Maggie
I WAS REALLY hesitant with Sir David's gesture of driving me to Zambales dahil nga sa boss ko siya at hindi ko pa naman siya ganoon kakilala. Malayo kaya ang Zambales. Mahigit apat na oras din ang byahe mula Manila papunta ro'n. Alam ko namang hindi ako ganoon kaganda pero mahirap na. Lalaki pa rin siya. Paano na lang kung biglang kung saan na lang mapunta ang kamay ni Sir?
Isa pa, inis pa rin ako sa kanya. Ano naman ngayon kung binili niya ko ng vitamins? Hindi ko naman siya doktor. Inaway pa rin niya ako. Pero wala akong magawa, ang tagal ko nang hindi nakikita si Lola. Ang sabi ng mga pinsan kong sina Gem, Denmar at Gbon, sakitin na raw ang lola.
Kanina nang nakita ko 'yung liwanag sa kotse ni Sir David, bigla kong naalala ang Lola. Paano kung iwan na rin niya ko? Paano kung kuhanin na rin siya ng liwanag? Alam ko namang masaya sa heaven dahil we can be with God but I think I'm not ready yet to lose my Lola. Iniwan lang ako ng nanay ko. Ayokong iwan din ako ni Lola. "Relax, Maggie. I am a good boy." Out of nowhere eh, kinausap ako ni Sir David at nakangisi pa siya. Nakakaloko talaga. Napansin niya sigurong hindi ako komportable sa pagkakaupo ko sa tabi niya. Hindi na lang ako sumagot. Eh, sa naiinis ako, eh. Ayokong makipag-usap sa kanya. Period.
"Sandali lang, ha. You stay there." Inihinto ni Sir David ang kotse at bumaba. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ibang daan kami dumaan at madilim dito. I closed my eyes and prayed, asking God to protect me from anything. Kinapa ko rin sa bag ko ang gunting ko. I better be ready.
"You can sit at the back." Binuksan ni Sir David ang pinto ng kotse at pinapalipat ako sa likod.
"So that you can sit comfortably. Don't worry, I don't mind looking like your driver because I want this. We are friends, right? So let me be your driver tonight." Okay. Pinigil ko talaga ang ngiti ko sa mga sinabi ni Sir David. Let me be your driver tonight daw? Hahahaha. Ano ako, donya? In my dreams siguro.
"Ahmmm, Sir David, I'm sorry,hindi lang ako sanay sumakay sa harap ng kotse." Bumaba ako at lumipat sa likod ng kotse. He went back to the driver's seat and turned on the stereo. At para akong kinilig lalo sa kantang tinugtog ng DJ—Chinito.
♫ Mapapansin mo ba
Kaya ang tulad ko
Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata
Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa'yo. ♫
Chinito, ang ganda nga ng mga mata ni Sir David. Pero I doubt naman na mapapansin niya ko. Pero paano nga kaya kung . . .. imposible. Imposibleng magkagusto sa akin Si Sir David. Sino ba naman ako? "We're here Maggie. This is my place." I was surprised with what I saw. Alam kong mayaman si Sir David kaya afford niya ang magandang unit pero mas pinili niya ang simple lang.
"My oma told us to live a simple life as much as possible so welcome to my simple home." He went down and opened my door. Wow, feeling prinsesa ako. "This will not take long if you will help me bake. Will get in Zambales ASAP."
"Pero Sir David, I don't know how to bake. Honestly, hindi ako magaling magluto."
"Okay lang. Your presence is enough" Ano raw? My presence is enough? Hindi nga?
"Maggie, thank you. Thank you for accepting my friendship. It means a lot to me." Nakakatunaw ang mga titig ni Sir David. Feeling ko ako na ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
"Thank you too, Sir David." Eh, ano pa ba ang sasabihin ko, 'di ba?
"Your phone is ringing, Maggie. Maybe that's Lucy." Sabay turo niya sa bag ko. Panira ng momentum naman si best.
"Friendship, really sorry I was not able to call right away. Don't worry about me. I'm with Sir David."
"Maggie, I'll try to go to Zambales. I want to see you." Si Brian. Magkasama sila ni best? Pero, bakit?