(Terrence's POV)
Malapit na mag-christmas kaya ngayon pa lang ay pinapahanda ko na ang lahat. Gusto ko kasi na maayos at maganda 'tong napag-isipipan namin nila Mom at Tita na regalo para kay Julian. Sa ngayon ay nag-momotor ako papunta sa isang lugar kung saan makikita ni Julian ang regalo namin sa kanya. Habang si Julian naman ito at busy kakahawak sa abs ko. Nako talaga 'tong magandang/gwapo na 'to.
Ipinara ko ang motor ko sa isang gilid at bumama na kami. Nandito kami ngayon ni Julian, sa tapat ng isang bahay. At agad ko naman kinuha yung panyong nasa bulsa ko para piringan siya. Nung Naka-piring na siya ay dahan-dahan ko siyang inalalayan para makapasok doon sa gate.
"Mahal, ba't parang nilalamig ako. Nako talaga Mahal sinasabi ko sa'yo, kapag ito biro lang makakatikim sakin ng uppercut." Birong ani Julian.
"Mahal, nandito na tayo. Sana magustuhan mo 'tong regalo namin sayo." Ani ko, at dahan-dahang tinangal yung panyo sa mukha niya.
"Surprise!" Sigaw nila Mom, Dad, pati si Kuya at ang family naman ni Julian, na si Tita Gloria at Tito George.
"Diyan na tayo titira Mahal!" Ani ko at nakita ko naman sa mukha yung pagka-surprise at pagkagulat din at the same time.
"Ha? Papaano ka nakabili ng ganyan?" Mangha niyang sabi.
"Actually sila Mom at Tita Glo ang nag-plano nito. Regalo nila satin 'to. Ang kaso narinig ko yung pag-uusap nila kaya yun, tinulungan ko na lang silang supresahin ka." Ani ko, ngumiti naman si Julian, at agad na tumakbo papunta kila Mom at Tita Glo.
"Thank you po sa lahat especially kila Mommy at Tita Bhelen." Ani Julian, at niyakap sila Mom.
"Ahm. Ako Mahal, walang yakap?"
"Yes! Humihirit na si Bunso, oh?" Ani Kuya Steven,
"Manahimik ka nga Mahal, sila Mommy at Tita Bhelen lang naman yung totoong may plano nito eh?"
"Sige na Julian, Nak. Pag-bigyan mo na si Rence, mamaya maging maginaw ang pasko niyan. Diba Pareng Loui?" Ani Tito George, hahaha mukhang nasakin ang alas ha?
"Oo nga Julain, mukhang kawawang aso na diyan si Rence." Ani Dad, at nagtawanan sila.
Nakita ko si Julian, na medyo natatawa pero pinipilit niya lang at naglakad siya papalapit sakin at niyakap niya na ako agad. "Thank you Mahal, masuwerte talaga ako sa'yo. Ngunit bago pa naman ako makapagsalita ay agad na nagsalita si Kuya.
"Sige na Dad, Tito George, inuman po tayo sa loob. Rence, sunod ka ha?" Ani Kuya Steven at tumango naman ako bilang sagot sa kanya.
"Okay. Julain, enough with the hug. May importanteng bagay na sasabihin sa inyo ang Tita Bhelen mo." Ani Tita Glo, kaya agad naman kaming lumapit ni Julian at hinawakan ko yung kamay niya.
"Napag-usapan na namin 'tong lahat. Ako at ang Dad mo Terrence, at siyempre ang Mommy at ang Daddy ni Julian, na pag-katapos na pag-katapos niyong gumadruate ay mag-papakasal na kayo. Which I think not a bad idea right Gloria?" Ani Mom. Teka lang.
"Yes. I approved. Mas maaga mas maganda." Singit pa ni Tita Glo.
"M-mom? Sigurado ba kayo?" Napatanong kong ani sa kanilang dalawa.
"K-kaya nga po Tita Bhelen at Mommy, hindi ba masiyado pang maaga pag-ganon?"
"No. Julian, honey, hindi masiyadong maaga. Nasa tama lang ang lahat. Tamang edad for the both of you. Tama na rin naman kasi mahal niyo na yung isa't-isa at I know gusto rin niyo naman na makasal but hindi pa after graduation diba? Kasi for sure pag-katapos niyong gumadruate si Terrence na ang mag-hahandle sa negosyo nila at ikaw naman Julian, sa negosyo natin. If hindi mo itututloy ang pag-dodoctor mo." Pag-eexplain ni Tita Glo.
"Kaya Bahay at lupa ang naisipan naming bilhin para sa inyo dahil gusto namin kayong bumukod na at mabuhay sa sarili niyo. Engaged na kayo diba?" Singit pang ani Mom.
"Y-yes Mom. Bu-"
"No Buts. Mr. Terrence Martinez." Pamumutol ni Mom sa sasabihin ko.
------
Nandito kami ngayon sa sala nila Kuya, Dad, at si Tito George habang nag-iinuman.
"Oh? Ba't parang ang lalim ng iniisip mo anak? May promblema ka ba? Ayaw mo ba 'tong regalo namin sa inyo? Sabihin mo at maghahanap ako ng mas magandang bahay na malapit lang din dito sa subdivision natin." Ani Dad habang nakahawak sa balikat ko.
"No Dad. Ang bilis lang po kasi talaga ng pangyayare. Parang hindi lang po siguro ako sanay." Ani ko bilang sagot sa kanya.
"Alam mo Rence, anak. Hindi na kayo bata. At alam ko na sobrang mahal na mahal ka ni Julian. Wala kayang araw na hindi binabanggit ni Julian na mahal ka niya raw higit pa sa lahat. Tsaka for sure anak ikaw din ganon mo rin ka mahal si Julian. Kaya walang masama samin na mag-sama na kayo." Ani Tito George.
"Mahal na mahal ko rin po si Julian Tito."
"Oh? Ayun naman pala eh? Tagay na." Singit ni Kuya at nagsitawanan kaming lahat.
Nakalipas ang ilang oras ay isa-isa ng nagsisiuwi ang lahat-lahat. Nagayos muna ako ng bahay at nag-toothbrush tsaka humiga habang inaantay ko na matapos mag-shower si Julian. Nandito na kami sa bahay namin na regalo samin ng mga pamilya namin. Pambihira pati ako na-schock sa regalo nila.
"Mahal, na-check ko na lahat ng gamit natin. Kumpleto na pati yung mga iba nating damit nandito na rin." Ani Julian, habang nag-bibihis ng pantulog.
"Pakiramdam ko tuloy Mahal, nagtanan tayo? Ha-ha" Pabirong ani ko kay Julian. Nung matapos niyang isuot yung pantulog niya ay agad siyang tumakbo papalapit dito sa kama at nahiga at niyakap niya ako.
"Mahal, nami-miss ko sila Mommy at Daddy." Ani Julian, na medyo paluha na.
"Sssh Mahal, it's okay. Promise ko sa'yo na aalagaan kita tulad ng pag-aalaga sa'yo nila Tito't Tita. Pagmamahal nila, at gagayahin ko yung pag-timpla ni Tita ng gatas mo sa umaga."
"Sira. Pero salamat Mahal ha? Dahil kahit papaano naiibsan mo yung lungkot ko. I love you so much Mahal." Ani Julian.
"Welcome Mahal, I love you as alwa-" Napatigil ako kasi hinalikan niya ako sa pisngi at nag-ayos na siya para maka-tulog. "I love you too." Bulong ko sa kanya sabay yakap.