Chereads / Cloud Girl (TAGALOG) / Chapter 32 - Chapter 32 - I'll Be There

Chapter 32 - Chapter 32 - I'll Be There

Hi, it's me again! Your Cloud Girl…

Nakapag-go time din ako sa wakas after kong hindi magpaka Hero ng almost a week gawa nitong policy dito sa NCR, at may itinuro saaking ang kaulapan. I expected na si Badman na tong mapupuntahan ko kasi siya talaga pakay ko, need ko na siyang pigilan at di ko na maaantay pa si Jackson na gumaling.

Agad akong nag-cloud jump at pumunta sa itinuturo ng ulap, at doon ko nga natagpuan ang grupo ng riders na tumalo kay Rouser. At biktima nila si Pinoy Samurai…

Buti nasa kondisyon ako makipaglaban, saka gigil ako sa mga to eh… kaya nilabanan ko silang apat ng buong pwersa ko. Nagamit ko yung mga moves na pinag-praktisan ko at yung boxing moves na natutunan ko sa sparring namin nina Rouser, Kuya Benjo, at Yaya Atria.

Tinodo ko na pag-gamit ko sa Cloud Punch, tapos una kong inatake yung mukang malakas sa kanila, at saka ko sila nilabanan ng isa-isa. Di ko sila pinagbigyan na makahawak sakin, maski ni-isang atake ay di nila nagawa.

Then after kong matalo yung apat na iyon, may apat na drone na bigla nalang lumitaw at may mga rocket ito. Pinasabog ng mga drone yung motor nung mga rider, buti medyo may distance kami sa pag-sabog nung mga motor nila. Yun lang yung ginawa nung mga drone, nung humarap saakin yung drone agad kong niready yung pang cloud blast ko, akala ko aatakihin din ako pero naging invisible ito at yun siguro umuwi na. Kaya napa cloud jump na rin ako pauwi.

Bahala na yung apat na rider sa buhay nila, pero sana mahuli sila ng mga pulis.

..

Nakadating ako dito sa bahay ng 11:24PM, pagkahiga ko ay nag-call agad ako kina Rouser, o sa kung sino man sa kanilang tatlo yung gumagamit ng account. Kasi parang 'spy' yung drone na yun eh.

"Rouser? Nag-cocontrol ba kayo ng Drone dyan?" –Chat ko

Buti online yung account nila at napa-reply agad sila, si Jackson ang may hawak ngayon…

"Claudia si Jackson to, wala kaming drone na ginagamit… bakit anong nangyari?" –Jackson (Rouser)

Naikwento ko sa kanya yung naging solo-flight mission ko, na yun nga… ginantihan ko yung apat na kumag, then yung nangyari right after… pati sya nagtaka.

"May drone kami, pero pang video lang… seryoso ka? May drone na may rocket?!" –Jackson

"Oo, apat yun eh… tapos nag-invisible ng dahan-dahan tapos wala na, di ko alam kung nawala ba o ano eh…" –Ako (Cloud Girl)

"Baka may mga alien na dito sa pinas?!"

"Hindi gagoooo… parang pang spy nga eh, di ko alam kung military ba yan, or ibang tao dyan? Sayang putek. Susubukan kong ma-trace yung drones na yun sa susunod. Although nakatulong yung pagpapasabog nya sa motor nung mga kumag, pero naki-alam sila sa ginawa ko kanina eh, that's not good"

"Sabagay… parang di nakakatuwa yang ganyan"

"Malay natin, may drone na na nakabantay satin? Baka binabantayan tayong mga hero?!"

"Wala kasi yung dalawa dito eh, pero promise wala kaming ganon na drone. Parang napaka-advance nyang drone na yan. Parang hindi basta-basta yang ganyang drone dito sa pinas. Sasabihan ko yung dalawa, oo nga baka may nangba-bypass ng personal na buhay natin"

Agad ako lumipad at dito ako sa bubong ng bahay namin, sure akong tulog na ang lahat kaya gamit ang powers na meron ako, binalutan ko ng ulap yung bahay namin, just to make sure na wala yung mga invisible na drone dito. Malakas ang senses ko sa pag malapit ako sa ulap, ramdam ko pag may gumalaw sa mga ulap na nilabas ko.

Pero after ng Ilang minuto, ibinalik ko na din saakin yung ulap na nilabas ko. Mukang wala dito yung mga drone na yun. Pero kasi bakit eh, bakit? Bakit tumulong yung drone na yun sakin? Or ako lang nag-iisip na tulong yung ginawa nung nagco-control ng mga drone na iyon.

..

Nakakapagtaka lang, bat kaya hindi naibalita sa TV yung naganap na iyon kagabi noh? Nasanay lang siguro ako, pero siguro okay na din yun para hindi uminit yung mata sakin ng mga police. Here na pala ulit ako sa school at, few weeks to go finals na namin at pirmahan nanaman ng clearance. Ambilis ng panahon noh?

Dati di pako magaling… pero ngayon feeling ko pro nako sa pagiging hero noh?

Feeling lang naman… hehe.

Act normal muna ako neto, student mode. Aral muna bago magpaka-hero.

..

..

..

..

..

Meanwhile sa isang abandonadong warehouse sa Pasig

"Boss, mukang okay na yung apat na napulot natin sa kalsada kagabi" –Goons

"Mwhehehehe… pakainin nyo muna sila, isabay nyo kina Armando at sa pamilya nya" –Badman

Pinakaen ng mga tauhan ni Badman sina Barako, Mio, Raider, Wave at ang pamilya ni Armando ng sardinas. Habang sina Badman… naka Mcdo at Pizza hut ang foodtripan nila.

"Kaen lang kayo dyan, dapat malusog kayo kasi may pupuntahan tayo bukas!" –Badman

Hindi maka-kain ng maayos ang anak ni Armando dahil di siya na magkamay at kumain ng sardinas. At ininggit pa ito ng isa mga tauhan nya, habang kumakain ito ng fried chicken.

"Ano bata? Masaya ba maging mahirap? Bat di ka kumakaen dyan? Ha?!" –Goons

"Wag mong ginaganyan ang anak ko!!" kinagalit ito ni Armando, at saka ito tinutukan ng baril sa muka ni Odette

"Ang sabi ni Boss, kumain ka lang dyan!" –Odette

Sa malayo ay inoobserbahan pa din ni Badman si Odette, at mukang napapanatag na ang loob nito sa kanya.

"Odette, tawagin mo nga yung isa sa dyan sa apat na lalaking nadampot natin kagabi, gusto ko maka-usap" –Badman

..

Sa naging pag-uusap ni Badman at Raider, hinihikayat nyang sumama silang apat sa grupo nya, at nangako si Badman na agad silang kukuha ng panibagong motor para sa kanilang apat.

"Kami na ang bahala sa Motor nyo… basta sasapi kayo sa grupo ko. Gusto ko din yung galit mo sa mga hero na iyan, mga pakelamero yang mga iyan eh" –Badman

"Tinalo kami ni Cloud Girl, at may mga drone syang kasama na nagpasabog sa mga motor namin. Di ako makakapayag na doon lang magtatapos iyon! Gusto kong gumanti sa kanya!!" –Raider

"Dadating tayo dyan, kalma lang. Ipapatawag ko na yung mga kasamahan mo. Gusto ko din marinig yung panig nila…"

Inutusan muli ni Badman si Odette na papuntahin pa yung iba pang mga kasama ni Raider, at dahil sa paunlak na iyon ni Badman, madali nyang napa-payag yung iba pang kasamahan ni Raider na kumampi sa aliyansa. Pinatawag nya na rin yung iba pa nyang katiwala para pag-usapan yung kanilang 'Big Event'.

"Gagawa muli tayo ng gulo… tayo ang magiging boses ng mga pilipinong inaalipusta ng mga makapangyarihan!" –Badman

"At ngayong nasa aliyansa tayo ni Badman! Di nila tayo mapipigilan! Kahit sino pa ang magtangkang humadlang! Kahit si Cloud Girl pa yan… wala nang makakapigil pa!" –Raider

..

..

..

At dahil effective pa din ang paghuli sa mga hero na tulad namin, di ako basta-basta nakaka nakakapag-hero duty lalo na pag-maaraw. Sa news ko lang din nababalitaan na madami pa palang hero noh, hindi lang basta sina Master Chef, Mighty T at Pinoy Samurai. I broke the rule once nung nilabanan ko yung apat na rider, tumakas ako oo… pero kung magpapaka-hero ulit ako. Baka mahuli na din ako.

But I need to stop him, I must stop Badman. Alam kong ako best option ngayon since hindi makapag-hero duty sina Rouser at Mighty T, although may senador na naniniwala sa kabutihan at kakayahan ko, I should consider pa rin yung law. May mga danger indicator akong pinalampas kahit ambigat sa loob ko na hindi iyon puntahan. But on the positive side, nakapag-focus ako sa social life ko as Claudine at dito sa school.

Wednesday, here sa school. Final exams day, @1:10PM

"Amboring ng schedule ng exam natin, hanggang 5 pa ata tayo neto dito eh" –Alex

"Mag-review nalang tayo neto… need ko makabawi. Dami kong bagsak na quiz, kainis!" –Ako (Claudine)

���Claudine, andito na yung boyfriend mo?" Tinutukoy ni Queenie si Wendell

"Wendell anong ginagawa mo dito?" –Ako

"Wala lang po" –Wendell

"We'll talk later ha, we're going to have examinations today eh, our prof might be here soon" –Ako

"Sana all English-speakerist!" –Queenie

"There's no speakerist word?" –Wendell

"Okay, edi kayo na? HAHAHAHA!! Duduguin ilong ko sainyo" –Queenie

"Maya nalang Wendell ha, obey your ate Claudine, okay?" –Ako

"Okay B00mer" –Wendell

"Hoy anong boomer ka dyan?!" –Wendell

Ilang saglit lang ay dumating na nga ang isa naming prof para bigyan kami ng final exam. Nung alas tres na, nag-request kami sa prof namin na mag-break manlang kami kahit saglit lang. At nagulat kami nang magulat din si Queenie sa nakita nya sa fb.

"Eto yung mayaman na kinidnap nina Badman?! Gago naka-live ngayon oh! Oh my gosh!!" pinakita saakin ni Queenie yung live update. Inagaw ko sa kanya yung phone para makita ito ng husto.

Onting scroll ko pa sa newsfeeds ni Queenie, litaw agad yung early part ng livestream ni 'Manuelito Cortez'. Ang caption nung nagpost; ONLINE HOSTAGE TAKING, Armando De Luna Sr. at kapamilya nito hostage ngayon ni Badman aka. Manuelito Cortez.

Suot ni Badman yung mask nya; at hawak nito yung baseball bat nya;

"Magandang Tanghali! Yes! LIVE NA LIVE PO TAYO NGAYON HAHAHAHA!! So andito po sa likuran ko yung mga yayamanin noh? Etong mga taong to… sila yung ginagamit nila yung kapangyarihan nila para pahirapan ang buhay ng mga mas mabababa sa kanila. Wala silang ibang inintindi kundi magpapera at magpapera lang. Yung bahay namin dati dyan sa QC pinasunog nitong gagong to para tayuan ng palengke nya. At kaming mga siniraan nya ng buhay, halos maiwan na kami para mamatay. At ngayon, babaliktarin namin ang laro haha! Isusunod pa namin yung iba pang mayayaman dyan na masama, at mga corrupt na mga pulitiko, dito namin sisimulan kay Armando at sa pamilya nya… OO DAMAY SILA! Tulad ng pagdamay ni Armando sa ibang pamilyang mahihirap na inosente.

I-share nyo tong live namin! Para makita nyo kung paano pumatay ng tunay na salot sa lipunan! Kada-isang oras ng live, babayaran nyo kami ng isang milyon! Okay? Pag-makakabayad kayo, papalayain namin sila! Hindi ako nakikipag-gaguhan sa mga sinasabi kong to, pero pagsapit ng alas-otso, tapos wala paring magbabayad para palayain namin sila? Papatayin na namin sila okay?! HAHAHAHA! Pag-eto nireport nyo, papatayin na namin sila agad. Walanang usap-usap pa. Naandito lang kami sa Pasig sa ginagawang building dito sa Kalawaan, basta yung usapan. Hehehehe! Andito lang kami ha!" –Badman

..

At nang balikan ko yung live, nakaka dalawang oras na sila ng stream, 2 Million na ang hihingin nilang bayad nito at mukang wala parin pumupuntang pulis or kung sino mang kamag-anak nila. Dumadami na ang views ng live na to, madami galit, nalulungkot, at wala silang pake… eto pala ang motibo nya, gusto nya ng paghihiganti laban sa mga upper-class na tao….

"Claudine ayos ka lang?" –Queenie

Nagtaka ako bigla, bat di inagaw saakin ni Queenie yung phone nya habang pinapanood ko yung video…

"Puta! Dapat payagan na ng mga pulis tong mga superhero eh! Si Cloud Girl ang kailangan dyan para makaligtas sila!" –Queenie

"Oo nga eh! Kailangan gumawa tayo ng paraan para, ma-convince si Cloud Girl na lumabas! Diba Claudine?!" –Alex

..

KUNG ALAM NYO LANG!! AKO TO, SI CLOUD GIRL TONG KAKLASE NYO HUHUHUHUHHHH!

..

"Balik na tayo ng room…" yaya ko sa kanila, pero nagkatinginan muna sila bago ako sabayan.

Kaya kong maka-abot, bago mag-8PM. Eto na ang oras para makaharap ko si Badman!