Chereads / Hello There David / Chapter 13 - Maggie

Chapter 13 - Maggie

WALA KAMING IMIKAN ni Sir David mula nang umalis si Brian. Tahimik lang kami at hindi kami nag-uusap. Awkward nga kasi hindi ko alam kung ano ang iniisip niya tungkol sa amin ni Brian. Nakatingin lang ako sa kisame at siya naman, hindi ko alam kung saan siya nakatingin kasi hindi naman ako makatingin sa kanya dahil nahihiya nga ako.

Panira lang talaga ang tiyan ko dahil sumingit na naman siya sa eksena. Napalakas ang tunog nito at halatang nagrerekalamo na.Nakita kong napangiti si Sir David. Kahit kailan talaga, 'yung tiyan ko pahamak.

"I guess you better eat. I bought their best seller." Ang ganda ng smile ni Sir David, parang busog na 'ko kahit hindi na 'ko kumain ng favorite kong pizza. Solve na, eh.

"I'm sorry about earlier, Brian and I are just friends so don't think that . . ." Hindi ko na natapos pa ang explanation ko dahil bigla na siyang sumingit.

"Look Maggie, I don't care about your personal life. We're here to work. So you don't need to explain." Galit ba sa akin si Sir David?Nag-sorry na naman ako, ah.Ang tindi. Mahirap kaya mag-sorry lalo pa at alam kong wala naman akong kasalanan sa kanya.

"Ang yabang naman."

Hala, 'di nga? Nasabi ko 'yun? Ako ba talaga 'yong nagsalita?

"What did you say? Ako, mayabang?" iritable niyang tanong. Patay na. Ano'ng sasabihin ko?! Kailangan kong mag-isip nang mabuti.

"No, didn't say that! Ang sabi ko lang may garlic ang pizza. Ba-wang," with fingers crossed, I replied, hoping that he'll buy my alibi.

"Look, I'm not mad at you. It's just that next time, I want you to prioritize your work when you're here. Please try to transcend your personal needs. Is that clear?"

"Ahm . . . yes, clear."

"So, kayo nga ni Brian?" Nagulat ako sa tanong niya at hindi agad nakasagot.

"Brian is a good person, he is my friend so I don't see anything wrong if you are together." Hindi nga kami ni Brian. Ang kulit naman nito ni Sir. Hampasin ko kaya 'to ng pizza. Pero h'wag na lang, sayang din.

"We are not what you think, Sir. We're friends gaya ng sabi ko. Friends lang kami." Itinaas ko pa ang kamay ko na parang nagpapanatang makabayan.

"Alright. Friends then. But you have a past?"

Saan ba talaga pupunta ang usapang 'to? Paki-explain. Nasa Showbiz Balita ba ako at wala sa center?

"It's okay if you don't want to answer. Let's just eat this so we can start working. Marami tayong dapat gawin." Tumalikod siya at iniwan akong nakanganga, literally. At nang susubo na ako ulit ng second slice ng pizza ko eh, may bigla akong nakitang flash. Kinuhanan ako ng picture ni Sir David? Nakanganga at may pizza na nakasaksak sa bunganga ko. Ang saklap.

"Ano'ng gusto mong gawin diyan sa picture ko!? Delete that,Sir David!"

"No. Kapag hindi ko nagustuhan ang work habits mo, kakalat 'to sa internet. And I'm serious about this."

"What?"

"Sige na, kumain ka pa. And don't forget to take your vitamins after, ha."

"Vitamins,Sir David?"

"Ah . . . oo . . . para lagi kang malakas at hindi sakitin. Ayoko ng empleyadong sakitin." Kumindat siya at umalis ulit.