Chereads / Cloud Girl (TAGALOG) / Chapter 31 - Chapter 31 - Cloud Girl VS. The Rider Squad

Chapter 31 - Chapter 31 - Cloud Girl VS. The Rider Squad

Masama nanaman ang gising ko ngayong linggo, di ko mabilang kung Ilang beses ko nang napanaginipan yung tungkol sa parang katapusan na daw ng mundo, tapos yung angel na bakal, saka yung misteryosong matanda… na may cloud powers din tulad ko.

Agad ipinanood saakin ni Yaya Atria yung pinaka recent lang na news… grabe, nakaka-awa.

"TAHANAN NG KILALANG BUSINESS MAN NA SI ARMANDO DE LUNA. SR, SINALAKAY NG MGA HINDI PA KILALANG MGA KAWATAN: PATAY ANG WALONG KASAMBAHAY, TATLONG ASO, AT NANAKAWAN SILA NG MAHIGIT 24 MILLION PESOS. KATAWAN NINA ARMANDO DE LUNA SR., ASAWA AT NAG-IISANG ANAK NA LALAKI, HINDI PA DIN NATATAGPUAN"

PULIS: "Medyo mahirap po ang lagay namin ngayon sa pag imbistiga dahil pinatay din po yung guard sa gate ng subdivision at pinagsisira po nila lahat ng computer na ginagamit po pang operate sa CCTV Cameras ng buong subdivision kaya po di matungoy kung sino-sino sila, yung sasakyang ginamit, at kung anong oras naganap tong krimen. By our estimate, we can say na nangyari yung crime around 3AM or 4AM, good timing para sa kanila kasi less yung rumoronda nating police saka parang wala pong heroes na active nyan"

REPORTER: "Pero diba bawal po mag-operate yung mga heroes kasi pinapahuli po sila?"

..

O diba, pati yung pulis na na-interview nila parang umaasa din saming mga hero eh, anyway. Dapat may gawin ako. Hindi ako makakapayag na nakahinto ako habang may mga taong naaapi. After ko mabalitaan yung bad news na yun, saka nag-chat saakin si Jolo na magaling na agad si Jackson pwede nang magpahinga sa bahay nila, aware na din daw sya sa paghuli sa mga hero ngayon. Sinabi ko nalang na magpahinga na muna sya, habang mainit pa ang paningin ng lahat sa mga hero.

Hawak-hawak ko ngayon yung tracking device na ginawa nila, mag-iisang linggo na to saakin at di parin nahuhuli si Badman. Dapat makagawa manlang ako ng aksyon para mapigilan sya.

Di kami nakapag-training nina Yaya at Kuya Benjo kasi pareho silang busy ngayong linggo. Kaya dito sa kwarto, pinagpapractice-san ko ulit gamitin yung kapangyarihan ko. Nakakagawa na ako ng sarili kong mga combo eh, and pinapractice ko pa yung mas mabilis at effective na Cloud Swap at Teleport. Nag-iisip din ako ng pwedeng itawag sa mga bago kong galawan… puro nalang kasi ako Cloud Blast, Ball, at Cloud Punch…

"8-Cloud Ball Teleport-Attack Combo? Ang haba… pero angas pakinggan, hehehehe"

"Shadow-Cloud Attack, okay check?"

"At last, rocket punch/choke… try ko nga gawin ulit"

Ambidextrous naman ako kaya no problem sakin kung left or right-handed talaga ako kasi I can manage naman both. Inikot-ikot ko muna yung right hand ko sabay cloud-blast ko yung kamay ko para lumipad ng parang missile. After ko mai-land yung atake ko, yung putol kong right hand ay maglalabas ng ulap at wolah! Buo na ulit kamay ko.

Yung shadow-cloud naman, magpe-phase ako sa isang kalaban non, habang formless ako or let's say na hugis ulap ako, saka ako aatake. Di nila ako masasaktan sa form na yan.

Eto yung complicated… 8-Cloud Ball Teleport-Attack Combo, maghahagis ako ng walong cloud-ball sa iba't-ibang pwesto then sa bawat cloud-ball na yon ay pwede akong mag-teleport ako sumugod, pag na-atake ko yung isang kalaban, teleport sa ibang cloud-ball at sugod ulit, or pag mababaril ako or saksak, lipat agad sa iba pang cloud-ball.

Nanood din ako ng kickboxing tutorials sa youtube tapos ginagaya ko hehehe! May magawa lang sa buhay.

..

..

Then 8 hours ago… updated na yung balita about sa insidenteng nangyari kina Armando De Luna,

"PANIBAGONG CCTV FOOTAGE SA DE LUNA RESIDENCE, HAWAK NA NG PULISYA: NASA KAPULISAN NA ANG PANIBANGONG CCTV FOOTAGE NA KUNG SAAN AY NAKA-TUTOK ITO SA PWESTO NG VAULT. KITANG-KITA DITO KUNG PAANO DINALA NG MGA KAWATAN ANG MAG-INA, HABANG SI ARMANDO NAMAN AY PINAGBUKAS NG KANILANG VAULT AT PAGKATAPOS AY BINALOT NA RIN ANG MUKA NITO AT ISINAMA NA SA MAG-INA NYA. KITANG-KITA SA CCTV FOOTAGE ANG ISANG LALAKING NAKA-MASKARA NA NATUKOY AGAD NG KAPULISAN NA SI 'BADMAN'"

..

Kitang-kita nga sya talaga… pucha, dapat may gawin nakong aksyon neto. Nakakatatlo na sya, kung totoo ngang sya yung mastermind sa pag-salakay sa Jewelry Shop sa SM Marikina last year, pero yung sa Navotas at eto ngang kagagawan nanaman nya ngayon… tangina…

Kasalukuyan na syang pinaghahahanap ng mga pulis ngayon at malaki na din ang bounty sa kanya. Mapipilitan akong lumabag sa batas ngayon kasi… grabe na sya. Para na syang si Cable Blade, actually parang mas malala pa sya kasi may mga sumusunod sa kanya… hindi man malinaw yung motibo ni Badman.

Hindi maituturo saakin ng kaulapan kung nasaan sya ngayon, sure akong hindi sya lalabas ngayon kasi mainit-init pa tong kagagawan nya.

..

..

..

..

..

(3rd Person Point of View)

Sunday, sa Navotas @10:52PM

Dahil sa umiiral na policy ngayon sa NCR na nagbabawal sa mga hero ngayon na kumilos, unti-unti nanamang tumataas ang bilang ng krimen. Parang 'opportunity' ito sa mga tulad ni Badman at iba pang gustong gumawa ng krimen. Sa grupo naman ng 'Rider Squad', isa itong pahirap sa kanila dahil di nila agad mahahanap yung mga hero na gusto nilang labanan.

Ang Rider Squad ay binubuo ng apat na myembero:

1. Raffy (Barako, 'Muscle Man' ng grupo)

2. Nards (Wave, 'Stalker' ng grupo. Taga gather ng mga data)

2. Don (Mio, tamang 'Henchman' lang sa grupo, sunud-sunuran kay Mike. Weak link nila)

4. Mike (Raider, 'Leader' nila. May di maipaliwanag na galit sa mga hero)

Magkakaiba sila ng motor, at lagi silang magkakasama na rumoronda. Although kumokontra rin naman sila sa mga masasamang loob, silang apat ay magkakasundo sa iisang inis o galit sa mga nagpapakilalang super hero sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Kasalukuyang rumoronda muli ang Rider Squad at patungo sila sa lugar ni 'Pinoy Samurai' na hindi pa rin sumusuko sa kapulisan. Pero nang makita nila ito ay hindi na ito naka-costume at mukang pauwi na sya ngayong gabi. Agad nila itong nilapitan at pinagbantaan nilang apat ang buhay nya…

"Hoy ikaw… parang di ka ata naka-bihis ngayon ha?!" –Raider

Pinagtaka ni Pinoy Samurai kung paano sya nakilala nitong mga to, wala syang ideya kung sino silang apat.

"Pano nyo nalamang ako si Samurai?!" –Samurai

"May nagsabi samin eh, alam nya secret identity mo brad, hehehe… at ngayong corner ka na samin, may kalalagyan ka na 😉" –Wave

At saka naunang sumapak ang pang malakasan nilang si Barako, agad tumumba si Samurai

"Ano napala mo sa pagpapaka-hero mo ha?! Tagapagtanggol ka nila?! Pero di mo magawang ipagtanggol sarili mo?! Inutil ka ding gago ka eh noh?!" –Raider

"Ano ba kasalanan ko sainyo?! Hindi na ako nagpapaka-hero dahil sumusunod lang ako sa batas!" –Samurai

"HAHAHAHA! Wala lang, trip lang namin pahirapan ka! Para makita ng buong Pilipinas na ang pagpapakahero ay isang malaking katangahan!!" –Raider

At sama-sama nilang binanatan si Samurai ng walang kalaban-laban, hanggang sa mapa-atras silang apat!

[SWOOOOOOOOOOOOOSHHHHHHHH!!!!!!]

"Anong nangyari?! Wala akong makita?!" –Raider

Hinahawi nila yung akala nilang usok lang, at nang mawala yung ulap na nagpapahirap sa kanila makakita…

"Si Cloud Girl?!!" –Wave

Nailipat ni Cloud Girl si Samurai sa safe na pwesto… sinubukang bumangon nito at nagsabing "Tutulungan kita Cloud Girl… ako talaga ang pakay ng apat na yan"

"Teka, sino ka ba?" –Cloud Girl

"Ako si Nagato Villanueva… Pinoy Samurai nalang itawag mo saakin" –Samurai

"Wala ako nung inatake nyong apat si Rouser… at ngayon naman dito kay Pinoy Samurai. Kaya ngayon di ko na kayo mapapalampas pa"

"Yun!! Buti nalang dumating ka! HAHAHA!! Sabay namin kayong papatayin ngayon!!!" inilabas nina Wave, at Mio yung gamit nilang baton, pero yun kay Raider parang maliit na espada ang gamit nya.

"Ammmmmmmmmm… Nagato? Tumakas kana, ako na ang bahala sa kanilang apat!"

"Pero Cloud di mo sila—!"

Ginamitan ni Cloud Girl si Samurai ng Cloud Teleportation para mailipat nya ito sa isang safe na pwesto para makatakas na sya.

"GAME!" –Cloud Girl

Nagsihampas silang tatlo pero ni-isa ay walang tumama, agad tumalon ng mataas si Cloud Girl at habang nasa ere sya ay itinaman nya na sa iba't-ibang pwesto yung Cloud Ball nya ka pagte-teleportan nya. Pagkababa nya ay una nyang sinugod si Barako gamit ang Cloud Punch! At madali nyan napatalsik ito!

"Napatumba nya si Barako ng isang suntok lang?! Pero?!" –Wave

"Hindi sya tulad nina Rouser at ni Pinoy Samurai na walang kapangyarihan!" –Raider

[SHADOW CLOUD!]

Inatake nya ng sabay sabay yung tatlo habang formless ito, kaya walang magawa yung mga atake nila dahil parang nakikipag-laban sila sa multo na nagagawang maka suntok at sipa

"Lugi tayo sa kanya! Di pa tayo nakakabawi ni-isang tama!" –Wave

"Mio, sugurin mo sya, susubukan kong atakhin siya mula sa likod, Wave puntahan mo saglet si Barako!" –Raider

"Ako na bahala! RAAAAAAAAAAAAAA!!!!" Pasugod na si Mio nang patamaan sya ni Cloud Girl kaniyang sariling rocket punch!

Sabay teleport siya sa isang Cloud Ball na ginawa nya para naman mapigilan nya si Wave sa pag tulong kay Barako. Mabilis nya nasuntok ito sa sikmura at napa-atras sya… Nilapitan nya ulit si Barako para ma-Cloud Punch nya ulit, nang gawin nya muli ito ay nawasak na ang kanyang helmet at di na ito naka-bangon agad. Kinuha ni Cloud Girl ang helmet nya at dinurog nya ito gamit ang kanyang paa.

Napahugot na ng baril sina Wave at Raider, sabay na nagteleport muli si Cloud sa isa nyang Cloud Ball para umatake sya sa gilid at likod. Hindi na nila nagawang maiputok pa ang mga baril nila dahil hindi nila alam kung saan susunod na lilitaw si Cloud Girl.

"Umatras na tayo Mike! Wala tayong laban sa kanya!" –Wave

"Hinde! Di ako makakapayag na wala manlang tayong galos na nagawa sa kanya!!" –Raider

Lumabas sa isang gilid si Cloud at isang mabilisang Cloud Punch ang itinama nya kay Wave, tumalsik sya at tumama siya sa malapit na poste. Mabilis ulit na nawala si Cloud Girl… at si Raider na lang ang natitirang nakatayo.

"Ako nalang pala ang natitira samin?!" –Raider

Sa tapat nya ay isang ulap na Cloud Girl at unti-unti tong nag-anyong tao.

"Humanda ka ngayon!!" [SHADOW CLOUD!!]

"Lumaban ka ng patas!!" Nilamon si Raider ng Shadow-Cloud Attack ni Cloud Girl, wala syang nagawa kundi saluhin lahat ng sipa at suntok nya habang hindi sya halos mahawak-hawakan!, tumumba si Raider dahil hindi nya kinaya ang isang Cloud Girl na galit….

"Hindi ka lumaban ng patas, madaya ka…" sabi ni Raider habang pinipilit nitong bumangon.

Tinapakan sya ni Cloud Girl sa likod.

"Patas ako, partida nga eh… apat pa kayo… ay apat pala kayo? Ginawa ko lang kayong punching bag!" di mapigilan ni Cloud Girl ang galit nya dito dahil…

"Para to sa ginawa nyo kay Rouser!" Sinakal nya si Raider hanggat sa mag-makaawa ito sa kanya para tumigil na. Binitawan nya din to agad.

..

Nakatayo si Cloud Girl sa gitna nilang apat apat ng mga nakahandusay, Ilang saglit lang ay may apat na drone na lumitaw, tila nawala ito sa pagka-invisible nito. Hindi alam ni Cloud kung saan galing ang mga ito, hindi nya ito pinakelaman nang biglang naglabas ito ng mga maliliit na missile…

"Drone na may rocket?! Teka anong?!—"

[SISHHHHHHH!! SISHHHHHHH!! SISHHHHHHH!! SISHHHHHHH!! SISHHHHHHH!! SISHHHHHHH!!]

Tinamaan ng missile ng mga drone yung motor nina Barako, Mio, Wave, at Raider at sumabog ang mga ito! Walang nagawa si Cloud Girl kasi maging siya ay walang ideya sa biglang naganap na iyon. Kitang-kita ni Raider ang pagsabog ng mga motor nila at napa-sigaw pa ito

"ANG MOTOR NAMIN!!!! HINDI PWEDE!!!!!!!!! HINDIIIII!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Hindi ko alam kung saan galing yang mga drone na yan?!"

Humarap kay Cloud Girl ang mga drone pero hindi ito umatake, dahan-dahan ito naging invisible. Wala nang nagawa si Raider kundi maiyak nalang sa sobrang pagka-inis sa sarili matapos silang matalo ni Cloud Girl ng walang kahirap-hirap at pinasabog pa yung mga motor nila ng mga drone, na di pa kilala kung sino ang nagco-control nito. Doble ang naging talo nila sa isang gabi.

Umalis si Cloud Girl at kontento dahil nagawa nyang makabawi sa mga bumugbog kay Rouser

..

..

..

..

..

"Kaninong mga drone yun?" –Cloud Girl