Chereads / Hello There David / Chapter 12 - Brian

Chapter 12 - Brian

"MAGGIE . . . natatandaan mo pa ba ako?" mahinang tanong ko kay Maggie kahapon. Actually,hindi ko kasi alam kung ano'ng sasabihin ko dahil first time ulit naming magkaharap ni Maggie unlike no'ng nasa ospital siya. Ako lang ang nakatingin sa kanya, siya nakapikit.

Fresh pa rin 'yung feeling of hurt no'ng araw na she asked me to stay away from her. Ang sakit-sakit noon pero wala akong pakialam kung gaano kasakit kasi alam kong mahal ko siya. All these years hindi naman nagbago. Hindi nagtatagal ang mga relationships ko dahil alam kong siya pa rin ang hinahanap ng puso ko.

Excited ako sa kung paano niya sasagutin ang tanong ko pero masakit na mas pinili niyang 'di ako pansinin. Tapos kung makayakap kahapon kay David parang wala nang bukas. Kung hindi ko lang alam na hindi pa nakakapag-move on si David sa past relationship niya kay Minhee eh, iisipin kong may something sa kanila ni Maggie.

"Brian, what are you doing here? Nag-breakfast ka na?" Nawala sa isip kong kanina pa nga pala ako nandito sa labas ng bahay nina Maggie at Lucy. Nagbabakasakaling makikita ko si Maggie. Kahapon kasi hindi ako nagkaroon ng chance na makausap siya. Naging coward ako at mas pinili kong pigilan ang nararamdaman ko.

"Ah, Lucy. Ahmmm . . . good morning. Tatanungin ko lang kung dumaan si David dito. Hindi ko kasi siya ma-contact," pagsisinungaling ko kay Lucy. Alam ko kasing may gusto sa akin Si Lucy noon at ayoko rin namang saktan siya nang harap-harapan kapag hinanap ko si Maggie. Baka magkasamaan pa sila ng loob dahil sa akin.

"Hindi, eh. Pero for sure nasa center 'yun. First day ngayon ni Maggie. Maaga nga siyang pumasok. Mag-breakfast ka muna."

"Ahmmmm . . . hindi na. Kailangan kong makausap si David, eh. Sige, salamat. Next time na lang. Mauna na ako Lucy."

"Brian, may gagawin ka ba sa Saturday?"

"Huh? Wala naman."

"Punta tayo sa National Museum."

Nagulat ako sa pagyayaya ni Lucy. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Gaya no'ng high school. Actually nakatago pa rin yung teddy bear na bigay niya no'ng nag-confess siya sa akin. Hanggang ngayon, malakas pa rin Ang loob ni Lucy. Nakakatuwa lang na may ganoong babae. Sana gano'n din si Maggie. Sana.

"Bakit mo naman naisip na sa National Museum ako yayain?" nakangiting tanong ko.

"Ah, never mind. H'wag na lang pala. Kalimutan mo nang niyaya kita," pagbabago niya bigla.

"Ah. Alright. Sige. I'll go ahead." Nahiya pa si Lucy. Nangiti ako ulit. Kung 'di ko lang mahal si Maggie, siguro . . . never mind, that won't happen. I'm a one woman man and it's just Maggie.

WALA SI DAVID sa center which in a way made me happy. Lalo at alam kong nandito si Maggie.

Inabutan kong nakapatong ang ulo ni Maggie sa mesa at payapang natutulog. Ang ganda niyang pagmasdan. Nakakatuwa. Naalala ko tuloy noong una kong nakita si Maggie. Napaka-fragile niya at binu-bully. Kaya I felt the need to protect her. Noong una as a sister to me pero eventually, minahal ko siya nang higit pa sa isang kapatid.

Tinawagan ko si David just to let him know that I'm here and to ask permission as well. I want to savor this moment that I'm with Maggie. Habang tinititigan ko siya,I was not able to control myself. Hinaplos ko ang kaliwang pisngi niya na siyang ikinagising niya.

"Sir David? Oh . . . Brian? Ano'ng . . ." gulat na gulat na tanong niya at halatang she is not expecting to see me at all. Tumayo siya at umupo sa harapan ko kaya medyo kumabog nang kaunti ang puso ko.

"Napadaan lang ako sa center. May sasabihin lang kay David."

"Ah. Ganoon ba? Medyo masama pa 'yung pakiramdam ko kaya nakatulog ako. Pero nagpaaalam naman ako kay Sir David na I'll take a nap and he approved of this." Napa-smile ako sa explanation niya. Na-miss ko talaga 'to. Naalala ko tuloy no'ng nakita kami ng teacher namin na magkayakap sa soccer field. Wala naman kaming ginagawang masama noon. She hugged me just to congratulate me for winning the game and she did all the explanation sa teacher namin.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Bakit ka nakangisi diyan?" pagtataray ni Maggie.

"Nothing, Mags. I just remember Ms. Cuenco. Our teacher. Soccer field, remember?" At ngayon, siya na ang nakangiti. Naalala niya siguro.

"Eh, kasi naman, parang ang sama ng isip niya sa atin. We're friends. We hugged each other. Wala naman 'yun,'di ba?"

"Wala nga 'yun, parang ganito lang." Kahit ako nagulat sa ginawa ko. Bigla ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Brian"

"Just let me hug you, Mags. I miss this. Miss na talaga kita." Hindi na gumalaw pa si Maggie. And she hugged me back.

"I miss you too." Nagulat ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko, tumigil ang tibok ng puso ko.

I was about to tell her I still love her and ask her if we could start all over again nang biglang bumukas ang pinto at nilabas nito si David.

"Sir David? There's nothing going on. Brian and I are . . . are just friends." Biglang nag-explain si Maggie.

"I'm sorry Brian, I really need to talk to Maggie. And maybe you can join us. We have a big client coming and we need to work on this, Maggie." Kung hindi ko lang kaibigan 'tong Si David, baka nasapak ko na 'to. Panira ng eksena, eh.

"Okay lang, pare. I need to go na rin, eh. Will attend to a business meeting rin. Mags, I'll get your number?" Inabot ko ang phone ko kay Maggie.

"Here you go." Sabay abot ni Maggie ng phone ko. Pulang-pula siya. Na mas lalong nagpaganda sa kanya. I just can't get enough of Maggie.

"I'll call you. See you tomorrow." And I left with a joyful heart knowing that it will be a great day ahead for me.