Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 7 - Chapter 6: The Blood Donor

Chapter 7 - Chapter 6: The Blood Donor

AJ

Hindi sumagot sa tanong ko si Iker. Tama naman ang sinabi ko hindi ba? Lahat nga ng babaeng nagtangkang humawak sa kanya puro pilay na. Paano pa ang babaeng iyon? Paano s'ya nakalusot sa ginawa n'yang pang-aalipin sa kaibigan naming allergic yata sa babae. Si tita Irish lang ang nakakahawak sa kanya sa totoo lang.

"Well masyadong mahaba 'yang talambuhay n'ya Boss kung babasahin mo. Kung ang gusto mo lang namang malaman ay kung bakit s'ya nandito. Pwede kong ikwento na lang, pero sisimulan ko pa rin ang lahat sa umpisa, "

Saglit na natigilan sa ginagawang pagbabasa si Iker. Maya-maya ay ibinaba na n'ya ang folder na hawak n'ya saka tumingin kay Zeus na maligayang-maligaya namang nagsimula sa pagkukwento.

"Pagkapanganak na pagkapanganak ng nanay ni Delaila sa kanya, iniwanan na s'ya kaagad sa lola nya--"

"Wait, Delaila talaga ang pangalan n'ya?" Hindi ko mapigilang sumingit sa pagsasalita ni Zeus. The fudge! Ang dami-dami namang pangalan na pwedeng ibigay sa kanya bakit Delaila?

"Yes, may kopya ako ng birth certificate n'ya, gusto mo makita?"

"Huwag ka ngang sumingit!" Asar na binatukan na naman ako ni Jaire na nakatayo sa may likuran ko. "Continue, continue,"

"Well, lola n'ya ang nagbigay nang pangalan sa kanya. Demetria ang pangalan ng kanyang lola at Maria Delaila ang ibinigay n'yang pangalan sa kauna-unahan n'yang apo----,"

Napahinto na naman sa pagsasalita si Zeus dahil hindi ko na mapigilan ang paghagalpak ng tawa. Deym! At naisipan pa talagang samahan ng Maria ang pangalang Delaila. Hahaha!

Napailing na lang si Zeus nang huminto ako sa pagtawa. "Ipabasa na lang kaya natin kay Boss ang report ko?"

"Noooo! Ikwento mo na!" Gusto ko na tuloy sakalin ang sarili ko dahil sa pagiging eskandaloso. Kapag nagsimula pa naman sa pagkukwento itong si Zeus ayaw ng inaabala.

"So ayun. Pagkatapos s'yang isilang hindi na nagpakita pa sa kanila ang nanay ni Delaila. Lumaki s'ya sa lola n'ya kaya mahal na mahal n'ya ito. Noong isang taon 3 months after makaalis ni Boss sa bahay nila, muling nagpakita ang nanay ni Delaila. Sabi n'ya willing s'yang papag-aralin ang anak n'ya. Kaso hindi pumayag si Delaila at ipinagtabuyan s'ya paalis. Masyadong malaki ang galit n'ya sa kanyang ina. Halos lahat ng tanungin ko sa lugar na iyon kung sino ang ina n'ya, hindi nila masagot. Pero alam n'yo ba kung anong pangalan ang nabasa ko sa mother's name n'ya sa birth certificate?"

"Ano?" Curious naming tanong. May palagay ako na kilala namin ang babaeng iyon dahil hindi naman magtatanong si Zeus lalo na kung alam n'yang hindi namin kilala ang kung sino mang nanay ng Delaila na iyon.

"Wendy Santillan na asawa na ngayon ni Michael del Rosario,"

Napamulagat kaming lahat. Seryoso? Anak s'ya ng sikat na fashion designer na si Wendy del Rosario?

"But wait there's more. Wala talaga s'yang balak kilalanin si Delaila bilang anak n'ya. Wanna know why?"

Tiningnan ko ng masama si Zeus. Pabitin pa eh. Dinaig pa si Boy Abunda kung magtanong. Sarap sapakin.

"Dahil nabuo si Delaila matapos s'yang ma-rape ng tatlong kalalakihan. Hindi matanggap ni Mrs. Del Rosario na nagbunga ang ginawang pambababoy sa kanya. Ayaw n'yang ipa-abort ang batang nasa sinapupunan n'ya para hindi n'ya makalimutan ang ginawang pambababoy sa kanya nung gabing 'yun,"

What?!

"Umayos ka sa pananalita mo Zeus! Hindi mo ba kilala kung sino ang babanggain mo kung sakaling lumabas ang balitang 'yan?!" si Jaire.

Lahat kami ay kilala ang pamilya del Rosario dahil talaga namang tinatangkilik lalo na ng kanilang mga nanay ang mga gawa ni Mrs. Wendy.

"Bakit, iti-tsismis n'yo ba sa iba?" Nakataas ang kilay na tanong ni Zeus. "Kaya n'ya lang naman muling kinontak ang anak n'ya ay dahil nagkasakit ang anak nila ni Mr. del Rosario. Hindi ko na pinaimbestigahan kung ano ang sakit dahil mahigpit ang ospital na tumitingin sa kundisyon ni Wella del Rosario. Rare ang blood type n'ya at magka-blood type silang dalawa ni Delaila. Si Delaila ang naisip nilang solusyon para sa blood transfusion na kailangang gawin kay Wella monthly. Kung gusto mong malaman ang sakit n'ya Boss, kayang-kaya na ni Sky na makuha ang files ni Wella sa Ospital,"

"No need. So you mean to say, kaya nandito ngayon si Iya ay dahil sa pumayag s'yang maging blood donor?"

Lahat kami ay napatingin kay Iker. Sino naman si Iya?

"Nickname ni Delaila ang Iya." Sagot ni Zeus sa mga tanong naming hindi namin mai-voice out. "Kaya s'ya pumayag maging blood donor ay para matustusan ang pangangailangan ng lola n'ya, Boss,"

Napakunot-noo si Iker. I saw a sudden flash of concern in his eyes pero dagli din iyong nawala. I blink, baka naman guni-guni ko lang 'yun.

"So it's a give and take situation for them. Magdo-donate s'ya ng dugo sa kapatid n'ya montly. At babayaran naman s'ya ng parents ni Wella kapalit noon. Comatose ang lola ni Delaila. Naaksidente ang matanda noong pababa daw sa ilog. Nabagok ang ulo n'ya at ayaw tanggalin ng magkapatid at nag-iisang anak na babae ni lola Demetria ang life support na nakakabit sa kanya. Every month they need 15k to support her grandmother's need."

"Magkano ang bayad ng mag-asawang del Rosario kay Iya?"

"40k. And in exchange dapat palaging healthy ang mga pagkaing kinakian n'ya, bawal s'yang gunagawa ng bagay na maaaring makasama sa dugo n'ya at makaapekto sa paggaling ni Wella del Rosario,"

Natahimik kaming lahat. Hindi namin alam na masyado pa lang madrama ang buhay ng babaeng 'yun. Hindi na nakapagtatakang matapang s'ya at mukhang walang kinatatakutan.

"Sabi ng mga napagtanungan ko, Delaila is a very kind and loving granddaughter and sister. Dahil matagal ng patay ang ama n'ya, s'ya ang nagsilbing tagapagtanggol ng lola at kapatid n'ya. Do you know that at the age of ten ay nakapatay na s'ya ng malaking sawa? Proud na proud ang kapitbahay n'ya habang kinukwento n'ya ang tungkol doon. Muntik na daw matuklaw ang kapatid n'ya kaya naman hindi daw nagdalawang-isip na sumugod si Delaila,"

Kahit si Zeus ay aliw na aliw sa pagkukwento. Kaya naman pala hindi s'ya natatakot kay Iker eh. Sa sawa nga hindi nabahag ang buntot n'ya. Paano pa kay Iker na mas mukhang harmless ng konti kesa sa sawa? Sinulyapan ko si Iker. Hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman n'ya sa mga sandaling ito. Pero sa totoo lang, sa totoo lang talaga...ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpakita s'ya ng interes sa opposite sex.

"Her father's accident is not really an accident. If you want the detail, basahin mo na lang d'yan. At dahil anak s'ya sa pagkadisgrasya, hindi talaga s'ya kadugo ng kinikilala n'yang lola at kapatid. Hindi rin naman nila alam iyon alam dahil walang pinagsabihan si Mrs. del Rosario sa nangyari sa kanya. Pinagtagpi-tagpi ko lang lahat ng mga pangyayari and of course with the help of the DNA test. 99.9999 percent na magnanay silang dalawa ni Mrs. Wendy. Iyong tatay ang hindi n'yo paniniwalaan kung sino guys,"

Hindi kami makaimik. Parang nagme-mental block kami dahil sa mga pinagsasasabi ni Zeus. Mabuti na lang at kaming anim pa lang ang nasa Club. Mas magkakagulo kami kung nandito din 'yung apat na pasaway.

"Who?" Si Iker ang unang hindi nakatiis.

"With 99.9999 percent of probability, si Mr. Del Rosario,"

Halos malaglag sa sahig ang panga naming lahat dahil sa aming narinig.

Seriously?

How come?

"Ang nang-rape kay Mrs. del Rosario fifteen years ago ay sina Michael del Rosario, ang sikat na movie director na si Kiko Santos at ang sikat na celebrity Chef na si Adam Anderson. Mga laman sila ng kalye noong kabataan nila. Hindi ko alam kung paanong nakilala ni Ms. Wendy ang tatlong iyon pero after n'yang manganak lumuwas s'ya kaagad ng Maynila. Although hindi s'ya nagpalit ng pangalan, nag-ayos at nagpaganda naman s'ya ng sobra kaya halos mabaliw sa kanya ang tatlong magkakaibigan. Ito ngang si Mr. del Rosario ang nakapagpa-oo kay Ms. Wendy. At ano bang malay natin kung paano maglaro ang tadhana. Lumalabas na s'ya ang ama ni Delaila,"

Nanahimik na naman kami. Halos lahat naman ng kaso ng bawat kliyente ay pinag-uusapan namin. Walang nakakalabas sa HDC. Kung ano ang naririnig namin dito sa loob, ay nananatili lang din dito sa loob. Pero ibang kaso si Delaila Magtanggol. Hindi namin s'ya kliyente pero...

"Ano bang motibo ng nanay n'ya? She married the man who raped her?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ang tibay ng sikmura n'ya. Paano n'ya, natitiis pakisamahan ang taong nan-rape at nakabuntis sa kanya. And worse, nagkaanak pa sila ulit?

Really.

What's her motive?

Habang napapaisip ako ay napalingon ako kay Iker. Ano bang sumagi sa isipan n'ya at naisipan n'yang paimbestigahan ang babaeng 'yun?

"Masyadong masalimuot ang buhay ng girlfriend mo Boss. Panigurado, ipinapakita n'ya sa buong mundo kung gaano s'ya katapang na nilalang pero deep inside ang dami-dami n'ya sigurong sama ng loob na hindi mailabas ano?"

Tumingin ako kay Zeus. Ano bang girlfriend ang pinagsasasabi n'ya? Si Iker naman ang tiningnan ko ulit pagkatapos. Ni hindi man lang s'ya tumanggi o nagreklamo? Hindi ko na tuloy malaman kung ano ang iisipin. Tsk. Tsk. Sabagay, ano namang pakialam namin kung magkagusto si Iker sa babaeng 'yun? Wala naman kaming karapatang makialam. Hindi n'ya kami nanay at tatay o tita at tito.

"Mauna na ako Boss. Kung may tanong ka pa, basahin mo na lang ang files. Kumpleto naman 'yan eh. Don't worry, tayo lang ang nakakaalam ng impormasyong sinabi ko, "

"Hm, " tanging sagot ni Iker na hindi ko sure kung para saan. Kailangan ba talagang umuungol lang?

Nauna ng lumabas ng Club si Zeus. Maya-maya pa ay sumunod na rin si Sky. Naiwanan kaming apat na pawang nagpapakiramdaman. Hindi kumikibo si Iker habang nakatingin sa larawan ni Delaila. Marahil pitong taong gulang lang s'ya sa picture. Nakalugay ang gulo-gulo n'yang buhok at ang tamis-tamis ng pagkakangiti n'ya habang nakaupo sa maputik at maduming kalabaw.

"Tell me guys...how do I make this girl my girlfriend?"

Muntik ko nang makalimutang huminga dahil sa narinig ko.