Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 18 - Start of Friendship 2

Chapter 18 - Start of Friendship 2

Nhel's Point of View

KUNG ano- ano pa ang napag- usapan namin ni Laine.Nung tanungin ko sya ng mga personal questions, hindi nya raw muna sasagutin kasi bata pa sya para sa mga ganung bagay.

Hindi ko na kinulit kasi naiintindihan ko naman sya dun.Pero ako, lahat ng sinabi ko nung tungkol na sa love ang usapan namin, seryoso ako dun, yun ang prinsipyo ko.

Habang tumatagal ang pag- uusap namin lalo akong humanga sa kanya.Lahat na yata ng topic alam nya at napatunayan ko kung gaano sya katalino.Parang hindi isang  thirteen  years old ang kausap ko.Napaka matured nya na.

Masyado kaming nalibang kaya naman hindi namin namalayan na 2am na pala.Kaya nagpaalam na ako sa kanya.

" Laine,sige uwi na muna ako.Bukas na lang uli siguro.O paano,friends?"

tanong ko sabay lahad ng kamay ko.

" Of course,we're friends na." sabay abot ng kamay nya.

" Sige, good morning na!" sabi ko uli.

" Ok, morning din!" sagot nya at hinatid na ako sa gate.

Sumakay na ako sa bike.At nung paalis na ako, tinawag nya ulit ako.

" Nhel!"

" Ano?"

" Thanks ha? At ingat ka!" sabi nya sabay talikod.

Nangiti na lang ako at hanggang sa bahay ay dala ko pa rin yung ngiting yun dahil sa huling sinabi nya.Wow! Kinilig ako dun ah.

Laine's Point of View

EVERYTHING'S turned out fine between Nhel and me.At hindi ko inaasahan na after nung nangyari sa perya, pupuntahan nya pa ako sa amin ng dis oras ng gabi para magkakilala na kami ng lubusan.

Ang dami naming napag-usapan at hindi sya boring kausap,in fairness.He's smart at may prinsipyo,lalo na yung tungkol sa love na topic namin.

Ang alam ng marami,playboy sya,pero sa mga nalaman kong prinsipyo nya sa love I think, hindi ganun ang mga playboy.He has no choice, he's just trying to be a gentleman.

Nung pauwi na sya, nasabi ko ingat sya.Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun pero knowing me, talagang sweet lang akong tao, sana lang wag nya lagyan ng ibang meaning,kakahiya naman.

Sana lang umpisa na to ng magandang friendship sa pagitan namin.

Kailangan ko lang pigilan ang sarili ko na wag lumalim yung crush ko sa kanya.Paano nga ba? Mahirap yun, ang gwapo naman nya kase at ang cute nyang ngumiti at makalaglag undies pag tumitig.

At tsaka, baka ang tingin lang nya sa akin isang bata, kid sister, malamang.Kung bakit naman kasi mas maaga syang pinanganak.

Hmp! Kaka- bad trip.

Bumangon nako para mag breakfast, tanghali na, siguradong naka alis na si mommy.

Paglabas ko ng dining, nagulat ako nandun pa sila sa mesa at nag- uusap at may ibang tao silang kasalo.Tinignan ko ang wall clock, 7:30 na ah bakit parang tanghali na rin sila.

" Morning everybody!" bungad ko sa kanila sabay halik sa parents ko.

" Bakit andito ka Nhel?" tanong ko sa kasalo nila.

Oo tama po, nandito nga sya at hindi ko rin alam kung bakit.At kelan pa sya naging close sa parents ko, wala namang nababanggit sila mommy tungkol sa kanya.Teka nga, makapag interrogate nga.

Pero bago pa ako nakapag tanong, nagsalita na si daddy.

" Nagdala sya ng gatas ng kalabaw anak, yung mga gatas na nakikita mong iniinom ko every morning, siya ang nagdadala nun ngayon nga lang sya tinanghali." paliwanag ni dad.

Oh I see, meaning , matagal na pala syang nagdadala ng milk kay daddy pero bakit ngayon ko lang nalaman,meron ba akong hindi alam?Matanong nga to mamaya.

" Mukhang nag- enjoy kayo kagabi sa perya ha!" si daddy uli.

" Ah opo, sobrang dami lang po ng tao,first night kasi." sabi ko naman.

" Sumakay ka ba sa mga rides nila?

tanong naman ni mommy.

" Yes po mom!" sagot ko.

" Sumakay ka rin ba ng ferris wheel ate?" tanong ng kapatid kong si Rogen yung sumunod sa akin.

"Eh di ba nung last time na sumakay ka nun nung nasa States tayo,natakot ka?" dagdag pa nya.

Patay hindi ako makasagot, nakakahiya naman sabihin sa kanila na nagpa- hug ako kay Nhel dahil sa sobrang takot ko.Sasagot na sana ako nung magsalita si Nhel.

" Okey naman ate mo,sinamahan ko naman syang sumakay".

" Buti naman Nhel sinamahan mo si Laine, ikaw na lang ang mapagkakatiwalaan ko pagdating kay Laine, can you look after her,hijo?"

sabi ni dad.

Nagulat ako dun ah,anong meron? Si dad ipinagkakatiwala ako kay Nhel?First time to ah,at knowing dad,he's so strict kaya.

Palihim kong sinulyapan si Nhel, parang kampante lang naman sya,parang normal lang sa kanya yung sinabi ni dad.

" Okey po tito.Ako na po ang bahala kay Laine pag nasa labas kami." sagot nya kay dad.

" That's good hijo.Alam ko namang in good terms na kayo ngayon ni Laine and I'm looking forward na maging good friends kayo." si dad uli.

So alam na nya na hindi kami in good terms dati ni Nhel.Maybe Tita Bining told them already.

But that's fine, we don't need to explain, friends naman na kami ngayon.

What's done is done.Period.Start na ng bago.

And maybe,just maybe,when the right time comes,we could be into something that's more serious than friendship.

Huh! Saan nanggaling yun? Humarot na naman ang isip ko.Charut lang!

Natapos na kaming mag breakfast at nagpaalam na si Nhel.

" Tito Franz,Tita Paz, salamat po sa breakfast, una na po ako."

" Okey hijo pakisabi sa mama mo tuloy yung lakad namin bukas ha?"

bilin ni mommy sa kanya.

" Sige po." at lumakad na sya palabas.

Uminom lang ako saglit at sinundan ko sya.Inabutan ko sya, nasa may terrace na sya.

" Uy Nhel!" tawag ko.

Lumingon agad sya." Bakit?"

" Usap nga muna tayo saglit,may itatanong lang ako." sabi ko habang ginigiya ko sya paupo sa garden chair.

" Ano ba yon? Seryoso ba? Parang natatakot ako ah". sagot nyang nakangiti habang paupo na.

Shet na malagket wag ka nga ngumiti,ano ba! hindi pa ako gaanong nasasanay,may epekto pa rin eh..

" Tse! Magtatanong lang po kuya!"

" Okey, go on."

" Matagal ka na ba kilala nila daddy?Matagal ka na ba nagdadala ng milk dito?Bakit di kita nakikita nun?" sunod-sunod kong tanong.

" Whoaa! Isa-isa lang mahina kalaban!" taas pa dalawang kamay nya hanggang dibdib.

" Yung sagot sa una mong tanong,oo bata pa ako kilala na nila ako dahil nagpupunta sila sa amin yearly pag anniversary nila mama,hindi kita kilala kasi hindi ka naman nila nababanggit sa akin.

Pangalawa,si kuya talaga ang nagdadala ng gatas sa daddy mo kaya lang nag- abroad na si kuya 2 weeks ago kaya ako na ang nagdadala,hindi mo ako nakikita kasi sinadya ko yun kasi hindi pa tayo in good terms nun.Gets mo na baby?"

mahabang paliwanag nya.

Teka nga, ano raw? baby raw?

Nag blush ako dun ah!