Tropang Past: Enchanted Adventure

🇵🇭EmpressCie
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 66.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Gulantang

Tropang Past : Enchanted Adventure 1

Sa mundo kung saan ang oras at kalawakan ay naiiba sa daigdig nating mga mortal, makikita ang isang kaharian na unti-unting nilalamon ng kadiliman ng paligid. Sa loob ay matutunghayan ang pagpupulong ng mga mamamayan nito sa pangunguna ng mahal na hari at reyna kasama ang ilang pantas.

"Nasa panganib ang buong lupain ng Postalex. Kung anu-ano ng halimaw ang nagsusulputan at lumulusob sa bawat kaharian. May ilan ng binawian ng buhay, hindi na maaaring madagdagan pa sila.", usal ng hari.

"Ano naman ang inyong imumungkahing dapat nating gawin mahal na haring Zoren?", ani Guru Jerald, ang pantas sa medisina at pagkain.

"Sa tingin ko ay kailangan ng hanapin ang mga hinirang na tinutukoy ng propesiya at dalhin sila dito saka sanayin ang kanilang mga kakayahan at kapangyarihan. Sa ganon ay lalo pang lumakas ang ating panig at wala tayong magiging pangamba sa anumang oras na lulusob ang mga di pa natin natutukoy na kalaban."

"Tama ang mahal na Hari.", segunda ni reyna Annie. "At Dama Arien, ikaw ang nais naming humanap at tumipon sa mga hinirang. Gawin mo ito sa lalong madaling panahon."

"Masusunod mahal na reyna. Mamaya ay agad din akong hahayo para..."

Putol ng dama sa kanyang sasabihin dahil sa biglang umeksena na napakalakas na halakhak demonyo. Natigil ang lahat at sa wari ay nakaabang kung saan lilitaw ang nagmamay-ari ng tinig.

"Paumanhin sa paggambala. Ikinalulungkot ko, pero hindi niyo na maisasakatuparan pa ang inyong mga plano. Hindi nyo na din mahahanap pa ang mga binabanggit nyong sugo dahil ngayon pa lamang ay tatapusin ko na ang inyong mga buhay.", anang lalaking nakataas ang buhok, naka-suot ng itim at may kapang itim din. Sabay labas sa dalawang baraha sa magkabila niyang kamay.

"Hayop ka talaga Jomarie! Pinagkatiwalaan ka ng kaharian.", hiyaw sa gigil ni Arien.

"Tama naman! Hayop ako. Matalinong hayop. At papatayin ko kayo sa hayop na paraan. Mga eklaboo, sugod!"

At naglitawan nga ang mga tinawag niyang parang ninja ang datingan na ang liliksi at bihasa sa paggamit ng samurai.

Tsaka na nga nagsimula ang isa na namang bakbakan. May mga mabilis napaslang sa isang hawi lang ng mga talim.

Kalunuslunos.