Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 53 - Chapter 52: Either This or That

Chapter 53 - Chapter 52: Either This or That

THIRD PERSON

"Her head is severely damaged, I'm afraid she might not wake up anymore Mr. de Ayala."

tila bombang pahayag ng batang doktor kay Iker na narinig ng halos lahat ng mga taong naghihintay sa lobby ng hospital.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo Mr. Arnolds." malamig pa sa North Pole na sambit ni Iker. Mapanganib ang tono ng boses n'ya maging ang tinging ipinupukol n'ya sa doktor.

"Or if she's one of those lucky ones who survive but might have a temporary loss of memory...or if worse comes to worst she might lose those memories forever...well, it all depends on the patient Mr. de Ayala." seryosong dagdag pa ng doktor na tila ba hindi pansin ang pagbabanta sa paningin at boses ng binata.

Sa lahat ng taong kasama ni Iker sa pagpunta sa bansang kinaroroonan nila ngayon, bukod kay Duke at sa mga personal guards n'ya...isa ang doktor na ito sa mga nakakaunawa sa ugali ng binata. S'ya ang personal doctor ni Iker at talaga namang walang kukwestyon sa kakayanan n'ya pagdating sa larangan ng medesina.

Ngayon lang nakita ng doktor kung gaano kahalaga ang babaeng pasyente sa importanteng tao na nasa harapan n'ya. Iker de Ayala is his family's benefactor kaya naman ginagawa n'ya lahat ng makakaya n'ya para dito.

Tatlong araw na s'yang walang tulog dahil sa pagmomonitor sa pasyente. The patient responded well to the treatment, but then she might suffered a relapse kaya naman halos hindi s'ya natulog kasama na ang mga neurosurgeon at neurologist na tumitingin sa dalaga.

Ginawa na nila ang lahat ng magagawa nila pero nasa pasyente pa rin kung mapagtatagumpayan ng katawan nito ang lahat ng mga operasyon at medikasyong ibinigay nila dito.

Those people who hurt her are inhumane. Since her body already received damage from the car crash, they made sure to damage her head as well. Her skull fracture needs many months to recuperate.

"Can I see her?"

Hindi na nag-tantrum si Iker ngayon kagaya ng ginawa n'ya ng mga nagdaang araw na halos gilitan n'ya sa leeg ang mga surgeons at doktor na tumitingin sa dalaga. Lahat ng mga hindi magagandang balitang lumalabas sa bibig ng mga ito ay kaagad n'yang sinusuklian ng pangunguwelyo na halos ikahimatay ng mga ito sa nerbiyos at takot. The looks on his eyes and the aura that his body send forth made them feel nervous and suffocated. Wala silang ibang magawa kundi ang lunukin lahat ng takot na nararamdaman nila.

IYA

Madilim...

Sa tinagal-tagal ko nang naglalakad sa kadiliman na 'to, nagtataka na talaga ako kung bakit hindi ko pa nahahanap ang daan palabas. Nasaan ba ako? Ano bang ginagawa ko sa lugar na 'to?

Everytime I think of someone na pwede kong tawagin, wala akong maisip na pangalan.

There's this guy who always calls out to me. Mula sa malayo ay nakikita ko ang malungkot at napaka-gwapo n'yang mukha...pero hindi ko alam ang pangalan n'ya. Pero, part of me says that I know that person. Na importante ang taong 'yun sa akin.

Maraming beses ko na s'yang ginustong tawagan para naman maituro n'ya sa akin ang tamang daan paalis sa madilim na lugar na 'to pero hindi ko alam kung paano s'ya tatawagin. Tumatawag ako pero hindi naman n'ya ako naririnig.

Sino kaya s'ya? Gusto ko malaman ang pangalan n'ya. Baka sakali, marinig n'ya ako kapag tinawag ko s'ya sa pangalan n'ya.

Teka...

Umiiyak ba s'ya?

Bakit ang tahimik n'ya naman umiyak?

Sinong binabantayan n'ya?

"Iya, please. Don't do this to me. Wake up."

Araw-araw 'yan ang naririnig kong sinasabi n'ya. Ako lang naman ang nakarinig sa kanya. Teka nga...hindi kaya ako ang tinatawag n'ya? Ako si Iya? Pero sinasabi n'ya rin kay Delaila ang mga 'yan eh. Dalawang pangalan palagi ang binabanggit n'ya.

So sino ang taksil sa dalawa? Sino ang original? Tsk.

Ang saklap naman. Dalawang babae na kaagad ang nawala sa kanya. Tapos pareho n'ya pang tinatawag. Hindi ba garapalang panloloko naman yata iyon? Iba na talaga ang panahon ngayon. Harapan na kung tumira ang mga manloloko.

"Iya. Wake up."

Napakamot na lang ako sa ulo---mentally. Gising ako okay. Kaya lang, hindi ko mahanap ang daan paalis sa kinaroroonan ko.

Huminga ako ng malalim saka nag-isip ng mabuti. Pero ng dahil sa ginawa ko...sumakit lang ng bongga ang ulo ko kaya naman itinigil ko na lang ang pag-iisip. Ganito ba talaga kapag nag-iisip? Masakit sa ulo?

"Kamusta? Any progress?"

"Three and a half month na s'yang ganyan. Hindi pa ba s'ya nanawang matulog?!"

"Gustong-gusto n'ya talaga tayong pinag-aalala."

"I miss her."

Hmmm...ganito pala ang set up araw-araw. Mas madalas kong marinig ang boses nung lalaking tumatawag palagi ng Iya at Delaila. Pero palagi ko rin namang naririnig ang apat na boses na ito. Isang boses na maganda, ang isa maangas, ang isa tipid na tipid palagi kung magsalita habang ang isa naman it's a mixed of feminine and manly voice.

Pumapayapa ang kalooban ko kapag naririnig ko ang mga boses nila. Pero mas gusto ko kapag ang boses nung lalaking broken hearted ang naririnig ko.

"Gumising ka na aba. Magsawa ka naman sa katutulog! "

Ako ba kinakausap nila?

Ako ba sinasabihan nilang tulog nang tulog?

Bakit kaya hindi maintindihan na hindi naman ako tulog. Gising na gising ako. Hindi nga ako makalabas. Hindi ko alam ang daan palabas.

"de Ayala, anong plano mo? Paano kung habangbuhay ng ganito si Iya? Habangbuhay ka na rin bang ganyan?"

"Marami ka pang makikilalang babae. Ayaw mo bang maghanap ng iba? Yung hindi mo aalagaan?"

Palagi na lang nilang sinusubukan ang lalaking broken hearted.

Well, kung ako talaga ang pinag-uusapan nila dahil feeling ko naman eh ako lagi ang kinakausap nila. Hindi na ba talaga ako magigising? Habang buhay na akong ganito? Pero gusto kong makilala sila. Gusto kong makita ang lalaking broken hearted. Gusto kong makilala ang Iya at Delaila n'ya.

Gusto ko ng makalabas sa lugar na 'to. Ayokong manatili dito habang buhay.

Hindi ko maintindihan pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Biglang sumakit ang puso ko. May gusto akong alalahanin pero blangko ang ulo ko. Ni isa wala akong makita. Kahit anong uri ng impormasyon wala akong makuha sa isipan ko. Blangko ang lahat.

Malakas ang pakiramdam ko na importante 'tong mga taong may-ari ng mga boses sa puso ko pero bakit hindi ko sila kilala? They sound so familiar but I don't know them.

Ano bang nangyayari sa akin?

Sino ako?

Bakit nandito ako sa madilim na lugar na 'to?

"I'll wait for her even if it takes forever, I'm willing to wait for her."

Suddenly there's something happend when I heard his declaration.

I saw a tiny light at mabilis akong tumakbo patungo doon sa takot na baka mawala ang munting liwanag.

"Ngayon lang 'yan. Kapag nanawa ka na, maghahanap ka rin ng iba."

"Why would I look for someone if she's the only one I can see? She's the only one I want and she's the only one I want to spend the rest of my life with."

My heart suddenly felt warm because of his words.

"I love her. Too much."

Smiling and crying, I desperately ran to catch the tiny light. Nang mahawakan ko sa mga kamay ko ang liwanag, unti-unti iyong lumaki hanggang sa lamunin ako noon.