Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 6 - Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 5

Chapter 6 - Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 5

DAYS had past at medyo nakapag-adjust na rin si Laine sa buhay nya sa probinsya.Malaki ang naitulong ng pagpunta-punta sa kanila ng pinsan at kababata na si Candy.

Nang araw na yon ay may kasama itong kaibigan at pinakilala sa kanya..

" Hi!insan!may kasama ako si Rina, kaibigan ko at dun lang sya nakatira malapit sa amin, yung malaking bahay na nadadaanan dyan paglabas". tukoy ni Candy sa kanya dun sa kasama nito na tantya nya ay matanda sa kanila ng dalawang taon.

" Rina, pinsan ko si Laine, yung madalas kong ikwento sayo nun."

" Hello!Laine, nice to meet you, totoo pala ang kinukwento ni Candy na maganda ka." sabi ni Rina.

" Naku talaga tong si Candy kung ano- ano na naman kinukwento,binebenta na yata ako nyan eh"..biro nya.

" Grabe ka talaga insan, nagsasabi lang naman ako ng totoo, anong binebenta ka dyan!" reklamo ni Candy.

" Sige na nga, high blood kana naman eh, hahaha"...ayon nya.

" Nakakatuwa naman kayong dalawa" singit ni Rina.." Dapat pala Kends sinama natin ang barkada para nakilala rin nila si Laine "...dagdag pa ni Rina.

" Oo nga ano, sige next time isasama natin sila, kaya Laine maghanda ka ng maraming meryenda pag lumusob yung mga yun"...si Candy yun habang ngumunguya ng Chicken pie na gawa mismo ni Laine.

" Oo ba! No problem "...sagot nya.

" Ikaw ba talaga gumawa ng Chicken pie na to? Ang sarap ah" tanong ni Rina.

" Yap!"

" Ang galing mo naman insan, bata ka pa marunong ka ng magluto"...sabi ni Candy.

" Dalawang summer kaya nila ako ini-enrolled sa cooking school, nung una filipino dish then yung nakaraan baking class naman, may balak yata silang magtayo ng restaurant at ako ang gagawin nilang kusinera"...natatawa nyang sabi.

" Atleast marunong kana, hindi ka magugutom kung sakali, hindi tulad namin prito lang sunog pa,hahaha.".

masayang sabi ni Rina.

Ilang oras din silang nagkwentuhan bago nagpaalam ang dalawa.Nangako ang mga ito na dadalasan ang pagpunta sa kanya at kung may pagkakataon ay ipapasyal sya para maging pamilyar sya sa mga lugar dun.Alam nya, na yun na ang simula ng isang magandang pagkakaibigan na mabubuo sa pagitan nilang tatlo...

ISANG hapon nagyaya ang mommy nya na mamili ng ilang gamit na kulang sa bahay nila...

" Baby, let's go shopping, may mga kitchen utensils akong kailangan bilhin,wanna go out?" tanong ni mom.

" Mom, I don't feel like going out today, kayo na lang nila dad at mga brothers ko." sagot nya.

" You sure?" ask mom.

" Yap! Uwian nyo na lang po ako ng siomai."

" Ok anak"...

Pagkaalis ng mga magulang at mga kapatid nya ay naisipan nyang maglinis sa harap ng gate nila..inalis nya ang mga natuyong dahon sa flower box at winalis ang harapan nila ng biglang...

BLAG!

" Ay palaka!"sigaw nya dahil nagulat sya ng muntik na syang tamaan ng kung sinong Poncio Pilato na naka bike na sumemplang malapit sa bakod nila.

" Naku naman, kuya magdahan- dahan ka naman kasi, paano kung nabunggo mo ako eh di nasaktan ako and worst baka nabagok pa ulo ko tapos dadalhin pa ako sa ospital, eh ayoko pa naman ang ospital, ayokong makakita ng mga taong may sakit na nasasaktan,ayoko ng mga gamit nila dun, I don't like the smell of the hospital basta ayoko dun, AYAW KO!

litanya ni Laine sa lalaking nakatalikod sa kanya na nag- aayos ng bike nito.

" At isa pa, ang daming pwedeng pagsemplangan dyan oh, dito ka pa talaga malapit sa akin sumemplang kung di ka ba naman..... " naputol ang sasabihin nya ng biglang humarap ang lalaki.

" O ano miss tapos kana ba sa litanya mo!" sabi ng lalaki.

Natulala na lang si Laine ng makita nya ang mukha nito....

OMG!

A/N Simula na ng pagkikita ng dalawang bida.Ano kaya ang mangyayari sa susunod? Abangan nyo na lang po...:-)