Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 12 - Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 11 Ang Pangalawang Engkwentro

Chapter 12 - Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 11 Ang Pangalawang Engkwentro

NAGULAT kami ni Tita Bining ng pumasok sa kusina ang hudyo, tatawa-tawa pa na akala mo nakakaloko, sarap sampilungin ang gwapong mukha ng hudas.

Nagtataka si Tita Bining sa reaksyon naming dalawa ng anak nya.

" Anong meron? Magkakilala na ba kayong dalawa?" nagtatakang tanong nya sa amin.

" Hindi po!" sabay pa naming sagot.

" Eh bakit ganyan ang asta nyo?"tanong ulit ni Tita.

Walang sumasagot sa aming dalawa sa tanong ni Tita.Paano ko ba sasabihin na dalawang beses na kaming nagka- engkwentro nitong mokong na to eh ni hindi pa kami na- introduced formally, ngayon ko nga lang nalaman na anak nya tong hudyong ito.I doubt kung alam rin nito na anak ako ng kumare ng nanay nya.Naputol ang pag- iisip ko sa sasabihin ko sana kay Tita ng bigla syang magsalita.

" Laine, ito yung bunso kong anak na si Nhel", pakilala sa akin ni Tita sa anak nya.

So, ito pala ang famous Nhel na madalas ikwento ng mga kaibigan ko at special someone ni Lovie.Kaya naman pala hindi kami komportable ni Lovie sa isat- isa, we have something in common..hahaha..charut lang..ang harot ko lang.

" At anak, ito naman si Laine, ang panganay nila Tita Paz at Tito Franz mo." si tita uli.

" Ah opo ma, kilala ko na sya." sabi nung hudas.

Nagulat naman si Tita sa sinabi ng anak nya.

" Saan at paano mo sya nakilala anak eh ngayon lang sya pumunta dito sa atin at hindi ka pa rin namin naisasama dun sa kanila?" gulat na tanong ni tita.

" Di ba ma may nabanggit po ako sa inyo na may nakita akong nagwawalis sa labas ng bakod nila Tita Paz weeks ago?

" Ah oo nga, nagkakilala na ba kayong dalawa nun?" tanong ni Tita Bining.

" Hindi pa po tita." singit kong bigla.

mahirap na, baka kung ano pa sabihin nitong mokong na to.

" Ngayong naipakilala ko na kayo sa isat- isa, sana maging magkaibigan din kayo katulad namin kasi matagal na kaming magkakaibigan ng parents ni Laine."

sabi ni Tita Bining sa amin.

" Naku! sana nga po ma, eh ang taray nyan at parang armalite pa ang bibig!" sabi ng mokong.

Sabi ko na eh magsasalita na naman to.Teka nga hindi ako magpapatalo dito sa hudas na to, armalite pala ha!

" Eh sino ba ang ubod ng yabang na akala mo pag- aari ang kalsada eh sumemplang naman at lumalaki na ang muscles sa sobrang pagbubuhat ng sariling bangko?Naku kung hindi ka lang anak ni Tita Bining baka nasampilong ko na yang pagmumukha mo.Armalite pala ha? You think we can be good friends huh?In dreams, yes, maybe in your dreams coz you definitely know how to ruin my day." walang preno kong sabi.

" Tita Bining sige po uwi na ako." paalam ko sabay martsa palabas ng bahay nila.Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni tita dahil naiwan silang tulala na mag- ina.Sa bilis ba naman ng bibig ko pag naiinis ako, swerte na lang kung may maka singit pa.Kung bakit naman kasi sa tuwing magkikita kami ng mokong na yun hindi maiiwasan ang hindi magbangayan. In fairness, nakakapagod din ha.

Pagdating ko sa amin medyo kumalma na ako, mahirap na baka mag-usisa pa sila mommy.Pero alam kong one of this days malalaman din nila yung nangyari pag nagkita na sila ni Tita Bining.Haaay naku, kasi naman yung mokong na yun wala ng ginawa kundi inisin ako.

" Anak, nandyan kana pala, naihatid mo ba kila Tita Bining mo yung cassava cake?" tanong ni mommy pagpasok ko ng bahay.

" Opo mommy, natuwa naman po sya.

Sige po pasok lang ako sa room ko tawagin nyo na lang po ako pag dinner na." paalam ko kay mom.

" Sure, anak." sagot ni mom.

NANG gabing yon habang nakahiga ako sa bed ko para matulog na, naisip ko ang mga nangyari sa pagitan namin nung Nhel na yun.Hindi maganda yung first meeting namin kaya naman ganun na rin yata yung sumunod.

Ngayong alam ko na kung sino sya, kailangan ko na sigurong umiwas kahit alam kong imposible, dahil magkakaibigan ang mga parents namin.

Kailangan kong umiwas kasi hindi na maganda ang pakiramdam ko pag nakikita ko sya.Kumakalabog ang puso ko at nagpa-palpitate ako,hindi sya maganda sa kalusugan.

Hindi pa rin pwede kasi bata pa ako sa mga ganitong bagay at isa pa girlfriend nya si Lovie, mas bagay sila kasi magkasing age lang sila.Kaya madali nya akong maasar kasi nga tingin lang nya sa akin bata.

Kaya whatever feelings I have for him kailangang mawala na, mas maganda kung magiging friends na lang kami gaya nung sabi ng mama nya.Bata pa ako at wala pang karapatang ma- inlove...