(Terrence POV)
Nandito kami ngayon sa mall ni Julian para bumili ng mga kakailanganin namin sa darating na bagong taon. Masiyadong mabilis tumakbo yung araw parang kailan lang kakapasko pa lang at ito naman ngayon mag-nunew year naman ang sasalubungin naming dalawa.
Nandito kami sa may mga section ng biscuit. Gusto kasi ni Julian mag-graham at gumawa ng cake.
"Mahal, nakalimutan ko yung ingredients para sa cake natin. Sabi ko kasi sayo kanina idownload mo yung pinapanood ko sa phone mo eh." Ani Julian habang busy kakabasa ng mga ingredients na nagpangiti naman sakin.
"Alam ko na donwload ko 'yun Mahal? Teka hanapin ko lang." Ani ko at agan na binuksan 'yun phone ko. Naalala ko pala na naghahanap ako ng regalo para kay Julian kaya nakalimutan ko idownload yoong sinasabi ni Julian. "Mahal? Nakalimutan ko. Sorry."
"Okay lang 'yun Mahal, mag-baked na lang ako ng cookies para sa new year natin."
-------
Ilang oras din bago nabili lahat ni Julian yung kakailanganin niya. Unti lang 'tong binili namin kasi mahirap sumakay sa motor kong marami kaming bibilihin. Tsaka wala pa yung sasakyan na binili para sakin ni Mom. "Kumapit kang mabuti Mahal ha? Baka malalaglag ka sakin." Ani ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Maniyak ka talaga!" Ani niya at nasampal tuloy ako.
-------
Hindi na bago sa akin ang salubungin ang bagong taon. Mga gagawin ko at dapat kong sundin sa baong taon. Ang bago lang sakin ay si Julian na ang kasama ko at hindi na ang pamilya ko. Naka-mimiss, pero dapat masanay na kami.
"Sige na Mommy, mag-aayos pa kami ng lamesa ni Terrence eh. Bye I love you." Ani Julian kay Tita Glo, sa skype.
"Mahal, ito oh? New year gift ko sayo." Ani ko, sabay bigay sa kanya ng jar na may nakasulat sa loob na letter. Hindi ko kasi alam yung bibilihin ko. Kaya nanuod na lang ako sa youtube ng magandang iregalo para sa partner mo.
"Thank you Mahal. Pero pasensiya na Mahal, wala akong nabiling gift sayo." Ani Julian.
"Kahit kiss na lang Mah-" Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil hinalikan niya ako kaagad malapit sa labi. Feeling ko nga nahalikan niya yung ¼ ng labi ko eh. Hindi lang ata 1/4 ng labi ko baka yung buong labi ko na? Bakit ba kasi ayaw niya na lang akong halikan eh. Edi sana.
"Oh? Akala ko ba gusto mong kiss yung gift ko sayo Mahal? Ba't parang naparalyzed ka na diyan. Don't tell me may iniisip ka na naman na kung ano-anu ha?" Medyo natatawang sabi niya. "Halika na at tulungan mo na akong ayusin 'tong lamesa para sa mga handa natin."
-------
Katatapos lang namin ilagay yung handa namin sa lamesa. Hindi naman karamihan. Para lang saming dalawa talaga yung lahat ng handa. May grahams na isang tupper ware lang, fried chicken na iis=lang piraso at sunog ba yung iba, rice siyempre partner ng friend chisken, softdrink panulak lang, baked cookies ang paboritong ginawa ni Julian, sa tuwing nag-mamonthsarry kasi kami puro pagkain binibigay niya sakin, leche plan na binili lang namin sa Mall kanina kasi every new year daw may leche plan sila, kaya dapat meron din kami, red wine alam niyo na lalasingin ko siya ngayon. Planado na ang lahat, at siyempre yung favorite niyang chocolate. Chocolate drink.
"Mahal, upo ka sa upuan kukunan lang kita ng mga pictures." Ani ko at taas ng camera at kinuhanan siya. "Ibang pose naman diyan." At nakailan din akong kuha ng litrato sa kanya.
"Lagyan mo nang timer yan Mahal, tayong dalawa para may remembrance tayo sa first new year nating dalawa." Ani niya. Kaya agad ko naman itong ginawa. Nilagyan ko ng timer at ipinatong ko yong camera banda doon sa may lamesa na kita kaming dalawa pati mga handa namin.
"Smile."
-------
Kasalukuyang naliligo si Julian, nauna kasi ako at naka-suot na ako ng pulang damit. Sinabihan ko kasi siyang mag-pula kaming dalawa para terno kami ngayong new year.
"Ring… Ring… Ring… Ring…"
"Hello?" Sagot ko sa telepono.
"Rence, Happy new year sa inyo ni Julian. Nakita ko yung post mo sa facebook ha? ang saya niyo ni Julian."
"Ay. Thanks Mom, Happy new year din po. Paki-bati na lang sila Dad at Kuya."
"Okay. Rence, nami-miss ko na yung bunso ko. Dalawin niyo naman kami dito minsan ni Julian, wala na kasing naggu-good night kiss sakin tuwing gabi eh." Ani ni Mom ko, kaya napatigil ako at medyo naluluha.
"I-I m-miss you too M-mom. Hahaha, Ang drama mo naman Mom. Sige na po. Mag-hahanda pa po ako ng mga fireworks. Bye Mom. I love you!"
"Sige na. Bye. Take care my little Rence." Ani ni Mom. At patay ng telepono.
"Mahal? Ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa likudan ko at nakita ko si Julian. Nakita niyang medyo lumuluha yung mata ko. Sabi ko sa sarili ko na magiging matapang ako. Pero tumawag lang yung Mom ko lumuha na ako.
"Na-miss ko lang si Mommy." Ani ko, at lumapit sa kanya at niyakap siya. "Dalawin natin yung parents natin bukas Mahal, ha?"
"Oo naman. Pati ako kanina umiyak din eh." Ani niya. Pero hindi parin kami bumibitaw ng yakap sa isa't-isa. "Sinungaling ka pala Mahal, no?"
"Ha? Bakit naman?" Tanong ko.
"Wala naman tayong fireworks eh." Sagot niya na nag-pangiti saming dalawa.
-------
Katatapos lang ng new year at mag-aalas dos na nang madaling araw nakaupo lang kami dito sa couch ni Julian, at nanunuod ng 'The Beauty & The Briefcase' ewan ko ba dito kay Julian, sabi ko horror or action na lang ang panuorin namin, ayaw niya baka hindi raw siya makatulog. Hawak ko lang yung kamay niya.
"Mahal, bagay pala sa'yo 'tong singsing no?" Ani ko. Mga ilang minuto na rin ng napag-tanto kong walang Julian na sumagot sa tanong ko. Napangiti na lang ako at nakita ko si Julian na tulog na tulog na. binuhat ko siya papuntang kwarto at hiniga ng maayos. "I love you Mahal." Ani ko, sabay kiss sa noo niya.