IYA
Dalawang linggo rin ang matuling lumipas bago dumating ang pasukan. Si Wendy ang nag-enroll sa akin. Binigyan n'ya ako ng school uniform at mga gamit na kakailanganin ko for school.
"Heto ang atm mo. May laman ng 20k 'yan. Ipapa-deposit ko ang another po 20k at the end of the month. After school, gusto kong bumili ka ng matitinong mga damit. Kahit palagi ka lang nasa silid na inilaan sa'yo, magsuot ka ng mga damit pangtao. Mukha kang basura d'yan sa suot mo,"
Wow.
Nahipan ba s'ya ng hangin? Kung kahapon mukha lang s'yang cold at distant. Ngayon may isa pang nadagdag sa ugali n'ya. Parang mas dumoble pa ang pagiging rude n'ya sa pagiging rude ko kahapon. Lihim akong napangisi. Much better. Mas okay nga na ganito kami kesa nagpapakita kami ng kakaibang feelings for each other. Nakakapangilabot 'yun.
"Okay Tiyang, mamaya pagkatapos ng klase magsa-shopping ako para naman walang nakikitirang basura dito sa loob ng villa ninyo," I said calmly habang binigyan ko ng kakaibang tono ang salitang 't'yang'. Kaswal na kinuha ko ang atm card na iniabot n'ya. May pangalan ko iyon. Hindi ako makaramdam ng kahit ano habang hawak-hawak ko ang bagay na naglalaman ng malaking halaga.
Simula pagkabata sinanay na ako ni lola na huwag mahumaling sa pera o mga materyal na bagay. Dahil ang palagi n'yang sinasabi ay hindi naman importante ang mga iyon dahil lumilipas din. Pero sa lagay n'ya ngayon, kailangan namin ng pera. Ng maraming-maraming pera. Noon akala ko lahat ng perang nasa apat na digits ay malaki na. Nagkamali pala ako. It's nothing compared to what we need. We need lots and lots of it. Kailangan para matustusan si lola. Para mabigyan ko ng maayos na kinabukasan ang kapatid ko. At para hindi ma-disappoint si Tiya Daning.
Tiningnan ko ang babaeng abala na sa pagbabasa ng kung anumang dokumento. Dahan-dahan akong tumayo. Hindi ko maramdamang dapat akong makonsensya dahil piniperahan ko lang s'ya. Kaunting halaga lang naman ito kung tutuusin. Baka nga barya-barya lang ito sa kanilang mag-asawa.
"Wait. There's something I forgot to tell you,"
Huminto ako sa paglalakad saka lumingon sa kanya. Inalis n'ya ang reading glasses na suot n'ya.
"Sa darating na pasukan hindi ka pwedeng sumabay kila Flaire at Wella sa pagpasok. Magco-commute ka papuntang school. Wala akong pakialam kung anong oras ka man umuwi, just remember to take care of your self. And if possible, huwag ka namang magpuyat. Remember also that we need a healthy blood donor para kay Wella. Kapag tinanong ka ng iba kung ano ang relasyon mo sa anak ko, just tell them na distant relatives kayo. And don't go near my daughter. Itanong mo kay Nanay Loleng kung ano ang sasakyan mo pagpasok at pag-uwi."
Ilang minuto ko ring dinigest ang mga sinabi ng magaling kong nanay. Nagkibit ako ng balikat. Her tongue is like a sharp edge of a knife, wounding and cutting my cold heart deeply.
"Okay. No problem,"
Tuluyan na akong tumalikod saka hinanap si Aling Loleng. Nasa labas s'ya ng mansion at inaayos sa magara at mamahaling kotse ang mga gamit nila Wella at Flaire. Mas lalong gumanda ang dalawa dahil sa ayos ng buhok nila. Naka-make up sila pero manipis lang naman. Lalong na-enhance ang ganda nilang natural na natural. Bagay na bagay ang uniform sa kanilang dalawa.
"Oh, Iya. May kailangan ka ba?" tanong ng ginang. "Kaloy, pwede na kayong umalis," baling n'ya sa driver bago isinarado ang pintuan ng kotse.
Pinagmasdan naming dalawa ang papaalis na sasakyan.
"Itatanong ko lang po sana kung ano ang sasakyan ko papunta sa Allejo de Ayala Academy?" baling ko kay Aling Loleng nang tuluyang mawala sa harapan namin ang kotse.
"Iyon ba? Paglabas mo ng villa may mga L3 Shuttle na dumadaan d'yan. Minsan matagal silang dumating kaya dapat agahan mo sa susunod ang pagpasok. Fifteen pesos ang pamasahe mula dito sa Villa. At ito nga pala, listahan ito ng pagkaing dapat mong iwasan hangga't maaari. Ingat ka sa pagpasok ha,"
Tumango ako kay Aling Loleng saka nagpasalamat. Naglakad na ako palabas ng mansion. Mahaba ang pathway mula sa mansion nila hanggang gate. Susme naman, mauubusan ako ng taba kapag araw-araw kong gagawin ang paglalakad dito. Pero dahil gustong-gusto yata ng magaling kong nanay na nakikita akong nahihirapan hinding-hindi ko rin ipapakita sa kanya na sumusuko ako. Ako pa ba?! Para sa pamilyang naiwanan ko sa Probinsya ng Katahimikan gagawin ko ang lahat. Sisiw lang 'to. Kaya ko ngang tumawid sa kung ilang bundok eh.
Saktong may humintong shuttle paglabas ko ng villa. Salamat naman! Twenty minutes ang byahe mula del Rosario Villa hanggang sa labas ng Subdivision dahil medyo malayo ang kinaroroonan ng villa ng magaling kong nanay plus panay pa ang hinto ng shuttle dahil sa pagbaba at pagsakay ng mga pasahero. Maraming nagdadaanang mga jeep sa labas ng Subdivision. May ilang jeep na hanggang Academy talaga. Mabilis akong nakasakay. May ilang mga estudyante rin ako na nakasabay sa loob ng sasakyan. Base sa obserbasyon ko, hindi naman sila mga rich kids. Mga scholars siguro sila sa paaralan o mga half scholars. Hula ko lang naman. Baka mamaya mga anak mayaman pala talaga sila na nagpapanggap anak mahirap.
From the Subdivision to the Academy, 20 minutes din ang byahe. Walang traffic iyon.
Sumabay ako sa mga estudyante pagpasok sa loob ng campus. Napaka-lawak ng school. Hanggang third floor ang ilang mga building. Nahahati sa dalawa ang naturang paaralan. Ang mga building sa kaliwang bahagi na mas maliit ng kaunti sa kanang bahagi ay ang Middle School. Naroon ang Grade 7-10. Nasa kabilang bahagi naman ang Senior High. Grade 11-12. Nahahati sa iba't-ibang Strand ang mga building na nasa kanang bahagi.
Ayon sa record na ibinigay sa akin nasa Building 3 ang classroom ko. Hindi ko alam kung nananadya ba o talagang wala lang paki ang magaling kong nanay. Sa average kong 97, sa section C ako bumagsak? Takte na 'yan. So anong klaseng mga nilalang pala ang nasa A at B? Sila ba iyong kaseng talino nila Albert Einstein o baka naman mga milyonaryo lang talaga sila at binayaran nila ang mga upuang nasa matataas na section?
Whatever.
Sa bawat building ay may nakalagay kung pang-ilan iyon kaya naman mabilis kong nahanap ang building na hinahanap ko. Kaso, nasa third floor ang classroom ko dahil ang buong first floor ay gamit ng section A. Ang second floor ay sa section B. So naturally, sa section C ang third floor. Kaloka, andami namang alam ng pamunuan nitong paaralan. May mga ganito pang eklabush eh. May kanya-kanyang grupo ang bawat estudyanteng nadadaanan ko. Wala silang pakialam sa kagaya kong naglalakad mag-isa. Wala rin naman akong pakialam sa mga gaya nilang nakikipag-plastikan lang at nagpapataasan ng ihi sa isa't-isa.
Dahan-dahan akong humakbang paakyat sa hagdanan. Pambihira, quotang-quota ako sa lakad ngayong araw na ito ah. Bago pa ako makarating sa patutunguhan ko, ngarag na. I'm sure magmumukha na akong tagabundok na hinabol ng tikbalang sa daan.
Hindi ako nagmamadali sa bawat paghakbang na ginagawa ko. Ang dami-dami na ngang baitang ng hagdanan magmamadali pa ba ako?
At sa wakas, makalipas ang sampung dekada nakarating din!
Medyo nawindang lang ako sa lugar na nadatnan ko. Hindi ko kase makita kung anong parte ba ng silid ang masasabi kong classroom dahil mas mukha iyong sabungan. Gulo-gulo ang mga upuan. Naghihiyawan din ang mga estudyanteng nasa loob. Naka-uniform sila pero iyong mga lalaking estudyante, ang hihitsurahin ba naman ng mga pangloob na t-shirt o sando. Sa halip na puti ay sari-sari ang kulay ng damit panloob na suot nila. Ang mga babae naman, fit na fit ang mga blouse. Nagmukha tuloy akong manang dahil ang paldang suot ko ay below the knee samantalang ang mga paldang suot nila ay nagmukhang mini-skirt sa ikli.
"Hoy, tama na nandyan na si Ma'am!"
Sigaw ng isang estudyante. Na-estatwa tuloy ang mga estudyanteng nasa gitna ng classroom na hindi ko maintindihan kung nagsasabong ba o nagsasayawan lang ng budots. Wala naman silang dalang mga manok so I assume na nagsasayawan nga sila. Kaya lang, wala rin naman akong naririnig na tugtog.
Pero teka lang...
Bakit nakatingin silang lahat sa akin?
Napalingon tuloy ako sa likod ko. Wala namang ibang tao.
"Syunga, kaklase natin 'yan!" bulalas ng isa na binatukan pa ang lalaking naunang magsalita.
"Ay, akala ko si Aleng Minerva eh. Hahaha!"
"Oo nga. Pareho kase silang manang. Hahaha!"
Bumaba taas ang kilay ko dahil sa mga narinig ko. So napagkamalan nila akong teacher nila dahil according to them, ang manang ko daw? Kung manang ako... ano sila? Mga prostitutes na pumupila sa madilim na bahagi ng Syudad sa City X? Hindi ko na lang sila pinansin at saka dire-diretchong naglakad. Bakit ko naman iko-concern ang sarili ko sa kanila. Nandito ako para mag-aral. Hindi para makipagbasag-ulo sa mga kagaya nilang mga isip bata.
Nakahanap ako ng apat na bakanteng upuan sa bandang dulo. Limang upuan iyon pero may nakaupo na sa isang upuan kaya naman apat na lang ang bakante. Naupo ako tabi ng lalaking tulog na tulog at walang pakialam sa paligid. Sa lahat ng masarap katabi sa upuan ay iyong kaklase mong masipag matulog. Hindi ko kailangang makipagkwentuhan sa kanya dahil tulog s'ya. Hindi ko rin kailangang i-explain sa kanya ang lesson kapag hindi n'ya naintindihan dahil nga tulog s'ya.
Hindi ko napansin na tila huminto ang mundo ng mga kaklase ko dahil sa ginawa ko. Ano bang pakialam nila eh mas gusto kong katabi ang mga taong mahihilig matulog?
Hindi ko na sila pinansin. Kinuha ko sa bagong-bago kong bag ang cellphone na iniabot ng magaling kong nanay kanina. Kahapon ay binigyan n'ya rin ako ng laptop. Pinaglumaan daw iyon ng anak n'ya kaya kesa bumili daw s'ya ng bago ay iyon na lang ang gamitin ko. Wala namang kaso iyon sa akin. Kapag sila daw ang tumawag ay kailangan ko raw sumagot kaagad. Hindi naman mamahalin ang biniling cellphone pero kung iuuwi ko ito sa probinsya namin, pagtitinginan na ako ng mga kababata ko doon at tatawagin na nila akong rich kid.
"Si de Ayala 'yan diba?"
"Oo. Pero bakit nandito 'yan?"
"Ang pagkakaalam ko Grade 11 na 'yan, bakit nandito 'yan sa classroom natin?"
"Baka bagsak na naman 'yan kaya kaklase natin ngayon,"
Although naririnig ko ang pagbubulungan nila na para namang hindi nagbubulungan dahil sa volume noon ay hindi ko na lang din iyon pinansin. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwang tenga. Ganoon lang naman kasimple. Inabala ko na lang sa pagkakalikot ng cellphone ang sarili ko. Plano kong bilhan sila Trii pagbisita ko sa kanila para naman may contact kami. Hindi kumpleto ang araw ko ng hindi naririnig ang boses ng kapatid kong 'yun.
Makalipas ang kalahating oras ay napansin kong tumahimik na ang mga kaklase ko. Nagtatakang nag-angat tuloy ako ng paningin. Sakto namang pumasok sa loob ng aming silid ang isang napakagandang guro. Palagay ko nasa 25-27 pa lang ang edad n'ya.
"Good morning class."
Napaka-strict ng boses n'ya. Seryosong-seryoso din ang mukha n'ya habang nagsasalita. Nagpunta s'ya sa harapan ng board at kumuha ng chalk. Sa malaking black board ay isinulat n'ya ang kanyang pangalan.
Ms. Jacinta Reyes.
"I said, good morning class."
Mas naging stern pa ang pananalita n'ya kaya naman lahat kami ay sabay-sabay ding bumati ng good morning.
"Ako si Ms. Jacinta Reyes, ang magiging adviser ninyo ngayong taon. Mula sa faculty ay marami na akong naririnig about sa mga estudyante dito sa section C. At bilang adviser ninyo, sinikap kong kilalanin kayong lahat. Iyong iba sa inyo ay drop out sa ibang school habang ang iba naman ay galing din sa paaralang ito pero na stuck na sa section C. Karamihan pa sa inyo ay mga gangster na puro kalokohan ang pinaggagagawa. At ang iba naman ay gusto lang lustayin ang pera ng kanilang mga magulang at para masabi lang nang ibang tao na nag-aaral nga."
Natameme ang lahat. Napaisip naman ako. Hindi ako nag-drop out. Hindi ako gangster. At mas lalong mahirap lang ang lola ko kaya malabong mapabilang ako sa mga estudyanteng nanlulustay ng pera. So, saang kategorya ako nabibilang? Ahh, alam ko na. Saan pa nga ba, hindi ba't sa katergoryang inabandona at ayaw kilalanin ng sariling ina? Napangiti ako ng mapait. Napakahusay. Wala akong masabi sa katalinuhan ng nanay ko. Talagang dito n'ya ako isinama sa grupong ito. Mga kabataang sinukuan na ng lipunan.
Natatakot ba s'yang malagpasan ko ang achievement ng anak at pamangkin ng asawa n'ya?
She's so petty.
"Walang gustong maging advisory class kayo so I took the job. Not because I don't have a choice but because I know that you deserve a second chance. Based on my own experience, kagaya rin ako ng ilan sa inyo. Pariwara, matigas ang ulo at may sarili akong batas na sinusunod ko. But then at the end of the day, maghahanap pa rin tayo ng isang taong tutulong sa atin para maka-recover. Para makaahon. I am no superhero. I am not wonderwoman. But I'm willing to give you a helping hand kung gusto n'yo talagang ipakita sa iba na kahit isinusuka na kayo ng lipunan, nandito kayo...sa classroom na ito hindi para lang magpasikat. Kundi para ipakita sa iba na may silbi din kayo,"
Mula sa simula ng speech n'ya ay natulala kaming lahat na magkakaklase. Ni hindi man lang kami prepared na may ganito pa lang magaganap na sundutan ng konsensya. Hindi lang atensyon ko ang napukaw n'ya. Maging ang atensyon ng mga mukhang sanggano kong kaklase ay kuhang-kuha rin ni Mam Jacinta.