Sunod-sunod na ngayon ang sulputan ng mga bagong 'heroes' dito sa NCR, mga hero na gusto gumawa ng pangalan nila para sa sarili nila, mga gusto tumulong sa pagsugpo ng krimen at mga 'Hero' sa pangalan pero hindi pang 'Hero' ang galaw. Hindi na mawari ng mamamayan kung talaga bang tumutulong sila o nakakaperwisyo na. Habang tumatagal ay dumarami sila, at ganun din ang grupo ng masasamang loob
Sa Shop nina Rouser, Sunday @9:21 AM
"Eto na latest na list ng mga hero as of today:
1. Rouser, ikaw yan boss
2. Cloud Girl, si Claudia
3. Cable Blade, si Garry Delfina "–Jolo
"Teka, ekis sa listahan si Cable Blade…" –Jackson (Rouser)
"Ulitin ko ah, bale si Rouser, Cloud Girl tapos:
3. Master Chef
4. Mighty T
5. Pinoy Samurai
6. Badman, yan eto yung kahapon lang na pumatay sa mga kriminal" –Jolo
"Di rin sya dapat counted eh noh kasi pumatay sya?" –Kenken
"May iba pang mga hero na labas dito sa NCR, mga kasabayan nina Master Chef, sina:
7. DoggerBender, taga Rizal
8. Player 1 at Player 2, taga Rizal din at! Duo sila!
9. Bike Man, taga Tarlac
10. Macario Jr., taga Ilocos siya…" –Jolo
"Andami na pala amputa? Malamang may mga maglalabasan pa dyan… wala bang taga Visayas at Mindanao?" –Jackson
"Wala pang nababalita doon Boss, pero sa dami nyan noh… pag nagsama-sama kayo nyan para kayong 'Avengers' nyan hehehe!" –Kenken
"Okay din ako dyan sa malaking collaboration na yan… sa tingin nyo possible ba?" –Jackson
"Pwede yan boss! Dapat pangunahan nyong dalawa ni Cloud Girl!" –Kenken
"Sa susunod na yang hero gathering na yan, ang target natin ngayon… dapat mahanap natin kung nasaan si Badman…" –Jackson
"Pwede natin gawin ulit yung nagawa na natin kay Cable Blade, malagyan lang natin sya ng tracking device… syempre kailangan natin si Cloud Girl nyan?" –Jolo
"Eh paano yan pag wala sya?" –Kenken
"Paanong wala Ken?" –Jackson
"Eh diba nung nakaraan lang, nakipag tulungan sya kay Mighty T… baka lang naman—"
"Hindi yan, pag-uusapan din namin yan mamaya pagka punta ko sa kanila, train ko ulit sya mamaya. Galing nya nga eh, fast learner sya 😊" –Jackson
"Nice! HAHAHAHA!! Boto ba parents nya sayo? Yieeeeeeeeeeee!!" –Jolo
"Gago hahaha!!" –Jackson
..
..
..
..
..
Tuloy ulit ang training namin ni Rouser nang dumating siya dito, kahit ako sa sarili ko… kita ko agad na parang may maliit akong improvement. More on self-defense ang training nya sakin, less daw muna sa taekwondo. And ngayon naman, orthodox stance… boxing naman ngayon.
Eto talaga bet kong fighting style nung simula palang kaya agad akong nagpabili ng punching bag, kaso needed din magpaka versatile.
"Bilisan mo pa ng onte, ulit"
"Okay! Game!"
"Ganun ulit, left-right-duck, right-left-duck tapos yung footwork mo, aware ka dapat"
"Gagalingan ko Rou—Jackson!"
Talagang binibigay ko yung best ko dito sa training na to, para pag sa actual na scenario, mai-apply ko naman tong ganto. Natuwa si Kuya Benjo sa pinaggagagawa namin, kaya ng magpahinga kami saglet ay sya naman ang sumuot ng gloves, at si Yaya Atria naman sa boxing pads. Try daw nila hehehe! 😊
"Teka marunong ba yan si Kuya Benjo? Parang alam nya gagawin eh oh" –Jackson
"Pati nga din si Yaya eh oh. Ang cute nila panoorin…" –Ako
Then habang busy sila ay napag-usapan namin yung sa gagawin naming pag-huli kay Badman
"Ang nai-suggest pala nila Jolo at Kenken ay yung dating way kung paano natin na-locate si Cable Blade, dapat malagyan natin sya ng tracking device" –Jackson
"Basic lang yan, basta… once na may ituro tong kaulapan, pupuntahan ko kaagad. At, kailangan ko ng device na gawa nyo syempre"
"Kami na ang bahala doon"
"Pag kaya kong mahanap si Mighty T, okay lang ba na magpatulong din tayo sa kanya?" Suggestion ko,
"Wag na, kaya natin to Claudine"
"Pero may mga tauhan sya eh, nagawa nilang malaman yung location ng cybersex den kasi may mga tao sya na inuutusan nya para bantayan yung pwesto"
"Mga ilan sila?"
"Lima sila, plus sya… bale anim. Natuwa pa nga sila eh kasi tumulong ako, pag magtutulungan tayong tatlo nyan, mas mapapadali tayo"
"Sasabihan ko din muna yung mga kasamahan ko kung ayos lang ba sa kanila, maya pag uwi ko, gagawa na ulit kami ng panibagong tracking device tapos ibibigay ko sayo bukas"
"Wala nga pala tayong practice bukas, may pasok kasi kami. Saka baka magalit si Mommy nyan"
"Yeah, naintindihan ko naman Claudine"
Nang matapos sila, niyaya ni Kuya Benjo si Jackson na mag 1v1 daw sila, 3 rounds lang daw papawis lang at di naman tumanggi si Jackson sa hamon. Nag suot muna sila ng safety gear para wala gaanong sakitan.
"Panoorin mo kami ni Kuya Benjo maglaban hehehe!" –Jackson
"Para sayo to anak!" ako tinutukoy ni Kuya Benjo
SI Yaya Atria ang nag-referee sa kanilang dalawa at… unexpected ko na marunong din sya? Ako naman, tamang nood lang habang nagboboxing sila. Enjoy naman ako habang pinapanood ko sila, medyo gets ko din agad kung ano yung Orthodox saka Southpaw fighting stance.
Pero sa kalagitnaan ng laban nila ay pumorma bigla ang ulap na may tinuturong direksyon…
Ibig sabihin lang nito may nagaganap ngayon na kailangan ang tulong ko… pero sa lagay na to, di ako pwedeng tumakas.
"Ayos ba Claudine? Medyo lamang ako kay Kuya Benjo hehehe"
Di ko masabi sa kanya na nawala ako ng focus sa pag-nood sa kanila. Nang matapos yung boxing nila, yung danger indicator ay nagbago ulit ng anyo. Tapos na ata yung ganap, hindi na ata ako kailangan pa doon.
"Jack, yung ulap… may itinuro syang direksyon"
"Ibig sabihin ba nun ay, may nangyari nanamang krimen?!"
"Parang ganon na nga, pero ngayong wala… baka huli na tayo?"
"Wag mo na muna isipan yan, sana may Hero na rumesponde habang wala tayo, o sya… balik na tayo sa training ulit…"
Hindi ako matatahimik nito hanggat di nawawala sa isipan ko yung kung anong nangyari nung wala ako sa eksenang iyon. Nang matapos ang training namin, pahinga muna ng kaunti at nag-dinner na kami, dito na rin pinag-dinner ni Mommy si Rouser at hindi na nya nagawang tumanggi pa.
..
Nabalitaan namin na may panibagong insidente nanaman na kung saan ay nakasagupa ng mga pulis ang grupo nina Badman sa Navotas, dito nya idineklara na hindi sya hero. At nagawa nila ang krimen sa kadahilanang "wala lang, trip trip lang namin haha!", pahayag iyon ng isang pulis na nakaligtas sa pag-atakeng ginawa nila. Naidetlaye nya panga si Badman;
Mga nasa 5'8 ang tangkad nya, naka-leather mask na para talagang killer, puro tatoo sa braso pati daw sa leeg eh naka tatoo, naka itim siya na jacket, may baseball bat syang dala at lastly, may mga kasama din sya.
And may mga sabi-sabi rin na kagrupo ni Badman yung mga umatake dati sa Jewelry Shop sa SM Marikina, naandoon ako nun at yun yung unang beses namin magkampi ni Rouser.
Pinag-iingat nanaman ang sambayanan dahil sa kaganapang iyon. At dito na kami kailangang umaksyon ni Rouser, at ni Mighty T… sure akong aware din sya sa balita
..
..
..
..
..
Lunes ng Gabi, sa Shop nina Rouser…
"Eto na Cloud yung tracking device, alam mo na ang gagawin dyan…" –Jolo
"Yeah, magpapatrol ako mamayang 10pm kaya, uuwi na muna ako. Salamat Jolo 😊"
"Magpapatrol din ako ngayong gabi, maglilibot-libot ako sa posibleng pag-ganapan ng krimen" –Rouser
"Abang tayo nyan sa mga news channel" –Kenken
"Okay, mauna na muna ako…" [CLOUD JUMP!!]
Sana gumalaw tong ulap ngayon para ituro saakin kung nasaan si Badman, kailangan ko sya makaharap para mailagay tong ginawa nilang tracking device. Kung nag-success to kay Cable Blade, kampante ako na magsa-success din ako dito kay Badman.
Pagkabalik ko sa bahay nun ay agad akong tinawagan ni Queenie about sa reporting naming sa Science.
"Beh! Nakapag search kana nung sa report natin bukas?! Need daw pala natin gumawa ng powerpoint presentation, wala akong laptop! Okay lang ba ikaw na muna gumawa ng atin?!" –Queenie
Potek nawala sa isip kong may reporting pala kami "Ka-kaya naman! Teka pwede bang sa school nalang natin gawin—"
"Beh first subject talaga yan?! Aagahan ko din pumasok bukas para mapag-aralan ko din yang gagawin mo, don't worry kahit ako na mag-explain! Basta magawa mo lang yang powerpoint" –Queenie
Ohhhh fck! AAAAAAAAAAAAA SHET!!!
"Beh PM ko nalang sayo yung page, then ilagay mo lang yung important na parts, dapat di mahaba yung nasa slide para di nakaka-antok basahin"
"Okay boss, ako na bahala" medyo badtrip nako!
"Sige Beh, kaya natin to"
Napagawa agad ako ng irereport namin bukas, langhya first subject nga pala namin yun!
..
..
..
..
..
Habang busy si Cloud Girl sa kanilang report bukas sa school, rumoronda naman Rouser ngayong gabi, nag-aaabang, naghahanap ng pwede matulungan… pero baliktad ang naging eksena sa ngayon….
Huminto ng pansamatala si Rouser nun dahil red-light pa, sa likuran nya ay may apat na rider na magkakaiba ng motor. Sa magkabilang gilid ay tinabihan sya at mukang kakaiba ang mga tinginan nila. Hindi nya ito makilala dahil sa helmet na suot nila, pero kutob ni Rouser ay kilala sya ng mga ito.
Kung saan magtungo si Rouser ay naka-buntot ang apat na ito… At nagbago ang ihip ng hangin nang biglang…
[BANG!! BANG!! BANG!!] Tatlong beses na pinatamaan nung isang rider si Rouser at buti nalang ay walang tumama! Binilisan ni Rouser ang pag andar nya, at agad namang humabol yung apat na di pa kilalang mga rider!
[BANG!! BANG!! BANG!!] Nagpaulan din ng bala yung isa pang rider, at dito tinamaan sya sa likod at tinamaan din yung gulong ng motor nya kaya sya tumilapon at napasemplang… akala ni Rouser ay basta lang sya tatakasan ng apat na iyon, bumalik ang mga ito para harapin sya.
Kampante ang apat na rider dahil tahimik at di gaano matao yung kantong kinapupwestuhan nila.
Mabagal na nakabangon si Rouser mula sa pagkakatumba nito, pero bago pa siya makatayo ay agad siya sinugod nung apat na rider, agad tinanggal yung helmet nya at sinapak sya, pero kahit nasapak si Rouser ay agad nyang kinuha yung arnis nya saka sya nakipag laban dito,
May mga pang-hampas din na gamit yung mga rider, pero hindi iyon dahilan para sumuko sya ng basta-basta.
Pero di rin sya nakatagal dahil lugi sya sa sitwasyon nyang apat laban sa isa. Di rin dala ni Rouser yung iba nyang sandata na panglaban.
Naglabas ng baril yung isa sa kanila, pero hindi ito ipinutok sa ulo nya…
"Tara selfie muna!! HAHAHAHA!!" –
"Selfie muna bago patayin tong feeling hero na to!" –
Nagpicture silang lima, sa gitna nila si Rouser na bugbog-sarado. Pinagtawanan pa nila ito at pinagmumura.
"Okay na, pwede na natin sya pata—" biglang nakabawi sya ng suntok at atake sa kanilang apat at sabay pinagbabaril sya nung isang rider sa katawan!
Naalarma yung mga Rider nang may nagpatrol na pulis sa kantong iyon kaya agad silang tumakbo pabalik sa kani-kanilang mga motor at nagsitakas na. Hindi na nahabol ng mga pulis yung apat na rider para tingnan yung kalagayan ni Rouser. Agad silang nagtawag sa ambulansya para masagip sya. Safe na ang kapaligiran nun dahil nga sa mga pulis, at saka nagsilabasan yung mga taong witness sa nangyari, mga taong natakot tulungan si Rouser.
Malala ang lagay ng pagkakabugbog sa kanya, may isa syang tama ng baril sa tagiliran, pero nakatulong naman ng malaki yung suot nyang bulletproof vest kahit papaano. Nakarating agad ang masamang balita na iyon kina Jolo at Kenken.
Nasa hospital sina Jolo at Kenken para bantayan ang kanilang amo…
"Claudia, si Jolo to… may problema tayo" –Chat ni Jolo kay Claudine
"Sent lang oh, baka busy si Claudia?" –Kenken
"Baka kamo tulog na sya?" –Jolo
"Mahihirapan tayo neto ngayon, bale hindi lang pala si Badman ang kalaban natin ngayon?" –Kenken
"Ganun na nga…" –Jolo
..
..
..
..
..
..
..