Nhel's Point of View
KINABUKASAN habang nag- aalmusal kami, tinanong ko si mama.
" Ma, nagbabakasyon ba sila Tita Paz ngayon dyan?"
" Bakit mo naman naitanong, anak?"tanong din ni mama sa akin.
" Kasi po may nakita akong dalagita na nagwawalis sa labas ng bakuran nila kahapon." sagot ko, hindi ko na binanggit yung nangyaring engkwentro namin ni miss beautiful.
" Ano itsura, maganda ba?" tanong uli ni mama na malawak ang ngiti...weird, ngayon lang yata ngumiti si mama ng ganon.
Anong meron?
" Opo ma, maganda sya at maputi na medyo mahaba ang buhok." sagot ko kay mama.
" Ah yun nga yung panganay nila ni Pareng Franz.,si Laine." sabi ni mama.
" Laine?"...tanong ko, ang ganda ng pangalan nya bagay sa kanya.
" Oo anak, si Laine. Alyanna Maine Guererro, bata pa yon mas matanda ka dun ng 3 years, malaking bulas lang kasi malaking tao ang ama, si Tito Franz mo." Oo nga halos magkasing- taas nga kami naisip ko pa.
" Dito na sila titira anak...for good,sayang kasi yung mga naiwan ng matatanda". banggit pa ni mama.
Hindi na ako kumibo at tinapos ko na lang yung almusal ko.Maghapon kong iniisip yung sinabi ni mama.Kung matanda ako ng 3 years sa kanya that means sobrang bata pa nya, pero hindi ko maiwaksi sa isip ko yung magandang mukha nya.
Sayang!
Laine's Point of View
DALAWANG araw na ang lumipas simula nung maka- engkwentro ko ang nakakaasar na lalaking yon.Ang nakakainis pa, lagi ko na lang naiisip yung gwapo nyang mukha.Ano ba ang nangyari sa akin, ang bata-bata ko pa gumagarutay na ang isip ko.Naku naman! This is not me, erase,erase,arase..kailangang iwaglit ko sya sa isip ko kundi patay ako kay daddy at kila kuya.Shet na malagket.
" Laine! Yahoo! Alyanna Maine!"
bigla akong bumalikwas sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Candy sa may gate namin.Dali-dali akong lumabas at pinapasok sya, I mean sila kasi bukod kay Rina may kasama pa silang isang babae na teen ager din at dalawang boys.
" Hi,Laine!" bati ni Rina." May kasama nga pala kami, itong dalawang boys si Wil at si Pete magkapatid sila,barkada namin at ito naman si Lovie,turo nya dun sa babae," taga Manila sya nagbabakasyon siya dito, pamangkin sya ng kapitbahay namin na si Tito Felix."pakilala ni Rina.
Nakipag-kamay sa akin yung dalawang cute boys.
" Hello, Laine! glad to meet you"...bati ni Lovie.
" Same here!" sagot ko naman.
" Taga Manila rin daw kayo?Saan sa Manila?" tanong ni Lovie sa akin.
" Actually, sa Makati kami, sa Dasmarinas Village."...sagot ko sa kanya.
" Wow! Sosyal! Pang mayaman yung place nyo ah walang- wala yung sa amin sa Tondo.Sabagay mukha ngang rich kayo, ang ganda rin nitong bahay nyo eh." sabi pa nya.
" Hindi naman,sakto lang." sabi ko naman sa kanya.
" Hay naku! Sobrang humble talaga nyang pinsan ko,Lovie, napaka down to earth." singit ni Candy.
" Sayang hindi namin naisama si Nhel" biglang singit nung cute na medyo kulot na si Pete.
" Nhel?" tanong ko naman.
" Ah yung special someone nitong si Lovie" sabat naman nung isang cute din na si Wil..
" Ewan ko ba dun, nung malaman na dito kami pupunta biglang nagkaroon daw ng lakad,ano kaya nangyari dun?!" sabi uli ni Lovie.
" Hayaan nyo na nga kung sino man yun, tara kayo dito sa dining, nag bake ako ng chocolate cake, tikman nyo".
yaya ko sa kanila.
At sabay- sabay na kaming pumunta sa dining.Kung sino man yung Nhel na yun hindi ako interesado sa kanya.
Nawala yung chance nyang matikman ang pinaka masarap na chocolate cake in the whole wide kitchen ko..hehe.