IYA
Hindi ko alam kung anong nangyari pero nang umalis si Mam, nanahimik ang buong klase at lahat sila ay parang mga timang habang nakatingin sa akin.
"May problema ba?" Medyo nawiwirduhan kong tanong.
Nanatili lang silang tahimik. Huminga ako ng malalim saka humalukipkip. At naisip ko, kagagandang tao nitong mga nasa City X mga abnormal naman. Habang pinagmamasdan nila ako ay pinagmamasdan ko rin sila. Mahirap na, mamaya bigla na lang akong kuyugin ng mga ito kapag hindi ako nakatingin.
Matapos ang mahaba-habang titigan at pakiramdaman ay isang bakla ang dahan-dahang lumapit sa akin. Kulang na lang ay tumilapon sa magkabilang direksyon ang magkabilang balakang n'ya dahil sa paraan ng lakad n'yang parang kumikembot na ewan.
"Ahm, H-hello. Ako nga pala si Mark Jose. Pero mas gugustuhin ko kung tatawagin mo akong Josiah, alam mo kase...dyosa talaga ako. Na-trap lang ako sa uhm, sa body na 'to oh," sabi ng baklang nagkanulo sa akin kanina. Nakasuot s'ya ng school uniform na panglalaki pero kakaiba ang way ng pagsusuot n'ya. Feminine and sexy ang dating. Tipikal na boses ng bakla ang tinig n'ya.
"Alam mo kase...si Iker de Ayala...ahm...hindi talaga s'ya tao, monster s'ya. Kaya sorry I have to sumbong you kanina or else kami ang pagbabalingan n'ya,"
Nag-make face pa s'ya pagkatapos at hindi pa nakontento sa pagkakatayo sa harapan ko, lumipat s'ya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.
"Peace na tayo ha. Diba sabi ni Mam family dapat tayong lahat dito? Trash ang tingin sa ating mga taga-section C ng mga nasa section A and B. Pero beshy, iba ka. Nailampaso mo si Iker baby. As long as kaya mo s'yang hawakan sa leeg, kaya mong kontrolin ang lahat. Iba ka besh, panalo,"
Iker baby?
Kaya kong kontrolin ang lahat?
Anong pinagsasasabi ng baklitang 'to?
Tiningnan ko s'ya ng napakatagal. Sa totoo lang wala akong naging kaklaseng bakla noong nag-aaral pa ako sa Katahimikan Elementary School maging sa High School. May nakikita ako at nakilala pero hindi naman nagtagal ang interaksyon ko sa kanila kaya hindi ako masyadong sanay makihalubilo sa mga gay or tomboy.
"Bestfriend na tayo ha. Let's love and support each other,"
Halos tumayo lahat ng mga balahibo ko sa katawan ng bigla n'ya akong yakapin. At ang malala pa dun, ikinikiskis n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko na parang pusa.
"Ako naman si Ayana Vine Frado. You can call me, Yana. Ang astig ng ginawa mo kanina ha. Alam mo bang isa ako sa kinakatakutan ng lahat sa school na 'to pero takot ako kay de Ayala?" Nagniningning pa ang mga mata habang nagsasalita ang isang babae na lumalapit din sa kinaoupwestuhan namin. "Pero ikaw iba ka idol!"
Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang bagong nilalang na papalapit sa akin. Panay ang salita n'ya habang naglalakad. Although pumasok naman lahat sa ulo ko ang mga sinabi n'ya, hindi ko maiwasang inspeksyunin ang itsura n'ya.
Wagas na wagas ang pagkakalagay ng eyeliner sa mga mata n'ya. Maganda at makinis ang kanyang mukha. Kung ang labi ni bakla ay saganang-sagana sa mala-makopang kulay, ang labi naman ng isang 'to ay maputla. Ano nga bang tawag sa ganoong kulay ng lipstick? Nude? Ewan basta feeling ko iyon ang inilagay n'ya. Ang kaunting parte ng buhok n'ya ay pula habang ang ibang parte naman ay puro itim. Ang astig ng dating nun. May suot-suot pa s'ya sa leeg na parang dog collar. At 'yang mga nakasuot sa kamay n'ya na mukha ring dog collar pero ginawa n'yang bracelets, hand collar bang tawag sa mga 'yan?
"Let's be friends,"
Hindi n'ya inalok ang kamay n'ya para kamayan ko. Bagkus ay kinuha n'ya ang kamay ko at s'ya na mismo ang nag-initiate nang handshake. Ayos 'tong mga taong 'to ah. So I have to be their friends whether I like it or not?
Hindi pa ako nakakabawi sa pagkagulat ay may isa na namang paparating. Fit na fit sa makurba n'yang katawan ang long sleeve blouse na uniform namin. Above the knee lang ang paldang suot n'ya and its so sexy to look at dahil maganda ang hubog ng mahahaba nyang mga hita at binti. Alunan ang buhok n'yang mukhang alaga sa parlor. Nakaayos din ang kilay n'ya pero hindi kaseng wild ng kilay ni baklita. Naka-blush on din pero manipis lang.
"I'm Celeste Reymundo. Just call me Ces. If you need a boy, boyfriend or boy toy...just call me,"
A-ano d-daw?
Pakiramdam ko bigla akong nabingi dahil sa narinig ko. Ano namang gagawin ko sa boy toy? Gustong-gusto ko na tuloy magpalamon sa lupa para lang maiwasan ang napaka-flirt n'yang pagkindat sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na s'ya lumapit para makipagkamay dahil hindi ko alam kung paano s'ya i-entertain. Ang baklitang linta kase, hanggang ngayon nakadikit pa rin sa katawan ko. Susme, anong oras ba ang break time?! I wanna break free as in now na!
Muling bumalik si Celeste sa inuupuan n'ya pero nakatingin pa rin s'ya sa amin. Hindi ko gusto ang napaka-playful na ngiti na nakaguhit sa mamula-mula n'yang mga labi. There's a hint of amusement in her eyes na hindi ko na lang pinansin dahil pakiramdam ko, may bagong disaster na namang paparating.
At hindi nga ako nagkamali. Mula kung saan ay lumitaw ang isang lalaking may nakasukbit pang camera sa leeg.
"Hello. So ikaw si Delaila? May palayaw ka ba?"
Ilang beses akong napakurap-kurap. Himala, hindi s'ya nagpakilala.
"Pakialam mo sa palayaw ko?" Nakataas ang kilay kong tanong na umani ng masigabong palakpakan mula sa mga kaklase ko. Ano bang meron? Bakit hindi ako maka-relate sa mga trip nila sa buhay?
"Fierce. Syempre, hindi ka naman siguro papayag na ipagsigawan namin sa buong campus ang pangalan mong Delaila kapag hinahanap ka namin diba? Alam mo na, mahirap ng mapagkamalan kaming si Samson mo kapag nagkataon,"
Nakangisi pero may halong pang-aasar na wika pa ng lalaki. May point naman ang sinabi n'ya. Kahit nga ako minsan nauurat kapag paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko.
"Iya,"
"Whoa. So it's Iya. Well, nice to meet you Iya. I'm Park Soo, photographer. Kung gusto mong magpa-picture ng naka-kimona or one piece, two piece, no piece. Walang problema. Libre lang kung magiging dyowa kita at 50% off kung kaibigan kita. You ---ARAY! Sinong sumapak sa akin?! Sino?!"
"Ang ayos-ayos ng usapan dito sinasamahan mo na naman ng kamanyakan. Kaya ka palaging ipinapatapon sa section C eh. Ayos na sana kami dito kaso bakit sinamahan pa ng manyak na kagaya mo?!" Gigil na tanong ni Yana na akmang mananapak pa ng isa pero mabilis na nakaiwas ang nagpakilalang si Park Soo. Sa palagay ko may lahi s'yang korean. Kakaiba ang mala-labanos n'yang kutis eh. Ang cute din ng medyo burgundy n'yang kulot na buhok.
"Masyado ka namang judgemental! Hindi porke't nagpi-picture ako ng subject na nakahubad manyak na ako! Art ang tawag dun! ART! Umamin ka nga, nakatali din sa dog collar 'yang utak mo ano kaya ang syet mo mag-isip?!"
Halos manlaki ang mga mata ni Yana dahil sa narinig na sinabi ni Park. Hindi n'ya siguro inaasahan na sasagutin s'ya ng ganun-ganon ng lalaki. Ako din, hindi ko rin lubos maisip na ganoon katatalas ang dila ng mga tao dito.
"Pabayaan mo na ang love team na 'yan. Grade 7 pa lang, ganyan na sila,"
Napatingin ako sa malaking lalaki na humarang sa paningin ko. Sa laki ng katawan n'ya, s'ya na lang ang nakikita ko.
"Ako nga pala si Peter Uy. Sikat ang grupo namin sa aming lugar. Sampu sa klaseng 'to ay mga disipulo ko. Ang kalbong 'to ay si Alvin Beltran. Ang apat na 'to, hindi n'yo lang alam pero dancer ang mga 'to. Palagi silang nananalo kapag sumasali sa mga kumpetisyon sa barangay namin. Si Rennel Carpio, Emman Laurencio, Robert Manalo at si Philip Morris. Ang aming singer na si Jonathan Ho. Ang guitarist namin na si Harold Atienza. In-born ang pagiging mute n'ya. Ito naman ang triplets na sina Samuel, Sonny at Sue Almendraz,"
Napapalunok ako habang sinusundan ng tingin ang mga taong itinituro nang dambuhalang si Peter. Mukhang sinusubok ng panahon ang memorya ko ah. Paano ko naman matatandaan ng isang araw lang ang mga pangalan nila? Mabuti sila, ilang taon ng magkakasama. Paano naman ako na ngayon lang dumating? Plano ba nilang paduguin ang utak ko?
"At dahil nagpakilala na silang lahat, parang hindi naman magandang hindi kami magpakilala diba? Kami ang mga muse ng section C mula pa noong Grade 7. I'm Herlene Perez, this one is Amanda Ramirez, Heiley Dallas, Angielyn Arellano and the last but not the least Jenelyn Malolos,"
Isa-isa kong tiningnan ang mga babaeng akala mo ay pipila sa madilim na Syudad ng City X. Who can blame me for thinking like this? Kulang na lang makita na ang kuyukot ng puwet nila sa sobrang iksi ng mga paldang suot-suot nila. At sa tuwing itataas nila ang kanilang mga kamay, sumisilip din ang makukurba nilang mga balakang dahil nagmukha ng crop top ang long sleeve blouse na uniform. Pero habang tinitingnan ko sila sa malapitan, magaganda silang lahat kaya nakakapagtakang nagsusuot pa sila ng ganyan kaiiksi. O baka naman mas kumportable lang talaga sila sa ganyang style?
Nang matapos silang magpakilala ay sumunod naman ang iba. Halos hindi ko na matandaan ang mga pangalan dahil sa sobrang dami nila. Forty ba naman silang lahat, plus ako na mukhang isiningit lang di forty one na kami.
Talagang magaling ang nanay ko ha. Mukhang sinadya n'ya talaga na i-enroll ako ng late para sa lugar na ito ako bumagsak. Hindi bale, mabilis naman akong maka-adjust. Walang kaso kung mga kriminal pa ng City X ang makakasama ko araw-araw. As long as makakapag-aral ako. Sisiguruhin kong makaka-graduate ako. Magkokolehiyo ako at maghahanap ng maayos na trabaho.
Pagkatapos noon, lalayas na ako sa buhay ng magaling kong nanay. Asa naman s'yang matataggap ko s'ya bilang nanay ko. Kahit s'ya pa ang pinakamayamang nilalang sa buong mundo, hinding-hindi ko s'ya hahabulin.
"I'm Maria Delaila Magtanggol. Tawagin n'yo na lang akong Iya. Let's all be friends,"
Nakangiti kong sambit.
Sa mundong ito na ako lang ang mag-isang lumalaban, kailangan kong makabuo ng sarili kong pwersa para sa hinaharap. Ang mga kabataang 'to ay galing sa mga may sinasabing pamilya. Kung magkakaroon ako ng koneksyon sa kanila, kung magiging kaibigan ko sila. Hindi na ako gaanong mahihirapan in the future.
Naningkit ang mga mata ko dahil sa naisip ko. Wala akong koneksyon? Pwes, gagawa ako. Hindi ako papayag na corner-in ako ng buhay sa isang sulok ng hindi man lang lumalaban. Lalaban ako. Kahit na hindi ako sanay makihalubilo, kahit na hindi ako sanay makisama sa ibang tao...dahil iba na ang sitwasyon ngayon. I must learn how to interact and survive. I must fight!
I must do my best para sa brighter future. Para sa lola ko. Para sa kapatid ko. Para sa pamilya ko.
"Hey, Beshy. Anong inginingisi-ngisi mo d'yan? Nakakatakot ka. Pinaplano mo ba kaming ibenta kay Iker baby?"
Napatingin ako kay baklita.
"Andyan na si Mam. Bumalik ka na sa upuan mo," paiwas kong sagot. Alam kong sa mga taong 'to magsisimula ang plano ko. Pero bilang kabilang sila sa mga taong tinatawag na 'basura' ng sirkulasyong kinabibilangan nila, kailangan kong gumawa ng paraan para maalis sa kanila ang nametag na 'basura o trash'.
"Ay hindi, dito ako uupo. Wait kukunin ko lang ang bag ko." Pumipilantik ang mga daliri sa kamay at balakang n'ya habang naglalakad palayo. Napailing na lang ako.
Sana naman makaya kong pakisamahan ang kakaibang nilalang na 'to.
Naupo sa kanang bahagi ko si baklita habang sa kaliwa ko naman ay umupo si Yana.
"Teka nga, iurong n'yo nga ang mga upuang 'yan dito. Para kayong outcast eh," ani Ces.
Mabilis na tumayo sila Ayana at Josefa at inilipat ang upuan nila sa may bandang likuran nila Ces. Nang matapos sila sa upuan nila ay upuan ko naman ang inilipat nila. Napapagitnaan pa rin ako ng dalawa. Nasa unahan ko naman si Sue Almendraz na isa sa mga triplets. Pansin ko na napaka-mahiyain n'ya.
"Anong next subject natin?" si baklang Josefa ang nagtanong.
"Ang pinaka-hate ko sa lahat. Mathematics. Bakit kaya hindi na lang nila ako pagbilangin kung ilan na ang naging dyowa ko? Pinapahirapan lang nila tayo sa paghahanap ng 'x' at pagtatanong ng maraming 'y'."
Si Herlene Ramirez ang nagsalita. Nasa pangatlong row ang upuan n'ya kung magbibilang mula sa likurang row.
"Ay sistah gusto ko 'yan. Sige, magbilangan muna tayo hanggang wala pa si Mam. Nakailan ka na ba?"
Napakamot na lang ako sa ulo. Pagdating sa mga ganyang usapan, wala akong alam.
"Nakahanda ba ang tenga mo 'te? Baka hindi mo kayanin ang katotohanan?" Nakangising tanong ni Herlene kay Josefa.
"Anong katotohanan?" Nagtatakang tanong ni Josefa dahil sa kakaibang tono at ngisi ni Herlene. Kahit ako ramdam kong may something na hidden meaning sa sinabi ni Herlene. Hindi ko lang ma-point out kung ano. Ano ba namang malay ko sa dyowa-dyowang 'yan eh puro kabute at puno ng saging ang kasama ko sa bukid.
"Na sinusulot n'ya ang mga dyowa mo. Insecure kaya s'ya sa kilay mo," anang isang natatawang tinig. Hula ko ay isa iyon sa mga kaibigan ni Herlene.
Napalingon ako kay Josefa at curious na tiningnan ang reaksyon n'ya. Nanlaki ang mga mata n'ya, hindi pa nakontento ay tumayo s'ya sabay hampas sa armchair ng upuan n'ya.
"WHAT?!"
Dumadagundong ang boses n'ya. Napayuko na lang ako. Feeling ko, naligo ako sa laway ni bakla dahil sa intense ng pagkakasigaw n'ya.