Chereads / Hello There David / Chapter 14 - Maggie

Chapter 14 - Maggie

IT'S PAST 8PM but I am still here in front of the computer. Pakiramdam ko nga ako si superwoman sa dami ng pinagawa sa akin ni Sir David. Aba, talagang I need to take vitamins after naming kumain ng pizza dahil he left me with ten things to do. Imagine that! Wow, I am not complaining it's just that I don't think it's fair. Yes, he is the boss here but he should set an example, right? Sana sinasamahan niya ako rito,'di ba? But thank God, I have accomplished all the things that he asked me to do. Hindi ako gano'n kagaling na tao pero I'm determined to do the things I set my heart into. After all, God has entrusted me with things that He knows I am capable of doing. Hindi ako susuko. Nasa dugo ko ang dugo ni Gabriella Silang, lalaban 'to.

Binasa ko ulit ang aking things to do. And was surprised to see that I didn't close everything. 9 over 10 lang pala ang nagawa ko. Hindi ko pa nagagawa 'yung pang 10. Patay. Paano 'to? Siguro karapatan ko namang umuwi,'di ba? Magpapaalam na 'ko.

Ite-text ko na sana si Sir David nang bigla siyang tumawag. Wow. As in wow. Naalala niya akong tawagan. Ano na naman kaya ang idadagdag ng boss ko?

"Did you take your vitamins?"

"Huh? No, not yet. I have not gone to the drugstore. I'll just buy later."

"What do you mean? You didn't see the vitamins in the small paper bag? I think I placed that . . . oh,. I'm sorry I forgot, I placed that on my table. You can just get it tomorrow." Ano siya, tatay ko? Worry much lang ang peg? Well, libre naman siguro 'tong vitamins na 'to? Kukuhanin ko na lang.

"Sir, I'll just get it now. Libre mo naman 'to siguro,'di ba?"

"Wait, it's past 8pm, are you telling me you're still in the center?" Medyo tumaas ang boses niya. Eh, sorry, ha. Kung mabagal akong magtrabaho.

"Sir, I'm so sorry if I am not a fast worker. I just can't do all the 10 things that you asked me to do," pagpoprotesta at sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Look, please. Next time, please think. The list is a guide for you. It's not meant to be done in one day!" Aba, naghahamon yata ng away 'tong si Sir David, ah.

"So Sir, are you firing me now?"

"Look, Maggie . . ."

Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin niya at binaba ko na ang phone. Hindi niya ko kailangang sigawan dahil may puso rin akong nasasaktan!

Inayos ko ang gamit ko at naglagay ng kaunting powder sa mukha dahil baka ma-meet ko ang Prince Charming ko sa kalsada. Pinatay ko ang mga ilaw at nagpaalam kay Manong guard. Pasakay na sana ako nang tricycle nang may bumusina sa aking kotse.

And with the bright light coming from the car, a realization just hit me. Boom!