Chapter 3 - Prinsipe

Tropang Past : Enchanted Adventure 3

"Hindi kita papayagan sa mga masamang balak mo. Hindi mo na mapipigilan si Dama Arien na hanapin ang mga hinirang!", giit ni Melody.

"Hangal! Akala mo ba ay ganon mo lang ako kadaling mapipigilan?"

At muli silang nagsalpukan ng kapangyarihan na kinabalibag na naman nila. Ngunit mabilis na nakabangon si Jomarie at hinagisan ng barahang naging matalim ang gilid. Nadaplisan sa mukha ang di pa nakakabangong dalaga. Napa-aray siya. Dali-daling nilapitan siya ni Jomarie, sinakal at inangat.

"Katapusan mo na!"

Sabay ng pagsigaw niyang iyon ay ang malakas na pagtama ng pamaypay ni Chona sa batok ng kalabang lalaki. Napatda ang malay non at nabitawan si Melody na agad namang pinuntahan ng kapatid.

"Tara na sa labas. Nandoon na si Mary Anne at si ama. Tapusin na natin ang laban na ito.", si Chona.

"Mabuti pa nga. Mas malakas tayo pag tatlo tayo. Kaya tara na."

Pagbangon nilang dalawa at paghakbang ay nagmulat si Jomarie.

"Teka sandali pala.", tigil ni Chona saka pabagsak na tinapakan sa sikmura ang nakahigang kalaban. "Isa pa para sigurado."

"Ako din. Paganti." At iyon na nga saka nila tuluyang iniwan ang lalaking wala ng malay muli.

Si Arien naman sa kabilang banda ay nagtagumpay ng mabuksan ang balot sa mahikang silid ng prinsipe sa pamamagitan ng pagsagot sa limang palaisipang ang kasagutan ay sa kanya lamang pinagkatiwala ng reyna.

Ang una ay tungkol sa kapangyarihan. Ikalawa ay Pagmamahal. Ang ikatlo ay Pagkakaisa. Ang pang-apat ay Buhay. At ang huli ay Sarili.

Nadatnan niyang himbing ang prinsipe. Hindi nito magawang magising kahit pa napakaingay at gulo sa palibot ng palasyo sapagkat may engkantasyon ng hari at reyna ang silid para sa proteksyon ng pinakamamahal nilang prinsipe.

"Prinsipe, nasa panganib ang kaharian. Iniuutos ng inyong inang reyna na lumisan na tayo."

Sa pagkakataong iyon ay agad sumiksik sa tenga ng batang prinsipe ang boses ng Dama at bumangon siya.

"Ano ba ang nangyayari?"

"Nilulusob tayo ng mga kaaway. Kaya kailangan na kitang itakas utos ng iyong mga magulang."

"Pero saan tayo pupunta?"

"Mamaya ko na sasagutin ang iyong mga tanong prinsipe. Tara na."

At lumabas na sila ng silid.