Chereads / The Miracle of Love / Chapter 5 - Chapter 5: English Month

Chapter 5 - Chapter 5: English Month

(Julian POV)

Tumatakbo na nga talaga ang araw. Biruin mo English month na namin ngayon. Mabuti na lang at na-assign lang ako sa mga design kasi kung ma-aassign din ako bilang isa sa mga mag-papalaro hindi ko na ma-eenjoy 'tong araw na'to.

Mag-kasama kami ngayon ni Terrence, habang patingin-tingin lang sa mga nag-lalaro ng mga activities nilang naisip.

"Ito Mahal, maganda o hindi?" Tanong ni Terrence habang may pinapakita saking mga sasakyan. Reregaluhan daw kasi siya ng Mom, niya bilang Graduation gift.

"Maganda yan Mahal, pero mas-trip ko yan kapag-color red. Para maangas tignan." Sagot ko sa tanong niya. Tumango-tango na lang siya. "Mahal, lunch muna tayo. Gutom na kasi ako eh." Ani ko kay Terrence.

"Ay. Sige tara sa canteen."

-------

kumakain ako ngayon pero si Terrence kanina padin kalikot ng kalikot sa phone niya.

"Mahal, kumain ka kaya muna. Hindi mo pa kasi nagagalaw 'tong pag-kain mo oh?"

"Ay. Sige sige Mahal, mamaya unti." Ani niya at balik ulit sa phone niya.

Tinigil ko ang pag-kain ko sandali at tinitigan ng seryoso si Terrence. "Terrence, ano? Puro phone na lang ba ang uunahin mo? Okay lang sakin kung hindi mo ako pansinin pero yung hindi mo pag-pansin sa pag-kain mo. Ibang usapan na yan." Ani ko na medyo may pagalit na sa tono.

"Oo na Mahal, sorry na." Ani niya at sumubo ng kanin na may ulam at balik ulit sa phone niya. Tumayo ako at nag-walk out. Feel ko nonsense yung mga sinasabi ko.

"Mahal, teka lang naman. May importante lang kasi akong ginagawa eh."

"So mas importante sa pag-kain yang ginagawa mo?"

"Hindi naman sa gan--" Hindi ko na siya pinatapos mag-salita at sumingit ako bigla.

"Terrence, Stop. Uuwi na ako. Pagod na ako. At huwag kang mag-tangkang ihatid ako o sundan, makikita mo yang hinahanap mo." Ani ko at tsaka nag-walk-out. Ewan ko ba? Napagod lang ata talaga ako. O kaya naman nag-seselos ako sa kung sino o ano man yung importanteng bagay na yun.

-------

Lalabas na sana ako, nang biglang tawagin ako ni Pres.

"Julian, pwede ka bang mag-volunteer para sa event mamayang hapon. Yung about sa youth club?" Ani Pres.

"Pasensiya na Pres, hindi kasi maganda pakiramdam ko ngayon. Pagod ako, pauwi na sana ako para mag-pahinga."

"Ah. Ganon ba. Sayang naman. Pero marami pa namang next time, gusto mo ipahanap ko si Terrence, para maihatid ka niya? Kasi for sure mag-aalala yun kapag malaman niyang mag-isa ka lang umuwi ng hindi maganda yung pakiramdam mo." Ani Pres.

"Ay. Hindi na Pres, kaya ko na 'to. Tsaka for sure busy yun ngayon."

"Busy? Bakit na-assign ko ba siya para sa mga activities? Parang hindi naman ha?" Ani niya. Hindi siya sa mga activities busy, sa phone niya.

"Pres, I'm okay. Ako na lang. salamat sa pag-aalala." Ani ko at tumuloy na ako sa pag-lalakad.

-------

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at naka-tingala sa kisame. Ano ba yan? Feel ko na parang hindi ako mahal ni Terrence, o kaya naman na wala akong tiwala sa kanya. I am almost 21 and I feel I was so immatured.

"Ding… Dong… Ding… Dong…"

"Mom, may tao po!" Sigaw ko, tinatamad kasi akong tumayo.

Maya-maya pa ay narinig kong pumihit yung door knob. Kaya napatingin ako sa kinalalagyan ng pinto. Nakita ko si Terrence na may hawak na Choco drink.

"Mahal, sorry. Kaya lang naman ako busy kanina kasi para sana sa darating na Christmas. Nag-paplano kasi ako ng surprise para sayo. Pero okay lang na alam mo na ngayon kesa naman magalit ka sakin dahil sa pagkatutok ko sa phone ko."Ani niya, tumayo ako at nilapitan siya at niyakap siya nang mahigpit tsaka hinalikan sa pisngi. "Mahal, sorry na. kapag may surprise ako sayo, hindi na yung hindi kita napapansin."