siya. Boring din kasi halos hindi tugma yung break time namin Break ko may pasok siya tapos papasok na ako tsaka naman yung break niya. Nandito lang kami sa room ngayon nila Gino at Poy mga kaibigan ko simula nung first year pa lang kami. Business Administration- Financial Management.

"Pre? Anong nasaisip mo? Si Julian na naman ba? Hahaha don't tell me iniimagine mo na naman yung gagawin niyo? HIndi porket nasa iisang bahay na kaya gagawin niyo na lagi 'yun" Medyo natatawang ani ni Gino. Eh totoo naman eh? Siya lang nasa isip ko. Tsaka pag-pasensiyahan niyo na si Gino medyo green minded talaga siya. Ano kayang plano ko sa darating na valentines? Susurpresahin ko talaga si Julian.

"HOY PRE! LARO DAW TAYO NG BILLIARD MAMAYANG BREAK." Halos pasigaw na sabi sakin ni Poy.

"Nako mga Pre, pass muna ako diyan magagalit sakin si Julian kapag nalaman niya 'yan. Tsaka matagal na akong hindi naglalaro ng billiard alam niyo naman 'yan diba? Basket ball na lang tayo kung gusto niyo?" Suhestiyon ko sa kanila para maiwasan ko na rin na magalit sakin si Julian. Mahirap na mamaya palayasin niya pa ako sa bahay eh. Kawawa naman ako kung magkataon tsaka saan ako matutulog? Kapag nalaman ni Mom 'yun baka masampal niya pa ako.

"Gusto mo lang naman doon kasi malapit 'yun sa room nila Julian eh. Magpapapansin ka lang sa kanya eh." Ani Gino na medyo ikinangiti ko kasi kahit papaano tanggap nila kung anong klaseng relasyong meron ako at nanatili pa rin sila sakin hanggang ngayon.

"Kaya nga. Pustahan tayo kapag nandoon na tayo makikisit-in lang 'yan kila Julian." Singit naman ni Poy. Hay nako tropa ka nga 'tong dalawang ugok na'to.

"Oh? Teka bakit ako lang? For sure gusto niyo rin doon. Nandoon kaya yung mga nililigawan niyo. Kaya huwag ako ha? Huwag na kayong mag-malinis diyan." Ani ko at nagtawanan kaming tatlo. "Ay mga Pre, nga pala may tanong ako. Anong magandang ibigay kay Julian para sa darating na valentines? Or magandang pakulo?" Tanong ko sa kanila at tila nag-isip naman ang dalawa.

"Katawan mo Pre?" Birong ani ni Gino na puro kalokohan lang ang alam kaya na batukan ko siya. "Pre, naman don't me tell wala pa rin nangyayare sa inyo? Mahina ka pala eh."

"Ugok. Kapag pumayag lang talaga si Julian kawawa sakin 'yu--" Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil may biglang nagsalita sa likudan naming tatlo. Kaya napalingon kamo doon.

"At talaga lang ha? Sige ano pa?" Ani Julian na may hawak na pagkain dalawang sandwich at dalawa ring chocolate drink.

"Ahm. Julian, Terrence una na kami. Kuha lang kami ng makakain sa canteen." Ani Gino at tumayo tsaka kinuha yung bag niya sinundan naman siya ni Poy pero bago makaalis yung dalawa ay nag-iwan pa sakin ng nakalolokong ngiti si Gino. Ugok talaga.

"Mahal, w-wala 'yun." Ani ko at akala ko sasampalin ako ni Julian pero bigla niyang itinapat sakin yung chocolate dirnk pati tinapay. "Salamat Mahal, bakit ka pala nandito? Wala kayong prof?" Ani ko habang nakaakbay yung kamay ko sa kanya at yung isa naman ay hawak-hawak ko 'tong binili niya saking sandwich.

"Diba parehas tayo ng minors ngayon mauuna lang sakin. Eh wala si Prof. Ramos eh. Kaya pumunta ako dito. Tutal break niyo naman na."

"Ang suwerte ko talaga sa'yo Mahal. Ano bang nagawa ko at sinagot mo ako?" Ani ko at napaisip naman si Julian ng isasagot niya sakin.

"Ewan ko." Ani Julian.

-------

Nandito ako ngayon sa parking at inaayos ko yung motor. Inaantay ko na lang na matapos yung klase nila Julian. Medyo hapon na at magandang pagmasdan yung paligid ng school namin kasi kahit papaano may mga puno at damuhan parin dito kaya ang ganda lang pagmasdan, parang probinsiya.

"Mahal." Ani ni Julian kaya napatingin ako sa gawi niya habang tumatakbo papalapit sakin. Pero ganon. Everytime na nakikita o siya nagiging slow motion ang lahat tapos bumibilis talaga yung puso ko. Parehas kaya kami ng nararamdaman o ako? Minsan hindi ko maipaliwangan kung ano ba itong nararamdaman ko. Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko talaga si Julian kahit anong mangyare. Pero ako kaya? Mahal na mahal niya kaya ako?

"Huy Mahal. Nakatulala ka na naman." Ani Julian pero hindi na ako nagsalita at niyakap ko siya kaagad. "Oh? Bakit? Namiss mo na naman ako? Parang lagi na lang Mahal ha?" Ani niya na ikinangiti ko bahagya.

"Oo. Lagi kitang namimiss. Stay muna tayo ng ganito kahit ilang minuto lang. Doon tayo sa bench. Yayakapin lang kita." Ani ko at agad namang kumalas si Julian sa pagkakayakap sakin at hinawakan yung kamay ko. 5 hours na hindi kami mag-kaholding hands kanina.

Nakaupo na kami dito sa bench habang pinagmamasdan yung paglubog ng araw. "Mahal, anong gusto mong ulam? Pag-aaralan ko siyang lutuin para sa'yo." Ani Julian, kaya napaisip ako at may pumasok sa utak ko na maganda.

"Mahal, hindi mo naman kailangan lutuin yung kakainin ko." Ani ko at napatawa ng malakas tsaka mapayakap sa kanya ng mahigpit.

"Ikaw talaga kahit anong mangyare Maniyak ka na. Dali na seryoso ako. Para naman may magawa ako sa'yo." Ani niya kaya naman nag-isip na ako ng seryoso. "How about yung favorite mong sinigang?" Ani niya na nagpa-oo sakin.

"Oo. Mahal ayun na lang. Basta siguraduhin mong masarap 'yan ha? Kasi kapag hindi iba talaga kakainin ko." Ani ikinangiti niya na lang. " Ano? Tara na Mahal medyo dumidilim na eh."

"Ayan yung isa sa mga nagustuhan ko sa'yo. Ang positive mo lang lagi kahit anong mangyare. Huwag mong babaguhin 'yan kahit anong mangyare ha?" Ani niya na ikinangiti ko at hinalikan ko siya sa pisngi niya kasi alam kong ayaw niya naman sa labi at niyakap ko siya.

"Oo naman Mahal, kahit anong mangyare positive lang ako. Sa pag-aaral, sa mga pangarap natin. Sa relasyon natin. Basta tatandaan mo ha? Mahal na mahal kita. At sobra akong nagpapasalamat kasi dumating ka sa buhay ko." Ani ko at nariring ko siyang tumatawa. "Bakit Mahal?"

"Ang oa mo Mahal. Hahaha."

"Ahh. Basta. Mahal na mahal kita kahit sabihin mong oa pa ako." Ani ko at tumayo na siya kaya tumayo na rin ako. " I love you Mahal.

"I love you too. Tara na. Nagugutom na ako.