Laine's Point of View
GABI na, nasa room ko pa rin ako.Kumatok si mommy at ng hindi ako sumagot ay pumasok na sya ng room ko.
" Baby, what happened,please tell me.I'm your best friend di ba?" sabi ni mom sa akin.
I sigh.Hindi ako naglilihim kay mommy.Tama sya, siya ang kauna-unahang best friend ko.
" Alright mom,it's about Nhel's girl.
Nagkagulo po kanina kila tita because of her wrong accusations.Mom, alam mo naman na there's nothing serious about me and Nhel.Friends lang po kami." paliwanag ko.
" I know anak.And I knew already what happened before dun kila tita mo."
" Paano po mom? Sinabi po ba ni tita Bining?" tanong ko.
" Hindi, nasa labas si Nhel kanina pa.
Gusto ka nyang makausap." sagot ni mommy.
" Mommy ayoko po muna syang makita at makausap, please po..Not now!" naluluha ko ng sabi.
Hindi kumibo si mommy at lumabas na lang ng room ko.
Umiyak na naman ako habang nakadapa sa bed ko.Nakakainis naman tong mga luhang to bakit ba napaka sipag, kahit hindi mo utusan nag- uunahan pa silang lumabas sa mga mata ko.
Nasa ganoong posisyon ako ng maramdaman kong may pumasok sa room ko at umupo sa side ng kama ko.Si mommy siguro kukulitin akong mag-dinner.
Nagulat na lang ako ng magsalita sya.
" Laine, I'm sorry!" Oh Lord! bakit pinapasok sya ni mom sa room ko?
Hindi ako kumikibo.Hinayaan ko lang syang magsalita.
" Alam mo naman kung ano ang totoo sa amin ni Lovie di ba?Hindi ko alam na ganon na pala sya ka serious kung ano ang meron kami.Alam mo rin naman kung ano ang prinsipyo ko sa love di ba? Hindi ko masabi sa kanya ang dahilan ko kung bakit hindi ko sya pinapakilala sa amin.Ayaw ko syang mapahiya at masaktan dahil may respeto ako hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng babae."
Nang hindi ako sumasagot ay nagpatuloy sya.
" Hindi ko gusto yung ginawa nya sayo kanina Laine.Kung nasaktan ka mas nasaktan ako dahil bukod sa pamilya mo mas higit kitang kilala.Hindi ka ganon at kahit kailan hindi ka magiging ganon.I'm sorry, kung dahil sa akin naakusahan ka ng hindi maganda." deadma pa rin ako,para kasing may bikig sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.
" Uy,Laine! Kausapin mo naman ako."
sabi nya habang niyuyugyog ang braso ko.
Paano ba ako haharap sa kanya kung luhaan na ako.Nagulat na lang ako nung bigla nya akong hilahin paupo at iharap sa kanya.
" Uy, wag ka namang umiyak.Lalo akong nagi- guilty nyan eh." nag-aalalang sabi nya habang pinupunasan nya ng panyo nya yung luha ko.
Iyak lang ako ng iyak.Ewan ko ba bat ayaw tumigil ng luha ko kasi naman kung ano-ano pa pinagsasabi nya eh.
" Uy,Laine ano ba!" sabi nya at bigla nya na lang akong niyakap.
Nagulat ako sa ginawa nya pero hindi pa rin ako makapag-salita.Nakaramdam ako ng ginhawa sa paghagod nya sa likod ko.
" Sorry na please.Promise hindi ka na iiyak at masasaktan ng dahil sa akin.
Ikaw ang pinaka importanteng tao sa akin at ayaw kitang makitang ganyan.Kaya please na,tumahan ka na at kausapin mo na ako."
Kinalma ko muna ang sarili ko at in- enjoy ko muna yung sarili ko sa hug nya,ang bango kaya nya noh.
Heh! saway ko sa isip kong humarot na naman.
Wala na akong nagawa kundi ang kausapin na sya.Hinarap ko na sya at tinignan ng diretso sa mga mata.
" Bakit ka ba kanina pa nagso- sorry dyan.Wala na yun, okey na ako.Naisip ko bakit ako magtatanim ng sama ng loob kung alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganung tao."
" Kahit kailan siguro hindi ako magugustuhan ni Lovie, pakiramdam kasi nya kaagaw nya ako sa atensyon mo.At kahit ipaliwanag mo pa sa kanya na friends lang tayo hindi nya yon nakikita kasi binulag na sya ng maling akala nya."
" Kaya siguro Nhel mas mabuti pa, iwasan na lang natin ang isa't isa.Mas mabuti na yung ganon para wala na lang nasasaktan." parang kinurot ang puso ko sa huling tinuran ko.
Nagulat sya sa sinabi ko.Wala syang masabi kundi nakatitig lang sya sa akin.Tila pilit ina-absorb ng utak nya yung narinig nya mula sa akin.Ilang segundo pa ang lumipas bago sya nagsalita.
" Huwag naman ganun Laine.Alam mong ikaw lang ang pinaka malapit kong kaibigan.Sayo lang ako komportable.Ikaw lang ang nakakaalam ng totoong ako."
" Ako rin naman Nhel, ganun din naman ako,bukod kay mommy ikaw lang yung kauna- unahang tao na masasabi kong best friend ko,alam mo yung moods ko at sayo lang rin ako komportable." nasasaktan ako sa nakikita kong sakit na bumalatay sa mukha nya.
" Akala mo ba madali sa akin to.Eto lang ang paraan para walang masaktan.Sa tuwing may magkakagusto sayo,gusto mo ba palagi na isipin nila na threat ako sa kanila.Unfair din naman sa akin yon!"
" Laine, hindi ko kaya! Ngayon pa na sobrang attached na ako sayo." parang naluluha na sya habang nagsasalita sya, halata sa garalgal nyang boses.
" Puwes Nhel, kung ayaw mo akong masaktan at makitang umiiyak.Kayanin mo!"